You are on page 1of 2

Di-masusing Bnaghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Inihanda ni : NELSON P. ABUYA

December 12, 2023


I.Mga Layunin:
Pamantayang pang nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga pangunahing kaalaman sa
ugnayan ng puwersa ng demand, supply, at sistemang ng pamilihan bilang batayan sa matalinong pagdedesisyon ng
konsyumer at bahay kalakal tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran.

Pamantayang Pagganap: Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuti sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan
ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan
at bahay-kalakal tungo sa pagtamo sa pambansang kaunlaran

● Pamantayan sa Pagkatutu: Natutukoy ang mga pangunahing konsepto ng suplay (Schedule,Curve, Function
at Batas ng Suplay)
II. Paksa at Nilalaman:
A. Paksa: “ANG KONSEPTO NG SUPLAY
B. Sanggunian: K to 12 Gabay pangkurikulum Araling Panlipunan 9
C. Kagamitan: Visual Materials, textbook at modyul para sa mag-aaral
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan: Gabayan ang mga mag-aaral sa napapanahong balita.
2. Balik -aral
 Anu ang suplay?
 Anu ang kaugnayan ng suplay sa ating panganagilanagn at kagustuhan?
3. Pagganyak:
Gawain: Pag-isipan mo!
Pamprosesong tanong:
1. Anu-ano ang napapansin ninyo sa pamilihan kung patuloy na
dumarami ang suplay? Anu naman ang napapansin ninyo sa
pamilihan kung patuloy naman na lumiliit ang suplay?

B. Paglalahad ng Aralin:
Ang ating pag-aaralan ngayon ay tungkol sa mga konsepto ng suplay at kung paano ito mas maiintindihan
ng Mabuti.
C. Pagtalakay sa Aralin
1. Paglinang ng gawain: *TALAKAYAN: Malayang talakayan sa konsepto ng suplay gamit ang inihandang larawan.
2. Pangkatang Gawain: ang klase ay hahatiin sa limag grupo. Ang bawat grupo ay sasagutan ang Gawain at
pagkatapos sy ilalahad ang kanilang ginawa sa klase. Ang bawat grupo ay bibigyang ng karampatang puntos base
sa rubriks na ibibigay.

D. Paglalahat
Ang presyo ang pangunahing salik na nakakaimpluwensiya sa dami ng ipinagbibiling produkto o serbisyo. Sa
pamamagitan ng Supply Curve, Function, Schedule at Batas ng demand maipapakitra ang ugnayan ng presyo at supply
Dapat bang laging mataas ang presyo upang maging sapat ang supply ng mga produkto?
E. Paglalapat
 Dapat bang laging mataas ang presyo upang maging sapat ang supply ng mga produkto?

IV. Pagtataya: Tama o Mali


Panuto: Unawain ang pangungusap at sagutin sa sagutang papel ang sumusunod. Isulat ang TAMA kung
ang tinutukoy ay tama at MALI kung mali ang isinsaad nito.
1. Ang ugnayan ng presyo at quantity supplied ay maaring makita sa supply schedule, curve at function.
2. Ang slope ng supply function ang nagtatakda ng kung ang ugnayan ng presyo at supply ay positibo o
negatibo.
3. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa
takdang presyo at panahon.
4. Ayon sa batas ng supply, ang presyo at quantity supplied ay may di tuwirang relasyon.
5. Ang ceteris paribus assumption ay nagsasaad na ang ugnayan ng presyo at supply ay may magkasalungat na
relasyon.

V. Takdang Aralin: 1. Ano ang iba pang salik na nakakaapekto sa Supply?

Inihanda ni:

NELSON P. ABUYA
SST-III

_________________________________
Process Observer

_________________________________
Process Observer

You might also like