You are on page 1of 17

9 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Ekonomiks
Ikalawang Markahan - Modyul 2
Suplay

Manunulat: Maribel De Guia Carcueva

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin

1 Suplay

Alamin

Ang modyul na ito ay gabay upang makatulong sa pagtuklas ng mga bagong


kaalaman.

Ang mga aralin na sakop ng Modyul:


A. Kahulugan ng Suplay (Supply)
B. Konsepto ng Suplay
Iskedyul ng Suplay (Supply Schedule)
Kurba ng Suplay (Supply Curve)
Supply Function
C. Mga Salik na Nakakaapekto sa Suplay

Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahan na:

1. natatalakay ang konsepto at salik na nakakaapekto sa suplay sa pang-


araw-araw na pamumuhay;
1.1 naibibigay ang kahulugan at konsepto ng suplay;
1.2 natutukoy ang mga salik na nakakaapekto sa suplay;
1.3 nailalapat ang kahulugan ng suplay sa pang araw-araw na
pamumuhay bawat pamilya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Subukin

Sa gawain na ito, mahalaga na masukat mo ang iyong antas ng kaalaman tungkol sa


konsepto ng supply, kaya ihanda mo ang sarili sa pagsagot ng panimulang pagtataya.

Basahin at unawain mabuti. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang graph ng kurba ng suplay?


A. P C. P

Q Q
B. P D. P

Q Q

2. Ang relasyon o ugnayan ng suplay sa presyo.


A. di- tuwiran B. di-magkatulad C. magkapareho D. tuwiran
3. Salik na nakakaapekto sa suplay.
A. kita B. kagustuhan C. okasyon D. presyo
4. Dami ng produkto at serbisyo na nais at handang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t
ibang presyo.
A. baratilyo B. demand C. pamilihan D. suplay
5. Kapag mataas ang presyo marami ang handang ipagbili ngunit kapag mababa ang
presyo, kakaunti ang handang ipagbili habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
A. batas ng demand C. batas ng presyo
B. batas ng suplay D. batas ng diminishing utility

Balikan
Matapos mong subukin sagutan at matukoy ang konsepto ng suplay,
ngayon naman ay sagutan mo ang ihandang gawain sa pagbabalik-tanaw
tungkol sa demand.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa .

A.Demand B. Kita C. Kurba ng Demand

D. Presyo ng magkakaugnay na produkto


E. Di-tuwiran, F. Kurba ng suplay

1. Tumaas ang presyo ng sabon panlaba A, Dumami


ang mamimili ng sabon panlaba B.

2. Salik na napapabago sa demand.

3. Ano ang ugnayan ng demand sa presyo?

4. Dami ng produkto at serbisyo na nais at handang bilhin


ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.

5. Grapikong paglalarawan ng ugnayan ng demand at presyo.

Tuklasin
Ngayon ay lilinangin mo ang iyong kaalaman tungkol sa konsepto ng
suplay bilang pang-ekonomikong gawain sa pamamagitan ng pagsusuri ng
mga larawan.

Handa ka na ba! Natatandaan mo ba ang nabasa mo sa unang modyul ang


salitang mikroekonomiks? Sakop ng mikroekonomiks ang kilos o gawi ng mga
prodyuser at ng mga mamimili sa kung anong uring produkto o suplay ang gagawin.
Kaya’t mahalagang mapag-aralan mo ang konsepto ng suplay. Masusuri mo mabuti
ang mga hakbang ng mga negosyante sa produktong pamilihan. Malalaman mo din
ang dahilan ng pagpapasya ng mga nagtitinda na dagdagan o bawasan ang kanilang
suplay sa pamilihan. Ating alamin, unawain at suriin ang mga sumusunod na
konsepto.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
Suriin

Ano ang kahulugan ng suplay (supply)?


• Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at
nais ipagbili ng mga prodyuser sa takdang panahon, lugar, at presyo.
• Ang suplay ay nagsasabi ng kahandaan at kakayahan ng isang mamimili o
konsyumer na bumili.
• Ang dami ng produkto na ipinagbibili ay nakabatay sa presyo na gusto ng
prodyuser.
• Ang kabuoang dami ng isang paninda sa isang pamilihan at isang
panahon ay tinatawag na stock o naipon paninda.

