You are on page 1of 21

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong
Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 9
Interaksiyon ng Demand at Supply

Ikalawang Markahan
Modyul 5

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Naipaliliwanag ang interaksiyon ng demand at supply
sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan
PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Larawan mula sa: https://

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na
gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.
Ang kabuuan ng aralin at gawaing ito ay makikita din sa link ng SLIDESHARE para sa ONLINE LEARNERS

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik – tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag – alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

1
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin makakamit mo ang mga sumusunod na


layunin:
1. Naipapaliwanag ang interaksiyon ng demand at supply sa kalagayan
ng presyo at ng pamilihan
2. Naipaliliwanag ang mekanismo ng pagtatakda ng presyo sa pamilihan
3. Natutukoy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ekwilibriyo para sa
pagkakaroon ng aktuwal na transaksiyon sa pamilihan
4. Nasusuri ang epekto ng kakulangan (shortage) at kalabisan (surplus)
sa presyo at dami ng produkto at kalakal sa pamilihan

Matapos mong malaman ang mga inaasahan sa iyo sa modyul. Gusto mo bang
magkaroon ng ideya kung tungkol saan ang modyul na ito.
Sa pamamagitan ng ating unang pagsubok ay magkakaroon ka ng ideya kung
tungkol saan ang modyul na ito. Tara na, tingnan ko kung mayroon ka kahit
kaunting ideya sa iyong pag-aaralan.

UNANG PAGSUBOK

Larawan mula sa: https://www.clipartkey.com/view/hhTohR_test-


clipart-multiple-choice-test-multiple-choice-questions/

Gawain: Wasto o Mali


Panuto. Isulat ang salitang WASTO kung ang pahayag ay tama at MALI kung
hindi.

Sagot No. Pahayag


1. Kapag tumaas ang kita ng mga tao at walang paggalaw sa dami ng
supply, ang kurba ng demand ay lilipat pa kanan.

2. Ang surplus ay nararanasan sa pamilihan kung ang dami


ng demand ay mas malaki kaysa sa dami ng supply

3. Ang disequilibrium ay isang sitwasyon na kalagayan sa pamilihan


na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied sa

2
takdang presyo.

4. Ang pamilihan ay nagpapakita ng epektibong transaksiyon sa


pagitan ng mamimili at nagbibili.

5. Ang presyong ekwilibriyo ay napagkasunduang presyo ng


mamimili at nagbibili.

6. Mahalaga ang pagsusuri ng demand at supply dahil naitatakda


nito ang presyo ng produkto at serbisyo.

7. Ang pamilihan ay maaaring makaranas ng shortage kung mas


marami ang quantity supplied kaysa quantity demanded.

8. Ang pagbaba ng presyo ng mga hilaw na sangkap sa paglikha ng


produkto ay nangangahulugan ng paglipat ng kurba ng supply sa
kanan.

9. Kapag sabay na gumalaw ang kurba ng demand at kurba ng


supply papuntang kanan na pawang pareho ang itinaas, ang
presyong ekwilibriyo ay mananatili.

10. Ang equilbrium ay isang kalagayan sa pamilihan na kung saan


ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng
mga konsyumer at kayang ipagbiling produkto o serbisyo ng
prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang
napagkasunduan.

Ang pagsubok na ito ay makikita din sa link na ito:


www.quizziz.com https://quizizz.com/join/quiz/5eb1655c77fe87001b4a2623/start?
from=soloLinkShare&refe rrer=5cf4ec645308ab001af95bb8

O, ano nahirapan ka ba sa pagsagot ng unang pagsubok? Huwag kang mag-alala


kung mababa ang nakuha mo. Kapag natapos mo naman ang ating aralin ay tiyak
magiging maganda na ang resulta niyan. Okey, cge magpatuloy tayo sa
pagtalunton ng ating modyul.
Bago tayo tumungo sa ating pinakapaksa, ay ibig kong subukin ang iyong kaalaman
sa natapos mong aralin na may kinalaman sa mga salik ng supply. Tiyak ako na
mataas ang makukuha mo ritong iskor sa ating Balik-Tanaw.
BALIK - TANAW
Larawan mula sa: https:// vector/box-question-mark-image-vector-13735934

Gawain: Tungkol sa Supply (Mapanuring pag-iisip)


Panuto: Lagyan ng arrow up (↑) kung nagpapakita ng pagtaas at arrow down (↓)
kung nagpapakita ng pagbaba ng supply ang mga sumusunod na sitwasyon.

