You are on page 1of 15

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

Araling Panlipunan 9

Inihanda ni:

Russelle Jane U. Marcos


Mag-aaral na Nagsasanay
Sinuri ni:

Junelle Richee P. Tagle


Tagapagturo

1
Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling
Panlipunan Grade 9
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipaliwanag ang konsepto ng pamilihan;
b. nasusuri ang iba’t ibang konsepto ng pamilihan;
c. natutukoy ang pamilihang may ganap na kompetisyon at may hindi ganap na
kompetisyon;
d. natutukoy ang iba’t- ibang anyo ng pamilihang hindi ganap na kompetisyon.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Pamilihan: Konsepto at mga Estruktura nito
Kagamitan: Mga Larawan, pandikit, Laptop at projector
Mga Sangunian: Balitao, Bernard R. et.al. Ekonomics. Ang Pamilihan at mga Estruktura
nito pp. 175-186.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Magandang umaga Binibining Marcos.


Magandang umaga naman mga mag-aaral!

Bago tayo magsimula sa ating klase, maaring (Pinulut ng mga mag-aaral ang mga kalat at
pulutin ang mga kalat at ayusin ang inyong iniayos ang mga upuan)
mga upuan.

At ngayon, tumayo ang lahat at tayo’y (Tumayo ang mag-aaral para sa panalangin)
manalangin, na pangungunahan ni Joella.

Pwede na kayong umupo.

Klas, sino ang lumiban sa ating klase ngayon?


Wala po Ma’am.
Mabuti naman kung ganon.

A. PAGGANYAK
At bago tayo dumako sa ating aralin, ako ay
naghanda ng isang gawain na pinamagatang
“Ayusin At I-Tama Mo Ako”. Kayo ay
hahatiin ko sa apat na grupo at bawat grupo ay
may ibibigay akong envelope na naglalaman
ng mga nagulong larawan at letra na inyong
aayusin. Magtalaga kayo ng isang miyembro sa
pangkat upang magbigay ng paglalarawan
mula sa mga binuong larawan.

2
LINAHAMIP Inaasahang sagot:

B. PAGLALAHAD
Klas, anong salita ang inyong nabuo mula sa
mga ginulong letra sa ating nakaraang gawain?
Ang salita na nabuo sa nakaraang gawain ay
Pamilihan ma’am.
At ngayon, aking tinatawagan ang bawat
nakatalagang miyembro ng pangkat upang
ibahagi ang paglalarawan tungkol sa
pamilihan.
Unang pangkat.
Pangkat 1: Ang Pamilihan ay lugar kung saan
tinutugunan ang pangangailangan ng mga
konsyumer.
Mahusay, unang pangkat!
Dumako naman tayo sa Ikalawang Pangkat.
Pangkat 2: Ang Pamilihan ay lugar kung saan
nagtitinda at bumibili ang mga tao.
Magaling!
Susunod, ikatlong pangkat.
Pangkat 3:Ang Pamilihan ay mahalagang
bahagi ng buhay ng mga prodyuser at
Mahusay ikatlong pangkat. konsyumer.
At ang huling pangkat.
Pangkat 4: Ang Pamilihan ay nagsisilbing
instrument upang matugunan ang ating
pangangailangan.
Magaling ika-apat na pangkat.

3
Batay sa inyong nakaraang gawain, ano ang
inyong mahihinuha na mapapag-aralan natin
ngayon?

Ang mapapag-aralan natin ngayon ay tungkol


Tama, ang konsepto ng pamilihan at ang po sa Konsepto at estruktura ng Pamilihan.
estruktura nito.

C. PAGTATALAKAY
Ang pamilihan ay lugar kung saan tinutugunan
ang pangangailangan ng mga konsyumer.
May dalawang pangunahing tauhan ang
pamilihan. Ano ang mga ito?

Ang dalawang pangunahing tauhan ng


pamilihan ay ang prodyuser at ang konsyumer
Tama, Ang Prodyuser at ang Konsyumer. At po.
ano naman ang mahalagang ginagampanan nila
sa pamilihan?

Ang ginagampanan ng prodyuser ay


gumagawa ng produkto na kailangan ng mga
konsyumer habang ang konsyumer ay siyang
bumibili ng produkto na ginawa ng mga
Magaling! Ang prodyuser ang siyang prodyuser.
nagsisilbing tagapagtustus ng mga serbisyo at
produkto upang ikonsumo ng mga tao.

