You are on page 1of 41

YUNIT II

Maykroekonomiks
Prepared by:
Mr. Samuel M. Garcia &
Mrs. Stephany S. Garcia
Mga Aralin at Saklaw na Yunit
• Aralin 1: Demand
• Aralin 2: Elastisidad ng Demand (Price Elasticity of Demand)
• Aralin 3: Supply at Elastisidad ng Supply (Price Elasticity of
Supply)
• Aralin 4: Interaksiyon ng Demand at Supply
• Aralin 5: Ang Pamilihan at mga Estruktura nito
• Aralin 6: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
Pamantayan sa Pagkatuto
Pangnilalaman Pagganap
• Maipamamalas ng mag-aaral • Ang mga mag-aaral ay kritikal na
ang pag-unawa sa mga nakapagsusuri sa mga
pangunahing kaalaman sa pangunahing kaalaman sa
ugnayan ng puwersa ng ugnayan ng puwersa ng demand,
demand, supply at sistema ng
pamilihan bilang batayan sa supply, at sistema ng pamilihan
matalinong pagdedesisyon ng bilang batayan sa matalinong
konsyumer at bahay-kalakal pagdedesisyon ng konsyumer at
tungo sa pagtamo ng bahay-kalakal tungo sa pagtamo
pambansang kaunlaran. ng pambansang kaunlaran.
Maykroekonomiks

Sambahayan Bahay-Kalakal

Demand Supply

Interaksyon ng Demand at Supply


Ekonomiks
• Nahahati sa dalawang pangunahing sangay:
• Maykroekonomiks (microeconomics)
• Makroekonomiks (macroeconomics)

• Layunin ng mga sangay na ito na maunawaan ang


ekonomiks sa pamamagitan ng maliit (micro) at malawak
(macro) na dimensiyon ng ekonomiya.
• Mahalaga ang pag-aaral nito upang malaman natin ang
anumang pagbabago sa galaw ng ekonomiya, maging sa
usapang lokal o internasyonal man, pagkat ito’y may
malaking epekto sa atin bilang mga tao na may
pangangailangang dapat matugunan.
Kaugnay ng pagtugon sa ating
pangangailangan, tanungin ang inyong sarili
• Paano mo ito maisasakatuparan?
• Saan ka makakakuha ng mga pangangailangang ito?

• Apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko


• Anu-ano ang produktong ipoprodyus?
• Gaano karami ang ipoprodyus?
• Paano ito ipoprodyus?
• Para kanino ito ipoprodyus?
• Ito ang dahilan kung bakit mayroong konsepto ng demand at
supply sa ekonomiks.
• Mauunawaan natin ang takbo ng ekonomiks sa
pamamagitan ng interaksyon ng demand at supply sa
pamilihan.
• Tayo bilang bahagi ng pambansang ekonomiya ay
mahalagang masuri at matuklasan kung paano
naaapektuhan ang pangangailangan at kagustuhan ng
sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pagtamo ng
pambansang kaunlaran.
Aralin 1
DEMAND
Gawain 1: Bili ako no’n, Bili ako n’yan
• Suriin ang nilalaman ng
bubble thought na nasa
Ano kaya kung
kabilang pahina at cellphone na lang
sagutan ang mga ang bilhin ko?
pamprosesong tanong:

Magkano kaya
ang bagong
sapatos ngayon?
Bilhin ko na kaya
ang dalawa, kasi
1. Anu-ano ang ipinahihiwatig ng mga bubble pareho kong
thought? gusto at kaya ko
2. Anong konsepto sa ekonomiks ang inilalarawan naming bilhin.
sa bubble thought?
Gawain 2: Jumbled Letters Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang tawag sa pag-aaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng
• Ayusin ang mga ginulong letra sa populasyon?
2. Anong sangay ng agham panlipunan ang tungkol sa efficient na pagpili
puzzle box upang maibigay ang at paggamit ng mga pinagkukunang-yaman?
hinihinging kasagutan sa mga gabay 3. Sino ang isa sa bumuo ng teorya hinggil sa herarkiya ng pangangailan
na tanong. Kung maisasaayos ng tama ng tao?
ang mga letra sa puzzle ay may 4. Ano ang tawag sa pamamaraan ng paglalaan ng takdang dami ng
mabubuong salita sa unang kolum pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao?
5. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na ang layunin
nito. ay magkamit ng kita o tubo.
6. Ano ang katawagan sa pamamaraan ng pagbabahagi ng kabuuang
yaman o kita ng lipunan sa bawat indibidwal o sa mga salik ng
produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship?

