You are on page 1of 10

9

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter II – Linggo 6
Konsepto at Estruktura
ng Pamilihan

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 6: Konsepto at Estruktura ng Pamilihan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Ria T. Oser
Pangnilalamang Patnugot: Imelda V. Villegas, Villaflor C. Ocampo
Editor: Maricar T. Cuenca
Tagawasto: Villaflor C. Ocampo
Tagasuri: Marites L. Arenio, Villaflor C. Ocampo, Rodney M. Ballaran

Tagaguhit:

Tagalapat: Kester T. Badenas

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS, AP
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Baitang at Seksyon:

Aralin 1
Konsepto at Estruktura
ng Pamilihan
MELC: Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang estruktura ng pamilihan

Mga Layunin:
1. Nabibigyang kahulugan ang pamilihan
2. Natutukoy ang ibat-ibang estruktura ng pamilihan
3. Nasusuri ang katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon

Ating Alamin at Tuklasin


Halina’t alamin natin! Ayusin ang mga ginulong
Paghawan titik upang mabuo ang salita.
ng
balakid
1. AHLAGOSINNA
______________________

Pamilihan - ay 2. E K A P N E G L
tumutukoy sa mekanismo
o lugar kung saan _____________________
maaring magtagpo ang
konsumer at prodyuser 3. M L L A
______________________
Estruktura - ito ay
pormasyon, patern o
Alam mo ba ang serbisyong ibinibigay nila?
disenyo ng isang
organisasyon o Ang mga salitang nabubuo sa itaas ay bahagi ang
organisadong bagay. iba’t-ibang maliliit na industriya. Ang sektor na
kinabibilangan ng mga ito naghahatid sa atin ng
mga pangunahing produktong kailangan natin sa
araw-araw. Ang mga ito ay ilan lamang sa
tinatawag nating pamilihan.

Natatandaan mo pa ba ang ating tinalakay sa nakaraang aralin. Sana ay naunawaan


mo ang ang kahalagahan ng matalinong pagdedesisyon ng prodyuser at konsyumer
sa interaksiyon ng demand at supply. Ngayon alamin natin ang tungkol sa pamilihan.
Anu-ano nga ba ang mga estruktura nito? Bakit kaya mahalagang maunawaan natin
ang iba’t ibang estruktura ng pamilihan?

1
ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN
Ang pamilihan ay tumutukoy sa mekanismo o lugar kung saan maaring magtagpo
ang konsumer at prodyuser. Ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao
at pagtukoy kung may sapat bang bilang ng produktong naiprodyus ay ang bahaging
ginagampanan ng pamilihan. Ang dami at lawak ng kontrol ng market player (konsyumer
at prodyuser) sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng estruktura na iiral.
Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito
ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami
niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong
handa at kaya niyang ikonsumo.
Sa pamilihan itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung
gaano ito karami. May dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ang konsyumer at
prodyuser. Ang konsyumer na bumibili ng mga produktong gawa ng prodyuser,
samantalang ang prodyuser naman ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga
konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng mga
konsyumer.
Ang pamilihan ay maaaring lokal, panrehiyon, pambansa o pandaigdigan ang
lawak. Ang kilalang sari-sari store na matatagpuan saanmang dako ng ating bansa ay
isang magandang halimbawa ng lokal na pamilihan. Samantalang ang mga produktong
abaka ng Bicol, dried fish ng Cebu, Durian ng Davao, at iba pang natatanging produkto
ng mga lalawigan ay bahagi ng pamilihang panrehiyon.

MGA ESTRUKTURA NG PAMILIHAN


Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema
ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ito ay
nahahati sa dalawang pangunahing balangkas - ang pamilihang may ganap na
kompetisyon (perfectly competitive market) at ang pamilihang may hindi ganap na
kompetisyon (imperfectly competitive market)
Pamilihang may Ganap na Kompetisyon
Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Ang pamilihan
ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang negosyante ay walang
kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan.
Mga Katangian:
➢ Maraming mamimili at tindera ng produkto
Walang kakayanan na maimpluwensiyahan ng kahit alinman sa prodyuser o
konsyumer ang presyo sapagkat marami at maliliit lamang sila. Dahil sa dami ng mga
mamimili at nagtitinda hindi ito nakakaapekto sa pagtaas ng presyo. Ang mga negosyante
ay sumusunod lamang sa presyong umiiral sa pamilihan. Sila ay nagsisilbing price taker
dahil wala silang impluwensiya sa presyo.
➢ Magkakatulad ang mga produkto
Ang mga produkto sa loob ng pamilihan ay magkakatulad o homogenous. Walang
pagkakakilanlan kung sino ang nagprodyus ng isang produktong agrikultural tulad ng
bigas, mais, gulay, isda, itlog, asin at iba pa. Kalimitan sa mga produkto partikular sa
palengke ay pare-pareho ng klase ng paninda kung kaya’t possible ang magpababaan ng
presyo o magkaroon ng paligsahan sa quality ng mga produkto
➢ Malayang paggalaw ng salik ng produksiyon
Walang sinumang negosyante o prodyuser ang nagkokontrol sa paggalaw ng mga
salik ng produksiyon. Maraming mapagkukunan ng mga sangkap para makabuo ng mga
produkto. Bunga nito hindi nagkakaroon ng kakulangan ng produkto sa pamilihan

