You are on page 1of 13

I.

Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng pamilya;
b. natutukoy ang mga salik na nakakaapekto sa demand;
c. nakakagawa ng matalinong pagpapasiya sa pagtugon sa mga pagbabago ng
mga salik na nakakaapekto sa demand.

II. Nilalaman
Paksa: Mga Salik na nakakapekto sa Demand
Sanggunian: Kalakaran sa Ekonomiks (Libro ng mga Mag-aaral)
Pahina: 120-121
Kagamitan: Aklat, PowerPoint presentation, LCD Projector, visual aid

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral
Bago natin umpisahan ang panibagong
talakayan ngayong umaga, atin munang balikan
ang naging talakayan natin kahapon.
DEMAND
B. Paghahabi sa Layunin
1. Bakit sinasabing malaking salik ang
presyo sa pagbabago ng demand ng
mamimili?
Mag-aaral 1: Ang presyo ay isang pangunahing
salik na nakakaapekto sa pagbabago ng
demand ng mamimili dahil ito ang nagiging
sentro ng mga desisyon ng mamimili. Ang
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa pagtaas o pagbaba ng presyo ng isang produkto
bagong aralin ay maaaring magdulot ng pagbabago sa dami
Magaling! Malaking salik ang presyo sa ng mga mamimili na interesado o handang
pagbabago ng demand dahil nakasalalay dito bumili ng nasabing produkto.
kung bibilhin ba ng isang mamimili ang isang
produkto. Sinsabi na kapag ang presyo ay
tumaas baba ang demand ng isang mamimili
na bilhin ang isang produkto at kung baba
naman ang presyo ay tataas ang demand ng
mamimili na bilhin ang produkto.

Bago tayo tumungo sa bagong aralin mayroon


akong inihandang mga litrato, Pag-isipan niyo
itong mabuti.

(Pagkaraang ang mga mag-aaral makapag-isip


. Itatanong ang mga sumusunod)

1. Naiintindihan ba ninyo ang mga nasa Opo.


larawan?
2. Batay sa mga larawan na ito, ano ang
mga naoobserbahan niyo?
Mag-aaral 2: Sa larawan po na ipinakita niyo,
mapapansin natin na malaking salik sa
pagbabago sa demand ng mamimili ang presyo
depende sa sitwasyon. Sa unang litrato makikita
na dahil sa bagyo malaki ang pagtaas ng presyo
ng bigas di tulad ng normal na araw lamang. Sa
pangalawang halimbawa mapapansin natin na
kapag trending ang isang bagay malaking salik
ito upang tumaas ang demand ng tao para dito
na bilhin. At sa pangatlo naman ay makikita
natin na kapag tumaas ang presyo ng isang
produkto na nakasanayan mo namang bilhin
noon ay malaki ang sansya na maghanap ka sa
ibang klase ng brand nito.
Napakahusay! Ang ating aralin sa araw na ito
ay tungkol sa Mga Salik na nakakaapekto sa
Demand. Kung saan matutuklasaan natin kung
anu-ano nga ba ang mga salik
nakakapagpabago sa demand ng isang
mamimili sa pagpili at pagbili ng mga
produkto o serbisyo sa pamilihan.

D. Pagtatalakay
 Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand
1. Kita ng Mamimili

Bakit may malaking epekto sa demand ang kita


ng mamimili?

