You are on page 1of 17

9 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Ekonomiks
Ikalawang Markahan-Modyul 1
Konsepto ng Demand

Manunulat: Joemari B. Chavez

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
1
Kahulugan ng Demand
.

Alamin

Sa aralin na ito, mauunawaan mo ang konsepto ng demand.


Inaasahang maiuugnay rin ang mga gawain sa mga salik na nakakaapekto
sa demand sa iyong pang-araw –araw na pamumuhay.

Ang mga aralin na sakop sa Modyul

1. Kahulugan ng Demand
2. Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay;


1. natatalakay ang konsepto at salik na nakaapekto sa
demand sa pang-araw-araw na pamumuhay;

1.1 nalalapat ang kahulugan ng demand;


1.2 natutukoy ang salik na nakaaapekto sa demand.

Subukin

Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng may


pinakatamang sagot.

1. Ang mga mamimili ay bumibili ng mga produkto at serbisyo na


naaayon sa kanilang kakayahan base sa iba’t ibang presyong naitakda.
Ang kalagayang ito ay tinatawag na ______________.
A. demand B. pamilihan C. produksyon D. supply

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. May malaking epekto ang presyo sa dami ng produktong bibilhin ng
mga mamimili. Maliban dito, alin pang salik ang higit na nakaaapekto
sa demand ng mga tao?
A. okasyon B. kagustuhan C. ekspektasyon D. kita
3. Tuwing Pasko ang pamilya ni Jayzel ay marami ang naihahanda na
pagkain para sa Noche Buena. Bumibili rin naman ang kanyang asawa
ng bulaklak at tsokolate tuwing araw ng mga puso. Ano ang maaaring
makaapekto sa demand batay sa nabanggit na pangyayari?
A. ekspektasyon B. kita C. okasyon D. populasyon
4. Payak lamang ang kagustuhan ng isang tao kapag maliit lang ang
sahod niya. Kapag lumaki na ang sahod, inaasahang madaragdagan ang
kanyang pangangailangan. Alin sa mga sumusunod ang nag-uugnay sa
demand ng tao batay sa pangyayari?
A. Nakasalalay ito sa pagbabago ng panahon
B. Nakasalalay ito sa pagtaas ng kita.
C. Nakapagpapabago ito sa kita ng tao.
D. Nakatutulong sa pangangailangan ng tao
5. Kung masyadong mataas ang presyo ng isda dahil sa nagdaang bagyo,
inaasahang _____________.
A. dadami ang bibili nito C. kakaunti ang bibili nito
B. walang pagbabago sa bentahan D. parehong tama ang titik A at C
6. Nadaragdagan ang nagbebenta ng face mask sa palengke, kapansin-
pansin ang mababang presyo nito na siyang nakapang-aakit sa mga
mamimili para bumili nang maramihan. Ang sitwasyong ito ang
nagpapaliwanag sa batas ng demand. Alin sa mga sumusunod ang
isinasaad ng nasasabing batas?
A. Kapag tumataas ang presyo, tumataas ang suplay; kapag bumababa
ang presyo, bumababa din ang suplay.
B. Kapag presyo ng isang bilihin ay mataas, mataas din ang demand;
kapag mababa ang presyo, mababa din ang demand.
C. Marami ang demand, mababaa ang suplay; kapag mababa ang
demand, mataas ang suplay.
D. Ang presyo ng isang bilihin ay mababa, mataas ang demand; kapag
mababa ang presyo mababa ang demand.
7. Iniisip ni Nhowie na ang pagkakaroon ng pandemya ay kailangang
maging handa sa mga pangangailangan. Alin sa mga sumusunod na
salik ang makikita sa talata?
a. ekspektasyon B. kita C. populasyon D. okasyon
8. Malapit na ang birthday ni Joe, kaya pilit na nag-aalala ang kaniyang
mga kasama sa kanilng ihahandang surpresa?
A. ekspektasyon B. kagustuhan C. kita D. okasyon
9. Ang pagkakaroon ng dagdag suweldo ng mga manggagawa na tulad ni
Jhay ay makakabili na rin siya ng bagong refrigerator na mapaglalagyan
niya ng kanyang mga frozen foods.
A. okasyon B. kagustuhan C. ekspektasyon D. kita
10.Mahilig si Cez sa Hello Kitty kaya lahat ng kaniyang gamit ay may
trademark nito. Ito ay nakasaad anong salik ?
A. okasyon B. kagustuhan C. ekspektasyon D. kita

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
KAKAYANAN

PRESYO

DEMAND

Gawain

Suriin ang larawan. Sagutin ang katanungan upang mabigyang


solusyon ang kakapusan. Isulat sa mga kahon ang iyong sagot. Bigyan ng
paliwanag ang mga sagot.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan ukol sa ating paksa?

