You are on page 1of 22

MAGIS ACADEMY

10 Tindalo St., Town and Country Executive Village, Marcos Hi-way, East Cainta, Rizal
Tel nos. 646-2636, 655-5683
Email: @magisacademy.edu.ph
Fb page: https://www.facebook.com/magisacademyleapers/
Website: www.magisacademyph.com

Exceptional Student Education Program

SY: 2023 – 2024
IKA-9 BAITANG
Modyul Blg.1 – IKATLONG MARKAHAN MARKAHAN
Pamagat ng Module: MGA SALIK NA NAKAPAGPAPABAGO SA
DEMAND
Paksa: DEMAND

I. Layunin ng Pagkatuto:
⮚ Naipaliliwanag ang dalawang magkaibang kilos ng kurba ng
demand.
II. Nilalaman
Kasanayan:
⮚ Nalalaman ang dalawang magkaibang kilos ng kurba ng
demand.
⮚ Natutukoy ang pahayag kung Tama o Mali.

⮚ Nasasagot ang mga katanungan.

Sanggunian: Kronika (pahina 44-47) YouTube, Google

Materyales: librong Kronika, Power Point Presentation, pentel pen
Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang mga salik ng pagbabago sa
demand
III. Pagganyak: Pagsususuri sa Larawan/Picture Analysis
IV. Aplikasyon: Ang mga mag-aaral ay nahihinuha nila ang
1
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
magkaibang salik sa pagbabago ng demand.

PAGKILOS NG KURBA NG DEMAND

ATING ALAMIN!

Ano nga ba ang Supply at Demand?

- Ang DEMAND ay tumutuloy sa dami o bilang ng produkto o

serbisyo na kaya at handing bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang
particular na panahon.
- Ang SUPPLY ay tumutukoy sa dami ng kalakal na handing ipagbili
ng mga negosyante sa magkakaibang presyo sa isang particular na
panahon.

Halimbawa:
1. Supply at Demand para sa mga Smartphone
- Kung ang isang bagong modelo ng smartphone ay napakapopular, ang
demand para sa modelong ito ay maaaring tumaas nang malaki, na
nagpapalipat sa kurba ng demand sa kanan. Kung ang kumpanya na
gumagawa ng modelong ito ay hindi maaaring mabilis na mapataas ang
produksyon nito, ang supply ay nananatiling pare-pareho (ang supply
curve ay hindi nagbabago). Bilang resulta, tataas ang presyo ng
modelong ito ng smartphone.

2
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
Malinaw ang sinasabi ng Batas ng Demand kung paano nakaaapekto
ang presyo sa demand ng mamimili. Ngunit bukod sa presyo, may iba
pang salik na nakaaapekto sa demand.
May dalawang magkaibang kilos ang kurba ng demand. Mainam na
maging malinaw ang pagkakaiba nito upang madaling maunawaan ang
sumusunod na aralin.

Paggalaw sa Iisang Kurba ng Demand

Ang pagbabagong ito sa demand dulot ng pagbabago sa presyo ay

tinatawag na paggalaw sa iisang kurba ng demand (movement along the
demand curve).

Paglipat ng Kurba ng Demand

Sa ganitong pagkakataon, hindi na presyo ang nagpapalipat sa kurba

ng demand kundi ang iba pang mga salik ng demand tulad ng kita,
panlasa, at dami ng mamimili.

MGA SALIK NA NAGPAPALIPAT SA KURBA NG DEMAND

Maliban sa presyo, may mga iba pang salik na nagpapabago sa demand.
Kabilang sa mga ito ang kita, panlasa, bilang ng mamimili, inaasahan
ng mamimili, at presyo ng kahalili o kaugnay na produkto.

1. Kita- nakaaapekto sa demand ang pagtaas o pagbaba ng kita ng mga

mamimili.
2. Normal goods- tumataas ang demand para sa isang produkto kapag
tumaas ang kita ng isang tao.

3
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
3. Inferior goods- mga produktong tumataas ang demand sa pagbaba
ng kita ng mamimili.

4. Panlasa- ito ay maaaring tumugma sa kasarian, edad, kultura, klima,

okasyon, kamulatan, edukasyon, at estado sa buhay.
Bilang ng Mamimili- ang malaking populasyon ay nangangahulugan na
marami ang mamimili.
Inaasahan ng Mamimili- halimbawa; may paparating na bagyo, bago
masalanta ang taniman ng palay at tumaas ang presyo ng bigas, bibili na
ang mga tao sa kasalukuyang presyo nito. Pagkatapos ng bagyo, babalik
sa dati ang demand ng mamimili kung kaya lilipat ang kurba ng demand
sa kaliwa.
Presyo ng Kahalili o Kaugnay na Produkto- ang kahaliling produkto ay
tumutukoy sa isang produkto na maaaring gamitin kapalit ng ibang
produkto. Halimbawa: karne ng baboy na maaaring ihalili sa karne ng
baka. Kapag tumaas ang presyo ng baka, tataas ang demand para sa
baboy. Lilipat ang kurba ng demand para sa baboy sa kanan. Makikita
ang kurba ng halimbawa sa pahina 47.

