You are on page 1of 10

9

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Mga Salik na Nakaaapekto
sa Demand
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jonathan S. Del Valle
Editor: Lucia A. Mojica
Tagasuri: Michael M. Mercado at Lanilyn E. Gueta
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMDS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office-Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda


upang matutuhan mo ang paksang “Mga Salik na
Nakaaapekto sa Pagbabago ng Demand maliban sa
Presyo”. Pinagkunan: https://www.strategy-business.com/article/Connecting-the-
Dots-from-Brand-to-Demand?gko=b57ce ____________

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay


ang sumusunod:
Aralin 1 – Iba pang Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo
Aralin 2 – Ang Paglipat ng Demand Curve (Shifting of the Demand Curve)
Aralin 3 – Matalinong Pagpapasya sa pagtugon sa mga Pagbabago ng mga
Salik na Nakaaapekto sa Demand

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang


sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency
-MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natatalakay ang iba pang salik na nakaaapekto sa demand maliban sa presyo (MELC);
2. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng presyong salik sa iba pang salik na nakaaapekto sa
pagbabago ng demand; at
3. Napahahalagahan ang matalinong pagpapasya ng mamimili sa pagtugon sa mga
pagbabago ng mga salik na nakaaapekto sa demand.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Isa sa mga salik na nakapagpapabago ng demand na nakapagpapataas o


nakakapagpababa ng kakayahang bumili ng mas maraming produkto.
A. kita
B. panlasa
C. kita dami ng mamimili
D. inaasahan ng mga mamimili sa presyo ng hinaharap

2. Ito ay naaayon sa hilig o ninanais gamitin ng mamimili na nakaaapekto sa pagbabago


ng demand.
A. kita
B. panlasa
C. dami ng mamimili
D. inaasahan ng mga mamimili sa presyo ng hinaharap

3. Isa sa mga salik na nakapagpapabago ng demand ay kapag tumaas o bumaba ang


presyo ng produkto na may pamalit sa isa’t isa.
A. panlasa
B. dami ng mamimili
C. inaasahan ng mga mamimili sa presyo ng hinaharap
D. presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo

4. Alin sa mga salik na nakaaapekto sa demand na may kinalaman sa “bandwagon


effect?”
A. kita
B. panlasa
C. dami ng mamimili
D. presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo

1
5. Dumami ang mga nagpakarga ng gasoline at diesel simula ng inanunsiyo sa balita na
simula bukas ng ikaanim ng umaga, ang mga kompanya ng langis ay magtataas ng
presyo ng krudo ng higit sa piso hanggang P1.50 sa lahat ng produktong petrolyo. Aling
salik na nakapagpapabago ng demand ang tinutukoy nito?
A. kita
B. dami ng mamimili
C. inaasahan ng mga mamimili sa presyo ng hinaharap
D. presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo

Modyul
Mga Salik na Nakaaapekto
2 sa Demand
Sa pangkalahatan, ang presyo ang nagtatakda sa demand ng mamimili. Madalas na
idinidikta kung anong kakayahan nito na mabili o bilhin sa anumang takdang presyo upang
makamit ang ninanais na produkto at serbisyo.

Hindi lamang presyo ang nakapagpapabago sa demand ng tao. May iba pang salik na
nakaaapekto sa demand na mahalagang malaman na makatutulong sa ating matalinong
pagpapasya.

Balikan
1. Ipaliwanag kung
Sa pamamagitan bakit downward
ng graph sa slope ang kurba
ibaba, ipaliwanag ng demand?
ang Batas ng 2. Paano
Demand. Isulat nagkakaroon ng
ang iyong sagot ugnayan sa
sa kuwaderno. pagitan ng
mamimili at
demand?

Tuklasin

Mual sa unang aralin, relatibong


magkaugnay ang demand sa bawat
pagbabago ng presyo. Ang tanong, ang
presyo lang ba ang dahilan sa bawat
pagbabago ng demand?

Pag-aralang mabuti ang mga larawan sa


ibaba. Gamit ang iyong kuwaderno, isulat
ang iyong mga paliwanag kung ang mga ito
ay nagdudulot sa pagbabago ng demand.

