You are on page 1of 16

Yunit I

DEPED COPY

ARALIN 5
PAGKONSUMO

ALAMIN

Ang mga gawain sa bahaging ito ay Iilinang sa iyong kaalaman tungkol sa


alokasyon at kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga karapatan at magampanan ang
katungkulan ng bawat konsyumertungo sa isang matatag na ekonomiya.

Gawain 1: PAGBILHAN PO!


Ipagpalagay na mayroon kang Php500.00 at may pagkakataon kang bumili ng
iba't ibang pagkain. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang iyong bibilhin?

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano-anong mga pagkain ang iyong bibilhin?
2. Ano ang iyong naging batayan sa pinili mong pagkain?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang dayagram upang inisyal na


masukat ang iyong nalalaman tungkol sa pagkonsumo.

Gawain 2: WQF DIAGRAM


Bigyang pansin ang paksa sa pagbuo ng WQF Diagram na makikita sa susunod na
pahina. Itala sa kahong W (words) ang mga salitang may kaugnayan sa pagkonsumo.
Sa kahong Q (questions), bumuo ng tatlo hanggang Iimang tanong na nais mong
masagot tungkol sa pagkonsumo. Sa bilog na F (facts) Isulat ang iyong mga bagong
natutuhan tungkol sa paksa. Sasagutan Iamang ang bahaging F (facts) pagkatapos ng
aralin. Lahat ng kasagutan ay tatanggapin ng iyong guro at hahayaan kayong
magbigay ng sariling kaalaman tungkol sa paksa. Iwawasto ang iyong mga kasagutan
sa huling bahagi ng aralin, ang PAGNILAYAN.

PAGKONSUMO
Matapos mong maisaayos ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa pagkonsumo,
Ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan
ang konsepto ng pagkonsumo.

PAUNLARIN
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon
naman ay iyong Iilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga
gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na
Iayunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag—aaraI ang mahahalagang ideya
o konsepto tungkol sa pagkonsumo. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang
gawain at teksto na masagot kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga karapatan at
magampanan ang katungkulan ng bawat konsyumertungo sa isang matatag na ekonomiya?
HaIina't umpisahan mo sa pamamagitan ng gawaing nasa
ibaba.

KAHULUGAN NG PAGKONSUMO
Sinasabing ang Iahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay
ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo.Simula sa gatas, gamot,bitamina,
Iampin, bakuna, at marami pang iba ay mga bagay na kaniyang kinokonsumo. Habang
patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo.Ang pagbili ng
produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan mula rito
bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang napakaraming
pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may pagkonsumo. Ayon
nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of
the Wealth of Nations, ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo
ng mga tao.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo


May iba't ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang
pagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang
paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mga
salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.

1. Pagbabago ng presyo - may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng


produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang
pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas
ang presyo. Kadalasan, mastinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo
kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang
binibili kung mataas ang presyo nito.

2. Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard
Keynes, isang ekonomistang British, sa kanyang aklat na The General Theory of
Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng
kita ng tao sa kanyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng
tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at
serbisyo.Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng
kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga
taong may malalaking kita kung ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang.

3. Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa


pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng
kakulangan sa supply ng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito
sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap.
Gayundin naman kapag may banta ng kaguluhan sa isang lugar o may inaasahang
pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin
ang salapi at binabawasan ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa mga
susunod na araw o panahon. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa
hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa
natatanggap ang inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang
insentibo.

4. Pagkakautang - kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring
maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot
ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na
makabili ng produkto o serbisyo.Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag
kaunti na Iamang ang binabayaran niyang utang.

5. Demonstration Effect - madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa


radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa Internet at iba pang social media.
Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba't
ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik.
Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay may mababang
pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon lamang.

Ang Matalinong Mamimili


Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng mga
produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng mga produkto at
serbisyo, ano-ano ang mga isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba ng produkto dahil
mayroon nito ang iyong kaklase? O bumibili ka dahil ang produkto ay sale kahit
hindi mo naman kailangan? Binibigyan mo ba ng pansin ang kapakinabangan at
kasiyahang nakakamit mo sa pagbili ng mga produkto at serbisyo? Anuman ang iyong
dahilan sa pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong isaalang-alang ang
value for
money. Basahin mo ang teksto upang magkaroon ka ng gabay at sapat na kaalaman
upang maging matalino sa pamimili.