Ano ang Batas ng suplay (Law of Supply)?

• Isinasaad ng batas na ito na may tuwirang relasyon ang presyo at sa dami


ng suplay (quantity supplied), halimbawa kapag tumaas ang presyo ng
isang produkto, tumataas din ang dami ng suplay na handa at kayang
ipagbili, at kapag bumababa ang presyo ng isang produkto, bumababa din
ang dami ng suplay na handa at kayang ipagbili ng mga negosyante.

• Ibig sabihin ang mga prodyuser ay magbibigay lamang ng produkto sa


pamilihan kapag ang presyo ng produkto ay mataas. Ang presyo ng
produkto sa pamilihan ang pangunahing batayan ng mga prodyuser sa
paglikha ng produkto. Mas mahihikayat sila na gumawa ng maraming
produkto o suplay kung ang presyo ay tataas.

• Higit na marami ang nais na magbenta ng produkto kapag mataas ang


presyo

Ano ang “ceteris paribus”?

Ang “ceteris paribus” ay mula sa salitang Latin ipinapalagay na ang presyo


lamang ang salik na nakakaapekto sa dami ng suplay habang ang ibang salik ay
hindi nagbabago o nakakaapekto rito.

A. Iskedyul ng Suplay (Supply Schedule)


• Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng produkto at gustong
ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo.
Halimbawa:
Iskedyul ng Suplay para sa Baso

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Presyo (bawat piraso) Quantity Supplied (Qs)
20 40
15 30
10 20
5 10
0 0

Ang talahanayan ay Iskedyul ng Suplay ng baso sa iba’t ibang presyo.


Halimbawa sa presyong 5.00 bawat piraso ng baso ay sampu (10) lamang ang dami
ng handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa presyong 10.00 bawat piraso,
dalawampung (20) piraso ang handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Pero kung
ang presyo ay tataas pa sa 15.00 bawat piraso, tatlumpung (30) piraso ang handang
ipagbili.

Mapapansin mo na malinaw na ipinapakita na habang tumataas ang presyo


umabot sa 20.00 bawat piraso, ang dami ng suplay para sa baso ay apatnapung (40)
piraso.

Ipinapakita ang tuwirang o positibong ugnayan ng presyo sa dami ng suplay ng


baso.

B. Kurba ng Suplay (Supply Curve)


Ang kurba ng suplay ay isang grapikong representasyon na naglalarawan ng
ugnayan ng presyo at ng dami ng suplay (quantity supplied).

Makikita sa susunod na pahina ang graph ng kurba ng suplay.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
Kurba ng Suplay
25

20

15
presyo

10

0
5 10 15 20 25 30 35 40 45

Quantity Supplied (Qs) para sa Baso

Ang graph sa itaas ay batay sa Iskedyul ng Suplay para sa baso nasa


talahanayan. Ililipat sa grap ang iba’t ibang presyo mabubuo ang kurba ng suplay
para sa baso. Halimbawa sa presyo limang piso (5.00) ang dami ng baso ay sampu
(10) ang handang ipagbili ng prodyuser. Sa presyong sampu (10.00) ang dami ng
baso ay dalawampung piraso (20) ang handang ipagbili ng prodyuser. Kapag tumaas
pa ang presyo ng baso sa labin-limang piso (15.00), ang dami ng baso ay
tatlumpung piraso (30) ang handang ipagbili ng negosyante. Habang patuloy pa sa
pagtaas ng presyo ang baso sa halagang dalawampung piso (20.00) ang dami ng
suplay (quantity supplied) ay apatnapung piraso (40) ang handang ipagbili ng
prodyuser.