4
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
GAWAIN 1:
Panuto: Isulat ang TAMA o MALI sa patlang.

______1. Nakakaapekto ang presyo sa demand ng mga mamimili.

______2. May tatlong magkaibang kilos ang kurba ng demand.

______3. Ang paglipat sa kaliwa o kanan ang buong kurba ng demand,

kapag hindi na presyo ang nagpapalipat sa kurba ng demand
kundi ang iba pang salik ng demand.

______4. Maliban sa presyo may iba’t iba pang salik na

nakapagpapabago sa demand.

______5. Walang epekto ang pagtaas o pagbaba ng kita ng mamimili sa

demand.

______6. Ang normal goods ay ang mga produkto na tumataas ang

demand sa pagtaas ng kita ng mamimili.

______7. Ang inferior goods naman ay mga produkto na tumataas ang

demand sa pagbaba ng kita ng mamimili.

______8. Ang panlasa ay hindi itinuturing na salik ng demand.

______9. Ang pagdami ng mamimili ay magiging sanhi ng paglaki ng

demand sa mga produkto at serbisyo.

_____10. Ang komplementaryo na produkto ay tumutukoy sa produkto

na kasabay na ginagamit ng isa pang produkto.

5
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
GAWAIN 2:

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ano sa mga sumusunod ang batas ng demand?

A. pag ang presyo ng bilihin ay bumababa tataas ang demand.

B. pag maliit ang kita ng mamimili mas tataas pa ang kanilang
demand.
C. Ang panlasa ng mga tao ay may kinalaman sa kanilang edad,
kinamulatan, klima, kultura, atbp.

______2. Alin sa mga sumusunod ang nakabase sa edad, kasarian,

kultura, klima, okasyon, kamulatan, edukasyon, at estado sa
buhay ng mamimili?
A. demand C. panlasa
B. kita

______3. Alin sa mga sumusunod ang mga produkto na tumataas ang

demand kasabay nang pagtaas ng kita ng mamimili?
A. goods and services C. normal goods
B. inferior goods

______4. Ano ang mga produkto na tumataas ang demand sa pagbaba

ng kita ng mamimili?
A. goods and services C. normal goods
B. inferior goods

______5. Ano ang produktong maaaring gamitin kapalit ng ibang

produkto?
A. inferior goods C. normal goods
B. kahaliling produkto

6
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
GAWAIN 3

Panuto: Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano-ano ang mga salik na nagpapabago sa demand?

_________________________________________________

2. Paano nagkakaiba ang normal good at inferior good?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

3. Paano nagkakaiba ang substitute good at complementary good?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Pamantayan:
Kaisipan: 2puntos
Paraan ng pagsulat: 2puntos
Kalinisan: 1 puntos
Kabuuan: 5 puntos

7
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
Modyul Blg.2 – IKATLONG MARKAHAN
Pamagat ng Modyul: ELASTISIDAD NG DEMAND
Paksa: ELASTISIDAD

I. Layunin ng Pagkatuto:
⮚ Nabibigyan ng kahulugan ang elastisidad
II. Nilalaman
Kasanayan:
⮚ Nalalaman ang kahulugan ng elastisidad.

⮚ Natutukoy kung ang pahayag ay Tama o Mali

⮚ Nasasagot ang mga katanungan

Sanggunian: Kronika (pahina 52-57) YouTube, Google

Materyales: librong Kronika, Power Point Presentation, video clip
Pagpapahalaga: Nabibigyan halaga ang pag-aaral ng kahulugan ng
elastisidad.
III. Pagganyak: Pagpapanood ng video
IV. Aplikasyon: Ang mga mag-aaral ay nalalaman nila ang kahulugan ng
elastisidad.