Mga Pamantayan sa Pamimili


Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay
nasusulit natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang
sumusunod
ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili:

1. Mapanuri
Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo,timbang,
pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa
isa't isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa
ibabayad.

2. May Alternatibo o Pamalit


May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang
produktong dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong
dati nang binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong
humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang
tinutugunan ng produktong dating binibili.

3. Hindi Nagpapadaya
May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o
tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay Iaging handa,
alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng
timbangan.

4. Makatwiran
Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o Iimitadong
badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang presyo at kalidad
nito. lsinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng
produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito. Makatwiran ang
konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho Iamang.

5. Sumusunod sa Badyet
Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang
niya ang mga bagay—bagay ayon sa kanyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa
popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat
ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan.
6. Hindi nagpapanic-buying
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto(hoarding)
ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang
matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buying ay lalo lamang
magpapalala ng sitwasyon.

7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo


Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa
pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan
at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.

Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili


Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang
kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes
ng mga mamimili. lsinusulong din ng batas na ito ang kagalingang dapat
makamit ng Iahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang
dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya. Ang
sumusunod ang binibigyang pansin ng batas na ito:

a. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili Iaban sa panganib sa kalusugan at


kaligtasan.

b. Proteksiyon Iaban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan


sa operasyon ng mga negosyo at industriya.

c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili.

d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at


pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan.

WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI


Ang Kagawaran ng Kalakalan at lndustriya (Department ofTrade and Industry)
ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang
transaksiyon sa pamilihan.

1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan


May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit,masisilungan, pangangalagang
pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.

2. Karapatan sa Kaligtasan
May karapatang bigyan ng katiyakang Iigtas at mapangangalagaan ka Iaban sa
pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.

3. Karapatan sa Patalastasan
May karapatang mapangalagaan Iaban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na
patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain. Ito
ay kailangang malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang pagsasamantala ng iba.

4. Karapatang Pumili
May karapatang pumili ng iba‘t ibang produkto at paglilingkod sa halagang
kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na magkaroon
ka ng katiyakan sa kasiya siyang uri at halaga ng produkto nila.

5. Karapatang Dinggin
May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay Iubusang isaalang-
aIang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.

6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan


May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa
produkto na binili mo. May karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o
mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay
sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin. Dapat na magkaroon ka ng walang
bayad na tulong sa pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol.

7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili


May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong
karapatan. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na
kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong
pangmamimili.

8. Karapatan sa lsang Malinis na Kapaligiran


May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay—pantay at sapat na mga kalagayan
sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw
ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran
para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling Iahi.

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI


Ang Kagawaran ng Kalakalan at lndustriya ay nagpalaganap rin ng Iimang
pananagutan ng mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang binabanggit:

1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging Iisto at mausisa tungkol sa kung


ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating
ginagamit.

2. Pagkilos -ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang


makatiyak sa makatarungang pakikitungo.Kung tayo'y mananatili sa pagwawaIang-
bahaIa,patuloytayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.

3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng


ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, Ialong-Ialo na
ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa Iokal,pambansa,
o pandaigdig na komunidad.

4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating


kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang
ating Iikas na kayamanan para sa ating kinabukasan.

5. Pagkakaisa-ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng


Iakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.

CONSUMER PROTECTION AGENCIES


Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong
ang kapakanan ng mga mamimili:

1. Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan / pinagbabawal/maling


etiketa ng gamot,pagkain,pabango,at make-up.

2. City/Provincia|IMunicipa|Treasurer - hinggil sa timbang at


sukat,madayang(tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat.

3. Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas ng


kalakalan at industriya—maIing etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang
na gawain ng mga mangangalakal.

4. Energy Regulatory Commission(ERC)-reklamo Iaban sa pagbebenta ng di-wastong


sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng Liquified Petroleum
Gas.

5. Environmental Management Bureau (DENR-EMB)-namamahala sa pangangalaga sa


kapaligiran (poIusyon: haIimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).

6. Fertilizer and Pesticide Authority (FPA)-hinggil sa hinaluan


/pinagbabawal/maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-saIot

7.Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB)-nangangalaga sa mga bumibili ng


bahay at Iupa patina rin ang mga subdibisyon.