Ano ang nakapaloob sa 6th Principle of


Economics in Gregory Mankiw tungkol sa
pamilihan?

“Markets are usually a good way to organize


Ano ang ibig-sabihin nito? economic activity.”

Ibig sabihin na ang ugnayan ng konsyumer at


prodyuser ay naisasaayos ng Pamilihan. Na
ipinaliwanag ni Adam Smith sa kanyang aklat
na “An Inquiry into the Nature of Causes of the
Wealth of Nations (1776)” na mayroong
tinatawag na “Invisible Hand” na syang
Ano ang tawag sa invisible hand na ito, klas? gumagabay sa prodyuser at konsyumer.

Ang invisible hand na tinutukoy ni Adam


Smith ay ang presyo na gumagabay sa
Tama, ang presyo ay instrumento upang proyuser at konsyumer Ma’am.

4
maging ganap ang palitan sa pagitan ng
konsyumer at prodyuser.
At ang pamilihan ay maaaring lokal,
panrehiyon pambansa o pandaigdigan ang
lawak.

Mayroon akong inihandang mga larawan na


aking ipapaskil sa pisara na halimbawa ng
pamilihang lokal, panrehiyon, pambansa o
pandaigdigan. Tutukuyin ninyo kung anong
pamilihan ito nabibilang.

Unang larawan: Sari-Sari store

Ang sari-sari Store ay Halimbawa ng


Pamilihang Lokal Ma’am.

Ano ang iyong naging batayan sa iyong sagot?

Ang batayan ko ay ang mga sari-sari store ay


halos makikita sa mga barangay o di kaya’y sa
mga bayan Ma’am.
Tama! Ang Sari-sari store a makikita sa ating
purok o barangay.

Pangalawang Larawan: Abaka, Dried Fish at


Durian

DRIED FISH

BIKOL CEBU

Ang abaka, died fish at durian ay mga


Pamilihang Panrehiyon Ma’am.
DURIAN

DAVAO

Ano ang iyong naging batayan na ang Abaka,


dried fish at durian ay halimbawa ng
pamilihang Panrehiyon?
Ang naging batayan ko na ang abaka ay mula

5
sa Bikol, ang dried fish ay mula sa Cebu at ang
durian naman ay nagmula sa Davao po Ma’am.
Magaling!
Ano naman ang mga produkto sa ating
rehiyon? Ang mga produkto sa rehiyong CAR ay ang
abel, banana, at coconut oil.
Mahusay!

Pangatlong Larawan: Bigas, prutas at gulay

BIGAS Ang bigas, prutas at gulay ay halimbawa ng


Pamilihang Pambansa at Pandaigdigan.

PRUTAS AT GULAY

Magaling!
Ano ang iyong batayan sa iyong sagot?

Ang aking batayan na ang bigas, prutas at


gulay ay halimbawa ng pamilihang pambansa
ay sa pagsasaka at pagtatanim ng palay, prutas
at mga gulay ang ikinabubuhay ng mga tao sa
isang bansa o pandaigdigan ang lawak.

Mahusay!

Pang-apat na larawan: Shopee, Zalora, Lazada


at Shein.

Ang Shopee, Lazada, Zalora, Shein ay


halimbawa ng Pamilihang Lokal, Panrelihiyon,
Pambansa at Pandaigdigan po.

Ang facebook live, tiktok at instagram ay


halimbawa rin ng Pamilihang Lokal,
Panrelihiyon, pambansa at Pandaigdigan.

6
Dumako naman tayo sa mga estruktura ng
pamilihan.
Ano ang dalawang estruktura ng Pamilihan na
ito?
Ang dalawang estruktura ng pamilihan ay ang
Pamilihang may Ganap na Kompetisyon
/Perfectly Competitive Market (PCM) at ang
Pamilihang hindi Ganap na Kompetisyon/
Imperfectly Competitive Market (ICM).
Mahusay!
Ano ang katangian ng pamilihang may ganap
na kompetisyon, klas?

Ang Pamilihang may ganap na kompetisyon ay


kinikilala bilang modelo/ ideal. Walang
sinumang prodyuser at konsyumer ang
Tama, Walang sinumang prodyuser at maaaring kumontrol sa takbo ng pamilihan.
konsyumer ang maaaring kumontrol sa takbo
ng pamilihan partikular na sa presyo.
Ano ang tawag sa nakatakdang presyo ng
produkto?

