You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Para sa Baitang 9

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa Sistema ng


pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambayanan at bahay-kalakal tungo sa
pambansang kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa


sistemang pamilihan bilang batayan ngf matalinong pagdedesisyon ng sambayanan at bahay-kalakal
tungo sa pambansang kaunlaran.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Napapaliwanag ang kahulugan ng pamilihan AP9MYK-IIh-11


2. Nasusuri ang iba’t ibang Istraktura ng Pamilihan AP9MYK-Iii-12

II. Nilalaman

A. Paksa

Pamilihan
a. Konsepto ng Pamilihan
b. Iba’t ibang Istruktura ng Pamilihan

B. Mga Kagamitang Panturo

Laptop, telebisyon, projector, papel, at mga tulong na biswal


Ekonomiks, DepEd biswal module para sa mag-aaral
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

3.1 Panimulang aktibidad

Sisimulan ng guro ang sesyon sa mga sumusunod:

1. Panalangin

 Ginoong Dela Cruz, maari mo bang Tumayo ang lahat para sa panalangin.
pangunahan ang panalangin?
….amen
2. Pagbati

 Magandang araw! Kamusta ang bawat isa?

3. Pagsasaayos ng silid aralan Magandang araw din po maam.

 Bago kayo umupo, ayusin muna ang inyong


mga upuan at pulutin ang mga kalat ss
inyong paligid (Inayos ng mga mag-aaral ang kanilang mga
upuan at pinulot ang mga kalat sa kanilang
4. Pagtatala ng Liban paligid)

 Binibining sekretari, pwede ko na bang


kunin ang tala ng klase para sa araw na ito? Wala po maam.
May lumiban bas a klase?

Magpapakita ang guro ng mga larawan ng iba’t


ibang logo sa screen ng telebisyon at hahayaan ang
mga mag-aaral na tukuyin ang bawat logo.

 Ngayon ay magkakaroon tayo ng aktibiti


may pamagat na “LOGO QUIZ”

 Pamilyar ba kayo sa popular na larong ito Opo maam.


sa ating selpon? Handan a ba kayo?
Larawan #1

Ilocos Norte Electric Cooperative po maam.

Larawan #2

Franks N’ Burger po maam.

Larawan #3

Sea oil po.

Larawan #4

Head and Shoulder po.


Larawan #5

Pepsi Cola maam

Pamprogresibong Tanong
 Paano ka pamilyar sa mga logo na nakita sa Madalas ko po itong nakikita.
screen?

 Ano ang mga dahilan kung bakit ka Dahil ang mga produkto ang serbisyo ay
bumibili ng mga produkto at serbisyo na madalas naming nagagamit sa aming pang-araw
ito? araw na buhay.

 Saan niyo madalas nakikita ang mga logo? Pamilihan po maam.

 Ano ang pamilihan? Ang pamilihan ay isang lugar na kung saan


nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.

Magaling.

Ang guro ay uumpisahang talakayin ang tungkol sa


pamilihan at konsepto nito

III.2 Pagganyak

Hahatiin ng guro ang klase sa limang pangkat .


Isang kinatawan mula sa bawat pangkat ang
kaylangan para maglaro

Mekaniks: Ang bawat manlalaro ay magkakaroon


ng Php20. Ang manlalaro na hindi makaupo sa
upuan sa bawat round at magbibigay ng kanyang
pera sa nagtangkang nakawin ang kanyang upuan.
Kung sino ang maiiwan sa laro ay iaanunsyo bilang
panalo at kukunin ang lahat ng pera. Bibilangin ng
nanalong mag-aaral ang perang nakuha niya mula
sa laro. (Integrasyon ng pagbilang)
III.3 Pagsusuri
Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong
pagkatapos ng aktibidad:

 Madali bang manalo sa laro? Opo mam kung pursigido kang panaloin yun.
 Ano ang mga nakatulong sa iyo na manalo Bilis
sa laro?
 Magagamit din ba natin ang mga Opo.
diskarteng iyon sa negosyo? Paano?

III.4 Abstraksyon

Magsasagawa ang guro ng maiklig talakayan


tungkul sa apat na pangunahing uri ng istraktura ng
pamilihan.

Sisimulan ng guro ang talakayan sa pamamagitan


ng pagpapaalam sa mg mag-aaral na ang
estruktura ng pamilihan ay nasasakop na noong
panahon na ang Pilipinas ay nasasakop ng mga
kastila at gayundin sa panahon ng pangangalakal n
gating karatig bansa, ang Tsina.

Uri ng Estructurang Pamilihan


1. Pamilihang may ganap na kumpetisyon
Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang
modelo o ideyal.

2. Pamilihang may hindi ganap na


kumpetisyon

Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na


kompetisyon ang estruktura kung wala ang
anumang kondisyon o katangian na matatagpuan
sa pamilihang may ganap na kompetisyon.

Ang prodyuser ay may kakayahang


maimpluwensyahan ang presyo sa pamilihan.

A. Monopolyo
 Ito ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang
prodyuser na gumagawa ng produktyo at
nagbibigay ng serbisyo kung kayat walang Posibleng sagot
pamalit o kahalili. (Kuryente, tubig at tren)

Anong pwedeng halimbawa nito?


B. Monopsonyo
 Uri ng pamilihan na mayroon lamang iisang
mamimili ngunit maraming prodyuser ng
produkto at serbisyo.
Pulis, mga guro at marami pa pong iba
Ano naman ang pwedeng halimbawa ng
monopsonyo?

C. Oligopolyo
 Uri ng pamilihang may maliit na bilang o
iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta
ng magkatulad o magkakaugnay na
produkto.
Posibleng sagot (Petrolyo)
Sa oligopolyo, ano ang mga halimbawa nito?

D. Monopolistic Competition
 Maraming kalahok na prodyuser ang
nagbebenta ng produktosa pamilihan at
marami ding konsyumer.

Sa monopolistic competition, magbigay ng Mga sabon, shampoo, at marami pa pong iba.


halimbawa
Opo ma’am
Naintindihan ba?

Napakahusay

III.5 Aplikasyon

Sa kalahating papel, ipapasulat ng guro ang sagot


ng mga mag-aaral sa tanong na:

Sa inyong palagay anong uri ng pamilihan ang


nagbibigay ng higit na kapakinabangan sa mga
mamimili?

IV. Pagtataya

Tama o Mali

Isulat ang iyong PANGALAN sa iyong kwaderno kung ito ay tama ang nilalaman ng pangungusap at ang
APELYIDO naman kung mali.

1. Ang monopolyo ang estrukturang may iisa lamang na konsyumer ng maraming uri ng produkto
at serbiyo.
2. Ang MRT ang isa sa mga halimbawa ng monopsonyo.
3. Kahit sa loob ng eskwelahan ay posibleng magkaroon ng pamilihan.
4. Posible lamang ang palitan ng produkto kung may nakatayong gusali o palengke.
5. Ang presyo, kapag may ekwilibriyo sa merkado, ay hudyat ng pagkakaroon ng kasunduan sa
pagitan ng konsyumer o prodyuser o suplayer hingil sa halaga ng isang produkto.

V. Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa ugnayan ng pamilihan at pamahalan.

Inihanda ni:

HEYLAREE R. PAJARILLO
Teacher 1 - Applicant

You might also like