Mag-aaral 3: Ang kita ng mamimili ay


nagtutukoy kung gaano nila kayang gastusin.
Kapag mataas ang kita, mas malamang silang
bumili ng mas maraming produkto. Kapag
mababa ang kita, mas mapili sila sa kanilang
pagbili. Kaya't ang kita ay malaking salik sa
Magaling, ang isang taong may malaking kita
pagtatakda ng demand ng mamimili.
ay makakabili ng higit na maraming produkto
kaysa sa taong maliit lamng ang kita sa harap
ng parehong presyo ng bibilhin. Kapag ang
kita ng isang tao ay lumaki, ang kakayahan
niyang bumili (purchasing power) ay
tumataas.
Kung ganon, ano naman ang posibleng
manyari kung lumiit ang kita ng isang
indibidwal?
Mag-aaral 4: Kapag lumiit ang kita ng isang
indibidwal ang kayang purchasing power ay
bumababa. Buhat nito, masasabing ang
pagbabago ng kita ng mamimili ay may epekto
sa demand ng iba’t-ibang produksyon at
serbisyo. Naapektuhan nito ang mamimili sa
paraan na kailangan bitawan ang isang
produkto na nakasanayan naman na gamitin o
ikonsumo dahilan upang maghanap sila ng
alternatibong produkto pamali dito. Dahil, Ang
pagtaas o pagbaba ng presyo ng kaugnay at
kapalit na produkto ay maaaring makaapekto sa
budget ng mamimili. Kapag ang presyo ng
kaugnay na produkto ay tumaas, maaaring ito
ay magdulot ng pangangailangan na baguhin ng
mamimili ang kanilang budget o gastusin para
sa mga produkto na kanilang bibilhin.
Tama! Halimbawa na lamang sa panlasa, kapag
nagbago ang kagustuhan ng isang mamimili sa
isang produkto katulad ng tsokolate mababa na
ang kagustuhan niya na bilhin ulit iyon. Sa
kaugalian naman ay, malaki ang demand sa
pagkain tuwing pasko kung ihahambing sa mga
ordinaryong araw ng taon. Maipapaliwanag ito
ng kaugaliang Pilipino na nagsasabing dapat
sagana ang hapagkainan ng mga prutas,
kakainin, at iba pang pagkain tuwing pasko at
bagong taon bilang pasasalamat sa mga biyaya
sa nakaraang taon at pagsalubong sa bagong
taon ng kasaganaan.

2. Panlasa at Kaugalian ng Mamimili

Bakit nakakaimpluwensiya ito sa pagbabago ng


demand sa isang bagay?
Mag-aaral 5:Ang panlasa at kaugalian ng
mamimili ay nagtutukoy kung ano ang gusto
nilang bilhin at gaano karami. Kung nagbago
ang kanilang preference o kaugalian, maaaring
magbago rin ang demand para sa isang
produkto. Ang pagpapababa o pagtaas ng
demand ay depende sa kung sumasang-ayon
ang produkto sa kanilang kasalukuyang panlasa
at kaugalian.
Tama! Halimbawa na lamang sa panlasa, kapag
nagbago ang kagustuhan ng isang mamimili sa
isang produkto katulad ng tsokolate mababa na
ang kagustuhan niya na bilhin ulit iyon. Sa
kaugalian naman ay, malaki ang demand sa
pagkain tuwing pasko kung ihahambing sa mga
ordinaryong araw ng taon. Maipapaliwanag ito
ng kaugaliang Pilipino na nagsasabing dapat
sagana ang hapagkainan ng mga prutas,
kakainin, at iba pang pagkain tuwing pasko at
bagong taon bilang pasasalamat sa mga biyaya
sa nakaraang taon at pagsalubong sa bagong
taon ng kasaganaan.
Kung ngayoy ay, Ano naman ang salik ng
pagkauso sa panlasa at kaugalian ng mamimili?
Sa paanong paraan ito nanyayari? Mag-aaral 6: Hindi na limid sa kaalaman natin
na ang mga pilipino ay mahilig sa mga uso.
Kapag nauso ang mga maluluwag na kasuotan,
ang demand sa mga ito ay tumataas,
samantalang kapag nauso ang masisiskip na
damit, ang demand sa mga maluluwag na damit
ay bumababa.
Magaling! Labis nga na mahilig tayong mga
Pilipino sa mga nauuso ngayon at hindi tayo
nahuhuli sa pagsabay sa mga ito.
Mahahalimbawa natin ang kpop. Dahil sa
kanilang pagsikat naiimpluwensiyahan ang
kanilang mga taga hanga na gayahin ang
kanilang styles o gawi sa ibang bagay dahilan
upang tumaas ang demand ng mamimili para
bilhin ito.

3. Presyo ng Kaugnay at Kapalit na


Produkto.

