You are on page 1of 10

Learning Activity Sheet

GAWAING PAMPAGKATUTONG PAPEL


(Araling Panlipunan – 9 – Ikalawang Kwarter – Una at Pangalawang Linggo)

Pangalan : _____________________________________Baitang at Seksyon : ______________


Paaralan : _______________________________________District : ______________________

KONSEPTO NG DEMAND

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto at salik na


nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na pamumuhay
_____________________________________________________

MGA LAYUNIN:
• Naibibigay ang kahulugan ng konsepto ng demand;
• Naiisa-isa ang mga salik na nakakaapekto sa demand;
• Nakagagawa ng market list ayon sa prayoridad ng pangangailangan ; at
• Napahahalagahan ang mga salik na nakakaapekto sa demand .

Talakdaan Mga Gawain Sanggunian

Araw:_____ ANG KONSEPTO NG DEMAND *Ekonomiks


Petsa:_____ Ano nga ba ang Demand? Ang Demand ay tumutukoy sa dami o bilang ng 10 Araling
Oras:______ mga produkto o serbisyo na kaya at gustong bilhin ng mamimili sa isang takdang Panlipunan –
Modyul para
panahon. Halimbawa, bumili ka ng sampung (10) kilong bigas. Ang demand mo sa sa
bigas ay sampung kilo dahil ito ang kaya o gusto mong bilhin. Tinatawag na Mag-aaral,
quantity demanded ang dami na gustong bilhin ng mamimili sa isang partikular Unang
Edisyon
na presyo. 2015
pahina 115-
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng presyo kaya palagi itong 124
nakaugnay sa demand. Ang presyo ang pangunahing salik na nagtatakda at
nakapagpapabago ng demand ng isang mamimili. *http://www
.
youtube.
BATAS NG DEMAND com/ c/
Amethyteach
er
Ang CETERIS PARIBUS ay Kapag mataas ang presyo,
nangangahulugang ipinagpalagay
na ang presyo lamang ang salik na bumababa ang demand ng
nakaapekto sa pagbabago ng tao. Kapag mababa ang
quantity demanded, habang ang
ibang salik ay hindi nagbabago o presyo, tumataas ang
nakaaapekto rito. demand ng tao.

1|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit inverse o magkasalungat
ang ugnayan ng presyo at demand; Ang dalawang (2) ito ay ang Substitution
effect at ang Income effect.

Magkasalungat na Ugnayan ng Presyo at


Demand

SUBSTITUTION EFFECT INCOME EFFECT


Isinasaad dito na kung ang Isinasaad dito na mas malaki ang
presyo ng isang produkto halaga ng kita ng tao kapag
ay tataas, mababawasan mababa ang presyo. Tataas ang
ang bilang ng mga kakayahan ng kita ng tao na
mamimili dahil sila ay makabili ng maraming produkto
maghahanap ng kung mababa ang presyo. Kapag
tumaas naman ang presyo ay
produktong pamalit sa mas
lumiliit ang kakayahan nito na
murang halaga. makabili ng mga produkto.

Dahil sa krisis na nararanasan natin ngayon, naging mas maingat tayo sa


ating mga desisyon kung ano ang dapat nating bilhin. Napahalagahan ang tamang
paggasta at pagkonsumo upang maging matatag ang presyo sa pamilihan.
Maliban sa presyo, mahalagang matututunan natin ang iba pang salik ng
demand upang maging matalinong mamimili.

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND

1. KITA
Ang kita ng tao ay nakakapagpabago sa demand niya sa isang partikular na
produkto.

• Kapag malaki ang kita ng tao,lumalaki din ang kakayahan niyang bumili ng
maraming produkto
• Kapag mababa ang kita ng tao, nababawasan ang kakayahan niyang bumili
ng produkto.
Halimbawa: Kapag maliit ang kita mo, maaaring tatlong noodles lang ang bibilhin
mo sa isang buwan, at kung lumalaki ang kita mo maaaring isang dosenang
noodles na ang kaya mong bilhin.
2. PANLASA
• Kung ang isang produkto ay naaayon sa iyong panlasa o hilig, maaaring
tumaas ang iyong demand dito.