Malinaw na ipinapakita ng graph na habang tumataas ang presyo, ang dami


ng suplay ay tumataas din at kapag bumababa ang presyo ang dami ng suplay ay
bababa din. Ang presyo ay isang salik na nakakaapekto sa paggalaw ng kurba ng
suplay maaari itong tumaas o bumababa ang dami ng suplay, tulad ng kurba ng
suplay ng baso.

Ipinapakita ang tuwirang o positibong ugnayan ng presyo sa dami ng suplay


ng baso.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
A. Supply Function
Ang supply function ay isang matematikong paglalarawan ng ugnayan ng
presyo at dami ng suplay.
Ang supply function ay sa equation na:
Qs = c + dP

Kung saan: Qs = Quantity supplied c = intercept (ang bilang ng Qs


kung ang presyo ay 0)
⌂Qs
d = slope = ------
⌂P
Tandaan: Quantity Supplied (Qs) = Dependent Variables
Presyo (P) = Independent Variables
Ibig sabihin ang nakabatay ang Quantity Supplied (Qs) sa pagbabago ng presyo (P).
Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser.
Ang relasyon ng Presyo (P) at Quantity Supplied (Qs) ay positibo o negatibo. Ito ay
nagpapakita na ang slope ng pagbabago ng dami ng suplay ay nakadepende sa
bawat pagbabago ng presyo.

Pag-aralan ang komputasyon: Supply Function mula sa Supply Schedule para sa


baso:
Halimbawa ng equation: Qs = 0 + 2P

1. Kapag ang P = 5, ilan ang Qs =? 3. Kapag ang P = 10, ilan ang Qs


Qs = 0 + 2P Qs = 0 + 2P
Qs = 0 + 2(5) Qs = 0 + 2(10)
Qs = 0 + 10 Qs = 0 + 20
Qs = 10 pirasong baso Qs = 20 pirasong baso

2. Kapag ang P =15, Qs =?


Qs = 0 + 2P
Qs = 0 + 2(15)
Qs = 0 + 30
Qs = 30 pirasong baso

Subukan mong ikaw ang sumagot sa bilang apat (4) at lima (5).
Isulat ang sagot sa patlang.

4. Kapag ang P = 20, Qs =? 5. Kapag ang P = 25, Qs =?


Qs = 0 + 2P Qs = 0 + 2P
Qs = _______________ Qs = ______________
Qs = _______________ Qs = ______________
Qs = _______________ Qs = ______________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
Napatunayan mo na ang datos sa supply schedule, supply curve at
supply function ay iisa at ang presyo ang nakapagpabago sa dami ng suplay.
Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakakaapekto sa suplay. Ang
pagsusuri ng mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging
matalino sa paggawa ng desisyon ang mga prodyuser.

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA SUPLAY

Katayuan ng Teknolohiya – Ang dami ng suplay ay nakabatay sa


paggamit ng teknolohiya. Halimbawa kapag modernong teknolohiya ang
gagamitin ng mga prodyuser higit na makatutulong mabuti dahil
maraming mabubuong suplay ng produkto. Dahil dito maaaring
bumababa ang halaga ng produksyon na lalong hihikayat na dagdagan
ang supply.

Gastos ng mga salik sa Produksyon – Ang paggawa ng produkto ay


nangangailangan ng salik ng produksyon tulad ng lupa, kapital, paggawa
at entrepreneurship. Ang dami ng suplay ay nakabatay sa gastos ng
salik ng produksyon na nakakaapekto na sa matatamong tubo.
Halimabawa: tumaas ang sahod ng manggagawa, tumaas ang presyo ng
raw materials na kailangan upang makabuo ng produkto,
nangangahulugan na tumaas ang gastos ng salik ng produksyon na
nagiging dahilan ng negosyante upang itaas ang presyo ng kanilang
paninda.

Bilang ng mga Nagtitinda – Kadalasan ang mga prodyuser ay


nahihikayat ng magprodyus at magtinda kung ano ang nauusong
produkto. Halimbawa nauuso ang pagtitinda ng milktea, siomai marami
ang nahihikayat na magtinda ng kaparehong produkto.