SITWASYON Pagtaas/Pagbaba

1. Nakabili ng dalawang bagong makina pangtahi si


Aling Maria na gamit niya paggawa ng basahan.
2. Nagkaroon ng malakas na bagyo sa lugar na
pinagmumulan ng mga gulay.

3. Hindi muna ibinenta ni Marga ang panindang arina


sa pag-aakalang tataas ang presyo nito bunga ng
pagtaas ng presyo nito sa pangdaigdigang pamilihan
4. Mabili ngayon ang milk tea kaya ang
magkakabarkadang sina Zaldy ay naisipang magtayo
ng ganitong negosyo
5. Tinaasan ng gobyerno ang buwis sa pag-aangkat ng
balat ng hayop na gamit sa paggawa ng mga bag at
sapatos.

(Ang pagsasanay na ito ay matutunghayan din sa link ng quizziz.


https://quizizz.com/join/quiz/5ec21db343a470001b47fa9f/start?from=soloLinkShare&refe
rrer=5cf4ec645308ab001af95bb8
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Larawan mula sa: https://

Nakakita ka na ba ng mga nasa larawan sa ibaba? Ano kaya ang ibig ipahayag ng
mga larawan? Ano kaya ang kaugnayan nito sa ating paksang tatalakayin?

https://pixabay.com/illustrations/graphics-design-3d-balance-sheet-875115/ https://leadershipfreak.blog/2012/01/21/on-turtles-and-rabbits-
finding-pace/

https://en.wikipedia.org/wiki/Economic_equilibrium https://socials-pjo.blogspot.com

May dalawang aktor sa pamilihan: ang mamimili at ang manininda. Bilang


isang mamimili, marahil ay naranasan mo na ang makipagtawaran sa mga
manininda hinggil sa presyo ng isang produkto. Maaaring hindi kayo magkasundo
at may pagkakataon din naman na kayo ay magkakasundo. Kaya sa pamamagitan
ng modyul na ito ay malalaman kung paano ka naaapektuhan ng pagbabago sa
pamilihan at ano ang dapat mong gawin sa pagbabagong ito.
Kung pagsasamahin ang Kurba ng Demand at Kurba ng Supply ay
makabubuo tayo ng modelo ng pamilihan. Magkaiba ang layunin ng mamimili at
manininda sa pamilihan. Ang mamimili ay mas nanaisin nila ang mababang presyo
ng mga produkto at serbisyo. Samantalang ang manininda naman ay mas nanaisin
ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo. Bagama’t may magkasalungat
na layunin, ang ugnayan ng mamimili at manininda ay humahantong pa rin sa
pagkakasundo sa iisang presyo sa pamilihan na tulad na ipinakikita ng mga
larawan. At yan ang pinakapaksa ng ating aralin. Halina at alamin ng lubusan ang
araling ito.
INTERAKSIYON NG DEMAND AT SUPPLY
Aralin

5
Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang demand at supply
ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ito ang punto kung saan
ang QD = QS. Ito rin ay isang kalagayan na walang sinuman sa mamimili at
nagbibili ang gustong gumalaw at kumilos. Ekwilibriyong presyo ang tawag sa
pinagkasunduang presyo ng mamimili at nagbibili at ekwilibriyong dami ang
tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto at serbisyo. Kaya kapag ang
alinmang panig Demand o Supply ay naging mas malaki o mas maliit ang bilang,
hindi ito magiging balanse o magkakaroon ng disekwilibriyo. Upang mas lalo mong
maunawaan ang mga konseptong nabanggit ay tingnan mo ang tsart sa ibaba.