Ano ang napapansin niyo sa dalawang na sa Mag-aaral 7: Sa unang litrato makikita natin na
larawan? kapag nag mahal ang isang produkto na
nakasanyan naman nating bilhin nagbabago ang
isip natin na bilhin ito kung kaya’t naghahanap
tayo ng maaring ipagpalit para dito. At
masasabi natin na ang presyo ay may malaking
dahilan sa pagdedesiyon ng isang mamimili.na
iimpluwensiyahan siya nito sa pagbili o
pagkonsumo ng isang produkto.
Mahusay! at dito papasok ang dalawang uri ng
produkto: ang mga kaugnay na produkto o
complentary goods at mga kapalit na
produkto o subsititute goods. Halimbawa, kung
ang presyo ng kape ay tumaas (Complementary
Goods), maaaring mas maraming mamimili ang
magpasyang bumili ng tsaa bilang kapalit nito
(Subsititute goods). Sa ganitong sitwasyon,
posibleng bumaba ang demand para sa kape at
tataas naman ang demand para sa tsaa.
Sa paanong paraan naapaktuhan ang isang
mamimili dahil dito? Mag-aaral 8: Naapektuhan nito ang mamimili
sa paraan na kailangan bitawan ang isang
produkto na nakasanayan naman na gamitin o
ikonsumo dahilan upang maghanap sila ng
alternatibong produkto pamali dito. Dahil, Ang
pagtaas o pagbaba ng presyo ng kaugnay at
kapalit na produkto ay maaaring makaapekto sa
budget ng mamimili. Kapag ang presyo ng
kaugnay na produkto ay tumaas, maaaring ito
ay magdulot ng pangangailangan na baguhin ng
mamimili ang kanilang budget o gastusin para
sa mga produkto na kanilang bibilhin.
Tama! ang pagbabago sa presyo ng kaugnay at
kapalit na mga produkto ay maaaring magdulot
ng pagbabago sa allocation o paghahati ng
budget ng mamimili, na maaaring makaapekto
sa kanilang mga pagbili at sa demand para sa
iba't ibang produkto.

4. Inaasahang Presyo sa Hinaharap o


Ispekulasyon sa Presyo.

Bakit isa sa nakakapekto sa demand ang


inaasahang presyo sa hinaharap? Mag-aaral 9: Ang inaasahang presyo sa
hinaharap ay nakakaapekto sa demand dahil ito
ang nagtuturo sa mamimili kung kailan sila
pinakamagiging interesado sa pagbili. Kung
inaasahan ng mamimili na tataas ang presyo ng
isang produkto sa hinaharap, maaaring mas
gaganahan silang bumili ngayon para
makatipid. Sa kabaligtaran, kung inaasahan
nilang bababa ang presyo sa hinaharap,
maaaring maghintay sila bago bumili para mas
makatipid. Ang inaasahang presyo sa hinaharap
ay nakakaapekto sa desisyon ng mamimili sa
Magaling! Kung inaasahan ng mga mamimili kasalukuyang panahon.
na ang presyo ay bababa, ipagliliban nila ang
pagbili hanggang sa araw na ang presyo ay
mababa na. Ito ay nagbubunga ng pagbaba ng
demand sa kasalukuyan. Halimbawa, kung
inaasahan ng taong tataas ang presyo ng bigas
sa madaling panahon dahil sa bagyo, at ang
lahat ng tao ay ganoon din ang inaasahan,
magkakaroon ng pagtaas ng bigas sa
kasalukuyan.

Ang tanong, kung ang ganitong kaugalian ay


nakasanayan ano ang posibleng masamang
dulot nito?
Mag-aaral 10: Kung ang ganitong kaugalian ay
makasanayan, katulad na lamang ang sobrang
pagtaas ng demand sa bigas dahil naramdaman
na ng mamimili na tataas ito sa hinaharap, sa
kasalukuyan naman ay kakulangan ang
magiging bunga nito, habang mas malaki ang
kakulangan natin dito lumalaki rin ang sansiya
na tumaas ang presyo nito dahilan upang mas
lalo tayong mahirapan na bumili nito.
Mahusay! Sabi nga di ba “Bumili ng naayon sa
pangangailangan” kaya huwag maging
makasarili.

