You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)

I. Mga Layunin:

a. Naibibigay ang kahulugan ng produksiyon,


b. Napapahalagahan ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-
araw na pumumuhay, at
c. Nasusuri ang mga tungkulin ng ibat-ibang klase ng paggawa.

II. Nilalaman
A. Paksa
Produksiyon
B. Sanggunian:
Ekonomiks – Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral pahina 81-93
Araling Panlipunan – Gabay sa Pagtuturo pahina 192 – 194
https://fdnbayanihan.org/2016/04/11/beautiful-samar/img_2613/
DLHTM VII. Food and Local Products
C. Mga Kagamitan
Power Point Presentation
Projector
Laptop
Cartolina
Pentil Pen

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

“Magsitayo po ang lahat at tayo ay “Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo
manalangin.” Amen ……..”

2. Pagbati

“Magandang umaga sa inyong lahat” “Magandang umago po, Sir Jhun”

3. Pagsasaayos ng silid-aralan Aayusin ng mga mag-aaral ang mga upuan at


pupulutin ang mga kalat.

4. Pagtala ng liban sa klase Sasagot ng “Narito po” kapag binanggit ang


pangalan.

5. Balik-aral

“Bago tayo dumako sa panibago nating


aralin, magbalik-aral muna tayo sa
nakaraang aralin, ang Pagkonsumo”

a. Ano-ano ang mga salik na “Sir ang mga salik na nakakaapekto sa


Nakakaapekto sa pagkonsumo? Cge pagkonsumo ay ang: pagbabago ng presyo,
nga, Rachel? Kita, Mga inaasahan, Pagkakautang,
demonstration effect at matalinong
mamimili.”
“Magaling, Rachel!”
b. Ano naman ang kahulugan ng Ang konsumo po sir ay ang pagbili ng
Pagkonsumo? Sino ang pwde? Kaw produkto at serbisyo na nangangahulugan ng
Hannah? pagtatamo sa kapakinabangan mula rito
tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng
“Salamat Hannah” tao.”

“Magaling mga mag-aaral, lubos niyo


nang naiintindihan ang nakaraan
nating tinalakay, ngayon ay dadako na
tayo sa panibagong aralin.

c. Pagganyak
“May ipapakita ako sa inyo na mga
larawan at sasabihin niyo kung paano ito
nabuo.”

a. Tinitim (Cassava)

b. Siplat (Bamboo Sheet)

“Pamilyar ba sainyo ang mga larawan na “Opo Sir, iyan po ay mga produkto dito sa
ito?” Giporlos.”

“Tama, halimbawa iyong unang larawan,


Paano nabuo ang Tinitim? Sino sa inyo “Sir nabuo iyong tinitim sa pamamagitan ng
ang sasagot? Cge ikaw, Jeff Braynt.” pagsasama-sama ng mga sangkap katulad ng
kamoteng kahoy, asukal, mantikilya at mani.

“Mahusay Jeff Bryant, Paano naman iyong


Siplat?” Ikaw naman, MJ?” “Sir ang siplat naman po ay nabuo sa
pamamagitan ng kawayan.”

“Tama MJ.” Ngayon, Alam niyo ba kung


ano ang tawag sa proseso na iyon? Hindi po sir.
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

“Iyan ang ating pag-aaralan ngayong


umaga, ang tungkol sa Produksiyon.”

“Ano ang Produksiyon? Jose Gabriel, “Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit


pakibasa ang kahulugan ng produksiyon.” anyo ng produkto sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga salik upang
“Salamat, katulad nga ng ating halimbawa makabuo ng output.”
kanina, iyong Tinitim kung saan
pinagsama-sama ang lahat ng sangkap ng
paggawa nito. Ang prosesong iyon ay
tinatawag natin na produksiyon.”

2. Pagtalakay

“Sa produksiyon may dalawa tayong “Ang input po ay ang mga salik na ginagamit
dapat isaalang-alang, ito ay ang Input at sa pagbuo ng produkto, samantala ang
Output. Ano ang pagkakaiba ng Input at output naman ay ang kinalabasan sa mga
Output, Emelord? Cge nga pakibasa.” pinagsama-samang salik o ito na ang
produkto mismo.”