Ang Price taker po ang nagkatakdang presyo


Magaling! Dahil sa Price taker, ang prodyuser ng produkto.
at konsyumer ay walang kapasidad na
magtakda ng sariling presyo. Sila ay
mapipilitang magbenta at bumili ng produkto
at serbisyo sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo
sa pamilihan.

Anu-ano ang mga katangian ng Pamilihang


may Ganap na Kompetisyon ayon kay Paul
Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na
Economics 2nd Edition (2009)?
Maraming
maliliit na Magkakatulad
konsyumer ang produkto

Malayang Malayang
paggalaw ng pagpasok at
sangkap ng paglabas sa
produksyon industriya

Malaya ang
impormasyon
ukol sa
pamilihan

7
Magaling!
Dumako naman tayo sa pangalawang
estruktura ng pamilihan, ang Pamilihang may
Hindi Ganap na Kompetisyon.
Ano ang katangian ng Pamilihan Hindi Ganap
na Kompetisyon?
Ang pamilihang may hindi ganap na
kompetisyon ay walang anumang kondisyon o
katangian. May kapangyarihan silang
maimpluwensyahan ang presyo sa pamilihan.
Tama!
Ngayon naman, sa pamamagitan ng larong
“Pictoword”, inyong tutukuyin kung anong
anyo ng Pamilihang may Hindi Ganap na
Kompetisyon nabibilang ang mga ipapakita
kong mga larawan.
Handa na ba kayo, klas?

Unang larawan.

Sa unang larawan ang salitang nabuo ay


NO monopoly Ma’am.

Pangalawang larawan.
Sa pangalawang larawan ng salitang nabuo ay
monopsony Ma’am.

Ikatlong larawan.

Sa pangatlong larawan ang salitang nabuo ay


olygopoly Ma’am.
LEE MIN HO

Ika-apat na larawan
Sa pang-apat na larawan ang salitang nabuo ay
monopolistic Ma’am.

Batay sa mga nabuo ninyong mga salita, ano Ang Monopolyo, Monopsonyo, Oligopolyo at
ang mga ito? Monopolistic Competisyon ay anyo ng
Pamilihang may hindi ganap na kompetisyon.

Mahusay! Ang unang anyo ng pamilihang may


hindi ganap na kompetisyon ay ang
monopolyo. Ano nga ba ang monopolyo?

8
Ang monopolyo ay iisang lamang na prodyuser
ang gumagawa ng produkto/ serbisyo, kayat
may kakayahan itong makaimpluwensya at
magtakda ng presyo.
Tama, ang monopolyo ay may kakayahang
makaimpluwensya at magtakda ng presyo.
Kayat ang mga konsyumer ay mapipilitang
tanggapin ang pagiging makapangyarihan ng
mga monopolista.

Magbigay ng mga katangian ng monopolyo.

Ang mga katangian ng monopolyo ay iisa ang


nagtitinda, produkto ay walang kapalit, at ang
kakayahang hadlangan ang kalaban.

Mahusay!
Dahil iisa ang nagtitinda , ang presyo at dami
ng supply ay dinidikta, dito ninanais ng
produser na kumitang malaki o tinatawag na
profit max rule.
Bakit nakokontrol ang presyo sa anyong
monopolyo klas?
Dahil ang produkto ay walang kapalit o walang
kauri kaya nakokontrol ang presyo.
Sa anyong ito may kakayahang hadlangan ang
kalaban dahil sa mga patent, copyright,at
trademark gamit ang property rights.
Ano ang pagkakaiba ng Patent, Copyright at
trademark?
Ang patent ay ang prumoprotekta sa mga
imbentor sa kanilang imbensyon, habang ang
copyright ay tumutukoy sa karapatang
pagmamay-ari ng isang tao tulad ng akdang
pampanitikan, pangsining, aklat, paintings,
computer programs, databases at marami pang
iba. Ang trademark ay ang paglalagay ng mga
simbolo o marka sa mga produkto at serbiyo na
nagsisilbing pagkakakilanlan.
Mahusay!
Anong batas ang nakapagpaloob sa Patent?
Ang batas na nakapagpaloob sa patent ay ang
Repubic Act 8293.
Magaling!
Ano naman ang kahalagahan ng sistemang
copyright klas?