2
Suriin

Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand maliban sa Presyo


Ang presyo ay nakapagdudulot ng malaking impluwensiya sa pagbabago ng demand.
Mula sa bilang, dami, kakayahang makapagbigay ng serbisyo o kasiyahan, sa Pilipinas o sa
ibang bansa man ginawa ang isang produkto ay naitatakda ang presyo nito. Higit pa rito, may
mga sitwasyon, produkto o pagkakataon sa isang pamilihan na hindi pumapaloob sa
konklusyong ito. May mga iba pang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng demand na higit na
mahalagang suriin at malaman upang makatulong sa ating wastong paggawa ng desisyon.

Kita
Hindi magkakatulad ang kinikita ng bawat indibidwal sa bawat
pagkakataon na siyang nakapagpapabago ng demand. May mga tao na
mataas o may paglaki ng kinikita na nagdudulot ng papataas na
pagkonsumo ng mga produkto. Ang tawag sa mga produkto na tumataas
ang demand kasabay ng pagtaas ng kinikita ng tao ay Normal Goods.
Samantalang may mga mababa ang kinikita na nagdudulot sa pagbaba ng
kakayahang bumili ng produkto na madalas inferior goods ang binibili. Ito
https://www.pxfuel.com/en/free-photo-
ang tawag sa mga produktong tumataas ang pagkonsumo kapag may
orclv
mababang kita.

Halimbawa, ang normal goods para kay Jam ay pagkain sa mga fine dining restaurant at
inferior goods ang pagkain ng instant noodles. Kapag nakatatanggap si Jam ng mga bonus at
allowance sa kaniyang trabaho, tumataas ang kaniyang demand na kumain sa fine dining
restaurant. Samantalang tumataas ang pagkain ng noodles kapag walang pera dahil marami
ang gastos na sinabayan ng pagkaltas ng utang sa sahod nito.

3
Dami ng Mamimili
Nagpapataas sa demand ng isang produkto kapag maraming bumibili
na tinatawag na bandwagon effect. Kahit na hindi kinakailangan na bumili,
mahihikayat ka lalo na kapag may clearance sale, buy one take one at may
50% off sa mga produkto na nauuso ngayon.

Presyo ng Magkakaugnay na Produkto sa Pagkonsumo

Mayroong produkto na magkakaugnay sa pagkonsumo, maaaring sabay na ginagamit o


pamalit na produkto. Ang mga komplementaryo o complementary goods ay mga produktong ka-
partner ng isang produkto. Anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay may
pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. Tulad ng kape at asukal, tinapay at mga
palaman, kotse at gulong at iba pa.

Sa kabilang banda, ang substitute goods o produktong may pamalit ay may tuwirang
pagbaba sa demand kapag tumaas ang presyo nito. Dahil may pamalit na produkto, madalas
hindi nagtataas o nagbabago ang presyo ng mga ito. Sa pangkalahatan, bawat pagtaas at
pagbaba ng presyo na may komplementaryo o may pamalit na produkto ay pagbabawas o
pagdagdag sa bilang ng gagamitin.

Panlasa
Pangkaraniwang kadahilanan ang kagustuhan o panlasa sa pagpili ng produkto at
serbisyo ng mga mamimili. Ang colonial mentality ng mga Pilipino ay isa sa dahilan ng
pagkonsumo ng mga imported na produkto. Ang mga artistang Pilipino na gumaganap sa mga
pag-aanunsyo ng produkto ay nakaiimpluwensiya sa pagkonsumo ng tao. Sa paglipas ng
panahon, bawat pagbabago sa kultura, teknolohiya, pamumuhay at kalagayang panlipunan ng
tao ay may impluwensiya sa pagbabago ng demand.

Inaasahan ng mga Mamimili sa Presyo ng Hinaharap


Tumataas ang demand kapag may pagbagsak sa presyo at nababawasan ang demand
kapag may banta ng pagtaas ng presyo kinabukasan o sa susunod na mga araw o linggo.
Karaniwang nakararanas nito ay mga produktong may kaugnayan sa ating pangangailangan o
mga produkto na nakatutulong sa atin araw-araw. Tulad ng gasoline at diesel, laging tumataas
ang demand habang mababa ang presyo kaya bago ang dagdag na presyo kinabukasan ay gabi
pa lang ay nagpapakarga na.

Sa mga panahong bago dumating ang bagyo, mga okasyon tulad ng pasko at bagong
taon, mapapansin ang bugso ng dami ng mamimili dahil inaasahang mababa ang presyo ng mga
produktong ito kung ikukumpara sa panahong nagaganap na ang mga ito. Ang panic buying ay
may hindi mabuting naidudulot sa mga produktong may mataas ang demand sa panahong ito
at may malaking pagkakataon na maubos at tumaas ang presyo nito.