Layunin ng kompanya- Ang dami ng produkto ay ayon sa layunin ng


isang kompanya, halimabawa, ang lungsod ng Marikina ay kilala sa
paggawa ng sapatos may mga prodyuser na gumagawa ng sapatos na
yari sa balat ng hayop na may mataas na presyo at gumagawa rin ng
sapatos na yari sa plastic na may mababa ang presyo. Kadalasan mas
mabilis mabili ang mga ito.

Ekspektasyon ng Presyo – Kung inaaasahan ng mga prodyuser na


tataaas ang presyo ng isang produkto sa madaling panahon may mga
nagtatago ng produkto upang maibenta ito ng mas mataas na presyo sa
hinaharap. Ang sitwasyong ito ay tinatawag na hoarding na
nagbubunga ng pagbaba ng suplay sa pamilihan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
Pagyamanin

Mahusay! Dahil natapos mong basahin ang teskto. Ngayon naman ay


suriin ang mga nabuo mong kaalaman tungkol sa suplay (supply) sa
pamamagitan ng pagsagot sa inihandang gawain.

Ilapat sa grap ang Iskedyul ng suplay para sa Tsinelas.


Iskedyul ng Suplay sa Tsinelas

Presyo (bawat pares ng tsinelas) Quantity Supplied


50 100
40 80
30 60
20 40
10 20

Kurba ng Suplay para sa Tsinelas

Sagutin ang mga sumusunod ng mga tanong.


1. Anong salik ang makapagpapataas at makapagpababa sa dami ng suplay?
____________.
2. Ano ang relasyon ng presyo sa dami ng suplay?___________________________.
3. Ipaliwanag ang batas ng suplay sa loob ng dalawang (2) pangungusap.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
Isaisip
Magaling! Dahil alam mo na ang konsepto ng suplay at mga salik nito. Ngayon ay
ihahayag mo ang mga dapat tandaan sa konsepto ng suplay.

PRESYO SUPLAY

Kapag tumaas ang presyo


tataas ang dami ng suplay, Ang suplay ay may
tuwirang o
ngunit kapag bumababa ugnayang relasyon sa presyo.
presyo bababa ang dami
ng suplay

P Qs = P Qs
Habang ang ibang salik ng suplay ay hindi nagbabago.

Maliban sa presyo may ibang salik na nakakaapekto o


nakapagbabago sa pagtaas at pagbaba ng suplay dahil sa sumusunod:

Katayuan ng Teknolohiya Ekspektasyon sa presyo

Gastos ng mga salik sa Produksyon Layunin ng kompanya

Bilang ng mga Nagtitinda

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
Isagawa
Kahanga-hanga ka! Dahil alam mo na ang konsepto ng supply at mga salik
nito. Ngayon ay pagtibayin mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng
pagsagot sa gawain ito.

Gawain: 3 in I (Isuri, I-kompyute, I-kurba Mo)


Nalalapit na ang pagsisimula ng klase sa buwan ng Oktubre kaya inaasahan ang
pagtaas ng presyo ng ballpen. Gamit ang suplay function na Qs = 0 + 10P at sa
itinakdang presyo nakapaloob sa Iskedyul ng Suplay ng ballpen. Kompyutin at
Kumpletuhin ang Iskedyul ng Suplay na magpapakita ng iyong desisyon kung ilan
ballpen ang handang mong ipagbili.
Matapos mong makumpleto ang talaan ng Iskedyul ng Suplay para sa ballpen.
Ilipat ito sa grap upang mabuo ang kurba ng suplay.
Supply Function: Qs = O + 10P
1. Kapag ang presyo ay 15.00, ilan ang Qs= _____________
2. Kapag ang presyo ay 12.00, ilan ang Qs= _____________
3. Kapag ang presyo ay 9. 00, ilan ang Qs=_____________
4. Kapag ang presyo ay 6.00, ilan ang Qs= _____________
5. Kapag ang presyo ay 3.00, ilan ang Qs= _____________

Iskedyul ng Suplay para sa Ballpen Kurba ng Suplay


P
Presyo (P) Quantity
Bawat piraso ng Supplied (Qs)
Ballpen

Php 15_______________________
12_______________________
9_______________________
6_______________________
3_______________________

0 Qs

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
Tayahin
Binabati kita! Dahil mahusay mong natapos ang mga inihandang gawain.
Ngayon ay mahalagang sagutin mo ang pagsusulit na ito.

