You are on page 1of 1

Paglalapat

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pagsulat ng Sanaysay

Panuto: Bumuo ng dalawang talata tungkol sa kung “Paano nakakaapekto ang mga
salik ng demand sa matalinong pagdedesisyon ng mga mamimili?”

Malaki ang epekto ng konsyumer o mamimili sa salik ng demand sa pamamagitan ng


matalinong pag dedesisyon. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at
serbisyong nais at kayang bilhin sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon. Labis
na naapektuhan ang demand dahil sa pagkakaroon ng matalinong pagdedesisyon ang
mamimili ng isang produkto. Halimbawa na lamang kapag nakakita ng parehas na
produkto ang mamimili ngunit ang halaga at magkaiba karaniwan na kukunin ng
mamimili at bibilhin ay ang mas mababang presyo.

Bukod sa presyo karaniwan rin na tinitignan ng mamimili ang quality ng isang produkto
kung ito ba ay panandalian lamang o pangmatagalan. Isa pa ay binibigyan tuon nila ang
mga produktong kailangan at dapat lamang bilhin. Sa pamamagitan nito ay
maaapektuhan ang demand ng isang produkto. Kung kaya’y kadalasan ang mga
prodyuser ng produkto ay nararapat na mayroong plano kung ang produkto ba na
ilalabas at gagawin nila ay in-demand para sa konsyumer. Ito ay iilan sa salik na
nakakaapekto sa demand ng produkto dahil sa matalinong pagdedesisyon ng mamimili.

You might also like