You are on page 1of 14

9

Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Ikalawang Markahan-Modyul 4
Estruktura ng Pamilihan

1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat at Tagalapat: REBECCA CASIDA


Teacher III (Camarines Sur National High School)

Tagalapat at Editor: Junroy JUNROY Z. VOLANTE


Teacher II (Camarines Sur National High School)

Tagasuri: MARILYN L. AZANA


Master Teacher 1 (Conception Pequena NHS

CYNTHIA T. SONEJA
Education Program Supervisor, SDO Catanduanes

JARME D. TAUMATORGO
Education Program Supervisor, SDO Naga City

2
TALAAN NG NILALAMAN

MODYUL 4-Aralin 1 : Estruktura ng Pamilihan

Panimula ……………………………………….……………….... 4
Mga Tiyak na layunin …………………………………………… 4
Talahulugan ……………………………………………............... 5
Panimulang Pagsubok …………………………….................... 5
Mga Gawain sa Pagkatuto …………………………….............. 6
Pagsasanay 1 ……………………………………………………. 9
Pagsasanay 2 ……………………………………………………. 10
Pagsasanay 3 …………………………………………............... 13
Pangwakas na Pagsubok ………………………………………. 13
Karagdagang Gawain …………………………………………… 13

Sanggunian ………………………………………………………. 14

3
Aralin Quarter 2: Week 6

1
Estruktura ng Pamilihan

Panimula

Ang pagtugon sa pangangailangan ang isa sa mahalagang konsepto na


binigyang diin sa pag-aaral ng ekonomiks. Ang bawat isa ay may mga
pangangailangan subalit hindi lahat ay may kakayahan na gumawa ng mga
produkto para matugunan ang kanyang mga pangangailangan. Kung kaya’t ang
relasyon sa pagitan ng prodyuser t konsyumer ay lubhang mahalaga para sa
kapakinabangan ng lahat.

Sa nakaraang mga aralin , naunawaaan mo ng mga ugnayan ng demand at


supply na kumatawan sa konsyumer at prodyuser. Subalit sa anong mekanismo ba ng
ekonomiya madaling malaman kung may sapat bang mga produkto o serbisyo na
siyang tutugon sa walang katapusan napangangailangan ng tao? Sa ganitong aspekto
papasok ang bahaging ginagampanan ng PAMILIHAN, Kung kaya’t ang pangunahing
pokus ng araling ito ay konsepto ng pamilihan at mga estruktura nito bilang isang
mahalagang salik sa pagtugon ng pangangailangan tungo sa pagtamo ng
pambansang kaunlaran.
Bagamat kumikilos ang pamilihan ayon sa itinakda ng batas ng pamahalaan,
malaking aspeto nito ay kusang tumatakbo ng walang panghihimasok sa pamahalaan.
Tulad halimbawa ng presyo, bagama’t maaaring magpatupad ng price freeze at price
ceiling ang pamahalaan, ito ang pangunahing itinakda ng ugnayan ng prodyuser at
konsyumer o ang pwersa ng demand at supply.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagpapaliwanag ng
kahulugan ng pamilihan at makaunawa at makapagsuri ng iba’t-ibang sistema o
estruktura ng pamilihan na tumutugon sa maraming pangangailangan ng mga tao.

Kasanayan sa pagkatuto
at Tiyak na layunin

Narito ang mga kasanayan na inaasahang malilinang sayo kapag iyong isinapuso
ang pagsagot sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang kahulugan ng iba’t-ibang struktura ng
pamilihan (AP9MYK-11.12)

4
Mga Tiyak na layunin:

1. Natutukoy ang ang iba’t - ibang struktura ng pamilihan.


2. Napaghahambing ang mga katangian ng iba’t-ibang struktura ng
pamilihan
3. Natataya ang mga positibo at negatibong aspeto ng bawat struktura ng
pamilihan.