Market Schedule ng Kendi (1)


Quantity Presyo Quantity
Demanded Supply
(QD) (QS)

10 5 50
20 4 40
30 3 30
40 2 20
50 1 10

https://www.google.com/?fbclid=IwAR2aKdnAYmtD4ozy8QoJSUjQC2Q-KbDCgaP_ZcBdhLUjKSsg_0cMjVNtlTk

https://www.google.com/?fbclid=IwAR2aKdnAYmtD4ozy8QoJSUjQC2Q-KbDCgaP_ZcBdhLUjKSsg_0cMjVNtlTk

Sa anong presyo magkasing-dami ang demand at supply? Tama, ka


magaling! sa P3.00. Ito ang tinatawag na ekwilibriyong presyo. At sa halagang yan,
magkano ang gustong bilhin ng mamimili at gustong ipagbili ng manininda? 30
piraso, ito naman ang tinatawag na ekwilibriyong dami. Sa kalagayang ito ay
balanse ang dami ng demand at supply. Masasabi ba natin nasa ekwilibriyo ang
pamilihan? Magaling! Ito ay nasa ekwilibriyo. Ganito ang dayagram ng relasyong
ito.

Surplus VS Shortage
Matapos mong maunawaan ang konsepto ng Ekwilibriyo ngayon naman ay
ihanda mo ang iyong sarili upang maunawaan at masuri ang konsepto ng surplus
at shortage.
Anumang sitwasyon na hindi pareho ang Quantity demanded (QD)at
Quantity supplied (QS) sa isang presyo ito disekwilibriyo. Ang pamilihan ay
maaaring makaranas ng surplus kung mas marami ang QS kaysa sa QD (QS >
QD). Ang shortage ay nararanasan naman kung ang dami ng demand ay mas
marami kaysa sa dami ng supply (QS < QD). Tingnan ang tsart sa ibaba.

Market Schedule ng Kendi (2)


Presyo Quantity Demand Quantity Supply Dami Kalagayan
5 10 50 40 Kalabisan
4 20 40 20 Kalabisan

3 30 30 0 Ekwilibriyo
2 40 20 20 Kakulangan
1 50 10 40 Kakulangan

Ang dami ng surplus at shortage ay nasusukat sa distansiya sa pagitan ng


dalawang kurba sa bawat presyo.

Pinagkunan: Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral p, 165.

Mga Kaganapan at Pagbabago sa Pamilihan


Napag-alaman natin sa mga nakaraang aralin hindi lamang presyo ang
nakaaapekto sa demand at supply. Sa mga sumusunod na tatalakayin ang
makikita natin ay kung paano naaapektuhan ng mga salik na ito ang dami ng
demand at supply gayundin ang presyo nito.
Ano kaya ang maaaring mangyari kung magkaroon ng paglaki sa supply
samantalang walang pagbabago sa demand? O kaya naman ay magkaroon ng
pagbabago sa demand at wala naming pagbabago sa supply?
“Ang demand at supply ay patuloy na nagbabago dulot ng pagbabago ng iba’t
ibang salik. Anumang pagbabago sa elemento ng demand at supply ay
magreresulta sa pagbabago ng presyong ekwilibriyo”. (EKonomiks Ngayon:
Pinagaan at Pinaunlad ni Josefina Baggay Macarubo, p.165
A. Pagbabago ng supply habang walang pagbabago sa demand

1. Epekto ng mababang gastusin sa produksiyon

Ang paglipat ng kurba ng


supply mula S1 patungo S2 (kanan) ay
S nangangahulugan ng pagdami ng
supply.
S
Walang paggalaw dito sa
dami ng demand kaya
D1 magkakaroon ng labis na supply o
surplus sa pamilihan. Bababa ang
presyong ekwilibriyo sa pamilihan
at tataas naman ang ekwilibriyong
dami ng bilihin.

2. Epekto ng kalamidad

S Ang paglipat ng Kurba


S ng Supply sa kaliwa ay
P2 nangangahulugan ng pagbaba ng
P1 dami nito.
D1 Sa ganitong sitwasyon kung
saan walang pagbabago sa
demand, Magkakaroon ng
kakulangan o shortage. Tataas ang
presyo ng ekwilibriyo sa pamilihan
at bababa ang ekwilibriyong dami.
Q2 Q1
B. Paglipat ng Kurba ng Demand sa kanan subalit walang pagbabago
sa supply.

