You are on page 1of 1

Name: _____________________________ Grade & Section: __________________

Subject: Araling Panlipunan 9___________ Teacher: _________________________


Lesson: Quarter 2 Week 1 LAS 1
Activity Title: Cross Words
Learning Target (s): Nailalapat ang kahulugan ng Demand
Reference(s): Self-Learning Module; Araling Panlipunan 9
LAS Writer: Catherine L. Vidad, TI

Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto at kayang bilhin ng


mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon. Magkasalungat o inverse ang ugnayan ng
Presyo at ng demand ibig sabihin kapag tumataas ang presyo bumababa ang demand; kapag
mababa ang presyo tumaas ang dami ng mga tao na gusto at kayang bilhin ang isang produkto
(ceteris paribus).
Ceteris Paribus ay nangangahulugang na tanging ang presyo lamang ang salik na
nakakaapekto sa demand ang ibang salik ay hindi nakakaapekto sa demand.
May dalawang konsepto na nagpapaliwanag kung bakit magkasalungat o inverse ang
ugnayan ng quantity demanded at presyo. Una, ang substitution effect ito ay nagsasaad na kung
mataas ang presyo ng isang bilihin ang mamimili ay maghahanap ng pamalit o substitute dito.
Ikalawa, ang income effect isinasaad na Malaki ang halaga ng kinikita kapag mababa ang presyo at
maliit naman ang kakayahan ng kita na pagbili ng produkto kapag tumataas ang presyo nito.
Activity: Cross Words
Panuto: Bilugan ang mga salitang makikita sa puzzle na may kaugnayan sa ating tinalakay.

Pahiwatig
1. Isinasaad dito na tanging ang presyo
lamang ang nakakaapekto sa demand
2. Tumutukoy sa produkto at serbisyo na
kaya at gustong bilhin ng mga mamimili.
3. Isinasaad dito ang ugnayan ng presyo at
demand.
4. Kung ang pangunahing produkto ay
mahal ito ang hinahanap ng mga mamimili.
5. Isinasaad dito na Malaki ang halaga ng kita kapag mababa ang presyo.
6. Halaga na kaya at handang ipagpalit ng mamimili makuha lang ang gusto nitong pamalit.
7. Nagsasaad na kapag mataas ang presyo ng pangunahing produkto hahanap ng pamalit ang
mamimili.
8. Direksyon ng demand kung presyo ay mababa.
9. Pook kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.
10. Tumutukoy sa pagsasaayos, nangangasiwa at pakikipagsapalaran sa isang negosyo.

Pamprosesong Tanong:
Panuto: Isulat sa inyong activity notebook ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong.
1. Batay sa iyong natutunan ano ang kahulugan ng Demand?
2. Paano nakakaapekto ang demand sa inyong pamilya ngayong pandemic?

You might also like