Talahulugan

Basahin at unawain ang ilan sa mga salita o konseptong ating ginamit sa pagtalakay
ng paksa. Ang iyong pagkaunawa sa mga konseptong ito ay mahalaga sa pagkamit
ng ating mga layunin sa pagtalakay.

• PAMILIHAN - Ang lugar o mekanismo kung saan nagkakaroon ng


interaksyon ang mga konsyumer at prodyuser kaugnay ng presyo at
dami ng mga kalakal.
• PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON - Ito ang
estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Walang
Sinuman sa prodyuser at konsyumer ang maaring magkontrol sa
takbo ng pamilihan partikular sa presyo.
• PAMILIHANG MAY HINDI GANAP NA KOMPETISYON - Sa ilalim
ng estrukturang ito kung wala ang anumang kondisyon o katangian
na matatagpuan sa pamilihang may ganap na kompetisyon. Ang
lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong istruktura ay may
kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
• PRESYO - Ang nagtatakdang halaga ng isang kalakal o paglilingkod.
Ito ang nagsisislbing taga pag-ugnay upang maging ganap ang
palitan sa pagitan ng konsyumer at at prodyuser na tinawag ding
invisible hand.
• KONSYUMER - Ang tawag sa taong bumibili ng tapos na produkto,
Siya ang gumagawa ng plano hinggil sa dami at uri ng produkto na
kanyang bibilhin na inilalarawan ng kanyang demand.
• PRODYUSER - Ang nagbebenta o gumagawa ng mga produkto at
serbisyo sa pamilihan.
• MONOPOLYO - Estruktura ng pamahalaan kung saan may iisa
lamang na prodyuser na gumagawa ng produkto na walang malapit
nakahalili.
• MONOPSONYO - estruktura ng pamilihan na kung saan maraming
nais magkaloob ng produkto at serbisyo subalit iisa lamang ang
konsyumer. Ito ay may lubos na kapangyarihan na kontrolin ang
presyo.
• OLIGOPOLYO - estruktura ng pamilihan kung saan may maliit na
bilang ng prodyuser na nagbebenta ng magkakatulad o
magkakaugnay ng produkto.
• KARTEL - tumutukoy sa samahan ng mga oligipolista na sama-
samang kumikilos upang kontrolin ang presyo at dami ng produkto o
sebisyo sa pamilihan.

5
• MONOPOLISTIC COMPETITION - uri ng pamilihan na maraming
konsyumer at prodyuser subalit may kaunting kapangyarihan dahil
sa ibinibentang produkto na magkakapareho ngunit hindi eksaktong
magkakahawig.

Panimulang
Pagsubok

Ano na ba ang alam mo tungkol sa paksa? Sagutan ang panimulang


pagsusulit upang matiyak ng guro ang mga kaalamang dapat ituro at
Kailangan pang magbigay ng mga karagdagang gawain. Huwag kang
mag-alala, pre-test pa lamang ito at hindi magiging basehan ng
pagmamarka.

1. Ang uri ng pamilihan na kung saan may kakayahang hadlangan ang kalaban ,
kasama na dito ang pagprotekta sa mga imbensyon o patent, copyright , trade mark,
computer programs at iba pa upang hindi gayahin ng ibang tao ang paraan ng
pagagawa ng produkto.
A. Monopolyo B. Oligopoly C. Monopsonyo D. Monopolistic Competition
2. Alin sa mga sumusunod na katangian ang hind kabilang sa Ganap na Kompetisyon?
A. Magkakatulad ang produkto (homogenous)
B. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
C. Malaya ang impormasyon sa pamilihan
D. May kakayahang hadlangan ang kalaban
3. Dito nagaganap ang tinatawag na product differentiation sa pamamagitan ng
packaging, advertisement at flavor ng mga produkto.
A. Monopolyo B. Monopsonyo C. Monopolistic Competition D. Oligopolyo
4. Estruktura ng pamilihan ma kung saan ang sinumang negosyante ay malayang
pumasok o maging bahagi ng industriya.
A. May Ganap na kompetisyon C. Monopsonyo
B. Hindi Ganap ang kompetisyon D. Oligopolyo
5. Ang estruktura ng pamilihan kung saan iisa lamang ang bumibili ng produkto at
serbisyo, halimbawa nito ang pamahalaan na siyang kumukuha ng serbisyo ng mga
sundalo, bombero, pulis at iba pa.
A. Monopolyo B. Monopsonyo C. Monopolistic Competition D. Oligopolyo