9
Ang kahalagahan ng copyright ay binibigyang
karapatan sa mga orihinal na may gawa ng mga
akda.

Mahusay!
Bakit mahalaga ang paglagay ng trademark?
Ang paglagay ng trademark ay mahalaga dahil
nagsisilbing itong pagkakakilanlan ng isang
produkto.
Magaling!
Ano naman ang natural monopolyo?
Ang natural monopolyo ay ang mga prodyuser
o kompanya na binigyang karapatan na
magkaloob ng serbisyo sa mamamayan.
Ano-anu ang mga halimbawa ng monopolyo.
Ang halimbawa ng Monopolyo ay mga
kompanya ng kuryente, tubig, tren.
Isa sa mga anyo ng hindi ganap na
kompetisyon ay ang monopsonyo. Ano ang
monopsonyo?
Ang monopsonyo ay mayroon lamang iisang
mamimili ngunit maraming prodyuser at
serbisyo.
Halimbawa ay ang pamahalaan ang nag-iisang
kumukuha ng serbisyo, ito ay may direktang
kapangyarihan sa pagtatakdang halaga ng
pagsahod ng mga kinuhang tagapag serbisyo.

Anu-ano ang mga halimbawa ng mga


propesyon o trabaho ang direktang itinatakda
ang sahod ng pamahalaan?
Ang halimbawa ng Monopsonyo ay guro,
dentista, doktor, nars, pulis, sundalo, inhinyero,
bumbero at propesyong arkitektura po Ma’am.
Ano naman ang Oligopolyo?
Ang Oligopolyo ay may maliit na bilang/ iilan
lamang na prodyuser ang nagbebenta ng
magkakatulad o magkakaugnay na produkto at
serbisyo.
Sa estrukturang pamilihang oligopolyo maaari
nilang gawin ang pagtatago ng produkto upang
magkulang ang supply sa pamilihan na
nagdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang
presyo. Ano ang tawag gawaing ito?
Ang hoarding po Ma’am.
Magaling!

10
Ano ang di magandang bunga ng hoarding
klas?
Sa ganitong sistema ng hoarding maaaring
magkaroon ng collusion o sabwatan ng mga
negosyante. Ito ay nagaganap partikular na sa
presyo sa ilalim ng kartel.
Ano naman ang Kartel?
Ang Konsepto ng kartel ay nangangahulugang
pagkakaroon ng alliances of enterprises.
Ang pagkakaroon ng kartel ay hindi
pinapahintulutan sa ating bansa. May
itinakdang Batas para sa kartel at ano ito?

Ito ay ang Consumer Act of the Philippines o


Rep. Act 9374 na isinabatas noong Abril 23,
2011 ito ay nakasaad na mabigyan ng
proteksyo at isulong ang kapakanan ng mga
Ang Organization of Petroleum of Expoting konsyumer.
Countries (OPEC) ay isang halimbawa ng
Kartel sila ang nagtatakda ng supply at presyo
ng produktong petrolyo sa buong daigdig. Ito
ay pinasimulan ng Five Founding Countries.
Anu-ano ang mga bansang ito?
Ang mga bansang na nabibilang sa Five OPEC
ay ang Iran, Iraq, Kuwait, Saudi Arabia at
Venezuela.
At sa kasalukuyan mayroon itong 12 bansang
kasapi. Ano ang mga bansang ito?
Ang mga bansang kasapi ng OPEC ay Algeria,
Angola, Equador, Libya, Nigeria, Qatar at
United Arab Emirates(UAE), Iran, Iraq,
Kuwait, Saudi Arabia at Venezuela.
Mahusay!
Anu-ano naman ang mga halimbawa ng
Oligopolyo?
Ang mga halimbawa ng Oligopolyo ay
semento, langis, bakal at petroleum.
Ang ika-apat na anyo ng hindi ganap na
kompetisyon ay ang Monopolistic
kompetisyon.
Ano ang Monopolistikong kompetisyon?
Ang monopolistic kompetisyon ay maraming
kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng
produkto at marami ring konsyumer na
bumibili.
Mahusay!

11
Ang monopolistikong kompetisyon may
kapangarihan parin ang mga prodyuser na
magtakda ng presyo dahil sa product
differentiation. Ano ang product
differentiation? Ang product differentiation ay ang katangian
ng produkto na ipinagbibili ay magkakapareho
ngunit hindi eksaktong magkakahawig.
Kayat gumagawa sila ng Advertisement o pag-
aanunsyo paraan upang ipakilala ang kanilang
mga produkto at serbisyo.