8. Insurance Commission-hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro.

9. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)-reklamo Iaban sa illegal


recruitment activities.

10. Professional Regulatory Commission (PRC)-hinggil sa mga hindi matapat na


pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp.

11. Securities & Exchange Commission (SEC)-hinggil sa paglabag sa binagong


Securities Act tulad ng pyramiding na gawain.

Halaw mula sa Leaflet ng Kagawaran ng Kalakalan at lndustriya (Department of Trade and Industry) at Bureau of Trade Regulation
and Consumer Protection

Gawain 3: WQF DIAGRAM


Ngayon ay muli nating sasagutan ang WQF Diagram na nasa susunod na pahina.
Itala sa kahong W (words) ang mga salitang may kaugnayan sa pagkonsumo. Sa kahong
Q (questions), ay muling bumuo ng tatlo hanggang Iimang tanong na nais mong
masagot tungkol sa pagkonsumo. Sa bilog na F (facts), isulat ang iyong mga bagong
natutuhan tungkol sa paksa.

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa pagkonsumo,maaari ka nang


pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang mga iyong sarili para samas
malalim na pag-unawa ng konseptong ito.

PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral
ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa pagkonsumo. Kinakailangan ang mas malalim na
pagtalakay sa pagkonsumo upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong
mga natutuhan.

Gawain 4: MATALINO AKONG KONSYUMER


Ngayong alam mo na ang mga katangian ng isang matalinong konsyumer, suriin
mo naman ang iyong sarili bilang isang konsyumer. Mahalagang sagutin mo sa
susunod na pahina ang tsart ng buong katapatan upang magsilbi itong gabay sa
pagpapaunlad ng iyong katangian bilang konsyumer.
Markahan ang iyong sarili bilang konsyumer. Lagyan ng tsek (/) ang bawat
pamilang:
1 -napakatalino 3 -di-gaanong matalino
2 -matalino 4 -mahina
1 2 3 4
1. Madaling maniwala sa anunsiyo
2.Mapagmasid
3. Alam kung ano ang gagawin sa oras
na makabili ng depektibong produkto
4. Mahilig tumawad
5. Matipid
6. Alam ang karapatan at pananagutan
7. Mabilis magdesisyon
8. Sumusunod sa badyet
9. May Iistahan ng bibilhin
1O. Mahilig sa mura ngunit de kalidad
na bilihin

Halaw mula sa Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.) Project EASE." Araling Panlipunan /V DECS. Pasig City.

Pamprosesong Tanong:
1. Kung may mga sagot kang 3 at 4 sa tsart sa bawat isang katangian, ano-ano ang
mga dapat mong gawin upang mabago ang mga katangiang ito?

2. Kung may mga sagot kang 1 at 2 sa tsart, ano ang epekto sa iyo ng mga
katangian mong iyon? Bakit?

Gawain 5:LIGHTS, CAMERA, ACTION!


Gumawa ng dula-dulaan na magpapakita ng sumusunod na tema: (Maaaring ang
gawaing ito ay pauna nang ibinigay ng inyong guro upang mapaghandaan ang dula-
duIaan).
1. Unang Pangkat- Katangian ng Matalinong Mamimili
2. Ikalawang Pangkat - Mga Karapatan ng Mamimili
3. Ikatlong Pangkat- Mga Tungkulin ng Mamimili
Gagamitin ang rubrik sa ibaba sa pagbibigay ng marka sa duLA-duIaan:

lskrip Maayos at malinaw ang 5 puntos


pagkakasunod-sunod ng mga (pinakamataas)
ideya

Presentation Nagpapaakita ng pagkamalik- 5 puntos


(Pagpapalabas) hain (pinakamataas)

Characters Makatotohanang pagganap 5 puntos


(Tauhan) (pinakamataas)

Theme Maykaisahan at organisado 5 puntos


(Paksa) ang diwa (pinakamataas)

Relevance Maaaring gamitin ang 5 puntos


(Kaangkupan) sitwasyon sa pang-araw (pinakamataas)
-araw na pamumuhay.
Pamprosesong Tanong:
Para sa unang pangkat:
1. Ano-anong katangian ng matalinong konsyumer ang ipinakita ng unang pangkat?

2. Bakit kailangang magtanong—tanong muna ng presyo at Iugar kung saan dapat


mamili ng mga produkto o serbisyo?