Mga Gawain sa
Pagkatuto

Gawain: PICTURE PERFECT: PIC COLLAGE


Unawain at suriin ang mga larawan sa sunod na pahina. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong na nasa ibaba.

6
Pinagkunan ng mga larawan: https://tinyurl.com/y6agd6zb, https://tinyurl.com/y2ujc8oh,
https://tinyurl.com/yxask45d, https://tinyurl.com/y5wrfdos, https://tinyurl.com/y2voqlau, https://tinyurl.comyyt4ns6I,
https://tinyurl.com/yyedseqg, https://tinyurl.com/y6r5zeph

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa mga larawan?
2. Ano ang naging batayan mo upang matukoy ang konseptong ipinahahatid ng mga
larawan?
3. Alin sa mg larawang ito madalas kang magkaroon ng ugnayan? Bakit?

Upang lalong maunawaaan ang paksa, kailangan na unawain at basahin ang


mga texto ng mga mag-aaral para masagot ang mga pamprosesong tanong sa
mga pagsasanay.

Estruktura ng Pamilihan- ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema sa merkado


kung saan ipinapakita ang uganyan ng konsyumerat prodyuser.

Ito ay nahahati sa dalawang pangunahing balangkas-


1. Pamilihan na mag ganap na kompetisyon o Perfectly Competitive Market (PCM)
2. Pamilihang hindi ganap ang kompetisyon (Imperfectly Competitive Market (ICM).

Ang mga ito ay teoretikal na balangkas ng pamilihan. Ang dami at lawak ng control ng market
players o ang mga konsyumer at prodyuser sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng
estruktura nito,

PAMILIHANG MAY GANAP NA PAMILIHANG MAY HINDI GANAP NA


KOMPETISYON- KOMPETISYON-
ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilla Sa ilalim ng strukturang ito kung wala ang
bilang modelo o ideal. anumang kondisyon o katangian na
Walang Sinuman sa prodyuser at matatagpuan sa pamilihang may ganap na
konsyumer ang maaaring magbago o kompetisyon. Ang lahat ng prodyuser na
magkontrol sa takbo ng pamilihan partikular bumubuo sa ganitong estruktura ay may
ang presyo. kapangyarihang maimpluwensiyahan ang
presyo sa pamilihan

