You are on page 1of 24

Aralin 9

Price Elasticity ng Demand


Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:
• Ang demand ay ang kagustuhan ng mga
mamimili na bumili ng isang kalakal o
paglilingkod. Ito rin ang dami ng produkto na
nais bilhin ng mga konsyumer sa isang
takdang presyo.
• Ayon sa BATAS NG DEMAND, mataas ang
demand ng isang kalakal kung mababa ang
presyo nito.Bumababa ang demand ng
kalakal kung tumataas ang presyo.
Subukang Isipin:
• Kung tumaas nang 20 sentimo
ang bawat litro ng diesel,
magkano ang itataas ng
pamasahe?
• Kung madoble ang presyo ng
sigarilyo dahil sa buwis,
mababawasan kaya ang dami
ng naninigarilyo?
• Kung tumaas ng 20% ang
presyo ng bigas, mababawasan
kaya ang bumibili nito?
Break Muna!
• Nagkaroon ng 10% na pagtaas sa presyo ng mga
produkto na nakalista sa ibaba. Sa kabila nito, walang
pagbabago sa suweldo mo. Magbigay ng anim (6) na
produkto na bibilhin mo kahit na tumaas ang presyo nito.
Bigas Gamot Sabong Panlaba
Cellphone Asukal Sigarilyo
Load ng CP Asin
Load ng Internet Tubig
Softdrinks Mantika
Chocolate Tinapay
Pamprosesong Tanong:
• Ano ang iyong batayan sa pagpili ng mga
produkto?
• Nahirapan ka ba sa pagpili ng mga
produkto? Ipaliwanag.
• Anong mga konsepto ng ekonomiks ang
iyong naging batayan sa pagpili ng mga
produkto. Paano mo ito ginamit sa pagpili ng
produkto?
Panimula:
• Maraming salik ang nakapagpapabago sa
demand at isa na rito ang presyo. Kung
marunong tayong magsuri, magiging madali
ang ating pagtugon dito. Subalit pare-pareho
kaya ang pagtugon ng tao sa pagbabago ng
presyo ng iba’t ibang uri ng produkto?
Masusukat kaya natin ang mga naging
pagtugon ng mamimili?
Ano ang elasticity ?
• Ito ay tumutukoy sa
bahagdan ng pagbabago sa
dami ng demand o supply
batay sa pagbabago sa
presyo.
• Ipinakilala ni Alfred Marshall
ang konsepto ng elasticity sa
ekonomiks.
Price Elasticity ng Demand
• Tugon ng mamimili sa pabago-bagong presyo ng mga
produkto at serbisyo batay sa konsepto ng batas ng
demand.
• Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang
pagtugon at kung gaano ang magiging pagtugon ng
quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing
may pagbabago sa presyo nito.
• Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may
pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit
ang formula na nasa ibaba.
ɛd = %ΔQd
%ΔP
• Bahagdan ng pagbabago sa Qd o %ΔQd ang
tumatayong dependent variable at ang bahagdan sa
pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang
independent variable. Nangangahulugan ito na ang
demand elasticity ay palaging negatibo dahil ang Qd
ay may salungat (inverse) na relasyon sa presyo.
Para mas maayos ang interpretasyon, gagamitin
natin ang absolute value ng formula nito.
Kung saan:
ɛd = price elasticity of demand
%ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd
%ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Elastic
• Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas
malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity
demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo.
Sa maliit na bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang
mga mamimili ay nagiging sensitibo sa pagbili o
naghahanap ng kapalit na kalakal.

%ΔQd > %ΔP or |ε| > 1


Uri ng Price Elasticity ng Demand
Elastic
• Ang pagiging sensitibo sa quantity demanded sa
pagbabago ng presyo ay bunga ng mga sumusunod
na dahilan:
• Maaring marami ang substitute sa produkto.
• Ang produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki sa
badyet sapagkat hindi naman ito masyadong
kailangan.
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Inelastic
• Ang demand ay masasabing price inelastic kapag mas
maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity
demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo.
Ipinahihiwatig nito na kahit malaki ang bahagdan ng
pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay hindi
sensitibo sa pagbili o patuloy na binibili ang kalakal.

|ε| < 1
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Inelastic
• Ang hindi pagiging sensitibo ng quantity demanded
sa pagbabago ng presyo ay maaaring ipaliwanag ng
sumusunod:
• Halos walang malapit na substitute sa isang
produkto.
• Ang produkto ay pangunahing pangangailangan.
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Unitary o Unit Elastic
• Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa
bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded. Ang
pagbabago ng demand ay ayon sa pagbabago ng presyo
batay sa batas ng demand.

%ΔQd = %ΔP or |ε| = 1


Uri ng Price Elasticity ng Demand
Perfectly elastic o Ganap na elastic
• Nangangahulugan ito na anumang pagbabago sa presyo
ay magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity
demanded. Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang
demanded ay hindi matanto o mabilang.

|ε| = ∞
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Perfectly inelastic o Ganap na inelastic
• Nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi
tutugon sa pagbabago ng presyo. Ang produktong ito ay
napakahalaga na kahit na anong presyo nito ay bibilhin
parin sa kaparehong dami.

|ε| = 0
Buod:
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Elastic |ε| > 1
Inelastic |ε| < 1
Unitary |ε| = 1
Ganap na Elastic |ε| = ∞
Ganap na Inelastic |ε| = 0
Demand Curve ayon sa Demand Elasticity

UNITARY ELASTIC GANAP NA DI-


ELASTIC

DI-ELASTIC GANAP NA
ELASTIC
MAG-COMPUTE TAYO!
• Suriin ang sitwasyon. Gamit ang formula, kompyutin ang
price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng
price elasticity ito.
• Mayroon kang ubo at sipon. Ang gamot na
nakagagaling sa iyo ay nagkakahalaga dati ng
Php10 bawat isang piraso at bumili ka ng 10
piraso. Ngayon ang presyo ay Php15 bawat
piraso. Bumili ka na lamang ng 8 piraso.
MAG-COMPUTE TAYO!
• Suriin ang sitwasyon. Gamit ang formula, kompyutin ang
price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng
price elasticity ito.
• Sa halagang Php30 ay nakabili ka ng 2 bareta ng
nakaugaliang brand ng sabon. Nang bumaba ang
presyo nito sa Php25, nakabili ka ng 5 bareta ng
sabon.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Kung ikaw ay prodyuser ng produkto na


may inelastic na demand, marapat bang
isipin lang ang kumita ng malaking tubo?
Bakit?
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto
at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like