You are on page 1of 8

PAGKONSUMO

PAGKONSUMO
Ang pagbili at paggamit ng produkto o
serbisyo na magbibigay ng
kapakinabangan sa tao.
Bahagi ng buhay ng tao simula nang
pagkasilang sa mundo.
Ang napakaraming pangangailangan at
kagustuhan ng tao ang dahilan kung
bakit may pagkonsumo.
At ayon kay Adam Smith na sa
kaniyang aklat na “An Inquiry into the
Nature and Causes of the Wealth of
Nations” ang pangunahing layunin ng
produksiyon ay ang pagkonsumo.
SALIK NG
PAGKONSUMO
1. PAGBABAGO NG PRESYO
 Mataas ang
pagkonsumo kung
mababa ang
presyo,
samantalang
mababa ang
pagkonsumo kapag
mataas ang presyo.
2. KITA
 Nagdidikta sa
paraan ng
pagkonsumo ng
isang tao.
 Habang lumalaki
ang kita ng tao ay
lumalaki rin ang
kaniyang kakayahan
na kumonsumo ng
mga produkto at
serbisyo.
3.MGA INAASAHAN
 Ang mga tao ay
pinipilit na huwag
munang gastusin
ang salapi at
binabawasan ang
pagkonsumo upang
mapaghandaan ang
mangyayari sa mga
susunod na araw o
panahon.
4. PAGKAKAUTANG
 Kapag maraming
utang na dapat
bayaran ang isang
tao, maaaring
maglaan siya ng
bahagi ng kaniyang
salapi upang
ipambayad dito.
5. DEMONSTRATION EFFECT
 Ginagaya ng mga
tao ang kanilang
nakikita, naririnig,
at napapanood sa
iba’t –ibang uri ng
media kaya naman
tumataas ang
pagkonsumo sa
nasabing salik.

You might also like