You are on page 1of 4

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
Division of Zamboanga Sibugay
SIAY NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


Paaralan DALAMA NATIONAL HIGH SCHOOL Antas Baitang 9
Guro RAQUEL D. PEREZ Asignatura Araling Panlipunan 9
Petsa/Oras Jan. 2024 – 3:00-4:00 Markahan Ikalawang Markahan
LINGGO
I. LAYUNIN:
A. nakapagbibigay ng kahulugan pamilihang may ganap na kompetisyon.

B. Nailarawan ang pamilihang may ganap na kompetisyon sa pamamagitan ng pagguhit.


C. napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamilihan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag -unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng
demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang kaunlaran

B. Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay na kritikal nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa
ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang kaunlaran.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto:


Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at supply sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan.

(AP9MYK-Iie-9)

1. NILALAMAN
 Paksa: Ang Estruktura ng Pamilihan (pamilihang may ganap na kompetisyon)

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian
Pahina sa TG:
Pahina sa LM:
Karagdagang Kagamitan LR portal:
B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO:
Laptop, monitor, Visual Aid

IV. PAMAMARAAN
A. SIKAP :(read aloud)
- “The Sick Lion”

B. Balik aral / Pagsisimula ng bagong Aralin:


 -Ano ang ibig sabihin ng Pamilihan?
C. Paghahabi sa layunin ng aralin:
Gawain 1: TUKLASIN NATIN
Suriin kung ano ang nasa larawan gamit ang mga pamprosesong tanong.
D.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinakita sa larawan?
2. May nagaganap ba na kompetisyon sa pamilihan?
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #1
MGA ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
 Alam mo ba na ang struktura ay porma o pisikal na balangkas ng isang bagay o kadalasang
tinatawag na kabuuan. Kung i-uugnay ito sa pamilihan, ang estruktura ay na-oobserbahan o
nakikitang aspeto ng isang ekonomiya.
 DALAWANG ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
1.Perfectly Competitive Market (PCM) o pamilihang may ganap na kompetisyon

2.Imperfectly Competitive Market (ICM) o pamilihang may di-ganap na kompetisyon.

Perfectly Competitive Market (PCM) o pamilihang may ganap na kompetisyon

 Kinikilala ang estruktura ng pamilihang ito bilang modelo o ideal. Sa pamilihang ito,
walang sino man ang makadikta sa takbo ng pamilihan partikular na ang presyo, maging
prodyuser o konsyumer man.
 Ang mga mamimili at nagtitinda ay may ganap na kaalaman sa kalagayan ng pamilihan.

Halimbawa: Sapatos, T Shirt, Pantalon at gulay ,prutus, karne.

Katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon:

1. Maraming maliit na konsyumer at prodyuser


- Dahil marami at maliit ang konsyumer at prodyuser walang kakayahan na maimpluwensyahan ang
presyo sa interes ng sinoman sa pamilihan.
2. Magkatulad ang produkto ((homogenous)
- Maraming produkto na magkakatulad kung kayat ang konsyumer ay maraming pagpipilian.

3. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon

-Dahil walang direktang kontrol sa mga salik ng produksiyon maraming mapagkukunan ng mga
sangkap para mabuo ang produkto.

4. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya

-Ang pamilihang partikular na ang sistema ng pagnenegosyo ay bukas sa lahat na may kapasidad
na maibahagi.

5. Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan

-Malaya ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng presyo at dami ay bukas para sa
kaalaman ng lahat.

F. Paglinang sa kabihasaan:
Gawin: Pangkatang Gawain (GRAPHIC ORGANIZER)

Prutas, Karne, Gulay


Panuto: isulat ang iba’t-ibang katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon sa graphic
organizer.
Tanong:
Pamprosesong Tanong:

1. Ibigay ang dalawang pangunahing estruktura ng pamilihan?

2. Ano ang katangian ng mga may ganap na kompetisyon estruktura ng pamilihang ito?

3. Nakaapekto ba ang mga estruktura ng pamilihang ito sa ugnayan ng presyo, demand at suplay ng mga produkto sa
pagtugon ng pangangailangan ng tao? Bakit?
F. Paglalapat ng aralin sa araw-araw na buhay
Pangkatang Gawain: PAMILIHAN SA AKING KOMUNIDAD

Panuto: gumuhit ng estruktura ng pamilihan sa inyung komunidad na nag lalarawan ng pamilihang may ganap
na kompetisyon.

Halimbawa: PAMILIHAN SA AKING KOMUNIDAD

PAMANTAYAN: https://www.flickr.com/photos/shankaronline/9364650352

Nilalaman -----------------25pts
Tema---------------------------15
Malikhaing pagsusulat-----10pts
Kabuuan 50pts

I.Paglalahat ng Aralin
Tanong:

1. ano ang ibig sabihin ng pamilihang may ganap na kompetisyon?

Produksiyon?
J. Pagtataya ng Aralin:

A. GANAP o DI-GANAP
Unawain ang mga pahayag sa talahanayan. Tukuyin kung ganap o di ganap ang
estruktura ng pamilihan na inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat sa activity notebook ang
iyong sagot. (2 puntos)

PAHAYAG GANAP o
DI-GANAP
1. Ito ay isang uri ng estruktura sa pamilihang umiiral
ang kontroladong presyo ng mga prodyuser ang mga
ipinagbibiling mga produkto at serbisyo.
2. Estruktura ng pamilihan na may malayang paggalaw
ng mga sangkap ng produksiyon.
3. Ang presyo ng mga produkto ay hindi kayang
baguhin ng prodyuser o konsyumer man.
4. Sa estrukturang ito nabibilang ang monopolyo,
monopsonyo, oligopolyo at monopolistic competition.
5. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser ang
matatagpuan sa uri ng istruktura ng pamilihan na ito.

Sagot:
1. Di -Ganap
2. Ganap
3. Ganap
4. Di-Ganap
5. Ganap

K. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

Inihanda ni:
RAQUEL D. PEREZ
Arpan Teacher

Iniwasto Ni:
ELI G. BAJAO
Arpan Coordinator

Binigyang pansin:
HAIJIN S. SADDAE
School Head

You might also like