2. Saan patungo ang gear ng kagustuhan? Pababa o pataas? Magbigay


ng paliwanag kung bakit pababa o pataas ang pagikot ng gear?

3. Para kanino mo ito gagawin?

4. Alin sa mga ito ang nagtutulak sa iyo para bumili ng isang produkto?

5. Kung mawawala ang kagustuhan o kakayanan magkakaroon pa kaya


ng demand?

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan

Ang ating nakaraan ay nagiging susi sa ating kinabukasan, kaya


maaring makatulong ito sa ating mga aralin.
Gawain
EKO-scramble: Sikaping pagnilayan ang mga napag-aralang salita na
nakapaloob sa mga kahon. Bigyan ng maikling paliwanag ang mabubuong
salita

SALITA Pangungusap/Paliwanag

1 PERIANTHSP 1

2 OKPGSNAMOU 2

3 NKPDRISUOYO 3

4 MAMLIIIM 4

5 UGHKAATUSN 5

6 RTONAIORPOC 6

7 ONLYSOKAA 7

8 OYNESOG 8

9 IUNTP 9

10 E D M N A D 10

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Bigyang pansin ang mga komik strip. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng
produkto at serbisyo na kaya at handing bilhin ng isang mamimili.

Anong maari kong Masyado palang mahal ang


mabili sa 50.00 pesos? halamang nabili ko? Kulang
pa pala ako ng lupa?

Ang presyo ay may malaking bahaging ginagampanan sa pagtatakda ng


demand. Bukod sa kagustuhan, ang kakayanang bumili ng isang tao ay
siyang nakatutulong upang makamit ang isang produkto at serbisyo.
Nakaranas ka na ba ng ganitong sitwasyon?

Gawain:
A. Ekomikstrip-mo: Bumuo ng isang komik strip na nagpapakita ng mga
diyalogo. Ito ay maaring isang karanasan na may kinalaman sa pinakitang
halimbawa. Gumamit ng isang bond paper, lapis at kahit anong pangkulay
upang maging maganda ang iyong gawain. At sagutan ang mga gabay na
tanong.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Gabay na Tanong
1. Ipaliwanag ang mga nailahad sa komik strip?
2. May produkto ka bang gustong mabili? Alin rito ang iyong pinakagusto
at pinakamahal ang presyo?
3. Alin sa mga nabanggit mo ang iyong bibilhin at bakit?
4. Batay sa iyong mga sagot, ano ang kahulugan ng Demand?

Suriin

Ang Demand at Presyo ay mailalarawan sa pamamagitan ng mga


sumusunod:

Paglalarawan Paliwanag
ng Demand
at presyo
Demand Ugnayan ng presyo at demand na pinahahayag sa isang mathematical equation
Function Halimbawa : Qd = 180 – 9P
Qd = dependent variable Ipinapalagay na…
P = Price 180 = dami ng
Presyo ng Lemon kada piraso 20 pesos produkto na ayaw
Qd = 180 – 9P
bilhin
= 180 – 9(20)
= 180 – 180 9 P = ay ang
Qd = 0 pagbabago ng presyo

Ipinapakita nito na ang mga mamimili ay bibili ng isang produkto kung


mas mababa ang presyo sa 20 pesos. Maari rin silang bumili ng
alternatibong produkto ng kalamansi, pinya at iba pang prutas.
Demand Ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng isang konsyumer sa ibat
Schedule ibang alternatibong presyo sa isang takdang panahon na ipinakikita sa isang
talahanayan.

Demand schedule ng Imported na Lemon. Ito ay nagpapakita na habang


nagbabago ang presyo, nagbabago din ang bilang ng mga gusting bumili ng
produkto.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Demand Ang di tuwirang relasyon ng presyo at demand ay makikita sa isang grapikong
Curve paglalarawan.
Demand Curve ng Imported Lemons

Eko-nek ang mga paglalarawan ng demand upang masagutan ang


mga sumusunod na gawain. Ilagay sa isang papel at gawing makulay
ang ipapasang gawain.
Gawain:
A. Demand function:
Panuto: Sagutin at Ipakita ang solusyon ng pagkuha ng mga
sumusunod Quantity demand.
Hamburger buns 12.00 Softdrink 12oz 16.00 Biscuit 7.00
1. Qd = 240 – 20P 2. : Qd = 160 – 10P 3. Qd = 135 – 35P

B. Demand Schedule:

Punto Qd Presyo
A 12
B 11
C 10
D 8
E 5

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo ng demand schedule gamit ang mga datos sa unang gawain.
Qd = 240 – 20P

C. Demand curve :
Gamitin ang datos mula sa Demand Schedule at bumuo ng isang
demand curve o kurba ng demand.

Batas ng Demand (Law of Demand)

Masasabi natin na ang ugnayan ng presyo at demand ay


magkasalungat o inverted. Ang batas ng Demand ay nagsasaad na habang
ang presyo ng produkto ay mataas, kakaunti ang maghahangad na bumili
ng isang produkto o serbisyo, ngunit kung ang produkto ay mababa ang
presyo marami ang may gustong bumili nito.