Ang Paglipat ng Demand Curve (Shifting of the Demand)

Maipakikita ang malaking epekto ng iba’t ibang salik na hindi


presyo sa pagbabago ng demand sa pamamagitan ng isang
grapikong paglalarawan o kurba ng demand.

Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand mula sa kaliwa


papuntang kanan (D1 D2) na nangangahulugang may pagtaas ng demand na bunga
ng iba’t ibang salik, habang ang presyo ay hindi nagbabago o ceteris paribus.

4
Ang mga salik ay:

a. Pagdami ng mamimili (maaaring naging


popular dulot ng mahusay na commercial
advertisement)
b. Pagkagusto sa isang produkto o pagbabago sa
panlasa ng tao
c. Pagtaas ng kita
d. Pagtaas ng presyo sa mga substitute goods
e. Pagbaba ng presyo sa mga complementary goods
Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand mula kanan
papuntang kaliwa (D2 D1) na nangangahulugang may pagbaba ng demand na
bunga ng iba’t ibang salik habang ang presyo ay hindi nagbabago o ceteris paribus.

Ang mga salik ay;

a. Pagbaba ng kita
b. Pagbabago sa panlasa ng tao
c. Walang inaasahang pagbabago ang mga
mamimili sa presyo sa hinaharap
d. Pagbabawas ng bilang ng kinukonsumo ng
mamimili
e. Pagbaba ng presyo ng mga substitute goods
habang tumaas ang presyo ng ilang
complementary goods

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga


Salik na Nakaaapekto sa Demand
Mahalagang nakatutugon ang demand sa bawat pagbabago ng presyo at ng iba pang
salik nito sapagkat bawat desisyong isasaalang-alang ay may malaking epekto sa
kapakinabangang naibibigay ng mga produkto at serbisyong kinukonsumo.

Ang katotohanan, sa bawat araw, oras at pagkakataon ay kumakaharap ang bawat isa
sa malaking hamon ng pagpapasya sa napakaraming bilang ng produkto at serbisyo na ating
tinatangkilik. Kung susuriin sa ganitong sitwasyon, paano makagagawa ng isang matalinong
pagpapasya kung ang lahat ng mga ito ay iyong pangangailangan at kagustuhan?

Ang pagbibigay ng prayoridad sa higit na kailangang ikonsumo at pagba-badyet nito


batay sa kakayahang pinansiyal ng bawat isa ay hakbang upang matamo ang higit na
kapakinabangan nito.

Dapat iayon ang paggasta sa


Maghanap ng alternatibong kakayahan ng kinikita. Pinag-
pamalit sa mga produktong aaralang mabuti ang paggastos at
may mataas na presyo. inuuna ang mahahalagang bagay.

5
Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Mga Salik na
Nakaaaapekto sa Pagbabago ng Demand maliban sa Presyo”, masasagot mo ba ang mga
gawain? Simulan mo na.

Gawain 2.1
Itala Mo! Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon, suriin ang mga pangyayari at ibigay
ang mga salik na nagpabago sa demand. Gumuhit ng graph na lilipat sa kaliwa kung bababa
ang demand at graph na lilipat sa kanan kung tataas ang demand. Gawin ito sa hiwalay na
papel.
1. Bumagsak ang bentahan ng DVDs dahil maraming mamimili ang gumagamit ng
online video streaming tulad ng Netflix.

Salik na Nagpabago sa Paglipat ng Kurba ng


Demand Demand
DVDs
Netflix

2. Inanunsiyo ng pamahalaan ang African Swine Fever Outbreak sa lalawigan.

Salik na Nagpabago sa Paglipat ng Kurba ng


Demand Demand
Karneng Baboy

3. Ang paggamit ng alcohol ay isa sa naging sandata ng mga Pilipino sa paglaban


sa COVID-19.
Salik na Nagpabago sa Paglipat ng Kurba ng
Demand Demand
Alcohol

4.Laganap ang panic buying sa pagbili ng mga bitamina sa mga botika simula pa
noong lockdown.
Salik na Nagpabago sa Paglipat ng Kurba ng
Demand Demand
Bitamina

5. Dahil sa online learning, maramimg mga mag-aaral sa ngayon ang hindi nagsusuot ng
uniporme.
Salik na Nagpabago sa Paglipat ng Kurba ng
Demand Demand
Uniporme

Gawain 2.2
Tsart! Tsart! Tsart! Punan ng paliwanag ang hinihingi ng tsart. Gawin ito sa hiwalay na papel.
MGA SALIK EPEKTO HALIMBAWANG SITWASYON

Kita

Dami ng Mamimili

Presyo ng magkaugnay na produkto

Panlasa

Inaasahan ng mamimili sa presyo ng


hinaharap

6
Isaisip

Gawain 2.3
Tanong Ko, Sagutin Mo! Matapos mong maunawaan ang mga salik na nakaaapekto
sa pagbabago ng demand maliban sa presyo, unawain ang sumusunod na tanong at
isulat ang sagot sa isang papel.
Sagutin ang mga tanong
sa pisara.