“Salamat, Emelord. Ang input ay ang raw Opo sir!


material sa paggawa ng produkto at iyong
output naman ay iyong produkto naman
na nagawa gamit ang input”

“Ngayon naman alamin natin ang iba’t-


ibang salik ng Produksiyon.”

“Lupa, sa Ekonomiks, ang lupa ay hindi


lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga
“Umpisahan natin sa Lupa bilang magsasaka o pinagtatayuan ng bahay.
pangunahing salik sa Produksiyon. Cha- Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa
may pakibasa.” ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang
tubig, yamang mineral, at yamang tubig.”

Opo, Sir!

“Salamat Cha-may, mahalaga talaga ang


lupa bilang salik ng produksiyon, ito’y sa
kadahilanang ang sangkap sa paggawa ng
Tinitim at Siplat ay nanggagaling sa lupa.
Lahat ng raw materials natin ay kinukuha
natin sa lupa. Naintindihan nyo po ba?” “Ang pangalawang salik ng produksiyon ay
ang Paggawa, ito ay tumutukoy sa kakayahan
“Ano naman ang pangalawang salik ng ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.”
Produksiyon? Yes, Richard Klent.

“Tama, Richard Klent. At may dalawa


tayong uri ng paggawa. Ito ay ang:

White Collar Job – ito ay mga


manggagawang may kakayahang mental
ang kanilang isip kaysa sa lakas ng
katawan sa paggawa.

Blue Collar Job – ito ay mga


maggagawang may kakayahang pisikal.
Mas ginagamit nila ang lakas ng katawan
kaysa sa isip sa paggawa. “Sir ang halimbawa ng white collar job ay
ang mga doctor, abogado, at inhinyero.
“Sino ang makapagbibigay ng mga Samantala ang blue collar job naman ay
halimbawa ng white collar job at blue karpintero, drayber, at magsasaka.”
collar job? Ikaw, Rachelle?”

“Magaling Rachelle, ngayon naman


talakayin natin ang pangatlong salik ng
produksiyon. Ito ang Kapital.”

Kapital – ito ay tumutukoy sa kalakal na


nakalilikha ng iba pang produkto. “Ang halimbawa ng kapital Sir ay ang
makinarya, gusali at salapi.”
“Ano-ano ang halimbawa ng kapital? Cge
nga Ritchel?”

“Tama Ritchel! Maliban sa mga nabangit


ni Ritchel ang iba pang halimbawa ng
kapital ay tulad ng sasakyan o ano paman
pweding magamit sa proseso ng
produksyon ng isang produkto.
Halimbawa dun sa paggawa ng Siplat,
tayo ay gagamit ng sasakyan bilang kapital
pag ito ay naibenta na.”
“Entrepreneurship ay tumutukoy sa
kakayahan at kagustuhan ng isang tao na
“At ang panghuling salik ay ang magsimula ng isang negosyo.”
entrepreneurship.” Pakibasa Charlotte.”
“Sir, entrepreneur.”

“Magaling Charlotte. Ano naman ang


tawag sa taong tagapag-ugnay ng mga
salik ng produksiyon upang makabuo ng
produkto o serbisyo? Jose Gabriel?

“Tama!” “Ang isang entrepreneur ay


dapat may taglay na pagiging malikhain,
puno ng inobasyon at handa sa
pagbabago. Dapat ding taglay ng isang
entrepreneur ang mga katangian na ito:

a. Kakayahan sa pangangasiwa ng
negosyo.
b. Matalas na pakiramdam hinggil sa
pagbabago sa pamilihan.
c. May lakas ng loob na humarap at
makipagsapalaran sa kahihinatnan ng
negosyo.