Halimbawa: Paborito mo ang burger, maaring mataas ang demand mo dito. Kahit
araw-araw ka pang kumain nito. Ngunit kung hindi angkop ang panlasa mo sa
burger, kahit bumaba pa ang presyo ay hindi ka pa rin bibili o mababa pa rin ang
demand mo dito.

3. DAMI NG MAMIMILI
Bandwagon Effect o ang pagnanais ng tao sa isang produkto dahil sa uso o
marami ang bumibili nito.

2|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
Ang dami ng mamimili sa isang produkto o serbisyo ay nakakahikayat din sa
ating pagkonsumo.

Halimbawa: Kapag ang isang bagay ay nauuso napapagaya ang marami na


nagdudulot ng pagtaas ng demand.
4. PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO
Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay
komplementaryo sa isa’t-isa. Ang mga komplementaryo ay mga produktong
sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala
ang komplementaryo nito.

Halimbawa: Kape at asukal


Kapag bumaba ang presyo ng kape, tataas din ang demand ng asukal. Kung
tumaas naman ang presyo ng kape, bababa rin ang demand ng asukal.
5. PRESYO NG PAMALIT NA PRODUKTO
• Ang pamalit ay mga produktong may alternatibo.

Halimbawa: Juice bilang alternatibo ng softdrink


• Kapag tumaas ang presyo ng juice tataas ang demand sa softdrink, kapag
bumaba ang presyo ng juice, bababa ang demand sa softdrink.
6. INAASAHAN NG MAMIMILI SA PRESYO SA HINAHARAP
Kung inaaasahan ng mamimili na magkakaroon sa pagtaas sa presyo sa isang
partikular na produkto, maaaring tumaas ang demand nito.

Halimbawa: Dahil sa distance learning, tumaas ngayon ang demand sa mga


gadgets. Dumami ang bilang ng mamimili na bumili ng cellphone, tablet at laptop.

ANG MATALINONG PAGPAPASYA SA MGA PAGBABAGO NG MGA SALIK


NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND

1. Kapag may mataas na kita, maging matalino sa paggasta nito. Planuhing


mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na dapat bilhin.
Iwasan ang pagbili ng mga luho lamang.
2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na
presyo. Maraming pagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba’t-
ibang pamilihan.

GAWAIN 1.1
Panuto: Buuin ang one-way puzzle.

IONE-WAY PUZZLE MO!


1.__ __ C __ __ __ __ __ __ __ __ T Isinasaad dito na mas malaki ang
halaga ng kita ng tao kapag mababa ang presyo
2.__ E __ __ __ __ tumutukoy sa dami o bilang ng mga produkto o serbisyo
na kaya at gusting bilhin ng mamimili sa isang takdang panahon.
3.__ __ A __ __ __ __ __ __ M __ __ __ ang dami na gustong bilhin ng
mamimili sa isang partikular na presyo.
4.__ __ __ __ S __ G __ __ M __ __ __ Sinasabi dito na magkasalungat
o inverse ang ugnayan ng demand at presyo.
5.__ U __ __ __ __ __ __ __ __ __ N __ __ __ __ __ __ Isinasaad dito na
kung ang presyo ng isang produkto ay tataas, mababawasan ang bilang ng mga
mamimili dahil sila ay maghahanap ng produktong pamalit sa mas murang halaga.

3|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
GAWAIN 1.2
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon na nasa talahanayan. Tukuyin kung tataas o
bababa ang demand ng mga produkto na nasa ikalawang kolum batay sa
sitwasyong katapat nito. Iguhit sa ikatlong kolum ang simbolong kung ang
demand ay tataas, at ang simbolong kung ang demand ay bababa.

Sitwasyon Produkto Ano ang mangyayari sa


Demand?
1.Nagkaroon ng Face Mask
Covid-19 Pandemic
2.Malapit na ang School Supplies
Pasukan
3.Panahon ng Ice Cream
Taglamig
4.Nagkaroon ng Isda at gulay
malakas na bagyo
5.Nagkaroon ng Tahong
Red Tide

GAWAIN 1.3
Panuto: Tukuyin kung anong salik na nakakaapekto sa demand ang isinasaad ng
mga pahayag.

