You are on page 1of 4

SAINT THOMAS DEVELOPMENT OF BULACAN INC.

Km. 37 National Road PulongBuhangin, Santa Maria, Bulacan

Pangalawang Markahang Pagsusulit sa Ikalawang Kwarter

Araling Panlipunan 9

Pangalan: _______________________________________________________ Petsa: _________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________ Marka: ________

I. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

1. Tuwing kailan tumataas ang demand para sa produkto? Kapag ito ay…

a) kaalinsabay ng pagbaba ng presyo nito c) napapanahon


b) aalinsabay ng pagtaas ng presyo nito d) akma sa klima

2. Ano ang demand equation na dapat gamitin sa pagsagot ng problemang may kinalaman sa demand?

a) Qd=b-aP c) Qd=a-bP
b) Qd=P-ab d) Qd=abp

3. Alin sa mga sumusunod na mga salik ang HINDI nakaaapekto sa demand?

a) alternatibong produkto c) panahon


b) pagkamamayan d) kita

4. Kung ang pinakamataas na presyo ng isang kilo ng santol ay 70, alin sa sumusunod na equation ang
dapat gamitin upang makuha ang demand equation nito?

a) Qd=150-2P c) Qd=350-2P
b) Qd=210-2P d) Qd=140-2P

5. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagbabago ng demand ng produkto dahil sa
salik ng panahon?

a) Sa halip na bumili ng bigas na may mataas na presyo, ang pamilya ay bumili na lamang ng mais
bilang alternatibo dahil mas mura rito.
b) Tumataas ang presyo ng halo-halo kung tag-init.
c) Dahil sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, tumataas ang presyo ng mga bandila ng Pilipinas na
yari sa papel.
d) Bumibili ang guro ng pulang bolpen para sa pagwawasto ng papel sa unang buwan ng Hunyo.

II. Panuto: Ipakita ang paggalaw ng kurba ng demand ayon sa sumusunod na mga sitwasyon. Isulat sa
patlang ang salik na nakaaapekto rito at iguhit ang kurba.

1. Bumaba ang presyo ng kapote dahil mataas ang demand ng payong.


Salik:
2. Bumaba ang presyo ng atis sa panahon ng tag-araw.
Salik:

3. Tumataas ang demand sa mga damit sa mga shopping mall tuwing sumasahod ang mga
empleyado kada kinsenas.
Salik:

4. Mababa ang demand para sa mga pasalubong na mabibili sa mga shopping mall dahil mas nais
ng mga mamimili na bumili direkta sa mga pagawaan.
Salik:

5. Mataas ang demand para sa mga bolang ginagamit sa mga larong tulad ng volleyball at
basketball dahil ito ay nauuso at patok na isports sa mga kabataan.
Salik:
III. Ibigay ang hinihinging solusyon sa bawat sitwasyon sa isang papel. Iguhit ang angkop na graph
para rito sa isa pang papel. Ipakita ang solusyon.

1. Nais ng pamilya Santos na bumili ng yelo nang maramihan sa panahon ng tag-init. Upang
matugunan ang pangngailangang ito, sila ay bibili ng isang bloke ng yelo na ang pinakamataas
na halaga ay ₱50. Hanapin ang demand equation para rito at ibigay ang demand schedule at
curve.

2. Si Angelo ay nag-iipon ng perang pambili ng ballpen na gagamitin niya sa pag-aaral. Ang


pinakamataas na presyo nito na kasya sa kaniyang badyet ay ₱60. Hanapin ang demand
equation para rito at ibigay ang demand schedule at curve.

IV. Basahin ang mga sumusunod na mga sitwasyon. Tukuyin ang mga naibigay na datos, buuin ang
solusyon ng bawat isa at tukuyin kung ang demand ay elastiko, di-elastiko, o yunitaryo. Ipakita ang
solusyon.

1. Bilang traysikel drayber, nagpakarga si Mang Manuel ng 3 litro ng krudo sa presyong ₱60 bawat
litro para sa isang araw niyang pamamasada. Hanggang sa nabalitaan niya na magbaba ang presyo
ng krudo sa halagang ₱50 bawat litro kaya naman dali-dali siyang nagpakarga ng 5 na litro.

2. Nakagawian na ni Allan na bumili ng dalawang balot ng paborito niyang hopia tuwing oras ng
recess. Nagkakahalaga ang bawat balot ng ₱6 subalit noong isang araw sa kaniyang pagbili ay
sinabihan siya na ang tinapay ay ₱9 na ang bawat balot. Kaya 1 balot na lang ng hopia ang kaniyang
nabili.

3. Bibili ng patola si Aling Bebang sa palengke dahil alam niyang ₱20 ang presyo ng bawat kilo nito.
Sa presyong ito, bibili siya ng 2 kilo. Ngunit pagdating niya sa palengke ay napag-alaman niyang
tumaas ang halaga nito naging ₱40 bawat kilo. Dahil ditto, bumili na lamang siya ng 4 na kilo.

V. Isulat sa papel ang hinihingi sa bawat sitwasyon. Isulat ang buong solusyon at graph nito sa isang
hiwalay na papel.

1. Gagawa at magbebenta ng yema ang isang negosyante. Ang pinakamataas na presyo nito ay
₱35, habang ang ₱5 ay ang pinakamababa. Hanapin ang supply equation para sa dami ng kaya
niyang ibentang yema.

2. 2. Si Cassie ay isang estudyante sa high school. Nais niyang makaipon ng perang panggastos
para sa pag-aaral niya sa kolehiyo kaya naisipan niyang gumawa at magbenta ng puto.
Naghanda siya ng listahan ng halaga na ibebenta kung saan ang pinakamataas ay ₱120 para sa
isang bilao habang ₱60 ang pinakamababa. Hanapin ang supply function para sa mga halaga ng
ibebentang puto ni Cassie.

You might also like