5. Inaasahang Kita ng Mamimili sa


hinaharap

Bakit may malaking epekto sa demand ang


inaasahang kita ng mamimili sa hinaharap?
Mag-aaral 11:Ang inaasahang kita ng mamimili
sa hinaharap ay may malaking epekto sa
demand dahil ito ang nagtatakda kung gaano
sila kaya at handang gastusin para sa mga
produkto at serbisyo. Kung inaasahan ng
mamimili na tataas ang kanilang kita sa
hinaharap, mas malamang na magiging handa
silang bumili ng mas maraming produkto o mas
mamahaling mga produkto ngayon. Sa kabilang
banda, kung inaasahan nilang bababa ang
kanilang kita sa hinaharap, maaaring magbawas
sila ng kanilang paggasta at maging mas mapili
sa kanilang mga pagbili.
Tama! Ang inaasahang kita sa hinaharap ay
nagtuturo sa mamimili kung gaano sila
kahanda sa kanilang mga pagbili sa
kasalukuyan at paano nila i-handle ang
kanilang mga gastusin batay sa kanilang
inaasahan na kita sa hinaharap.Halimbawa ng
epekto ng inaasahang kita sa hinaharap sa
demand ay ang pag-iipon para sa isang bagong
bahay. Kung inaasahan ng isang tao na tataas
ang kaniyang kita sa susunod na taon dahil sa
inaasahang pagtaas ng sahod, mas malamang
na magiging handa siyang bumili ng bahay
ngayon, kahit na kailangan pa niyang mag-ipon
o magbayad ng down payment. Ang
inaasahang pag-angat ng kaniyang kita sa
hinaharap ang nagbigay inspirasyon sa kaniya
na magdesisyon na maglaan ng pondo para sa
malaking pagbili sa kasalukuyan.

6. Populasyon

Paano nakaaapekto ang pagtaas ng populasyon


sa demand ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain at tirahan sa
isang bansa? Mag-aaral 12:Ang pagtaas ng populasyon sa
isang bansa ay nagreresulta sa mas mataas na
pangangailangan para sa mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain at tirahan
dahil sa mas maraming tao ang
nangangailangan ng mga ito. Ang pagdami ng
populasyon ay maaaring magdulot ng pagtaas
sa demand sa market para sa mga essential na
bagay, dahilan upang mas maraming suplay ang
kailangan na maibigay para matugunan ang
pangangailangan ng mas maraming tao.
Magaling! Dahil kung ang populasyon sa isang
lugar ay tumaas, ang demand din ay tataas.
Kabaliktaran naman nito na kapag bumaba ang
populasyon sa isang lugar ang demand din ay
bababa. Di ba nga, sabi sa Malthus Theory na
kapag mas maraming ang populasyon, mas
maraming pagkonsumo ang nanyayari dito, ang
tanong sa paanong paraan ito nakakapekto sa
ating ekonomiya?
Mag-aaral 13: Ang pagtaas ng populasyon sa
ekonomiya ay maaaring magdulot ng mas
mataas na pangangailangan para sa mga
pangunahing pangangailangan katulad ng sinabi
kanina sa pagkain at tirahan. Ito ay maaaring
magbukas ng mga oportunidad sa produksyon
at negosyo, ngunit maaari rin itong magdulot ng
pressure sa mga likas na yaman at magdulot ng
kumpetisyon sa trabaho.
Mahusay, may kaakibat itong bunga katulad ng
iyong nabanggit, maari itong mapabuti o
makapagbigay hirap pa depende pa sa
kalakagayan ng isang lugar. Sa maunlad na
lugar na maraming populasyon, mas may
kakayahan ang pamahalaan na tugunan ang
mga pangangailangan ng mga mamamayan.
May maayos na serbisyo sa kalusugan at
edukasyon, at maraming oportunidad sa trabaho
at kaunlaran. Sa hindi maunlad na lugar na
mataas ang populasyon, mas mahirap ang
access sa serbisyo at mas mabigat ang epekto
nito sa likas na yaman at kapaligiran. Ang
limitadong mapagkukunan ng pamahalaan ay
nagdudulot ng kakulangan sa serbisyo at
oportunidad.