1. DAE M OPG R AY P I YGA O D I R E M A


2. ENK O N IO M M IKS E S O K O K
3. MWA S LAO WM O L S
4. AAL O KKA S Y YO N O S N L A O
5. NSE G OOS Y ON G O Y E
6. D TI S T RRI B UIS Y ODN I S B U S O Y N
Pamprosesong Tanong:

• 1. Anong salita ang nabuo mula sa unang hanay


pababa?
• 2. Ano ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang
demand?
Gawain 3: I-R-F (Initial-Refined-Final Idea) Chart
• Kumuha ng papel at isulat sa unang kolum (Alam ko ngayon) ng
tsart ang iyong sagot sa tanong na nasa kahon.

Paano ang demand at mga konsepto nito ay


makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng
konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang
kaunlaran?
Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Ito Na Ang Alam Ko
Kaalaman
Ang konsepto ng
Demand
DEMAND – tumutukoy sa
dami ng produkto o
serbisyo na gusto at kayang
bilhin ng mamimili sa iba’t-
ibang presyo sa isang
takdang panahon.
Batas ng Demand
• Isinasaad na mayroong inverse o
magkasalungat na ugnayan ang
presyo sa quantity demanded ng
isang produkto.
• Kapag tumaas ang presyo,
bumababa ang dami ng gusto • Kapag bumaba ang presyo,
at kayang bilhin; at tataas naman ang dami ng
gusto at kayang bilhin
(ceteris paribus).

• Ceteris paribus – nangangahulugang


ipinagpapalagay na ang presyo lamang
ang salik na nakaaapekto sa pagbabago
ng quantity demanded, habang ang
ibang salik ay hindi nagbabago o
nakaaapekto rito.
• Ayon sa Batas ng Demand, sa
tuwing ikaw at ang iyong
pamilya ay magdedesisyon na
bumili ng isang produkto o
serbisyo, ang presyo ang inyong
pangunahing pinagbabatayan.
• Sa bawat pagbili mo sa
tindahan, itinatanong mo muna
ang presyo bago ka
magdesisyon kung ilan ang
iyong bibilhin.
2 konsepto kung bakit may
magkasulangat o inverse na ugnayan sa
pagitan ng presyo at quantity demanded

• Substitution effect • Income effect


• Kapag tumaas ang presyo • Mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas
ng isang produkto, ang mga mababa ang presyo.
mamimili ay hahanap ng • Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas
pamalit na mas mura. mataas ang kakayahan ng kita ng tao na
• Sa gayon, mababawasan makabili ng mas maraming produkto.
ang dami ng mamimiling • Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit
gustong bumili ng namna ang kakayahan ng kaniyang kita na
produktong may mataas na maipambili.
presyo dahil maghahanap • Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng
sila ng mas mura. mga produkto o serbisyo kaya mababawasan
ang dami ng mabibiling produkto.
Tatlong pamamaraan sa
pagpapakita ng konsepto ng
demand

• Demand schedule • Halimbawa


• Isang talaan na nagpapakita Presyo bawat piraso Quantity Demanded
ng dami na kaya at gustong
bilhin ng mga mamimili sa Php 5 10
iba’t-ibang presyo. 4 20
3 30
Ang schedule na makikita sa 2 40
talahanayan ay tumutukoy sa 1 50
quantity demanded para sa
kendi sa iba’t-ibang presyo. 0 60
Tatlong pamamaraan sa
pagpapakita ng konsepto ng
demand