Para sa ikalawang pangkat:


1. Ano-anong karapatan ng mga konsyumer ang pangkat?

2. Bakit kailangang malaman natin ang ating mga karapatan bilang mga konsyumer?

3. Ano sa tingin mo ang karapatan ng konsyumer ang madalas na hindi


napapahalagahan? Magbigay ng mga sitwasyong ipinakita ng ikalawang pangkat.

Para sa ikatlong pangkat:


1. Ano-ano ang tungkulin ng konsyumerang ipinakita ng pangatlong pangkat?

2. Ano-ano ang kahalagahan ng paghingi ng resibo sa mga produkto at serbisyong


binili?

3. Bakit kailangang umiwas sa pagbili ng mga produktong hindi kumpleto ang label
na nakasulat sa pakete, halimbawa manufacturer , expiry date, at ingredients?

Gawain 6: KARAPATAN MO, IPAGLABAN MO!


Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo na
binabanggit sa ibaba. Gumawa ng kaukulang letter of complaint na ipararating sa
kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. Mamili Iang ng isang sitwasyon.
 Depektibong cellphone
 Lipstick na naging sanhi ng pamamaga ng iyong Iabi
 Double dead na karne ng baboy
 Maling timbang ng asukal
 Serbisyong hair rebonding na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong buhok

Gawain 7: BABALIK KA RIN


Ngayon ay maaari mo nang balikan ang unang gawain sa aralin upang maitala
ang Iahat ng bagay at impormasyon na iyong natutuhan. Ilagay o isulat ito sa
isang buong papel at ipunin sa iyong portfolio ang naging kasagutan para mabasa
ng guro at
mabigyan ng grado.

Transisyon sa Susunod na Aralin


Binigyang-diin sa araling ito ang konsepto ng pagkonsumo kabilang ang mga
karapatan at pananagutan ng isang konsyumer. Upang maitaguyod ang kagalingan ng
mga konsyumer, ang pamahalaan ay nagtatag ng mga ahensiya na tutulong at gagabay
para isulong ang kanilang kapakanan. Ang susunod na aralin ay tatalakay sa
konsepto ng produksiyon.

MGA DAPAT GAWIN SA MODULE NA ITO:


1. Basahin at unawain
2. Sagutan ang Paunang pagtataya/Paunang Pagsusulit
3. Sagutan ang Gawain.
4. Sagutan ang Panghuling pagsusulit/ Pagtataya.
5. Gamitin ang imahinasyon…Be creative.
6. Ipapasa ang mga sinagutan na parang PORTFOLIO.
7. BAWAL ang LONG SIZE….short size o mas maliit pa ay
pwede.
8. Kopyahin sa kwaderno/notebook ang parting MGA
DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO.

PANIMULANG PAGSUSULIT:

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang naglilimita sa pagkonsumo.


A. Kita. C. Okasyon.
B. Presyo. D. Paggaya.

2. Ang paraan ng panghihikayat sa mamimili na gumagamit ng mga kilalalang tao upang


ipakilala at hikayatin ang mga tao na bumili at gumamit ng isang partikular na produkto ay
A. Paraang brand. C. Pag-aanunsiyo.
B. Bandwagon. D. Testimonyal.

3. Uri ng pagkonsumo na natatamo agad ng tao ang kasiyahan dulot ng produkto.


A. maaksaya. C. produktibo.
B. direkta. D. mapanganib.

4. Uri ng pagkonsumo na wala namang natatamong kasiyahan ang tao


A. maaksaya. C. produktibo.
B. direkta. D. mapanganib.

5. Ang paghanap at pagkukumpara ng isang mamimili ay bahagi ng kanyang karapatang


A. pumili. C. bumili.
B. magbayad. D. kaligtasan.

6. Ang pinsalang nakamit sa paggamit ng isang kalakal ay nararapat na tumanggap


A. papuri. C. kaligtasan.
B. kabayaran. D. mapakinggan.

7. Sakop ng DTI ang pagpapatupad ng batas sa


A. Kalakal at paglilingkod. C. Kompanya at pabrika.
B. Kalakalan at industriya. D. Gamot at pampaganda.

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang:


A. okasyon. C. Kultura.
B. kita. D. Department of Trade and Industry.

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkonsumo


A. panahon C. pangagagaya.
B. okasyon D. artista.

10. Ano ang pagkakapareho ng mga sumusunod:


• Batas ng bumababang kasiyahan
• Batas ng Imitasyon
• Batas ng Pagpapasyang Ekonomiko
A. Lahat ay batas na pumoprotekta sa mamimili.
B. Lahat ay batas sa pagkonsumo.
C. Lahat ay batas sa produksyon.
D. Lahat ay batas sa distribusyon.

