You are on page 1of 5

Instructional Plan (iPlan)

(With inclusion of the provisions of DepEd Order No. 8, s. 2015)


MULTIPLE INTELLIGENCES AND HOTS INTREGRATION

Banghay Aralin

Asignatura: Araling Panlipunan 9 Petsa: _________________________

Paksa: Maykroekonomiks
 Interaksiyon ng Demand at Supply
1. Interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan.
2. “Shortage at “Surplus”
3. Mga Paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan sa pamilihan

II. Pamantayang Pangnilalaman:


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at
suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-
kalakal tungo sa pambansang kaunlaran

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng
demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at
bahaykalakal tungo sa pambansang kaunlaran.
III. Pamantayan sa Pagkatuto
 Naiuugnay ang elastisidad ng demand at suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod. (SLO1, SLO3,
PO1, PO2, PO3)
 Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan (SLO2,
SLO3, PO2, PO3)
 Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa
pamilihan (SLO2, SLO3, PO1, PO3)
 Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan.
(SLO2, SLO4, SLO2, SLO3, PO3)
IV. Sanggunian
Imperial, C. M., Antonio, E. D., Dallo, E. M., Samson, M. B., & Soriano, C. D. (2017). Kayamanan Ekonomiks
Batayang Aklat. Sampaloc: Rex Book Store, Inc
.

V. Mga Kagamitan sa Pagkatuto


 Kwaderno sa AP9
 E-book/Batayang Aklat sa AP 9
 Calculator
 LMS
 Google Form
 Google Meet
Video: Interaksiyon ng Demand at Supply youtube.com/watch?v=o4GpgpqMIIM

VI.Paraan sa Pagkatuto
A. Panimula: SYNCHRONOUS SESSION
. PAGSUSURI NG LARAWAN
Tanungin ang mag mag-aaral kung sino ang pumupunta sa pamilihan at namimili. Suriin kung ano ang nakikita
sa larawan. Sagutin ang mga pamprosesong tanong at ipabahagi ang karanasan sa pamimili.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinakikita sa larawan?
2. Naranasan mo na ba ang ipinapakita sa larawan? Ibahagi ang naging karanasan.
3. Ilarawan ang tungkulin o papel mo at ng iyong katransaksiyon gaya ng ipinakikita sa larawan.

B. Paglilinang (SYNCHRONOUS SESSION)


Gawain : Manood ng Video patungkol sa interaksiyon ng demand at Supply
Video1: Jessica Soho, nakipagsabayan sa Navotas Fish port
Video2: This is how you Nanay.

Pamprosesong Tanong:
1. Sa tingin mo, bakit pumayag ang prodyuser o negosyante na ibigay ang produkto sa nais na presyo at dami ng
mamimili?
2. Sa palagay mo, bakit kaya naman pumayag na nais din niyang presyo at dami?

SYNCHRONOUS TASK: Talakayin ang Paksa:


 Interaksyon ng Demand at Supply
 Interaksiyon sa Pamilihan
 Presyong Ekwilibriyo
 Grapikong Representasyon ng Ekwilibriyo sa Pamilihan
 Ugnayan ng Demand at Supply Curve
 Pagkuha ng Ekwilibriyo
 Ekwilibriyong presyo at quantity
 Shortage and Surplus

Formative assessment 1: Sagutan ang mga sumusunod


Gawain : SUBUKAN NATIN
A. Buuin ang talahanayan sa ibaba gamit ang demand at supply functions.

B. Gamitin ang nagawang iskedyul (Talahanayan) sa Gawain 4A upang makalikha ng graph na


nagpapakita ng interaksiyon ng demand at supply.

C. Magcompute Tayo!
Kompyutin ang sumusunod na talahanayan gamit ang datos na nasa ibaba.

ASYNCHRONOUS TASK : Shortage o Surplus?


Suriin ang market schedule sa pares ng sapatos sa ibaba. Batay sa talahanayan, tukuyin kung ang sitwasyon ay
shortage, surplus, o ekwilibriyo. Isulat ang iyong sagot sa hulihang kolum. Pagkatapos, ipakita sa pamamagitan
ng graph ang nilalaman nito.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kalagayan ng pamilihan ng sapatos kapag ang presyo ay Php200?
2. Ano ang kalagayan ng pamilihan ng sapatos kapag ang presyo ay Php600?
3. Ano ang ipinahihiwatig ng punto ng ekwilibriyo?

ASYNCHRONOUS TASK:
Gawain : KNOWLEGDE ORGANIZER
Buuin ang graphic organizer batay sa isinasaad ng leksiyon at tekstong inyong nabasa. Upang higit na
maunawaan ay sagutin ang mga pamprosesong tanong na susukat sa antas ng iyong kaalaman at pag-unawa.
?

Ekwilibriyo

Interaksiyon ng ?
Demand at
Supply

Disekwilibriyo ?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang dalawang uri ng disekwilibriyo sa pamilihan?
2. Kailan masasabing mayroong ekwilibriyo sa pamilihan?
3. Paano nagkakaroon ng gampanin ang presyo upang magkaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?

C. Pagpapatibay (ASYNCHRONOUS TASK)

Tanong:
Paano ka nakakatulong upang maging balance ang pamilihan?

Gawain 7: Batay sa inyong natutuhan sa pagkakaroon ng balance sa pamilihan, ang sumusunod na gawain ay
inyong gagawin. Pumili ng isa. Ito ay mamarkahan ayon sa sumusunod na pamantayan.
 Impormasyon
 Paglalahad ng reaksiyon o opinion
 Ilustrasyon o halimbawa

Differentiated Activties: Ang bawat pangkat ay pipili ng gawain na naayon sa kanilang kakayahan.

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


Gumawa ng reflection journal
ukol sa gagawin mo upang
Bumuo ng pop-up book ukol sa maging balanse ang pamilihan. Gumawa ng poster na may slogan
nagaganao sa pamilihan. Ilahad ukol sa hakbang na iyong
kung paano ka makatutulong Sa Reflection Journal, kailangan gagawin upang maging balanse
upang maging balanse ang ang sumusunod: ang pamilihan.
pamilihan.  Experience description
 Describe what you felt
 Evaluate
 Analysis
 Conclusion

D. Paglilipat (SYNCHRONOUS SESSION)


Gawain 8: Isabuhay
1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, ano ang mas gugustuhin mong gawian sa buhay, maging isang
prodyuser ng produkto, supplier ng iba’t-ibang produkto, o maging isang tinder, at bakit?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

(ASYNCHRONOUS TASK)
1. Ipasagot ang nakatakdang gawain na nasa Mcourser kaugnay sa aralin (Summative Assessment)
2. Magbigay ng Mahabang Pasulit gamit ang Google Quiz form (Summative Assessment)

Inihanda ni:

G. GIULIANO L. LARGO
AP9 Guro

Sinang-ayunan ni:

DR. ARACELI G. JUARIO


Punongguro

You might also like