Nauunawaan ba?
Opo.
May tanong?
Wala po.
E. Paglalahad ng kasanayan
DEAL OR NO DEAL?
Para sa yugtong ito ng ating talakayan
magkakaroon tayo ng isang gawain. Kayong
lahat ay nagrerepsinta ng isang indibidwal na
mamimili. Ipagpalagay na ikaw ay may 1,500
na gagastusin sa loob ng isang araw at ang mga
produktong makikita mo sa mga larawan na
ipapakita ko ay ang mga produktong iyong
maaring bilhin. Alin sa mga ito ang inyong
bibilhin o hindi bibilhin kapag tumaas ang
presyo ng nasabing produkto? Isulat ang
salitang deal sa ibaba ng produkto kung ito ay
iyong bibilhin at no deal kung ito ay hindi mo
bibilhin. At bakit mo binili at hindi binili ang
mga produktong ito? Ipaliwanag. Sa tulong ng
rubrics na aking inihanda ay aking matutukoy
kung sinong mga mag-aaral ang nakagawa ng
matalinong pamamaraan sa paglalarawan
kanilang strategy sa pagdedesiyon ay siyang
tiyak na makakakuha ng mataas na grado sa
aking pamantayan.

Mag-aaral 14: ang mga bagay na bibilhin ko


(Deal) ay ang mga sa tingin ko ay mga bagay
na esensyal sa pang-araw-araw ng isang
indibidwal. Una ang bottled water na
nagkakahalaga ng 30 pesos dahil importante
ang tubig sa bawat-isa sa atin. Pangalawa ay
ang fried chicken na nagkakahalaga ng 60
pesos dahil bukod sa mahilig ako dito ay
natitiyak ko na sulit na ito para sa makabili
ako ng ulam ko. Pangatlo ay ang bag na
nagkakahalaga ng 700 pesos. Kung tutuusin
mabigat na ito sa iyong pagkakagastusan
ngunit para sa akin ang pagbili ng gamit na ito
ay isang investment kung saan ay tiyak na
magagamit ko ng pang matagalan na panahon.
Kung sususmahin ang nagastos ko para sa
lahat ay 790 pesos at sa 1, 500 ko ay may
natira pa akong budget na 710.
Ang natira na iyon ay itatabi ko na lamang
para sa aking mga sususnod na
pagkakagastusan kung kinakailangan.at sa
huli ang mga hindi ko binili (No deal) ay ang
mga T-shirt, sine, necklace, bracelet, ballpen,
hamburger at soda. Dahil ang halos sa mga ito
ay mahal at sariling kagustuhan natin lamang
kesa sa tunay na pangangailangan natin sa
pang-araw-araw. Dahil para sa akin, ang isang
matalinong mamimili ay hindi pansarili
lamang ang iniisip bagkus ang isang
matalinong mamimili ay matalino rin sa
pagdedesiyon ng gastusin at alam ang dapat
mas kinakailangan pagkagastusan sa hindi.
Dahil bilang isang indibidwal, mahirap kumita
ng pera kung kaya’t ganon na lamang ang
dahilan ko.
Mahusay! Sang ayon ako sa iyong nagawang
desisyon at sa sinabi mong mahirap kumita ng
pera na talaga namang totoo lalo na sa panahon
ngayon kung saan ang mga bilihin at gastusin
ay patuloy na tumataas dahilan upang
makaapekto ito sa pagbabago ng desiyon natin
sa pagbili ng isang produkto. At bilang isang
indibidwal, mas mainam na maunawaan natin
kung ano ang siyang dapat bilhin at ipagpaliban
muna katulad na lamang ng pagbili ng necklace
at bracelet. Hindi naman masama na bumili nito
para sa iyong sariling kagustuhan ngunit kung
ikaw ay normal na indibidwal lamang, kung
titignan ay mahal at malaking bawas ito sa
budget mo na 1,500. kung kaya’t dapat natin
tinitimbang ang budget na meron lang tayo
dahil kung hindi natin mapagagastusan to ng
tama ay tayo rin ang mahihirapan sa huli sa
ating mga gastusin.

Malinaw ba ang lahat? Opo.

F. Paglinang ng kasanayan

Kung ganon, sino ang maaaring makapagbuod


(Malayang makapagbibigay ng kasagutan ang
ng ating naging aktibidad kaugnay sa mga salik
mga mag-aaral)
na nakakaapekto sa demand?

Mahusay! May katanungan pa ba? Wala na po.

G. Pag-uugnay sa pangaraw-araw na
buhay

1. Sa kasalukuyan, Mayroon bang mga


pagbabago sa iyong pamilihan o pagbili
ngayon kumpara noon? Ano ang mga bagay
na nakakaimpluwensya sa mga pagbabagong
ito? (Malayang makapagbibigay ng kasagutan ang
mga mag-aaral)
2. Sa kasalukuyan, Importante pa ba ang pag
alam sa mga gusto ng mamimili?