8
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
ELASTICITY OF DEMAND
Ang mga mamimili ay tumutugon sa pagbabago ng presyo. Magkakaiba
ang kanilang pagtugon dulot na rin ng magkakaibang uri ng produkto.
Mahalagang masukat ang pagtugnon na ito sa ekonomiks.
KAHULUGAN NG ELASTISIDAD
Ang pagiging sensitibo sa presyo ng dalawang pangunahing tauhan ng
ekonomiya ay mahalagang paksa sa maykroekonomiks.
ELASTISIDAD NG DEMAND
Mahalagang masukat ang bahagdan ng pagtugon ng mga mamimili sa
pagbabago ng presyo. Makikita ang pormula na masusing nabuo ni Alfred
Marshall sa pahina 53.
Ang pormula ay gagamitin upang mahanap ang elastisidad ng demand
sa presyo na tumutukoy sa porsiyento ng pagbabago sa demand sanhi ng
porsiyento ng pagbabago sa presyo. Ang halaga ng elastisidad ay
tinatawag na koepisyente ng elastisidad.

MGA URI NG ELASTISIDAD NG DEMAND

Elastiko

Sinasabi na elastiko ang demand kung ang koepisyente ng elastisidad

ay higit sa 1. nangangahulugan na sa bawat 1% pababago sa presyo,
magbabago ng higit sa 1% ang dami ng demand. Ito ay malinaw na
ipinakikita sa kasunod na halimbawa.

9
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
Di-Elastiko- kung ang koepisyente nito ay mababa sa 1.
Nangangahulugan na sa bawat 1% pagbabago sa presyo, magbabago ng
mas mababa sa 1% ang dami ng demand. Ito ay malinaw na ipinakikita sa
kasunod na halimbawa.

Unit Elastiko- kung ang koepisyente nito ay katumbas ng 1.

Nangangahulugan sa bawat 1% pababago sa presyo, magbabago ng 1%
ang dami ng demand. Ito malinaw na ipinakikita sa kasunod na
halimbawa.

10
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
GAWAIN 1:
Panuto: Isulat ang TAMA o MALI sa patlang.

________1. Ang mga mamimili ay tumutugon sa pagbabago ng presyo.

________2. Ang pagiging sensitibo sa presyo ng dalawang pangunahing

tauhan ng ekonomiya ay mahalagang paksa sa
maykroekonomiks.

________3. Maisasagawa ang tamang bahagdan ng pagtugon ng mga

mamimili sa pagbabago ng presyo.

________4. Sinasabi na elastiko ang demand kung ang koepisyente ng

elastisidad ay mababa sa 1.

________5. Sinasabi na di-elastiko kung ang koepisyente nito ay mas

higit sa 1.

________6. Kapag tumataas ang mga bilihin maaaring bumili na lamang

ang mga konsyumer ng mas mababang presyo ng produkto.

________7. Tumataas ang presyo ng isang produkto tumataas din ang

demand nito.

________8. Ang perfect price inelastic o ganap na di-elastiko ay may

zero na koepisyente, na ang ibig sabihin ay ang mga

11
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
mamimili ay nakahandang bumili ng isang nakatakdang dami
ng produkto sa nagbabagong presyo.

________9. Ang demand ay sinasabing unit elastiko kung ang

koepisyente nito ay katumbas ng 1.

_______10. Sa elastiko nagagawa ng mga mamimili na tumbasan ang

dami ng demand ang anumang pagbabago sa presyo.

12
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
GAWAIN 2

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
patlang.

elastisidad D. ganap di-elastiko

elastiko E. unit elastiko
di- elastiko

_______1. Ito ang uri ng elastisidad na nagsasabi ang koespisyente ng

elastisidad ay higit sa 1.

_______2. Ito ay tumutukoy sa antas ng pagtugon ng mga prodyuser at

konsyumer sa pagbabago ng presyo.

_______3. Ito ang uri ng elastisidad na nagsasabi na ang koepisyente

ay mababa sa 1.

_______4. Ito ay nagsasabi na ang koepisyente ay zero.

13
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
_______5. Ito ay uri ng elastisidad na ang koepisyente nito ay
katumbas ng 1.

GAWAIN 3

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang elastisidad ng demand?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

2. Kailan sinasabing elastiko ang demand?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

3. Kailan sinasabing di-elastiko ang demand?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

14
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
4. Kailan sinasabing unit elastiko ang demand?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

5. Kailan sinasabing ganap na elastiko ang demand?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Pamantayan:
Kaisipan: 2puntos
Paraan ng pagsulat: 2puntos
Kalinisan: 1 puntos
Kabuuan: 5 puntos

15
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
Modyul Blg.3 – IKATLONG MARKAHAN
Pamagat ng Module: SUPLAY
Paksa: KONSEPTO NG SUPLAY

I. Layunin ng Pagkatuto:
⮚ Nabibigyang kahulugan ang suplay
II. Nilalaman
Kasanayan:
⮚ Nalalaman ang kahulugan ng suplay

Sanggunian: Kronika (pahina 61-63) YouTube, Google

Materyales: librong Kronika, Power Point Presentation, video clip
Pagpapahalaga: Nabibigyan halaga ang pag-aaral ng Konsepto ng suplay
III. Pagganyak: Word Analysis/Pagsasaayos ng salita
IV. Aplikasyon: Ang mag-aaral ay nalalaman nila ang konsepto ng
suplay na maaaring magamit nila sa pang-araw-araw
na pamumuhay.

