You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 9

Quarter 2

Pangalan: __________________________________ Petsa: ________________


Grado at Seksiyon: ___________________________ Iskor: _________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa Demand
Panimula ( Susing Konsepto )

Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili
sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Mahalagang umiiral sa demand ang tatlong “K“
(kagustuhan, kakayahan, at kahandaan). Isinasaad sa batas ng demand na mayroong inverse o
magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto.Kapag tumaas ang
presyo,bumaba ang dami ng gusto at kayang bilhin;at kapag bumaba ang presyo,tumaas naman ang dami
ng gusto at kayang bilhin(ceteris paribus). Ang ceteris paribus ay isang salitang latin na ang ibig sabihin
ay “ all other things being equal ” o ang hinuha na presyo lamang ang nakaaapekto sa pagbabago ng
demand.

Dalawang Konseptong Nagpapaliwanag sa Magkasalungat na Ugnayan ng


Presyo at Quantity Demanded
1. Substitution Effect- - ipinahahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga
mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.
2. Income Effect- ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang
presyo.

Tatlong Pamamaraan sa Pagpapakita ng Konsepto ng Demand


1. Demand Schedule- isang talaan na nagpapakita sa dami ng kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba’t-
ibang presyo.
2. Demand Curve- ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
3. Demand Function- matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.

Talahanayan ng mga Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo


1. Kita Malaking epekto sa isang mamimili ang kanyang kita. Kung
malaki ang kanyang kita, mas maraming produkto ang kanyang
mabibili kaysa sa taong maliit ang kita.

2. Panlasa Ang panlasa ay naaayon sa kasarian, edad, at sitwasyon. May


mga produkto na mataas ang demand ayon sa panahon.
Halimbawa, mas mataas ang demand ng ice cream tuwing
taginit, ngunit s apanahon ng taglamig ang demand ay
bumababa.
3. Dami ng Mamimili Ang pagdami ng tao sa isang lugar ay magdudulot ng pagtaas
ng demand. Dahil kung maraming mamimili, dadami ang
produktong handing ipagbili. Kung patuloy na tumataas ang
bilang ng kasapi ng pamilya, tumataas din ang demand sa
kanilang mga pangunahing pangangailangan,
4. Presyo ng magkaugnay na Ang presyo ng produkto ay may epekto sa demand ng iba
produkto sa pagkonsumo pang produkto.Ito’y tinatawag na produktong komplementaryo
(complementary goods),kung saan ang produkto ay sabay na
ginagamit.Halimbawa, kapag bumaba ang presyo ng kape,
tataas ang demand ng asukal.
May mga produkto ding tumataas ang demand kung mataas
ang presyo ng panghalili o kapalit na produkto. Ito ay tinatawag
na produktong pamalit (substitute goods). Halimbawa, ang
margarine ay ginagawang panghalili sa butter. Kapag tumaas
ang presyo ng butter, mas marami ang bibili ng margarine kung
kaya tataas ang demand nito.

5. Inaasahan ng mga Kung inaasahan ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo sa


mamimili sa hinaharap hinaharap, ang demand sa kasalukuyang produkto ay tataas.
Ngunit kung bababa ang presyo ng produkto sa hinaharap, ang
demand nito ay bababa dahil maaaring ipagpaliban ang pagbili
nito sa ibang araw. Halimbawa, ibinalita na may paparating na
bagyo sa Gitnang Luzon na isa sa pinagmulan ng bigas sa
bansa, inaasahan na magkukulang ang dami ng bigas sa
pamilihan at tataas ang presyo nito.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang-araw-araw na pamumuhay.
( MELCS 1 - AP9MYK-IIa-1 )
Tiyak na Layunin:
• Naipaliliwanag ang konsepto ng demand.
• Natutukoy ang mga salik na nakaaapekto sa demand sa pang-araw-araw na pamumuhay.

III. Panuto
Ang araling ito ay nakatuon sa pag-aaral ng demand bilang isa sa mga batayang kaisipan sa
Ekonomiks. Pag-aralan ng mabuti ang konsepto at mga salik ng demand upang masagutan ang mga
sumusunod na gawain.

IV. Pagsasanay/Aktibidad
Ang mga sumusunod na gawain ay tutulong sa iyo upang higit mong maunawaan ang paksang- aralin.

Gawain 1: HULAAN MO!


Panuto: Punan ng tamang letra ang mga kahon upang mabuo ang tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang
presyo sa isang takdang panahon.
d
e

2. Sila ang kumakatawan sa demand.


k

y m r
3. Ayon sa batas na ito, habang tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng mga
konsyumer.

b d
n
e a

4. Mayroong _________ na ugnayan ang presyosa quantity demanded ng isang produkto.

m a a u

5. Ito ay isang salitang latin na ang ibig sabihin ay “ other things being equal ”.

c a s

Gawain 2: ANO ITO?


Panuto: Tukuyin kung anong salik na nakaaapekto sa pagbabago ng demand ang ipinapakita sa mga
larawan, Isulat sa patlang ang sagot.

1. _____________________ 2. __________________ 3. ________________

4. ________________________ 5. ________________________
Inihanda ni:

LORIE JEAN Q. ANTIQUINA


Teacher I

Inaprubahan ni:
NOEL G. SOLIS, RN
School Principal II

You might also like