ANYO at KATANGIAN
KATANGIAN

7
* Maraming maliit na konsyumer at *MONOPOLYO : uri ng pamilihan na iisa
prodyuser, lang ang prodyuser na gumagawa ng
* walang kakayahan o kapangyarihan na produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya’t
magtakda ng presyo . walang pamalit o kahalili, Ang prodyuser ay
* Magkakatulad ang produkto may kakayahang impluwensyahan ang
(homogenous), pagtatakda ng presyo sa pamilihan. Hal.
- maraming mga produkto ang Kumpanya ng koryente, tubig at tren.
magkakatulad (Homogenous) tulad * Iisa ang nagtitinda - dahil iisa ang
ng mga nakikita sa loob ng nagbebenta, ang presyo o dami ng supply
palengke. Hal. ay naididikta
Peachay – galing sa Benguet o kaya * Produkto na walang kapalit - ang mga
galing sa Nueva Ecija. produkto ay walang kauri kaya nakokontrol
* Malayang paggalaw ng sangkap ng ang presyo at dami ng supply.
produksyon,
- maraming mapagkukunan ang mga * Kakayahang hadlangan ang kalaban –
sangkap para makabuo ng mga dahil
produkto. Bunga nito, maraming sa patent, copyright at trademark gamit
produkto ang magkakatulad na ang
maaaring ipagbili sa pamilihan. intellectual Property rights, hindi
* Malayang pagpasok at paglabas sa mkapasok
industriya ang ibang nais na maging bahagi ng
- ang Sistema ng pamilihan ay bukas sa industriya na kaparehas sa hanay ng
lahat ng may kapasidad na mag produkto at serbisyong nilikha ng mga
negosyo o makibahagi. Walang monopolista
kakayahan ang mga dating prodyuser
na sila ay hadlangan o Copyright - ay isang uri ng intelectual
pagbawalan sa pagpasok sa property right na tumutukoy sa karapatang
pamilihan. pagmamay-ari ng isang tao na maaring
Nakatutulong ito sa maigting na kabilang ang mga akdang pampanitikan
kompetisyon ng may mataas (literary works), Akdang pampanitikan
nakalidad (artistic works) kabilang na dito ang aklat,
at tamang presyo na tangkilikin ng pelikula, computer programs,
mga advertisement, mapa at iba pa.
konsyumer
* Malaya ang impormasyon ukol sa Patent - ay pumoprotekta sa mga imbentor
pamilihan at sa kanilang mga imbensyon. Ito ay
- malaya ang mga prodyuser na ipinagkaloob ng pamahalaan sa isang
magbenta ng kanilang produkto sa imbentor upang mapagbawalan ang iba na
pamilihan, gayundin ang mga konsyumer gamitin, ibenta, iangkat at iluwas ang
ay malaya ding makapamili ng kanilang imbensyon niya kapalit ng pagsisiswalat sa
mga produkto at serbisyo na nais bilhin sa publiko ng mga detalye ng kanyang
pamilihan. imbensyon, na maaring gamitin sa
hinaharap para magkaroong ng inobasyon
at pag-unlad.

Trademark - naman ay ang paglalagay ng


mga simbolo o marka sa mga produkto at
serbisyo na siyang magsisislbing
pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa
o pagmamay-ari nito.

* MONOPSONYO - Ang estruktura ng


pamahalaan na mayroon lang na iisang
mamimili kung kayat nakapagdidikta siya ng
presyo, ngunit marami ang maaaring

8
lumikha ng produkto at serbiyo, hal.
Pamahalaan ang nag iisang kumukuha ng
serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis,
sundalo,bumbero, traffic enforcer at iba pa.

*OLIGOPOLYO - ang estruktura ng


pamilihan na kakaunti ang prodyuser, na
nagbebenta ng magkakatulad o
magkakaugnay ng produkto. Ang mga ito
ay nakilala sa kanilang brandname.
Halimbawa: shell, hanabishi, Toyota,
Mga produktong gingawa hal. bakal ginto,
semento at petrolyo,

*MONOPOLISTIC COMPETITION uri ng


estrukturan ng pamahalan, maraming
kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng
mga produkto sa pamilihan subalit marami
pa rin ang mga konsyumer.
*Ang ibinibentang produkto ay
magkakapareho ngunit hindi eksaktong
magkakahawig. Halimbawa: sabon,
shampoo, toothpaste - magkakaiba ang
packaging at labeling, presentasyon at
maging sa lasa o flavor

Pagsasanay 1

GRAPHIC ORGANIZER
Upang higit na maunawaan ang antas ng iyong kaalaman. Buuin ang graphic organizer
na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad ng tekstong nabasa. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong ukol dito.

DALAWANG PANGUNAHING
ESTRUKTURA NG PAMILIHAN

1. 2.

6
9
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang dalawang pangunahing estruktura ng pamilihan?
2. Isa –Isahin ang mga katangian ng bawat estruktura at uri ng pamilihan na nabibilang
dito?
3. Paano nakakapekto ang mga estruktura ng pamilihang ito sa ugnayan ng presyo,
demand at supply tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng tao?