1. Epekto ng pagtaas ng kita

S1
Kapag nagkaroon ng paglipat ng
P2 demand curve pakanan mula sa D1
P1 patungo sa D2 at walang paggalaw
D2 sa supply.
Magkakaroon ng labis na
demand at magkakaroon ng pagtaas
D1 sa presyong ekwilibriyo sa
pamilihan at tataas din ang
ekwilibriyong dami ng bilihin.
Q1 Q2

2. Epekto ng pagbabago ng panlasa o kagustuhan ng tao.

Kapag ang kurba ng


S demand ay lumipat sa kaliwa dala
ng salik nito at walang paggalaw sa
supply.
P1
P2 Magkakaroon ng pagbaba
D1 sa demand at ang presyong
ekwilibriyo sa pamilihan ay bababa
D2 at ekwilibriyong dami ng bilihin ay
Q2 Q1 bababa din.

Pamprosesong tanong:

1. Kailan nagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?

https://www.google.com
2. Ano ang maaaring mangyari sa presyong ekwilibriyo kapag /url?sa=i&url=https%3A%
nagkaroon ng pagbabago sa demand at supply dulot ng hindi 2F%2Fproofthatblog.com
presyong salik? %2F2013%2F07%2F01%2

9
Para sa mga mag-aaral na nasa bahay i-copy at paste sa youtube
ang link na ito upag matunghayan ang bahagi ng Suriin.
.https://www.youtube.com/watch?v=AhYHuZ9OX_0
https://www.youtube.com/watch?v=o4GpgpqMIlM

https://www.google.com/url?sa=i&url=https
MGA GAWAIN %3A%2F%2Fdribbble.com%2Fshots%2F92019
Larawan mula sa: 14-YouTube-Every-60-Seconds-in-2019 -
https://

Gawain 1.1: SAKTO LANG


Layunin: Matukoy ang iba’t ibang kaganapan sa pamilihan
Kagamitan: Laptop, internet, papel at ballpen
Panuto: Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng kalabisan,
kakulangan, o ekwilibriyo

Sagot No. Pahayag


1. Dalawang daang kilo ang supply ng saging sa palengke ng San Andres at
dalawang daang kilo rin ang naging demand nito

2. Nais bumili ng 30 tinapay si Aling Nena sa tindahan ngunit ang natira na


lang ay 15 tinapay.

3. Nabili lahat ang tindang halo-halo ni Maria.

4. Dahil sa bagyo, sinuspinde ang pasok sa paaralan at marami tuloy ang


natirang pagkain sa kantina ang hindi nabenta.

5. Ang inihandang pagkain ni Maria ay pang singkuwentang katao ngunit


ang dumating ay mahigit sa singkuwenta.

6. Kailangan ni Zaldy ng dalawang dosenang itlog sa paggawa niya


ng leche plan, ngunit isang dosena na lang ang nabili niya sa
palengke.

7. Binili lahat ni Anna ang chocnut sa tindahan.

8. Anim na kilo ang suplay ng kamote at tatlong kilo ang demand


para dito.

9. Nagkasundo ang mga mamimili at nagbibili sa presyong P500.

10. Binili ni Aling Nene ang limang kilo ng tilapia ngunit may natira
pang 10 kilo.

Para sa online learners i-click ang link na ito upang masagutan ang pagsusulit.
https://quizizz.com/join/quiz/5ec2900752b8cd001c5fc8ec/start?from=soloLinkSh
are&referrer=5cf4ec645308ab001af95bb8

10
Gawain 1.2: Pagsusuri sa Grap.
Layunin: Mailarawan ang pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan sa
pamamagitan ng graph.

Kagamitan: graph, Laptop, internet


Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa grap.

Pamproseong Tanong

1. Bakit masasabing nagkasundo ang mga mamimili at nagbibili sa presyo

2. Ano ang mangyayari sa dami ng supply kapag tumaas ang presyo ng pr

Pinagkunan: 3. Kapag naman tumaas ang presyo ano ang mangyayari sa dami ng demand? Anong sul
Sanayang Aklat sa Bagong Kurikulum
Ekonomiks nina Balitao at Cervantes,

4. Bakit masasabi na masaya ang mamimili at nagbibili sa presyong 5


Gawain 1.3: Ang Ubas!
Layunin: Mailalarawan sa ang pagbabago sa presyong ekwilibriyo sa pamamagitan
ng pagbabago sa demand at supply
Kagamitan: graph. Laptop, internet
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang mangyayari sa demand,
supply, presyo, at dami ng ubas. Bilugan ang pinakawastong sagot.