Mga Salik na Paliwanag


Nakaaapekto sa
Demand
Ang pagkonsumo sa isang produkto ay naayon sa kagustuhan o panlasa
nito. Halimbawa ay ang fried chicken, kung saan sa unang pagkain nito ay
Panlasa o nadaragdagan ang kasiyahan (Marginal Utility). Ngunit kung ito ay
kagustuhan magiging araw-araw na ulam, ito ay magkakaroon ng pagbaba ng demand
(Diminishing utility). Ipinapakita nito na maaring magbago ang panlasa o
kagustuhan sa isang produkto o serbisyo sa madalas na paggamit o
pagkonsumo ng produkto
Ang kauukulang bayad sa ginawang produkto at serbisyo. Halimbawa,
Kita kapag malaki ang sahod na tinatanggap ng isang tao, malaki rin ang
kakayahan na kumonsumo ng mga pangangailangan.
Ang paglaki ng populasyon sa isang lugar ay nangangahulugang pagtaas
Dami ng tao / ng mga pangangailangan. Ang pagbabago sa demand sa produkto at
Populasyon serbisyo ay nadaragdagan kung nagkakaroon ng dagdag sa numero ng
mamimili.
Nagkakaroon ng pagbabago ang demand sa tuwing nagkakaroon ng
pagbabago sa presyo. Halimbawa, ang pagluluto ng adobo ay karaniwang
Presyo manok, kung magkakaroon ng pataas ng presyo ng manok(substitute
goods), ang mga tao ay bibili ng mas mura baboy o isda. Mayroon namang
mga produkto, tulad ng tinapay na ginagamitan ng sabay na sangkap.
Ang harina at asukal Complementary goods, kapag tumaas ang presyo
nagkakaroon ng pagtaas ng presyo at maaaring makapagpapababa ng
demand.
Ang mga pagdiriwang ng isang okasyon ay nagdudulot sa pagbabago
Okasyon ng demand. Tulad ng Pasko, tumataas ang demand sa mga sapatos, damit
at iba pang maaring panregalo.Ang bulaklak sa Valentines day ay
nagbabago ang demand kung ordinaryong araw.
Ang pagkakaroon ng mga bagyo o sakuna ay nagdudulot din ng
pagbabago sa demand. Maaring magkaroon ng panic buying kung
Ekspektasyon sakaling maganap ang nabanggit na sakuna. Ang pagkakaroon ng bagyo,
ay maaring itaas ang presyo ng isda dahil sa mahirap makahuli nito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Pagyamanin

Natatandaan pa ba ang mga Salik ng Demand? Mas madali natin


itong matutunan kung matutukoy natin ang mga iba’t ibang halimbawa
nito.

A. Demand Schedule:

Gawain:
Eko-bank. Maglagay ng mga Halimbawa ng Produkto o serbisyo na
nagbabago ang presyo sa ikalawang kolum ayon sa mga salik sa unang
kolum. Maaring maglagay ng tatlo hanggang lima bawat salik. Matapos
ito ay sagutan ang pamprosesong tanong sa ibaba.
1.
Mga Salik Halimbawa ng Produkto o serbisyo na
nagbabago ang presyo

Panlasa o Kagustuhan

Kita

Okasyon

Ekspektasyon

Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga Salik ang maari mong maisipan ng higit pang mga
produkto o serbisyo ang nagbabago? Bakit?
2. Likas sa mga Pilipino ang sumusunod sa pagtaas ng Demand tuwing
may okasyon? Ngayong may pandemic na nararanasan ang buong
mundo, papaano mo magagawan ng paraan ang pagdiriwang ng mga
mahahalagang okasyon?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

A. Gawain:
1. Ang batas ba ng demand ay laging nasusunod?
2. Maari ba nating isama sa salik na nakakaapekto sa demand
ang mga pag-uugali ng tao?
3. Magagamit ba ng mga gustong magnegosyo ang batas ng
demand kung ang ipinagbibili ay gamot na kailangan ng tao?
Ipaliwanag ?