16
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
SUPLAY
Gaya ng nabanggit sa pagsisimula ng yunit, ang nagtitinda o
prodyuser ay isang pangunahing tauhan sa pag-aaral ng
maykroekonomiks. Tandaan na tungkulin ng prodyuser na lumikha ng
mga produkto at magbigay ng serbisyo sa mga mamimili upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
KONSEPTO NG SUPLAY
Suplay kagaya ng demand malaki ang relasyon ng presyo sa pagtatakda
ng suplay ng isang prodyuser. Mailalarawan ang relasyong ito sa
pamamagitan ng paghihimay ng mga kaugnay na kaisipan.
Supply Function ang Qs (quantity supplied) ay dependent variable na
nagbabago sa bawat pagbabago ng P (price) na siyang independent
variable. (Makikita ang mga formula sa pahina 62).
Iskedyul ng Suplay ito ay isa sa mga paraan ng pagpapakita ng tuwirang
relasyon ng presyo at dami ng suplay. Makikita ang talaan ng iskedyul ng
suplay sa pahina 62.
Batas ng Suplay ang ceteris paribus ay nangangahulugan na hindi
nagbabago ang ibang mga salik. Samakutuwid, ang presyo ang tanging
salik na nagpapabago sa suplay. May isang paksa na nakalaan sa
pagtalakay sa iba pang mga salik na nakapagpapabago sa suplay.

17
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
GAWAIN 1
Panuto: Isulat ang TAMA o MALI sa patlang.

______1. Ang mga mamimili ang pangunahing tauhan sa

maykroekonomiks.

______2. Ang tungkulin ng prodyuser ay ang lumikha ng mga produkto

at magbigay ng serbisyo sa mga mamimili upang matugunan
ang kanilang mga pangangailangan.

______3. Ang batas ng suplay ay nagsasaad na habang tumataas ang

presyo ay tumataas ang dami ng suplay at habang bumababa
ang presyo, bumababa ang dami ng suplay.

______4. Ang suplay sa pamilihan ay nangangahulugan na hindi

nagbabago ang ibang mga salik.

______5. Ang kurba ng suplay ay nangangahulugang isang grapikong

paglalarawan sa tuwirang relasyon ng presyo at dami ng
ipagbibili.

______6. Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na

handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser o magtitinda sa
iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

18
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
______7. Walang relasyon ang presyo sa pagtatakda ng suplay ng isang
prodyuser.

______8. Ang supply function ay isang mathematical equation na

nagpapakita ng ugnayan ng dalawang variables.

______9. Ang iskedyul ng suplay ay tumutukoy sa pagsasama-samang

dami ng suplay ng bawat magtitinda sa isang produkto o
serbisyo.

_____10. Ipinapakita ng kurba ng suplay ang tuwirang relasyon ng

presyo at dami ng ipagbibili.

19
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
GAWAIN 2
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

Batas ng suplay Iskedyul ng Suplay

Supply Function Suplay sa pamilihan
Suplay

_________________1. Ito ay tumutukoy sa pinagsama-samang dami

ng suplay ng bawat magtitinda sa isang
produkto o serbisyo.
_________________2. Ito ay nagsasaad na habang tumataas ang dami
ng suplay at habang bumababa ang presyo,
bumababa ang dami ng suplay.
_________________3. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at
serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser o magtitinda sa iba’t ibang presyo
sa isang takdang panahon.
_________________4. Ito ay isang mathematical variables.

20
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
_________________5. Ito ay tumutukoy sa isang talaan ng dami ng
produkto at serbisyo na handa at kayang
ipagbili ng magtitinda sa iba’t ibang presyo.

GAWAIN 3

Panuto: Sagutin ang tanong.

1. Sa anong sitwasyonng nagkakaroon ng pagkukulang sa suplay ng

isang produkto?

_________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

Pamantayan:
Kaisipan: 2puntos
Paraan ng pagsulat: 2puntos
Kalinisan: 1 puntos
Kabuuan: 5 puntos

21
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly prohibited
22

You might also like