1. May bagong pag-aaral na nagsasabi na ang ubas ay isang anti-oxidant na


makakatulong sa pagsugpo ng Cancer.
A. Bababa ang demand
B. Tataas ang demand
C. Magpapalit sa demand
D. Walang pagbabago sa demand

2. Tumaas ang presyo ng mga pataba na magagamit sa pagpaparami ng


ubas.
A. Dadami ang demand
B. Bababa ang demand
C. Bababa ang supply
D. Tataas ang supply

3. Bumaba ang presyo ng bayabas na isa rin sa mga prutas na antioxidants.


A. Tataas ang demand sa bayabas
B. Tataas ang demand sa ubas
C. Tataas ang supply ng bayabas
D. Bababa ang presyo ng ubas

4. Nagbigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga nagtatanim ng mga


ubas.
A. Tataas ang presyo ng ubas
B. Bababa ang demand ng ubas
C. Bababa ang presyo ng ubas
D. Bababa ang supply ng ubas

5. Kapag bagong taon ay marami ang naghahanda ng mga bilog na prutas at


ang ubas ay isa sa mga ito.
A. Tataas ang presyo ng ubas
B. Bababa ang demand ng ubas
C. Bababa ang presyo ng ubas
D. Tataas ang supply ng ubas.
Kahoot. https://create.kahoot.it/share/70ce9ae9-9192-40c2-b59d-
799b8b87cfdahttps://quizizz.com/join/quiz/5ec289cf4875a2001b0060e0/start?fr
om=soloLinkShare&referrer=5cf4ec645308ab001af95bb8

www.google.com%2Furl%3Fsa%3Di%26url%3Dhttp
s%253A%252F%252Fwww.vecteezy.com%252Fvect or-art%252F432074-thinking-man-wit

Larawan mula sa:


TANDAAN
https://
-vector-images-thinking-brain-machine-brain-clipart//

 Presyo ang pangunahing batayan ng mga mamimili at


manininda sa pagbili at pagbenta ng produkto at serbisyo.
 Mamimili ang kumakatawan sa demand at manininda ang kumakatawan
sa Supply.
 Ang interaksiyon ng demand at supply ay magbubunga ng ekwilibriyong
presyo at dami
 Ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang demand at supply ay
pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan
 Ekwilibriyong dami ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto
at serbisyo
 Disekwilibriyo ang tawag sa anumang sitwasyon na hindi pareho ang
Quantity demanded (QD)at Qunatity supplied (QS) sa isang presyo.
 Dalawang uri ng disekwilibriyo sa pamilihan – kalabisan at kakulangan
 Kalabisan ay sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng supply kaysa sa
dami ng demand. (QS > QD)
 Kakulangan ay sitwasyon kung saan ang maliit ang dami ng supply kaysa
sa dami ng demand. (QS < QD)
 Ang pagkakaroon ng labis na supply ay magdudulot ng pagbaba ng presyo
samantalang ang labis na demand ay magdudulot naman ng pagtaas ng
presyo
 Ang paglipat ng kurba ng demand at supply ay may epekto sa presyong
ekwilibriyo
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Larawan mula sa: https:// clipart-npevr

Gawain : Ekwilibriyo Saan Ka Patungo?

Panuto: Pagsusuri ng sitwasyon. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na


sitwasyon. Batay sa mga pagbabago ng kondisyon sa mga produkto, tukuyin sa
ikatlong kolum kung alin sa demand o supply ang nabago. Sa ika-apat at
ikalimang kolum, tukuyin kung tumaasa o bumaba ang ekwilibriyong presyo at
dami. Isulat ang arrow up ( ↑ ) kung ang ekwilibriyong presyo at dami ay tumaas
at arrow down ( ↓ ) naman kung bumaba. Ang una ay ginawa para sa iyo.
Sa quizziz i-encode ang salitang arrow up o arrow down sa bawat sitwasyon