1. Ano ang pagkakaiba ng salik na presyo sa iba pang salik


na nagpapabago ng demand?
2. Ano ang mga salik na nakapagpapabago sa demand
maliban sa presyo?
3. Ano-ano ang dapat gawin ng isang mamimili sa bawat
pagbabago ng presyo ng mga bilihin?

4. Ano ang mga nararapat na hakbang ng isang mamimili sa bawat


salik na nakaaapekto sa pagbabago ng demand maliban sa
presyo?
5. Sa iyong palagay, alin ang higit na nakaiimpluwensiya sa
pagbabago ng demand? panlasa o kita ng mamamayan?
Ipaliwanag.

Gawain 2.4
E-Picture Facebook Post. Sa tulong ng Facebook post,
Isagawa ibahagi ang iyong karanasan sa mga hindi presyong salik
na nakaaapekto sa demand, mula sa karanasan mong ito,
paano mo nagamit bilang mamimili ang mabuting
pagpapasya. Maglagay ng quotation o kaisipan na angkop
sa pamamagitan ng poster. Kung sakaling walang internet
connection, maaaring gawin ang facebook post sa bond
paper. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa
pagmamarka ng gawain.

7
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Nilalaman Wasto ang nilalaman at angkop na panuto ng gawain 10
Presentasyon ng
Malinaw at organisado ang gawaing poster 10
Poster
Mahusay ang paglapat ng kulay, larawan at orihinal na
Pagkamalikhain 10
gawa.
Kabuuan 30

Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Sa loob ng halos dalampung taong serbisyo sa pampublikong paaralan bilang guro, si


Bb. Espiritu ay maraming kasangkapan at mga bagay ang kaniyang nabili dahil sa
pagtaas ng sahod niya. Ano ang nakaaapekto sa kaniyang demand?
A. Paglaki ng kaniyang kita
B. Pagdami ng kaniyang pamilya
C. Pagbago ng kaniyang pamumuhay
D. Pagsuri sa presyo ng mga produkto
2. Pasukan na naman at ang magulang ni Divine ay nahaharap sa problema dahil sa
pagtaas ng presyo ng school supplies. Ano ang kanilang dapat gawin?
A. Huwag ng bumili ng school supplies.
B. Bumili ng school supplies sa araw ng pasukan.
C. Bumili ng school supplies matagal pa bago ang pasukan.
D. Gamitin ang pinaglumaang school supplies ng kapatid.
3. Tumaas ang presyo ng bigas sa pamilihan. Naisip ni Gng. Montecillo na bumili muna ng
tinapay para sa kaniyang pamilya. Sang-ayon ka ba sa kaniyang desisyon?
A. Oo, dahil ito ay maaaring pamalit.
B. Oo, dahil ito ay ginagawa rin ng iba.
C. Hindi, dahil ayaw ito ng kaniyang pamilya.
D. Hindi, dahil walang sapat na suplay ng tinapay.
4. Alin sa sumusunod na salik and nakapagtataas sa demand ng karne ng manok?
A. Pagmahal ng presyo ng karne ng manok.
B. Pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at baka.
C. Pagbaba ng bilang o dami ng suplay ng karne ng manok sa pamilihan.
D. Pagtaas ng antas ng sakit na mula sa kontaminadong karne ng manok.
5. Maraming salik ang nakaaapekto sa demand maliban sa presyo. Ang salik na
nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, pinapalitan ang produkto
ng konsyumer ng isang kamukha ngunit mas murang produkto?
A. Income Effect
B. Standard Effect
C. Substitution Effect
D. Complementary Effect

Karagdagang Gawain

Gawain 2.5
Balitang Swak na Swak! Gumupit ng mga napapanahong balita na pumapaloob bilang isang
halimbawa ng mga salik na nakaaapekto sa pagbabago ng demand maliban sa presyo. Idikit sa
isang papel at magbigay ng dalawang

You might also like