2
➢ May kalayaan sa pagpasok at paglabas sa negosyo
Ang sinumang negosyante ay may kalayaang makapamili ng mga produktong nais
niyang ibenta. Isang halimbawa nito ay kakayahan ng isang maliit na negosyante na
magsara ng negosyo kung ito ay hindi na kumikita o magpalit ng produktong ibebenta
kapag ang isang partikular na produkto ay hindi na tinatangkilik ng mga mamimili.
➢ May sapat na kaalaman at impormasyon ukol sa pamilihan
Ang mga impormasyon sa pamilihan ay dumadaloy lalo na kung ito ay tungkol sa
pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga produkto o halaga ng serbisyo. Ang mga konsyumer
ay malaya kung bibili o hindi bibili ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan kapag may
biglaang pagbabago sa presyo na maaring makaapekto sa kanyang badyet. Ang mga
prodyuser naman ay makagagawa ng desisyon kung anong produkto ang gagawin na
makapagbibigay ng pinakamalaking tubo

(Pinagkunan: Liberty I. Nolasco et al., Ekonomiks: Mga konsepto at Aplikasyon: Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan Ikaapat na Taon, Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. 2012, 178-181.)

Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Isulat sa loob ng mga bilog ang mga salitang tumutukoy sa pamilihan. Iugnay
ang bawat salita upang ipaliwanag ang kahulugan ng pamilihan. Gamitin ang Text Box
para sa iyong paliwanag.

3
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Hanapin at bilugan ang
sagot.

I M P O R M A S Y O N
A J R S O P R O L P G
S L E U M A R A M I T
G K S I N N P I R M S
H J Y O P A R E H O A
S U O N E G O M O H Y

1. Anong kompetisyon ang inilalarawan ng malayang galaw ng mga salik ng


produksiyon?
2. Ano ang hindi kayang itakda ng tindera sa ganap na kompetisyon?
3. Ilan ang nagtitinda at bumibili sa ganap na kompetisyon?
4. Ano ang dapat mayroon ang mga konsyumer ukol sa pamilihan ng ganap na
kompetisyon?
5. Ano ang paglalarawan sa mga produkto sa pamilihan ng ganap na

Sa iyong palagay alin sa mga anyo ng pamilihan ang nararapat na gugulan


ng pamahalaan ng mas malaking pondo o higit na tulong?

kompetisyon?

Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang mga kalakasan at kahinaan ng pamilihang may ganap na
kompetisyon at isulat sa inilaang espasyo ang kasagutan.

Pamilihang may Ganap na Kompetisyon

Kalakasan Kahinaan

1. ______________________________ 1. ________________________________

2. ______________________________ 2. _______________________________

3. ______________________________ 3. _______________________________

4
Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek kung ang pangungusap o sitwasyon ay naglalarawan ng Positibo
o Negatibong katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon.

Katangian Positibo Negatibo


1. Nagpapababaan ng presyo ang mga negosyante na
nagdulot ng mas mataas na kalidad ng mga produkto.
2. Dahil malayang dumadaloy ang impormasyon ukol sa
pamilihan nakikipagpaligsahan sa paggawa ng mas
magandang produkto o serbisyo ang mga negosyante kahit
na malaki ang nagiging gastos sa produksiyon.
3. Maraming mamimili kung kaya maraming magkakatulad
na produkto ang naipoprodyus dahilan kung bakit
nagkakaroon ng kalituhan sa pagpili ang mga konsyumer.
4. Walang kakayahan na agarang magtaas ng presyo ang
mga prodyuser kung kaya’t naisasaayos ng mga
konsyumer ang kanilang badyet.
5. May kakayahanang negosyante na magpalit ng
produktong ititinda kapag ito ay hindi na tinatangkilik

Ang Aking Natutuhan


Panuto : Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga anyo ng pamilihan na makikita sa
inyong lugar at isulat ang mga ito sa talahanayan.

