You are on page 1of 18

Aralin 10

Ang Supply at ang Bahay Kalakal


Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:
• Ang demand ay ang kagustuhan ng mga
mamimili na bumili ng isang kalakal o
paglilingkod.
• Ayon sa BATAS NG DEMAND, mataas ang
demand ng isang kalakal kung mababa ang
presyo nito.Bumababa ang demand ng kalakal
kung tumataas ang presyo.
• Ang Elastisity ng Demand ay ang tugon ng
mamimili sa pabago-bagong presyo ng mga
produkto at serbisyo batay sa konsepto ng batas
ng demand.
Panimula:
• Tungkulin ng bahay-
kalakal (business firms)
ang lumikha ng mga
kalakal.
• Sa plano ng produksyon
maitatakda ng bahay-
kalakal ang uri at dami ng
produkto na dapat likhain.
Break Muna!
• Pagmasdan ang
iyong paligid.
Maglista ng
sampung (10)
kalakal na madalas
ibenta sa inyong
lugar. Magkano ang
kadalasang presyo
nito.
SUPPLY
• Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo
na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang
takdang panahon .
• Nais magbenta ng mga negosyante ng isang
kalakal o serbisyo kung mataas ang halaga
nito. Kung mataas ang presyo, marami ang
supply.
Mga Salik na nagpapabago sa Supply
• Presyo
• Di-presyo
 Pagbabago sa teknolohiya
 Pagbabago sa Halaga ng Produksyon
 Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda
 Pagbabago sa presyo ng mga kaugnay na
produkto
 Inaasahan ng mga negosyante
Batas ng Supply
• Mataas ang supply ng kalakal kung mataas
ang presyo nito. Bumababa ang supply ng
kalakal kung bumababa ang presyo nito.
Ceteris Paribus
Supply Schedule
• Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong
ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo
Supply Schedule ng Kendi

Price (P) Quantity Supplied (Qs)


5 50
4 40
3 30
2 20
1 10
0 0
Supply Curve ng Kendi
Paglipat ng Supply Curve
• Ang pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat
ng kurba ng supply sa kanan. Mangyayari ang paglipat
ng kurba ng supply sa kanan kung ang mga pagbabago
ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng
supply.
• Ang pagbaba ng supply ay makapagdudulot ng
paglipat ng kurba ng supply sa kaliwa. Mangyayari ang
paglipat ng supply sa kaliwa kung ang mga pagbabago
ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng
supply.
Paglipat ng Supply Curve
Supply Function
• Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita
ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari itong
ipakita sa equation sa ibaba:
Qs = f (P)
• Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent
variable, at ang presyo (P) naman ang independent
variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago
ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami
ng handa at kayang ipagbili ng mga producer.
Supply Function
• Isa pang paraan ng pagpapakita ng supply function ay sa
equation na:
Qs = c + dP
• Kung saan:
• Qs= dami ng supply
• P = presyo
• c = intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0)
• d = slope = ΔQs
ΔP
• Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa dami ng supply
sa bawat pisong pagbabago sa presyo.
Supply Function
Qs = c + dP

P=1 Qs=? P=5 Qs=?


Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10P
Qs = 0 + 10(1) Qs = 0 + 10(5)
Qs = 0 + 10 Qs = 0 + 50
Qs = 10 piraso Qs = 50 piraso
Kompyutin ang nawawalang datos sa talahanayan.

Supply Function na Qs = 0 + 5P

Price (P) Quantity Supplied (Qs)


2
20
6
40
10
Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon
sa Pagbabago ng Supply
 Dapat bigyang-pansin ng mga prodyuser ang
mabisang produksyon upang hindi madagdagan
ang gastos sa pagbuo ng produkto.
 Pagtuuan ng masusing pag-aaral bago pumasok
sa isang negosyo.
 Magplano sa inaasahang natural na kalamidad.
 Bigyang-pansin ang kapakanan ng mga
konsyumer, lalo na ang mga mahihirap.
TAKDA:

PAGPAPAHALAGA

• Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, anong


negosyo ang nais mong itayo. Anong kalakal o
serbisyo ang iyong ipapakilala sa mga mamimili.
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto
at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like