Isulat sa ang mga sumusunod na simbolo kaugnay ng mga pahayag.

S – Tataas ang Suplay S – Bababa ang Suplay

1. Nakatuklas ng makabagong teknolohiya para sa agrikultura.

2. Nagbigay ng subsidiya ang pamahalaan para sa mga magsasaka.

3. Patuloy pa rin ang paggamit ng makalumang pamamaraan sa pagtatanim


ng palay ng maraming magsasaka.

4. Nauuso ang produktong Milktea kaya maraming nahikayat na magtinda nito.

5. Nasalanta ng bagyo ang tanim sa Gitnang Luzon.

Isulat sa ang letra ng mga sumusunod na pahayag.

A.Suplay B. Presyo C. Kurba D. Batas ng Suplay E. Iskedyul F. Demand

1. Dami ng panustos o produkto na handang ipagbili sa iba’t ibang presyo.

2. Inilalarawan sa talahanayan ang ugnayan o relasyon ng presyo sa suplay.

3. Halaga ng produkto at serbisyo.

4. Inilalarawan ang ugnayan o relasyon ng presyo sa produkto sa pamamagitan ng


grapikong representasyon.
5. Kapag may pagbabago sa presyo ay may kaukulang pagbabago sa dami ng
produkto o panustos.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
12
Karagdagang Gawain

Katangi-tangi ang sipag at tiyaga mo dahil higit mong napalalim


ang iyong kaalaman. Kaya’t simula mo ang pagsagot sa gawain na ito.
Pumili ng isa hanay at ilagay ang sagot sa iyong kwaderno.

Pumili ng isang hanay ng mga produkto. Sagutin ang tanong sa loob lamang ng
tatlong (3) pangungusap.

Mga Produktong Pagpipilian


Hanay A Hanay B Hanay C

A B C

Face mask Bigas


T.V.
Face shield Mantika Cellphone
Alcohol Mga gulay Laptop

1. Kung ikaw ay nagsisilbi na Tagapangulo ng Sanggunian ng Kabataan ng


inyong barangay, anong hanay ng mga produkto ang pipiliin mo upang
mabantayan mo ang pagtaas ng presyo nito? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Lubos akong nagagalak sa ipinamalas mong kahusayan. Matapos


mong maunawaan ang tungkol sa konsepto ng suplay at sa mga salik
nito. Pinatunayan mong handa ka na para sa susunod na aralin. Ito ay
tungkol sa interaksyon ng suplay at demand.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
13
Sanggunian

Abasta, E.G., Espiritu, L.G., Hernandez, M.T et al (2003)66-67. Araling panlipunan


IV Ekonomiks. Pilipinas. CSC Publishing, INC.

Balitao, B.R. et al (2015)141-148. Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa


Mag- aaral. Unang Edisyon. DepEd Pilipinas. Vibal Group Inc.

Imperial, C.M., Antonio, E.D., Samson, C.B. et al(1999)162-165. Pagbabago IV.


Unang Edisyon. RBS Serye ng Araling Panlipunan. Pilipinas.
Rex Book Store.

Sebastian, V.V. (2002)49-51.Ekonomiks (Noon at Ngayon).Dep Ed Curriculum


Revision NSEC-BEC. Quezon City.V.S. Publications & Trading.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
14
15
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
Tayahin Balikan Subukin
A. 1. D 1. B
2. B 2. D
1. S 3. E 3. D
4. A 4. D
2. S 5. C 5. B
3. S
4. S
5. S
B.
1. A
2. E
3. B
4. C
5. D
Susi sa Pagwawasto
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maribel De Guia Carcueva


Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Ma. Gwendelene J. Coranez
Tagalapat: Ma. Gwendelene J. Coranez

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System
Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
16

You might also like