Pamilihang Lokal Pamilihang Pamilihang Pamilihang


Panrehiyon Pambansa Internasyunal

5
Ating Tayahin
Panuto: Unawain mabuti ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.

______ 1. Ano ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot
sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan?
A. tindahan B. palengke C. pamilihan D. parke

_____ 2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian ng pamilihang may ganap
na kompetisyon?
A. Maraming mamimili at tindera ng produkto
B. Magkakatulad ang mga produkto
C. May kalayaan sa pagpasok at paglabas sa negosyo
D. Iisa ang prodyuser

_____ 3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng


merkado?
A. Estruktura ng pamilihan C. Uri ng pamilihan
B. Anyo ng pamilihan D. Dami ng pamilihan

_____ 4. Ano ang katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon kung saan ito ang
dahilan ng kawalan ng pwersa o kapangyarihang magtakda ng presyo?
A. Maraming mamimili at tindera ng produkto
B. Magkakatulad ang mga produkto
C. Malayang paggalaw ng salik ng produksiyon
D. May kalayaan sa pagpasok at paglabas sa negosyo

_____ 5. Alin sa mga katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon ang


inilalarawan ng pagkakaroon ng mga produktong magkakatulad ang makikita sa
mga pamilihan?
A. Maraming mamimili at tindera ng produkto
B. Magkakatulad ang mga produkto
C. Malayang paggalaw ng salik ng produksiyon
D. May kalayaan sa pagpasok at paglabas sa negosyo

_____ 6. Anong katangian ang isinasaad ng pangungusap? Upang maging ganap ang
kompetisyon dapat walang sinumang negosyante ang komokontrol sa paggalaw
ng mga salik ng produksiyon.
A. Maraming mamimili at tindera ng produkto
B. Magkakatulad ang mga produkto
C. Malayang paggalaw ng salik ng produksiyon
D. May kalayaan sa pagpasok at paglabas sa negosyo

_____ 7. Ano ang tawag sa mga prodyuser o negosyante na walang karapatang palitan ang
presyo sa pamilihan?
A. Price Starter B. Price Doer C. Price Taker D. Price Giver

_____ 8. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga kabayaran sa mga binebentang


produkto na tinatanggap ng mga nagtitinda?
A. kita B. sweldo C. revenue D. tubo
6
_____ 9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa bagay na dapat mayroon ang isang
mamimili ukol sa negosyong papasukin o bago lumahok sa pamilihan may ganap
na kompetisyon?
A. Lakas ng loob B. Puhunan C. Impormasyon D. Kagamitan

_____ 10. Sa panahong ipinatutupad ang lockdown sa inyong lugar maraming mga online
seller ang kumita sa dahilang mas tinangkilik sila at napapadali ang pamimili ng
mga konsyumer sa pamamagitan ng pakikipagtransaksiyon sa kanila. Anong uri
ng mga negosyanteng ito ay kabilang sa anong anyo ng pamilihan?
A. Lokal B. Panrehiyon C. Pambansa D. Pandaigdigan

Susi sa Pagwawasto

Ating Alamin at Tuklasin

Gasolinahan
Ating
Palengke
Tayahin
Mall
1. C
Tayo’y Magsanay
2. D
Gawain 1:
3. A
Prodyuser, Konsyumer, produkto, produksiyon
4. A
5. B
Gawain 2:
6. C
Ganap, Presyo, Marami, Impormasyon, Pareho
7. C
8. C
Pagyamanin
9. C
Gawain 2:
10. A
1 /
2 /
3 /
4 /
5 /

Aklat Sanggunian
Aklat

Nolasco, Liberty I., JN. Ponsaran, JA. Ong, JD. Rillo, Mdr. Cervantes, at BR.
Balitao. Ekonomiks:Mga konsepto at Aplikasyon: Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan, Quezon City: Department of Education-Vibal publishing House, Inc.
2012.

Balitao, Bernard R., Buising, ED.J Garcia, AD. De Guzman, JL. Lumibao Jr.,AP.
Mateo, at IJ.Mondejar. Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa mag-aaral.
Pasig City: Department of Education-Vibal Group,Inc. 2015.
7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang


iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya


para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung


Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like