11.HaIaga na katumbas ng produkto at serbisyo


A. presyo. C. timbang.
B. kultura. D. panukat.

12.Nagpahayag na kapag maliit ang kita ng tao ay malaki ang inilalaan sa pagkonsumo ng
pangunahing pangangailangan ngunit kapag Iumaki ang kita ay hindi nadaragdagan ang
pagkonsumo sa pangunahing pangangailangan.
A. Adam Smith. C. Gerardo Sicat.
B. Ernst Engel. D. Abraham Maslow.

13.Ang mga sumusunod ay pangunahing pangangailangan maliban sa


A. pagkain. C. edukasyon.
B. tahanan. D. pananamit.

14.Ang mga sumusunod ay mga ahensya na nagbibigay-proteksyon sa mamimili maliban sa


A. Kagawaran ng Industriya at Kalakalan.
B Civil Service Commission.
C. Bureau of Food and Drugs.
D. National Pollution Commission.
15. Batas na nagsasaad na ang patuloy na pagkonsumo ng isang partikular na produkto sa
isang pagkakataon ay magreresulta sa pagbaba ng karagdagang kasiyahan sa matatamo sa bawat
yunit ng produkto na kinukunsumo.
A. Batas ng Imitasyon.
B Batas ng Ekonomikong Pagdedesisyon.
C. Batas ng Bumababang Kasiyahan.
D. Batas ng Pagkakabagay-bagay.

16.SaIitang ekonomiko sa ingles na tumutukoy sa kasiyahan na natatamo ng tao sa


pagkonsumo.
A. utility. C. value.
B. price. D. happiness.

17.Batas na nagsasaad na ang paggamit o pagbili ng magkakaternong produkto ay nagbibigay


kasiyahan sa tao.
A.Batas ng Imitasyon.
B. Batas ng Ekonomikong Pagdedesisyon.
C.Batas ng Pagkakabagay-bagay.
D.Batas ng Bumababang Kasiyahan.

18.Batas na nagsasaad na ang tao ay nakatatamo ng higit na kasiyahan sa pagbili ng iba't


ibang produkto kaysa sa pagbili ng iisang uri ng produkto.
A.Batas ng Imitasyon.
B. Batas ng Ekonomikong Pagdedesisyon.
C.Batas ng Pagkakaiba-iba.
D. Batas ng Bumababang Kasiyahan.

19.Batas na nagsasabing ang panggagaya sa produktong ginagamit ng iba ay nagbibigay ng


kasiyahan sa tao.
A. Batas ng Imitasyon.
B. Batas ng Ekonomikong Pagdedesisyon.
C. Batas ng Bumababang Kasiyahan.
D. Batas ng Pagkakabagay-bagay

20.AIin sa mga sumusunod ang ugaling Pilipino na hindi salik sa pagkonsumo


A. Pagmano sa mga matatanda.
B. hospitalidad.
C. Kaisipang kolonyal.
D. rehiyonalismo.

Mga Uri ng Pagkonsumo


1.Tuwiran o Direkta
Ang uri ng pagkonsumpo na nagaganap kapag sa ating pagbili at paggamit ng produkto
at serbisyo ay agarang natatamo natin ang kasiyahan at kapakinabangan.
Halimbawa, kapag kumain ka ng pandesal upang tugunan ang iyong pagkagutom at matapos
ito, napawi ang iyong pagkagutom. Ang pagkapawi ng ating gutom ay isang uri ng pagtugon sa
ating pangangailangan na nakapagdudulot ng kasiyahan sa atin.

2. Produktibo
Ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag bumili tayo ng produkto upang gamitin sa
paglikha ng iba pang produkto o serbisyo. Halimbawa, ang pagbili mo ng karayom upang
gamitin sa pananahi ng damit na iyong isusuot.

3. Maaksaya
Ang uri ng pagkonsumo na ang pagbili at paggamit ng produkto ay hindi tumutugon sa
pangangailangan ng mamimili at hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanya. Maaaring ang
ginawang pagbili ay bunga ng mga salik na nakaiimpluwensya sa ating pagkonsumo. Halimbawa
ng ganitong uri ng pagkonsumo ay ang pagbubukas ng ilaw kahit maliwanag.