1. Napromote sa trabaho si Rolly kaya may karagdagan sa kanyang sweldo.

2. Ibinalita sa TV na may isang aktibong kaso na ng COVID-19 sa lungsod


kaya agad na namili ng alcohol, mask at bigas si Cherry.

3. Tumaas ang demand ng mga bulaklak dahil sa nalalapit na ang araw ng


mga puso.

4. Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa pagkaing Koreano


dahil sa pagsubaybay ng mga KDrama.

5. Tumaas ang presyo ng tinapay dahil sa pagtaas ng presyo ng arina.

4|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
Araw:______ GAWAIN 2
Petsa:____
Oras:_____ ILISTA MO!
Bilang isang mag-aaral, gumawa ng Market List ayon sa prayoridad ng
iyong pangangailangan. Ipaliwanag kung bakit ito ang nasa iyong listahan.

PRODUKTO/AYTEM PALIWANAG
1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong naging batayan sa pagbibigay prayoridad sa mga
produkto?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Sa pagbuo ng iyong Market List, presyo lang ba ang iyong naging
pamantayan? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
GAWAIN 3

Araw:______ I-TABLE MO!


Petsa:____ Punan ang talahanayan ng mga epekto sa demand na dulot ng iba’t-ibang
Oras:_____ salik at ipaliwanag ang dahilan ng pagbabago sa demand.

Iba’t-Ibang Salik na Epekto sa Dahilan ng Pagbabago sa


Nakaapekto sa Demand Demand
Demand
Halimbawa: Tumaas ang -Bababa ang -Hindi na sapat ang budget
presyo demand ng mamimili na bumili ng
isang partikular na produkto o
serbisyo dahil sa pagtaas ng
presyo nito.
1.Bumaba ang kita ng
tao

2.Naaayon sa iyong
panlasa o hilig ang isang
produkto

3.Dumami ang namimili


sa isang produkto dahil sa
marami ang gumagamit
nito.

4.Tumaas ang presyo ng


pamalit na produkto
Halimbawa: Tumaas ang
presyo ng juice kaysa
softdrinks

5.Inaaasahan ng
mamimili na
magkakaroon sa pagtaas
sa presyo sa isang
partikular na produkto sa
susunod na linggo

Tanong:Bakit mahalagang malaman mo ang epekto ng iba’t-ibang salik na


nakaaapekto sa demand ng produkto o serbisyo?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

6|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Araw:______ PAGTATASA SA SARILI


Petsa:____
Oras:_____ Panuto: Sa tulong o gabay ng iyong mga magulang o mas nakatatandang kasama
sa bahay, balikan ang mga nakatakdang gawain at suriin kung ito ay nagawa ng
kumpleto at tama. Pagkatapos ay lagyan ng tsek (√) sa bawat kolum sa
talahanayan kung ito ay kumpletong nagawa o hindi. Sumangguni sa susi sa
pagwawasto.

Mga Gawain Kumpletong Nagawa ngunit Hindi nagawa


nagawa may kulang
Gawain 1.1
Gawain 1.2
Gawain 1.3
Gawain 2
Gawain 3

Araw:______ PAGTATAYA
Petsa:____
Oras:_____ Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem, bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa batas ng demand, ano ang mangyayari sa demand kung mataas ang
presyo?
A. Bababa C. Mananatili
B. Iregular D. Tataas
2.Tuwang-tuwa si Aleng Nena dahil dumami ang nagpapa-load sa kanya
sapagkat halos lahat ng tao sa kanilang barangay ay may cellphone na. Ano ang
tawag sa mga produktong ito?
A. Komplementaryo C. Pamalit
B. Maliit D. Temporaryo
3.Para makatipid, bumili na si Aling Cora ng mga ingredients para sa Spaghetti at
Macaroni salad kahit malayo pa ang Araw ng Pasko. Bakit nagdesisyon si Aling
Cora na gawin ito?
A. Dahil sa kanyang panlasa.
B. Dahil sa dami ng mamimili.
C. Dahil sa inaasahan niyang kita.
D. Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito.
4.Sa panahon ngayon ng pandemic, nangangamba ang mga tao na maubusan
ng mga produkto para sa kaligtasang pangkalusugan. Ano ang mangyayari sa
demand ng face mask?
A. Bababa ang pangangailangan ng face mask.
B. Tataas ang pangangailangan ng face mask.