Magbigay ng halimbawa ng mga produkto na


kabilang sa Monopolistikong Kompetisyon.
Sabon, shampoo, colgate at iba pa.
Napakahusay!
D. PAGLALAPAT
Sa iyong palagay ano ang mas
mahusay na estruktura ng pamilihan.
Ipaliwanag.
Para sa akin mas mahusay ang hindi ganap na
kompetisyon dahil may kapangyarihan sila na
Napakahusay! baguhin ang presyo.

E. PAGLALAHAT
Ano ang dalawang estruktura ng pamilihan?
Ang Pamilihang may ganap na kompetisyon at
Pamilihan may hinsi ganap na kompetisyon
Ano ang apat na anyo ng estruktura ng
Pamilihang may Hindi Ganap na
Kompetisyon? Monopolyo, Monopsonyo, Oligopolyo at
Monopolistikong Kompetisyon.

F. PAGPAPAHALAGA
Sa inyong palagay, anong estuktura o anyo ng
pamilihan ang nagbibigay ng higit na
kapakinabangan sa mga mamimili. Ipaliwanag
ang iyong sagot.
Ang estruktura o anyo ng pamilihan na
nagbibigay ng higit na kapakinabangan sa mga
mamimili ay ang monopolistic kompetisyon
dahil una sa lahat ang kanilang mga binebenta
at kinokonsumo ay pangunahing
pangangailangan ng tao.
Magaling!

12
At ngayon naman, upang mataya ko ang
inyong natutunan sa ating paksa, inyong
sagutin ang inihanda kong pagtataya.
Maghanda ng sangkapat na papel bilang
inyong sagutan. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa loob ng sampung minuto.

G. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong.
Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra ng
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isang mahalagang bahagi ng


konsyumer at prodyuser. Kung saan
natutugunan ang kanilang mga
pangangailangan.
a. Pamilihan
b. Pamahalaan
c. Paaralan
d. Pamayanan

2. Tagapagtustus ng mga serbisyo at


produkto upang ikonsumo ng mga tao.
a. Magulang
b. Kapatid
c. Prodyuser
d. Konsyumer

3. Ang may akda ng 6th principle of


economics at nagsabing “ Markets are
usually a good way to organize
economic activity”.
a. George Lucas
b. Gregory Mankiw
c. Adam Smith
d. JJ Adams

4. Tinutukok ni Adam Smith bilang


“Invisible hand”, na siyang gumagabay
sa ugnayan ng dalawang actor sa
pamilihan.
a. Produkto
b. Presyo
c. Negosyo
d. Pagkonsumo

13
5. Ito ay anyo ng pamilihan na iisa ang
gumagawa o prodyuser.
a. Monopolyo
b. Monopsonyo
c. Oligopolyo
d. Monopolistic Competition

6. Ano ang tawag sa simbolo/ marka na


nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang
produkto o serbisyo?
a. Copyright
b. Plagiarism
c. Trademark
d. Patent

7. Ito ay anyo ng pamilihan na iisa ang


mamimili ngunit maraming ang
prodyuser.
a. Monopolyo
b. Monopsonyo
c. Oligopolyo
d. Monopolistic Competition

8. Ano ang tawag sa pagtatago ng


produktoupang magkulang ang supply
sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas
ng pangkalahatang presyo?
a. Collusion
b. Hoarding
c. Product differentiation
d. Kartel

9. Ito ay anyo ng pamilihan na iilan


lamang ang prodyuser.
a. Manopolyo
b. Monopsonyo
c. Oligopolyo
d. Monopolistic Competition

10. Ito ay pamilihang maraming kalahok na


prodyuser at konsyumer.
a. Monopolyo
b. Monopsonyo
c. Oligopolyo
d. Monopolistic Competition.

14
Inaasahang mga sagot.
1. a
2. c
3. b
4. b
5. a
6. c
7. b
8. b
9. c
10. d
H. KASUNDUAN
Basahin ang Aralin 6 Ang ugnayan ng pamilihan at ang pamahalaan. At gawin ang
GAWAIN 1: WORD HUNT. Sa isang buong papel.

15

You might also like