4. Mapanganib
Ang uri ng pagkonsumo ng mga bagay na maaaring magdulot ng sakit at perwisyo sa tao.
Ang pagbili at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay isang halimbawa nito dahil kahit
nagdudulot ito ng kasiyahan sa gumagamit nito, ay nagsisilbing banta rin sa kalusugan ng
tao.

Gawain 6: Paglalapat
Piliin sa Hanay B and salik na nakaiimpluwensya sa pagkonsumo na tinutukoy /
inilalarawan sa bawat bilang sa Hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong
kwaderno.

Hanay A Hanay B
1. Salapi natinatanggap kapalit ng a. okasyon
ginawang produkto o serbisyo. b. kita
2. Halaga na katumbas ng produkto o c. presyo
serbisyo. d. pag-aanunsyo
3. Araw ng mga Puso kaya mataas ang e. panahon
pagkonsumo ng mga bulaklak at tsokolate.
4. Tag-ulan kaya’t mataas ang pagkonsumo
ng payong at kapote.
5. Pamamaraan ng pagpapakilala ng produkto
sa pamamagitan ng testimonya ng mga kilalang
artista, pagpapakita ng dami ng tao na
kumukunsumo ng nasabing produkto.

Mga Batas ng Pagkonsumo

1. Batas ng Pagkakaiba-iba (Law of Variety)


Ayon sa batas na ito, higit na kasiyahan ang natatamo ng tao sa pagbili ng iba't
ibang produkto kaysa sa pagbili ng iisang uri ng produkto.
Ang batas na ito ang magpapaliwanang kung bakit ang mga konsyumer ay bumibili at
gumagamit ng iba’t iobang klase o uri ng produkto. Ito ang magpapaliwanag kung bakit ang
ulam mo kahapon ay madalas kaysa hindi na magkaiba. Kung bumibili ka naman ng damit,
magkakaiba ito ng disensyo, kulay o kaya ay tatak.

2. Batas ng Pagkakabagay-bagay (Law of Harmony)


May mga pagkakataon na ang mga konsyumer ay nagnanais na bumili at gumamit ng mga
produktong babagay sa isa’t isa 0 di kaya ay magkakaterno.
Halimbawa kung ang ulam mo ay dinuguan, ang nais mong katerno nito ay puto.Kung ikaw
ay isang babae, bumili ka ng blusa, nais mo itong isuot kasabay ng babagay na palda o
pantalon, sapatos at bag.

3. Batas ng Imitasyon (Law of Imitation)


Ayon sa batas na ito, ang mga tao ay nagtatamo ng higit na kasiyahan kapag
kumukunsumo ng mga produkto na ginaya Iamang sa iba.
Ang batas na ito ay susuporta sa ideya kung bakit ang testimonial ng mga sikat na
artista ay isang epektibong paraan upang mahikayat ang mga tao sa pagkonsumo ng produktong
inaanunsyo Ialo na ng mga damit dahil nais nilang gayahin ang mga sikat na artista Ialo na
ang kanilang mga iniidolo.

4. Batas ng Pagpapasyang Ekonomiko (Law of Economic Order)


Ayon sa batas na ito, mas bibigyang prayoridad ng tao na gumastos para sa kanyang
mga pangunahng pangngailangan gaya ng pagkain. Nakakamit ng tao ang satispaksyon kapag
nakagawa ng mga pagpapasya na magbibigay pansin sa mga bagay na maituturing na pangunahing
pangangailangan ng tao. (Naaalala mo ba ang Engel's Law? Ano sa tingin mo ang kaugnayan
nito sa Batas ng Pagpapasyang Ekonomiko?)
5. Batas ng Bumababang Kasiyahan (Law of Diminishing Utility)
Ang utility ay tumutukoy sa kapakinabangan o kasiyahan na natatamo ng tao sa
pagkonsumo ng mga produkto. May tinatawag na marginal utility o karagdagang kasiyahan na
natatamo at total utility o kabuuang kasiyahan na nakukuha sa pagbili at paggamit ng mga
produkto.
Ang isang taong uhaw na uhaw ay naghahangad na makainom ng malamig na tubig. Kapag
siya ay binigyan at nakainom ng isang bote ng malamig na tubig ay naghahangad pa rin ng
karagdagang bote ng tubig. Ang kasiyahang natamo ng taong ito sa pag-inom ng tubig sa una
at ikalawang pagkakataon ay di katulad kapag kumunsumo pa soya sa ikatlong beses sa
parehong pagkakataon, pang-apat, panglima. Batay sa batas na ito, ang kabuuang kasiyahan
ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng produkto ngunit kapag ito ay sunud-sunod, ang
karagdagang kasiyahan ay pababa nang pababa bunga ng unti-unting pagdating sa Iebel ng
pagkasawa sa pagkonsumo ng iisang produkto sa iisang pagkakataon at kapag dumating na sa
punto ng pagkasawa, ang kabuuang kasiyahan ay titigil na sa pagtaas.