• Demand curve
• Halimbawa: Quantity Demand ng kendi sa iba’t-
• Isang dayagram o grapikong ibang presyo
paglalarawan ng ugnayan ng
presyo at quantity demanded. A
Presyo 5
B
Nakabuo tayo ng kurbang pababa o ng 4
C
downward sloping curve mula kendi 3
D
punto A hanggang punto F. sa piso 2
E
• Ang kurbang ito ay nagpapakita 1
F
ng salungat na ugnayan sa 0 10 20 30 40 50 60
pagitan ng presyo at sa dami ng
gusto at kayang bilhin ng Quantity o Dami
mamimili.
Tatlong pamamaraan sa
pagpapakita ng konsepto ng
demand

• Demand curve • Paggalaw ng Demand (Movement along the


Demand Curve)

Ang paggalaw sa kurba mula punto Presyo 5


A
A papuntang punto B, makikita na ng B
4
sa pagbaba ng presyo mula Php 5 kendi C
sa piso 3
pababa ng Php 4, ang demand sa 2 D
kendi ay tataas ng sampung (10) 1 E
piraso. F
Kapag ang presyo naman ay tumaas 0 10 20 30 40 50 60
ng piso bumababa ang quantity Quantity o Dami
demanded sa sampung (10) piraso.
Tatlong pamamaraan sa
pagpapakita ng konsepto ng
demand

• Demand function • Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function


• Matematikong pagpapakita sa ay sa:
ugnayan ng presyo at quantity Equation:
demanded. Equation: Qd = a - bP
•Kung saan:
Qd = f (P)
•Qd = quantity demanded
• Qd o quantity demanded ang
tumatayong dependent variable •P = presyo
(nakabatay sa independent •a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
variable)
• P o presyo ang independent ∆𝑸𝒅
variable (walang pinagbabatayan, • b = slope = ∆𝑷
kayang mag-isa).
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity
• Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa demanded sa bawat pisong pagbabago sa presyo.
pagbabago ng presyo.
Demand Function mula sa Demand
Schedule para sa Kendi: Qd = 60 –
10P

• Ating patunayan na ang • Kapag ang P = 1


demand schedule at demand • Kapag ang P = 5
function ay iisa sa pamamagitan ang Qd = ___ ang Qd = ___
ng kompyutasyon.
• Qd = a – bP • Qd = a – bP
Presyo bawat Quantity
piraso Demanded • Qd = 60 – 10P • Qd = 60 – 10P
Php 5 10 • Qd = 60 – 10 (1) • Qd = 60 – 10 (5)
4 20 • Qd = 60 – 10 • Qd = 60 – 50
3 30
• Qd = 50 piraso • Qd = 10 piraso
2 40
1 50 • Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang
0 60 quantity demanded kung may given na presyo.
Halimbawa: Mula sa datos na nasa ibaba, kompletuhin ang
talahanayan upang maipakita ang demand schedule sa
• Solution:
pamamagitan ng pag-compute ng demand function. 𝑎 − 𝑄𝑑
• Solution: • P=
• A. Demand Function: Qd = 300 – 20P 𝑏
• Qd = a - bP 300−100
• Solution: • Solution: • P=
P Qd • Qd = 300 – 20P 20
• Qd = a - bP 𝑎 − 𝑄𝑑 200
1 280 • P= • Qd = 300 – 20(6) • P=
𝑏 20
5 200 • Qd = 300 – 20P 300−200 • P = 10
• P= • Qd = 300 – 120
6 180 • Qd = 300 – 20(1) 20
100 • Qd = 180
• Qd = 300 – 20 • P=
10 100 20

15 0 • Qd = 280 • P=5 • Qd = 300 – 20(15)


• Solution:
• Qd = 300 – 300
• Qd = a - bP
• Qd = 0
• Qd = 300 – 20P
Tatlong pamamaraan sa
pagpapakita ng konsepto ng
demand