Produkto Pagbabago sa Pagbabago Ekwilibriyong Ekwilibriyong


Kondisyon sa Demand o Presyo Dami
Supply
Pagkakaroon ↑ ↓
Isda Supply
ng Fish kill

Pagbaba ng
presyo sa
Arina
pangdaigdigang
pamilihan

Pagbaba ng
Kotse presyo ng
gasolina

Bagong Magandang
sabong advertisement
panlaba nito

Pagbaba ng
Bigas buwis sa pag-
aangkat

Paglaganap
Vitamins ng virus na
Covid 19

https://quizizz.com/join/quiz/5ec294b3cd7e7d001c177ef2/start?from=soloLinkS
hare&referrer=5cf4ec645308ab001af95bb8
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https:// transparent-background-png-clipart-ogrow

Panuto: Unawain at basahin mabuti ang sumusunod na pangungusap. Bilugan


ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong kahulugan ng pamilihan?
A. Ang pagtatawaran sa presyo ng mamimili at ng mga nagbibili sa
isang produkto o serbisyo
B. Lugar kung saan maraming mga paninda ng mga produkto at
serbisyo
C. Lugar kung saan maraming mamimili at nagbibili
D. Regular na pagtatagpo ng mamimili at nagbibili upang
magpalitan ng produkto at serbisyo
2. Ito ay ang sitwasyon sa pamilihan kung saan parehong masaya ang
mamimili at ang nagbibili
A. Demand
B. Ekwilibriyo
C. Kalabisan
D. Supply
3. Ang presyong napagkasunduan ng mamimili at nagbibili kung saan
parehong kuntento ang mamimili at ang nagbibili.
A. Presyong ekwilibriyo
B. Presyong may kakulangan
C. Presyong may kalabisan
D. Presyong lugi
4. Alin sa sumusunod na mathematical equations ang nagpapakita ng
ekwilibriyo sa pamilihan?
A. QD > QS
B. QD < QS
C. QD = QS
D. QD + QS
5. Kung ang mga manggagawa ay humingi ng pagtaas ng sahod sa kompanya.
Ano ang maaaring mangyari sa dami ng produkto na malilikha ng mga
manggagawa? Bakit?
A. Madaragdagan ang dami ng produkto dahil gaganahan ang mga
manggagawa na gumawa
B. Mababawasan ang dami ng produktong magagawa dahil ang pagtaas
ng sahod ay nangangahulugan ng kabawasan sa puhunan ng
kompanya
C. Magiging mataas ang presyo ng mga produkto dahil sa babawiin ng
prodyuser ang idinagdag sa suweldo ng mga manggagawa.
D. Walang pagbabagong magaganap sa dami ng produkto na gagawin
ng mga manggagawa
6. Ang presyong ekwilibriyo ay tinatawag ding “Market clearing price” dahil;
A. sa presyong ito ay may labis na demand
B. sa presyong ito ay may labis na supply
C. sa presyong ito ay walang labis at wala rin kulang
D. sa presyong ito hindi masaya ang mamimili
7. Ang paglisan ng mga doktor patungong abroad upang doon magtrabaho ay
makapagdudulot ng supply ng doktor sa Pilipinas na
A. tumaas B. bumaba C. dumami D. walang pagbabago
8. Ang pagtaas ng kita ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba sa kanan
sapagkat
A. ang pagtaas ng presyo ay nagdudulot ng pagtaas ng supply
B. walang pagbabago sa presyo
C. ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng Qd
D. ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagliit ng demand
9. Ang mga produktong komplementaryo ay mga produktong sabay na
ginagamit. Cellphone at load ay halimbawa nito. Ano ang mangyayari kung
tataas ang presyo ng load?
A. Tataas din and demand para sa cellphone
B. Bababa ang demand sa cellphone
C. Walang pagbabago sa demand para sa cellphone
D. Hindi maaapektuhan ang demand sa cellphone sapagkat hindi
naman maaring ipalit ang cellphone sa load.
10. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang
dami ng quantity demand sa quantity supply. Sa kalagayang ito ano ang
implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
A. Sa presyong ekwilibriyo parehong masaya ang mamimili at nagbibili
sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga mamimili ay kasing dami ng
nais ibenta ng mga nagbibili.
B. Sa presyong ito ay may labis na supply sapagkat maaaring magtaas
ng preyo ang mga nagbebenta upang tumaas ang kita.
C. Sa presyong ito ay parehong masaya ang mamimili at
nagbebenta sapagkat tumaas naman ang presyo kaunti na lamang ang
bibilhin ng mga mamimili.
D. Sa presyong ito hindi masaya ang mamimili dahil ang labis na
demand ay hindi napupunan ng labis na supply
Larawan mula Ssa ANGGUNIAN https:// books-clipart/