Isagawa

Eko-sitwasyon suriin

A. Suriin ang mga sitwasyon at sabihin kung ang demand ay tataas


at bababa o mananatili. Iguhit ang ang ( )arrow –up at ( ) arrow
down sa bawat patlang.
1. ___________ Nagkaroon ng pagbaba sa produksiyon ng baboy, kaya
ang mga mamimili ay bumibili nang isda.
2. ___________ Presyo ng bisikleta ngayong may pandemya.
3. ___________ Presyo ng kandila ngayong magpapasko.
4. ___________ Serbisyo ng mga food deliveries kapag GCQ ang isang
lugar.
5. ___________ Jeep ni Mang Robert ay di na maipasada.
6. ___________ Laptop na bagong model bibilhin ni Aling Connie.
7. ___________ Mall ni Tess nababawasan ang namimili.
8. ___________ Mga faceshield ni Agnes pinagkaguluhan sa palengke.
9. ___________ Inaprubahan ang pagtaas ng suweldo ng manggagawa.
10. ___________Madaragdagan ang buwis na sinisingil kay Josephine dahil
sa bili niya ng bagong bahay.

10

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Gawain: Sa isang buong papel, bumuo ng isang maikling talata.
Bigyang pansin na ang mga sumusunod ay dapat sasagutin ang tanong
na ito.

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ideya tungkol sa demand?


2. Mahalaga ba ang Demand sa mga ginagawang desisyon bilang
estudyante?
3. Papaano ito makakatulong sa pag-papaunlad ko bilang isang
mag-aaral ng Marikina?

“Kahalagahan ng Demand, Bilang Isang Mag-aaral”.

Gamitin ang Rubrik para sa Gawain

Dimensiyon Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan


ng Pagpapabuti

4 3 2 1

Buod ng aralin Maliwanag at Maliwanag Hindi gaanong Hindi maliwanag


kumpleto ang ngunit kulang sa maliwanag at at kulang sa
pagtalakay detalye kulang sa detalye detalye

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Sa isang buong papel, Sagutan ang mga sumusunod wag kalimutang


ipakita ang solusyon.
A. (Aytem bilang 1 – 5 )Punuin ang mga datos gamit ang pormula na ito:
Demand schedule para sa kendi QD = 60 -10P

B. (Aytem bilang 6 – 10 )Bumuo ng isang demand curve gamit ang datos

Punto Qd Presyo

A 6

B 5

C 4

D 3

E 2

C. (Aytem bilang 11- 15 ) Basahin ang mga sumusunod na


pangungusap. Isulat ang sagot sa inihandang patlang.

11. __________________ Mga produkto na hindi tumataas ang demand


kahit na tumaas ang kita ng tao.
12. __________________ Produkto na tumataas kapag tumaas ang kita ng
tao.
13. __________________ Ang batas na nagpapakita ng inverse na
kaugnayan ng presyo at demand
14. __________________ Kapag ang presyo ng isang produkto ay mataas
(Marami, Kakaunti) ang maaring bumili
15. __________________Tawag sa produktong ipinapalit kung nagbabago
ang presyo ng produkto.

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
1. Eko poster:
Bumuo ng isang poster na nagpapakita ng maaring epekto ng panic
buying sa isang komunidad. Maaring gumamit ng isang bond paper o
oslo paper at mga pangkulay, (poster color, Crayola atb.pa)

2. Eko-llage:
Bumuo ng isang collage, na inyong ginamit sa pang-araw-araw Ipakita
ang pagkakahati ng mga nagbabago na salik ng demand.

Rubrik:
Pamantayan
Pagkamalikhain….................................... 50%
Pagka-orihinal………………………………… 30%
Kaugnayan sa tema………………………….. 20%
Kabuoan……………………………………….. 100%

Sanggunian
Ekonomiks .Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral unang edisyon 2015
Imperial, Antonio Dallo,Kayamanan IV(ekonomiks). Workteks para sa araling
panlipunan.) rex bookstore 2017

Balitao, Cervantes, Ong, Nolasco, Ponsaran, Rilio . Araling Panlipunan Serye:


Ekonomiks : Mga Konsepto at Aplikasyon : Manwal ng guro sa Araling Panlipunan/
Ika-apat na taon / Deped 2012

Imperial , Antonio, Samson, Dallo, Soriano. Pagbabago IV Batayang Aklat sa


Araling Panlipunan Para sa ika-apat na taon ng Mataas na Paaaralan/ / Rex
Bookstore / Deped 1999

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
14
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
Balikan
1. Partnership
2. Pagkonsumo
3. Produksiyon
4. Mamimili
5. Kagustuhan
6. corporation
7. Alokasyon
8. negosyo
9. input
10. Pangangailangan
Tayahin
Ipoproseso ng guro
Susi ng Pagwawasto
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
15
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Joemari B. Chavez

Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano


Tagaguhit: Ma. Gwendelene J. Corañez
Tagalapat: Ma. Gwendelene J. Corañez

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola

Pangalawang Tagapamanihala

Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza

Hepe – Curriculum Implementation Division

Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano

Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero

Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine C. Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like