Gawain 7: Paglalapat
Gamit ang mga batas sa pagkonsumo, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
ang iyong mga sagot sa iyong kwaderno.

1. Tumaas ang halaga ng gasolina. Sumunod dito nagkaroon ng


pagtaas sa pamasahe at sa presyo ng mga produkto, ngunit nanatiling di tumataas ang sahod
ng mga manggagawa. Ayon sa Batas ng Pagpapasyang Ekonomiko (Law of Economic Order), paano
gagastusin ng iyong ama ang kanyang sahod?

2. Matapos ang mahapong pagtatrabaho ng iyong ama sa bukid, ay


gutum na gutom siya nang umuwi sa inyong bahay. Hinainan mo siya
ng pagkain at ang ulam niya ay galunggong. Higit sa isang galunggong na halos
magkakapareho ang Iaki ang kanyang nakain.
Ayon sa Batas ng Bumababang Kasiyahan (Law of Diminishing Utility), higit bang mas
magiging maligaya ang iyong ama sa ikaapat na piraso ng galunggong kaysa sa una?

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:

I. Panuto:PiIiin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang iyong mga sgot sa iyong kwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapagpapabago ng pagkonsumo


A. kita. C. okasyon.
B. presyo. D. Wala sa mga nabanggit.

2. Higit na makatitipid ang mamimmili sa oras at presyo kung


A. nagpaplano. C. may pera.
B. Walanglistahan. D. nagmamadali.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng pagsusuri ng mamimili sa kalakal na bibilhin
A. Kita ng mamimili. C. Kalidad ng kalakal.
B. Presyo ng kalakal. D. Kondisyon ng kalakal.

4. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang dapat isaalang-alang upang makaiwas sa pagbili ng
secondhand na gamit.
A. Mas higit na mura ang halaga.
B. Makatitipid ang mamimili.
C. Matagal nang subok ang gamit.
D. Wala itong garantiya.

5. Sa Bulacan ay may isang malaking industriya ang paputok. Ngunit marami dito ang gumagawa ng
napakalalakas na paputok na maaaring makapinsala sa gagamit. Anong ahensya ang dapat lapitan
upang ireklamo ito.
A. DTI.
B. Energy Regulatory Commission.
C. Bureau of Food and Drugs.
D. National Pollution Control Commission.

6. Karaniwan nang ang isang LPG tank ay tumatagal sa Ioob ng isang buwan.Ngunit napansin mo na
dalawang Iinggo pa Iamang ay naubos na ito. Saang ahensya nararapat ka Iumapit upang ito ay
ireklamo.
A. DTI.
B. Energy Regulatory Commission.
C. Bureau of Food and Drugs.
D. National Pollution Control Commission.

7. Ang batas na ito ay nagtatakda na ang mga retailers o nagtitinda ng mga produkto at
serbisyo ay nararapat na Iagyan ng kaukulang price tag 0 label ng presyo. Hindi maaaring
ibenta ang nabanggit na mga produkto sa mas mataas na presyo kumpara sa nakalagay sa price tag
nito.
A. Batas sa Price Tag.
B. Batas Republika 3452.
C. Batas Republika 3740.
D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.

8. Ang batas na ito ang nagbabawal sa pag-aanunsyo ng mga pekeng produkto at serbisyo.
A. Price Tag.
B. Batas Republika 3452.
C. Batas Republika 3740.
D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.