7|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
C. Regular ang pangangailangan ng face mask.
D. Mananatili ang pangangailangan ng face mask.
5.Kung panahon ng tag-ulan, ano ang mangyayari sa demand ng mga
produktong kapote at payong?
A. Bababa C. Mananatili
B. Iregular D. Tataas
6.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng
mamimili sa isang takdang panahon.
A. Demand C. Demand function
B. Demand curve D. Demand Schedule
7.Nagkakaubusan na ng suplay ng Japanese Siomai kaya tumaas ang demand
ng Pork Siomai. Ano ang tawag sa produktong kwek-kwek?
A. Komplementaryo C. Pamalit
B. Maliit D. Temporaryo
8.Bumababa ang benta ng tindahan ni Cardo dahil simula ng Quarantine. Bakit
naaapektuhan ang kanyang benta?
A. Dahil bawal na lumabas.
B. Dahil marami ang nawalan ng trabaho.
C. Dahil lumipat ang kanyang mga suki sa ibang tindahan.
D. Dahil marami na ang nagsusulputang bagong tindahan.

9.Bilang isang mag-aaral, mahalagang isasabuhay mo ang batas ng demand.


Paano mo ito gagawin?
A. Gagastos ayon sa pangangailangan.
B. Aalamin ang kalidad ng produkto sa bawat pagpili.
C. Aalamin ang presyo ng produkto sa bawat pagbili.
D. Marunong mag-ipon para sa gusto mong gadget.
10.Ito ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay
hindi nagbabago o nakakaapekto nito.
A. Bandwagon effect C. Income effect
B. Ceteris paribus D. Substitution effect

8|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
District: Hinatuan North
School/Station: Baculin Integated School
Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I 9|Page
PAGTATAYA
Isagawa 1.1 Isagawa 1.3 1. A
2. A
1.INCOME EFFECT 1. Kita
3. D
2. DEMAND 2.Inaasahan ng mamimili sa 4. B
presyo sa hinaharap 5. D
3. QUANTITY 6. A
DEMAND 3. Inaasahan ng mamimili sa 7. C
presyo sa hinaharap 8. B
4.BATAS NG
9. A
DEMAND 4. Dami ng mamimili 10. B
5.SUBSTITUTION 5. Presyo ng magkaugnay na
EFFECT produkto sapakonsumo
Isagawa 1.2
GAWAIN 3 1.
Iba’t-Ibang Salik na Epekto sa Dahilan ng Pagbabago sa 2.
Nakaapekto sa Demand Demand Demand
Halimbawa: Tumaas ang -Bababa ang -Hindi na sapat ang budget 3.
presyo demand ng mamimili na bumili ng
isang partikular na 4.
produkto o serbisyo dahil
sa pagtaas ng presyo nito. 5.
1.Bumaba ang kita ng tao Bababa ang (Nasa pamamatnubay ng
demand guro ang pagwawasto)
2.Naaayon sa iyong Tataas ang
panlasa o hilig ang isang demand
produkto
3.Dumami ang namimili sa Tataas ang
isang produkto dahil sa demand GAWAIN 2
marami ang gumagamit
nito. Ang guro ang
4.Tumaas ang presyo ng Tataas ang
inaasahang
pamalit na produkto demand sa magbibigay ng
Halimbawa: Tumaas ang softdrinks at puntos base sa
presyo ng juice kaysa bababa ang ideya ng mga
softdrinks demand sa juice.
5.Inaaasahan ng mamimili Tataas ang mag -aaral
na magkakaroon sa demand bilang tugon sa
pagtaas sa presyo sa isang katanungan o
partikular na produkto sa
susunod na linggo
gawaing
ibinigay.
Tanong: Bakit mahalagang malaman mo ang epekto ng iba’t-ibang salik na nakaaapekto
sa demand ng produkto o serbisyo?
Sagot: (Nasa pamatnubay ng guro ang pagwawasto)
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Mula sa aklat

• Ekonomiks 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015 pahina
115-124
• Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat) IV. 2012. pp. 141-149
• Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro) IV. 2012. pp. 52-56.
Mula sa internet

• http://www.youtube.com/c/Amethyteacher

10 | P a g e Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North

You might also like