• Demand Schedule • Demand Curve • Demand Function


• Chart • Graph • Equation
Presyo
Presyo ng kendi sa piso
Quantity 5
A
bawat Equation:
Demanded B
piraso 4
C
Qd = f (P)
Php 5 10 3
2 D Equation:
4 20
3 30 1 E Qd = a - bP
F
2 40 0 10 20 30 40 50 60
1 50 Quantity o Dami
0 60
Gawain 4: Complete It!
• Kumpletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang mga tamang letra sa patlang
upang mabuo ang salita.
• 1. _D _E M
_AA N_ D_ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at
kayang bilhin ng mamimili.
• 2. _B_A_TAA _S N_G_ D_E_M_AAN _D _ nagsasaad na mayroong magkataliwas na
ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.
• 3. _D _E M
_AA N_DD C_U_R_V_E _ grapikong paglalarawan ng presyo at quantity
demanded.
• 4. _ C_E_TEE _R I_S_P A_ R_I_B IU_S _ _ ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang
salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang
ibang salik ay hindi nagbabago.
• 5. _ INN _C O
_M_ _E _E F_F_E_C _T T nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng
kinikita kapag mas mababa ang presyo.
Gawain 5: I-DEMAND, ITALA, at IKURBA
• Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa P.E. Nagkataong may tinda sa kantina
na buko juice. Isang baso ng buko juice ang handa at kaya mong bilhin sa presyong Php6,
Php10 at Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Samantala, itala naman sa Presyo kung
ang Qd ay nasa 34 at 26. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat
presyo upang mabuo ang demand schedule.
• Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 – 2P. Pagkatapos nito ay ipakita ito sa
pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa
ibaba.
Presyo Bawat Quantity
Baso (Php) Demanded

6
34
10
26
14
Gawain 5: I-DEMAND, ITALA, at IKURBA
• Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa P.E. Nagkataong may tinda sa kantina
na buko juice. Isang baso ng buko juice ang handa at kaya mong bilhin sa presyong Php6,
Php10 at Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Samantala, itala naman sa Presyo kung
ang Qd ay nasa 34 at 26. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat
presyo upang mabuo ang demand schedule.
• Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 – 2P. Pagkatapos nito ay ipakita ito sa
pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa
ibaba.
Presyo Bawat Quantity
Baso (Php) Demanded
14
6 38
12
8 34 10
10 30 8
6
12 26
22 26 30 34 38
14 22
KOMPYUTASYON:
• A. Demand Function: Qd = 50 – 2P
P Qd • Solution: • Solution: • Solution: • Solution:
6 38 • Qd = a - bP 𝑎 − 𝑄𝑑 • Qd = a - bP • P=
𝑎 − 𝑄𝑑
• P= 𝑏
• 𝑏
8 34 Qd = 50 – 2P
50 − 34
• Qd = 50 – 2P 50 − 26
• • P= • P=
10 30 Qd = 50 – 2(6) 2 • Qd = 50 – 2(10) 2
16 24
12 26 • Qd = 50 – 12 • P= • Qd = 50 – 20 • P=
2 2
14 22 • Qd = 38 • P=8 • Qd = 30 • P = 12

• Qd = 50 – 2(14)
• Solution:
• Qd = 50 – 28
• Qd = a - bP
• Qd = 22
• Qd = 50 – 2P
Pamprosesong Tanong:

• 1. Ilan ang quantity demanded sa presyong Php6?