Pagsasanay 2

Sa pamamagitan ng mga larawan, matatandaan ninyo ang mga katangian ng


bawat estruktura ng pamilihan.

STRUCTURAL MARKET ANALYSIS: 3 PICTURE IN 1 WORD:


Suriin ang tatlong larawan na nasa loob ng bawat kahon at tukuyin kinabibilnagan nitong
estruktura ng pamilihan
1. ____________________ 2. _____________________ 3. _________________

Pinagkunan ng larawan: https://tinyurl.com/y3zczcwh, https://tinyurl.com/yxc8x8xk, https://tinyurl.com/y25m4e6r,


https://tinyurl.com/y5jzIIsx, https://tinyurl.com/4I3ve52, https://tinyurl.com/y6q7sdq6, https://tinyurl.com/yxgqgx3,
https://tinyurl.com/yydadp3f

4.____________________ 5.__________________ 6.____________________

Pinagkunan: https://tinyurl.com/yy26frxt, https://tinyurl.com/y477zc6q, https://tinyurl.com/y49k87gg,


https://tinyur.com/y2jfec2g, https://tinyurl.com/y5q2v3xd, https://tinyurl.com/y3c9rg85, https://tinyurl.com/y5ft26rs,
https://tinyurl.comyxueqbo7, https://tinyurl.com/y566e9rd

10
7._____________________ 8. ___________________ 9. __________________

Pinagkunan: https://tinyurl.com/y3z4qkoh, https://tinyurl.com/yyg7cvmn, https://tinyurl.com/y3duwlkp,


https://tinyurl.com/yxv5tf6q, https://tinyurl.com/ya5us4mt, https://tinyurl.com/y5oxhe6e

tiny
Pagsasanay 3

Ating ilapat ang mga konseptong pinag-aralan sa kasalukuyang kalagayan ng


pagnenegosyo sa Pilipinas

Ang Shell, Caltex at Petron ang tatlong


itinuturing na higante sa industriya ng
petrolyo sa Pilipinas.
1. Sa anong estruktura ng pamilihan
nakapaloob ang tatlong higanteng
kompanyang ito?
__________________________
Pinagkunan: https://tinyurl.com/yyupkboy, https://tinyurl.com/y2fsekhg, https://tinyurl.com/y6gs3fvd

1. May kaugnayan ba ang ganitong kalagayan sa pagkakaroon ng mataas na presyo


ng langis sa ating bansa? Pangatwiranan ang iyong sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pinagkunan: https://tinyurl.com/yh8sfnj, https://tinyurl.com/y65rsnup, https://tinyurl.comy2sj54g6

Ang industriya ng komunikasyon sa Pilipinas ay dominado ng tatlong makapangyarihang


kompanya na Globe, Smart at PLDT. Kamakailan inaprobahan ni Pangulong Duterte ang
pagpasok ng isa pang kompanya na magiging pang-apat na key player sa industriya:
Ang MISLATEL (Mindanao Islamic Telephone Communication Inc.)
2. Sa paanong paraan mapapabilis at mapapababa ang presyo ng internet sa Pilipinas
sa pagpasok ng bagong player maliban sa Smart, Globe at PLDT? _____________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

11
3. Alin sa mga estruktura ng pamilihan ang magbibigay ng higit na kapakinabangan sa
mga konsyumer o sa atin? Pangatwiranan ang iyong pinili ____________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pangwakas na
Pagsubok

Dito matitiyak ag lawak ng iyong natutunan sa paksang tinalakay. Kumpletuhin


ang retrieval chart bilang pangwakas na pagsubok.