Tubo – ito ay kita ng entrepreneur


matapos magtagumpay sa
pakikipagsapalaran sa negosyo

3. Pangkatang Gawain
(Ang mga mag-aaral ay magbibilang ng isa
(Igrugrupo ng guro ang klase sa tatlong hanggang tatlo upang tukuyin ang mga
grupo) grupo)

“Opo Sir.”
“Para sa inyong pangkatang gawain, ang
unag grupo ay gagawin ang Concept
Mapping, ang pangalawang grupo naman
ay gagawin ang IKOT-NAIWAN at para sa
pangatlong grupo naman ay ang
tinatawag na S P G (SANGKAP sa
PRODUKSIYON i-GRUPO). Kayo ay
sasagot sa hinanda kong tarpapel at
pagkatapos ito ay iuulat ng inyong lider sa
loob ng dalawang minuto. Bibigyan ko
kayo ng limang minuto para sagutin ang
Gawain. Naiintindihan ba?

Grupo #1 CONCEPT MAPPING


Grupo #2 IKOT-NAIWAN

Grupo #3 S P G (SANGKAP sa
PRODUKSIYON i-GRUPO)

“Ito naman ang ating batayan para sa (Sasagutan na ng mga mag-aaral ang
ating pangkatang Gawain. Basahin ng kanilang pangkatang-gawain)
maigi para makuha ang magandang grado
o iskor. Handa na ba kayo? Sige simulan
niyo na.”
(Magsisimula ng iulat ng lider ng bawat
(Pakikinggan ang ginagawang ulat ng grupo ang kanilang pangkatang-gawain)
bawat grupo at bibigyan ng sapat na
grupo base sa ginawang pamantayan o
rubriks)

4. Aplikasyon/Pagpapahalaga
“Mahalaga ang produksiyon kasi ito ang
“Ano ang implikasyong ng produksiyon sa tumutugon sa ating pang-araw-araw na
pang araw-araw na pamumuhay?” pangangailangan. Kung walang produksiyon
ay wala rin tayong produkto at serbisyo na
ikokonsumo.”

5. Paglalahat
“Sir ang produksiyon ay proseso ng
“Ngayon naman ay atin nang lagumin ang pagpapalit anyo ng produkto sa
ating mga napag-aralan sa araw na ito. pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
Ano ang kahulugan ng Produksiyon?Ikaw salik upang makabuo ng output.”
Liza”

“Salamat Liza!”
“Ang apat na salik ng produksiyon ay ang
“Ano-ano nman ang salik ng Lupa, Paggawa, entrepreneurship at ang
produksiyon?” kapital.”

“Mahusay, Glory Mae!

IV. Pagtataya

Ngayon ay kumuha kayo ng ikaapat na bahagi ng papel at sagutan ang mga sumusunod:

A. Isulat sa papel kung ang pangungusap ay tama o mali:

1. Ang salik ng produksiyon ay binubuo ng lupa, paggawa, entrepreneurship at Kapital.


2. Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng mga salik upang makabuo ng output.
3. Blue Collar Job ay mga manggagawang may kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas
ng katawan sa paggawa.
4. White Collar Job ay mga maggagawang may kakayahang pisikal. Mas ginagamit nila ang lakas ng
katawan kaysa sa isip sa paggawa.
5. Tubo ay kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo

B. Sa baba ay mga halimbawa ng apat na salik ng produksiyon, kasalungat nito ay lagyan niyo kung
anong salik ito ng produksiyon.

1. Negosyante –
2. Kamoteng Kahoy –
3. Steamer –
4. Sales Lady –
5. Gusali –
Answer Key:

A. 1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama

B. 1. Entrepreneur
2. Lupa
3. Kapital
4. Paggawa
5. Kapital

V. Takdang-aralin

1. Ano-ano ang organisasyon ng isang negosyo?

Inihanda ni: Iwinasto ni:

EULOGIO F. ECLEO JR. SABRINA G. NAPOTO


Teacher Applicant Head AP/Mapeh Dept.

Binigyang – pansin ni:

ROLANDO B. CALIBA
Principal II

You might also like