• 2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded
nang tumaas ang presyo mula Php8 papuntang Php14?
Ipaliwanag ang sagot.
• 3. Ipaliwanag ang sariling pangungusap ang isinasaad
ng batas ng demand batay sa nabuo mong demand
schedule at demand curve.
Iba pang
salik na
nakakaapekto
sa Demand
maliban sa
presyo
Iba Pang Salik na Nakakaapekto sa
Demand Maliban sa Presyo

• 1) KITA • Normal goods – tawag sa • Inferior goods - tawag sa mga


mga produkto kapag produktong tumataas ang
• Ang dumadami ang demand
dahil sa pagtaas ng kita.
demand kasabay sa pagbaba
ng kita.
pagbabago • Halimbawa • Halimbawa
ng kita ng tao
• Ipagpalagay na ang • Ipagpalagay naman na ang
ay maaaring karneng baka ay normal sardinas ay inferior good para demand
makapagpa- good para kay Alena. kay Alena.
bago ng • Sa pagtaas ng kita ni Alena • Sa pagtaas ng kaniyang kita ay
demand para ay tataas din ang kaniyang bababa ang kaniyang demand
demand sa karneng baka. para sa sardinas. kita
sa isang • Kapag bumaba naman ang
kita demand
• Samantalang, sa pagbaba ng
partikular na kita ni Alena ay bababa rin kaniyang kita, tataas ang
produkto. ang demand para sa kaniyang demand para sa
karneng baka. sardinas.
kita demand kita
demand
Iba Pang Salik na Nakakaapekto sa
Demand Maliban sa Presyo

• 2) PANLASA • Kapag ang isang


produkto o serbisyo
• Ang pagpili ng ay naaayon sa iyong
produkto at serbisyo panlasa, maaaring
tumaas ang demand
ay karaniwang para dito.
naaayon sa panlasa • Halimbawa
ng mamimili. • Kung naaayon ang
pandesal sa iyong
panlasa bilang pang-
almusal, mas marami
ang makakain mo nito
kaysa ibang tinapay.
Iba Pang Salik na Nakakaapekto sa
Demand Maliban sa Presyo

• 3) DAMI NG MAMIMILI • Halimbawa


• Kapag ang isang bagay
• Bandwagon effect – ay nauuso,
maaaring magpataas ng napapagaya ang
demand ng isang marami na
nagdudulot ng
indibidwal dahil sa dami pagtaas ng demand.
ng bumibili ng isang • Dahil nauuso ngayon
produkto, nahihikayat ang smartphone,
kang bumili. marami sa mga
mamimili ang gustong
makisabay sa uso kaya
marami ang demand
nito.
Iba Pang Salik na Nakakaapekto sa
Demand Maliban sa Presyo

• Komplementaryo – mga • Halimbawa


• 4) PRESYO NG
MAGKAUGNAY NA
produktong sabay na • Sa kape at asukal, kapag bumaba
ginagamit, ibig sabihin ang presyo ng kape ay tataas ang
PRODUKTO SA hindi magagamit ang demand sa asukal.
isang produkto kung
PAGKONSUMO wala ang complement • Kung tumaas naman ang presyo
nito. ng kape ay bababa ang demand
• Kung ang mga
• Magkaugnay ang sa asukal.
produkto sa dalawa sapagkat
anumang pagbabago sa • Produktong komplementaryo
pagkonsumo ay (complementary) - masasabing
presyo ng kaugnay na
komplementaryo o produkto ay tiyak na magkaugnay ang presyo at
pamalit sa isa’t-isa. may pagbabago sa produkto kapag ang ugnayan ng
demand ng presyo ng isang produkto ay
komplementaryong negatibo o taliwas sa demand
produkto. para sa isang produkto.
Iba Pang Salik na Nakakaapekto sa
Demand Maliban sa Presyo

• 4) PRESYO NG • Halimbawa • Kung ang pagtaas ng


MAGKAUGNAY NA • Ang tubig o juice ay presyo ng isang
maaaring pamalit sa produkto ay
PRODUKTO SA softdrinks sapagkat magdudulot ng
PAGKONSUMO pareho itong pamatid- pagtaas ng demand ng
uhaw. isang produkto,
• Samantala, ang masasabing ang mga
• Kapag tumaas ang produktong ito ay
pamalit (substitute) presyo ng softdrinks pamalit sa isa’t-isa
– produktong bababa ang quantity (substitute goods)
maaaring demanded nito.
• Iba pang halimbawa
magkaroon ng • Kasabay, nito tataas ng pamalit ay kape at
naman ang demand tsa’a, keso at
alternatibo. para sa juice. margarine.
Iba Pang Salik na Nakakaapekto sa
Demand Maliban sa Presyo