Ma kontrol Bilang ng
Bilang ng Mga
Estruktura ng sa pamilihan nagtititnda, Uri ng
mamimili(Mara halimbawa
pamilihan (Prodyuser o (Marami, produkto
-mi,kaunti iisa) ng produkto
konsyumer) kaunti , iisa)
May ganap
na
kompetisyon
Monopolyo

Oligopolyo

Monopsonyo

Monopolistic
competition

Pamprosesong tanong:
1. Alin sa mga estruktura ng pamilihan ang pabor sa konsyumer at sa prodyuser?
Ipaliwanag. __________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa anong estruktura ng pamilihan ka nahirapang mag-isip ng halimbawa ng


produkto? Ipaliwanag __________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

12
Karagdagang
Gawain

Binabati kita sa sigasig na ipinapakita sa pagsagot sa modyul na ito. Bilang


pagpapayaman ng ating aralin, gawin ang task sa ibaba. Ang iyong awtput
sa gawaing ito ay ibibilang sa performance task ngayong ikalawang
markahan. Gamitin bilang gabay ang rubric sa kabilang pahina.

POSTER-RIFIC: Pumili ng isang estruktura ng pamilihan at gumawa ng doodle art o


simpleng drawing o poster na nagpapakita ng konsepto ng pamilihang napili. Pagkatapos ay
sagutan ang pamprosesong tanong bilang bahagi ng iyong paglalahad sa ginawang awtput.

Gumamit ng 1/8 kartolina at mga gamit sa pangkulay o paggawa ng “poster”. Tandaan,


isusumite ang iyong awtput tatlong araw mula ngayon.
Pamprosesong tanong:
1. Anong estuktura ng pamilihan ang iyong ginawa?
2. Anu-ano ang mga kahulugan ng mga simbolismo na iyong iginuhit o ginamit?
3. Sa iyong palagay, maliwanag bang naipakita ng iyong larawan ang konsepto ng
estruktura ng pamilihan na iyong pinili? Bakit?

Batayan ng pagmamarka 5 4 3 2 1
Ang Doodle art o drawing na ginawa
nagpapahiwatig ng mensahe o ideya
patungkol sa mga estruktura ng
pamilihan
Ang output ay nagpapamalas ng malalim
na pagkaunawa sa paksa
Ang output ay bunga ng pagkamalikhain
ng mag-aaral, orihinal at hindi kinopya sa
mga dati ng gawa.
Ang awtput ay tumpak na naglalarawan
sa estruktura ng pamimihan na napili
Naipasa sa itinakdang panahon ang
output
Kabuuan puntos

13
References:
https://tinyurl.com/y6agd6zb
https://tinyurl.com/y2ujc8oh
https://tinyurl.com/yxask45d
https://tinyurl.com/y5wrfdos
https://tinyurl.com/y2voqlau
https://tinyurl.comyyt4ns6I
https://tinyurl.com/yyedseqg
https://tinyurl.com/y6r5zeph
https://tinyurl.com/y3zczcwh
https://tinyurl.com/yxc8x8xk
https://tinyurl.com/y25m4e6r
https://tinyurl.com/y5jzIIsx
https://tinyurl.com/4I3ve52
https://tinyurl.com/y6q7sdq6
https://tinyurl.com/yxgqgx3
https://tinyurl.com/yydadp3f
https://tinyurl.com/yy26frxt
https://tinyurl.com/y477zc6q
https://tinyurl.com/y49k87gg
https://tinyur.com/y2jfec2g
https://tinyurl.com/y5q2v3xd
https://tinyurl.com/y3c9rg85
https://tinyurl.com/y5ft26rs
https://tinyurl.comyxueqbo7
https://tinyurl.com/y566e9rd
https://tinyurl.com/y3z4qkoh
https://tinyurl.com/yyg7cvmn
https://tinyurl.com/y3duwlkp
https://tinyurl.com/yxv5tf6q
https://tinyurl.com/ya5us4mt
https://tinyurl.com/y5oxhe6e
https://tinyurl.com/yyupkboy
https://tinyurl.com/y2fsekhg
https://tinyurl.com/y6gs3fvd
https://tinyurl.com/yh8sfnj
https://tinyurl.com/y65rsnup
https://tinyurl.comy2sj54g6

14

You might also like