H. Paglalahat ng aralin

1.Bilang isang mamimili paano natin haharapin


ang pabago-bagong salik na nakakaapekto sa
demand? (Malayang makapagbibigay ng kasagutan ang
mga mag-aaral)
IV. Pagtataya ng Aralin
Bilugan ang tamang sagot. Basahin at suriing mabuti ang bawat pahayag, mula sa mga
pagpipilian ay bilugan ang tamang sagot.

1.Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan sa konseptong demand?


A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang
konsyumer.
B. Ito ay tumutukoy sa daming produkto nahanda at kayang bilhin ng mga konsyumer
sa iba’t ibanghalaga o presyo.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang daming produkto na mabibili ng kanilang
pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa daming produkto nahanda at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t
ibang presyo.
2.Ang pagkakaroon ng kakulangan ng produkto sa pamilihan ay nagbubunga ng ___.
A. pagbili ng maramihan
B. pagtaas ng presyo ng mga produkto
C. pagbaba ng presyo ng mga produkto
D. pagtatago ng produkto
3. Kapag mas marami ang demand kaysa suplay ng produkto, ang presyo ay _____.
A. Bababa
B. Pabago-bago
C. Tataas
D. Mananatili
4. Ang sumusunod na mga pahayag tungkol sa relasyon ng demand, presyo, at suplay
ay pawang katotohanan maliban sa ______.
A. kapag bumaba ang presyo, baba din ang demand
B. kapag bumaba ang presyo, bababa ang suplay
C. kapag tumaas ang presyo, bababa ang demand
D. kapag tumaas ang presyo, tataas din ang suplay
5. Bakit importante ang kita ng mamimili?
A. Dahil kapag malaki kita ng mamimili may malaking epekto ito sa demand.
B. Dahil mayaman sya
C. Marami sya mabibili
D. Uubusin nya ang tinda
6. Ano ang epekto ng populasyo demand
A. Para marami bumili
B. Kapag marami ang populasyon marami ang demand at kapag konti ang populasyon
konti rin ang demand
C. Dahil dito ibabase ang presyo ng produkto
D. Lahat ng nabanggit
7. Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa mga pagkaing Koreano dahil sa
pagsubaybay ng mga KDrama.
A. Kita
B. Panlasa
C. Inaasahang pagbabago ng presyo
D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo
8. Napromote sa trabaho si Hector kaya may karagdagan sa kaniyang magiging sweldo
A. Kita
B. Panlasa
C. Inaasahang pagbabago ng presyo
D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo
9. Tumaas ang presyo ng tinapay dahil sa pagtaas ng presyo ng arina.
A. Kita
B. Dami ng mamimili
C. Inaasahang pagbabago ng presyo
D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo
10. Tumataas ang demand ng mga panamit sa mga shopping mall tuwing sumasahod
ang mga empleyado kada kinsenas.
A. Dami ng mamimili
B. Kalidad ng produkto
C. Okasyon
D. Kita

Mga Tamang Sagot:


1. B
2. B
3. A
4. B
5. A
6. B
7. B
8. A
9. D
10. D

V. Kasunduan
SALIK SA DEMAND
Igrap ang mga sumusunod na siwatsyon at ipakita ang paglipat ng kurba ng demand. Tukuyin din
kung anong salik ang nakaapekto sa demand.

1. May pagtaas ng sahod na ipinatupad ang pamahalaan. Ano ang mangyayari sa demand ng bigas?

2. Bumaba ang presyo ng baka. Ano ang mangyayari sa demand ng baboy?

3. Kumalat ang sakit na bird flu sa mga manok. Ano ang mangyayari sa demand ng isda?

4. Magbababa ng presyo ang bebenta ng liquefied petroleum gas (LPG) sa isang linggo. Ano ang
mangyayari sa demand sa LPG sa kasalukuyan.

Sanggunian:
Kalakaran sa Ekonomiks (Libro ng mag-aaral)
Pahina: 120-121

Inihanda nila:

Acebron, Queenie
Halasan, Lovelyn

You might also like