Mga Aklat:

Sanggunian
BOOKS

Balitao, Ong, Atbp, (2012). Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon, Batayang


Aklat sa Araling Panlipunan, Kagawaran ng Edukasyon
Balitao, Bernard, et al. (2015). Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad. Vibal Group,
Inc.
Balitao, Bernard at Cervantes, Meriam ( 2010) . Sanayang Aklat sa Bagong
Kurikulum Ekonomiks. St. Jude Thaddeus Publications, p. 88.
Ekonomiks 10 Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran
ng Edukasyon. Unang Edisyon 2015
Macarubo, Josefina Baggay (2000). Ekonomiks Ngayon: PInagaan at Pinaunlad.
New Horizon Publications.

Pictures
en.wikipedia.org/wiki/Economic_equilibrium
leadershipfreak.blog/2012/01/21/on-turtles-and-rabbits-finding-pace/
pixabay.com/illustrations/graphics-design-3d-balance-sheet-875115/
socials-pjo.blogspot.com
-Every-60-Seconds-in-2019
ogle.com%2Furl%3Fsa%3Di%26url%3Dhttps%253A%252F%252F m%252Fvector-art%252F432074-thinking-man-with-quest
SITES
create.kahoot.it/share/70ce9ae9-9192-40c2-b59d-799b8b87cfda

quizizz.com/join/quiz/5eb1655c77fe87001b4a2623/start?referrer=5cf4ec645308ab001af95bb
8&fbclid=IwAR3RHvVLXCsrSMbfANnaC0xOnMXcaB1KF-
e9UqNowY2hma3S6PzUw0srZrU

quizizz.com/join/quiz/5eb1655c77fe87001b4a2623/start?from=soloLinkShare&referrer=5cf
4ec645308ab001af95bb8
www.slideshare.net/ShiellaCells/tayahin-at-karagdagang-gawain-adm-slideshare-
234176861
www.youtube.com/watch?v=AhYHuZ9OX_0
www.youtube.com/watch?v=o4GpgpqMIlM

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor: Alex P. Mateo


Writer/s: Ruby R. Denofra, AP Head Teacher VI / Shiella D. Cells T2
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: Baitang at Seksyon:

Paaralan: Petsa: Guro sa AP:

Kwarter Blg: 2 Modyul Blg.: 5 Linggo Blg.: 5

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

Layunin: Maitala ang mga kaganapan sa pamilihan at maipaliwanag ang epekto


nito sa bawat isa.
Paksa: Interaksiyon ng Demand at Supply

Gawain: Tayo na sa Palengke.

Panuto: Itala ang pagbabago sa presyo ng sumusunod na produkto sa loob ng


dalawang linggo at ilagay din ang dami ng inyong binili. Pagkatapos ay gumawa ng
paglalahat batay sa iyong naitala. Sa pagkakataong ito, ay hingin ang tulong ng
iyong magulang/guardian upang maisagawa ang susunod na gawain.

Produkto UNANG LINGGO IKALAWANG LINGGO

Presyo Dami Presyo Dami Presyo Dami Presyo Dami

Bigas

Isda

Saging/Ponkan

Manok

Baboy

Paglalahat:

Para naman sa mga online learners, tumingin sa online ng mga


sumusunod na produkto na napapanahon sa gitna ng pandemya tulad ng Face
mask disposable at N95, alcohol, wipes, at gloves. Ihambing ang kanilang mga
presyo sa iba’t ibang selling platform (tulad ng Lazada, Shopee, Amazon) sa loob ng
dalawang linggo. At bumuo ng mga paglalahat batay sa datos at bilang konsyumer
ano ang naging batayan mo sa pagpili at dami ng produkto na iyong bibilhin?
Gumawa ng talaan para dito.

You might also like