• 5) INAASAHAN NG • Halimbawa • Kaya ang mamimili ay bibili


MGA MAMIMILI SA na ng marami habang wala
PRESYO SA HINAHARAP • Ibinalita na may pa ang bagyo at mababa pa
• Kung inaasahan ng mga paparating na bagyo at ang presyo.
mamimili na tataas ang tuwirang tatami sa • Sa kabilang banda, kung
presyo ng isang Gitnang Luzon, na isa sa inaasahan ng mamimili na
partikulas na produkto pangunahing bababa ang presyo ng isang
sa susunod na araw o produkto, hindi na muna
lingo, asahan na tataas pinagmumulan ng bigas
sa bansa, inaasahan na bibili ng marami ang mga
ang demand ng tao sa kasalukuyan.
nasabing produkto sa magkukulang ang dami Maghihintay na lamang sila
kasalukuyan habang ng bigas sa pamilihan at na bumaba ang presyo bago
mababa pa ang presyo tataas ang presyo nito. bumili ulit ng marami.
nito.
Gawain 8: DEMAND UP, DEMAND DOWN
• Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand para sa isang produkto
batay sa mga pagbabago ng sumusunod na salik. Isulat sa patlang ang
kung tataas ang demand at kung bababa ang demand.
• ____1. Bandwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon
(potensyal na demand)
• ____2. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods)
• ____3. Pagbaba ng kita (nakatuon sa inferior goods)
• ____4. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto
• ____5. Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo
• ____6. Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo
• ____7. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit
• ____8. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo
• ____9. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo
• ____10. Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit
Ang Paglipat ng Demand Curve o
(Shifting of the Demand Curve)
• Paglipat ng Demand Curve sa Kanan • Paglipat ng Demand Curve sa Kaliwa
D1 D2 D1 D2
5 5
4 4

Presyo
Presyo

3 3
2 2
1 1

0 10 20 30 40 50 60 0 10 20 30 40 50 60

Quantity Demanded Quantity Demanded


• Kung ang pagbabago ng salik na hindi • Kung ang pagbabago ng salik na hindi
presyo ay nakapagdudulot ng pagtaas presyo ay nakapagdudulot ng pagbaba
ng demand magkakaroon ng paglipat ng demand magkakaroon ng paglipat
ng kurba ng demand sa kanan. ng kurba ng demand sa kaliwa.
Gawain 9: Sa KANAN o sa KALIWA?
• Gamit ang mga sitwasyong nakalahad sa talahanayan, suriin at
ipaliwanag ang maaaring maging epekto o kahihinatnan ng demand
sa produkto. Gumuhit ng graph na lilipat sa kanan kung dadami ang
demand at graph na lilipat sa kaliwa kung bababa ang demand.
Produkto Sitwasyon Graph
1. Bigas Pananalasa ng malakas na bagyo sa P D
malaking bahagi ng Luzon. Q
2. Gasolina Patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline sa P D
pandaigdigang pamilihan. Q
3. Bakuna laban sa tigdas Pagdeklara ng outbreak ng tigdas ng P D
Kagawaran ng Kalusugan sa maraming lugar
sa bansa. Q

4. Cellphone load Kabi-kabilang unlitext at unli call promo ng


P D
mga telecommunication companies sa
bansa. Q
5. Corned beef (ipagpalagay Pagtaas ng kita P D
na normal goods) Q
Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago
ng mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

• Paano kaya tayo matalinong makatutugon sa


pagbabagong dulot ng mga salik na ito?
• 1) Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa
paggasta nito. Matutong pagplanuhan nang mabuti
ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na
dapat bilihin.
• 2) Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga
produktong may mataas na presyo. Maraming
mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa
iba’t-ibang pamilihan.
As a Recap

You might also like