9. Ang batas na nagtatag ng National Grains Authority na may tungkuling bumili ng mga palay sa
mga magsasaka at ipagbili ang mga ito sa mga mamimiling Pilipino sa murang halaga. Ang
tungkuling ito ay ginagampanan ng National Food Authority ngayon. Ito rin ang nakaaalam kung
may sapat na suplay ng bigas sa bansa.
A. Price Tag
B. Batas Republika 3452.
C.Batas Republika 3740
D.Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.

10.Ang batas na nagbbigay parusa sa sinumang gagamit ng tatak, lalagyan at gagaya sa balot ng
ibang produkto.
A.Artikulo 188 at 189 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas.
B. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.
C.Price Act.
D. Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.

11.May pananagutan ang mga prodyuser ng mga pagkain, inumin at iba pang produkto na
nakakapinsala sa katawan, kalusugan at buhay ng mga mamimili bunga ng mga sangkap na ginagamit
sa paglikha ng produkto.
A.Artikulo 188 at 189 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas.
B. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.
C.Price Act.
D. Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.

12.Ang sira, depekto at pinsala ng produkto ay hindi dapat itago sa mga mamimili. Ang batas na
ito ang nagbibigay-garantiya na walang nakatagong pinsala ang isang produkto.
A.Artikulo 188 at 189 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas.
B. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.
C.Price Act.
D. Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.

13.Ang batas na ito ay naglalayong magarantiyahan na Iaging may suplay ng mga pangunahing
pangangailangan at maprotektahan ang mga mamimili Iaban sa di makatarungang pagtaas ng presyo
ng mga ito na may pagsasaalang-alang din sa interes ng mga Iehitimong negosyo upang mabalik
ang kanilang mga puhunan.
A.Price Act.
B. Artikulo 188 at 189 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas. C. Artikulo 2187 ng Kodigo
Sibil ng Pilipinas.
D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.

14. Namalengke si Christine. Nang bibili na siya ng kamatis, tinanong Iamang siya ng tindera
kung ilan ang mabibili nya at sinabing bawal daw suriin ang kamatis na bibilhin. Ano ang
karapatan ni Christine na nalabag sa pagkakataong ito?
A. Karapatan sa pagpili.
B. Karapatan sa tamang impormasyon.
C. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan.
D. Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran

15.Tumutukoy sa bumibili at gumagamit ng kalakal o serbisyo

A.investor. C. prodyuser.
B.konsyumer. D. kapitalista.

16.Pagkonsumo na natatamo agad ng tao ang kasiyahan


A. tuwiran B. maaksaya.
C. indirekta. D. mapanganib.

17. Basta na Iamang bumibili si Peter ng produkto nang walang pagsusuri, pagkukumpara ng
presyo o pamimili. Anong responsibilidad nya bilang mamimili ang hindi niya ginagawa
A. Kritikal na kamalayan.
B. solidaridad.
C. Pag-aksyon.
D. Pagpapahalaga sa kapaligiran.56

18. Nakasanayan ni Mang Gusteng na itapon na Iamang kung saan-saan ang pinagbalutan ng kanyang
mga biniling produkto. Anong responsibilidad ng mamimili ang kanyang hindi ginagampanan?
A. Kritikal na kamalayan.
B. solidaridad.
C.Pagpapahalaga sa kapaligiran.
D.Pag-aksyon.

19.Tuwing umaga, nakasanayan na ni Mark ang magpatugtog ng sobrang Iakas. Nagigising ang
kanyang mga nagpapahingang mga kapitbahay. Aling responsibilidad ng mamimili ang kanyang di
ginagampanan?
A.Kritikal na kamalayan.
B. solidaridad.
C.Pagpapahalaga sa Iipunan.
D.Pag-aksyon.

20.Uri ng pagkonsumo na kung saan ginagamit ang isang produkto upang makagawa ng iba pang
produkto.
A. tuwiran.
B. produktibo.
C. maaksaya.
D. mapanganib.

MGA DAPAT GAWIN SA MODULE NA ITO:


1. Basahin at unawain
2. Sagutan ang Paunang pagtataya/Paunang Pagsusulit
3. Sagutan ang Gawain.
4. Sagutan ang Panghuling pagsusulit/ Pagtataya.
5. Gamitin ang imahinasyon…Be creative.
6. Ipapasa ang mga sinagutan na parang PORTFOLIO.
7. BAWAL ang LONG SIZE….short size o mas maliit pa ay pwede.
8. Kopyahin sa kwaderno/notebook ang parting MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL
NA ITO.

You might also like