You are on page 1of 11

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

MGA SALIK NG PRODUKSYON

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salik ng produksyon.

2. Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon sa pang


araw-araw na pamumuhay.
3. Nailalapat ang kasanayan sa pagsusuri ng konsepto ng mga
salik ng produksyon.

II. PAKSANG ARALIN


A.Paksa:
Mga Salik
ng
Produksyon
B..Sangguni
an: Araling
Panlipunan
9
(Ekonomiks
)
C.Mga Kagamitan: Kartolina, pansulat,
mga larawan at visual aid D..Pagtatalakay,
Pagpapahalaga, Pagsusuri at Pagtatanong

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. PANIMULANG
GAWAIN PAGBATI
Magandang araw sa inyo mga bata. Magandang araw din po.
PANALANGIN
Inaanyayahan ko ang lahat ng mag- (Ang mga mag aaral ay magsisitayo upang makiisa sa panalangin)
aaral na magsitayo at tayo’y
mananalangin.

Sa ngalan ng Ama, ng anak , at ng


diyos espiritu santo

Panginoon, maraming maraming


salamat po panibagong araw at
mga biyaya na pinagkaloob niyo
po sa amin. Hinihingi po namin
ang inyong kapatawaran sa aming
mga kasalan ito man po ay sa isip,
sa salita o sa gawa. Hinihiling ko
po na sana kami ay inyong patuloy
na gabayan sa pang araw araw na
buhay gayundin ang aming mga
pamilya. Bigyan niyo po kami ng
malusog at
masayang pamumuhay sa araw
araw.

Ito na lamang po ang aming samo’t dalangin sa


matamis na pangalaan ng iyong anak na si Jesus,
naghahari sa langit at lupa.
Amen. Amen.

PAGSASAAYOS NG SILID ARALAN

Bago kayo maupo maaaring paki- ayos muna ang (Ang mga mag mag aaral ay magsisimulang
inyong mga upuan at pakipulot ang mga kalat sa maglinis at iayos ang mga upuan)
inyong paligid. Panatilihin ang katahimikan at
makinig sa talakayan.

PAGTATAYA NG LUMIBAN
Bb. Kalihim , mayroon ba sa ating klase ang Wala naman po Maam.
hindi makakapasok ngayong araw?

Kung gayon palak pakan ang mga sarili sapagkat (Ang mga mag aaral ay
lahat ay makakatanggap ng bagong karunungan. magsisimulang magpalak-pakan.)
PAGBABALIK ARAL
“Sino sa inyo ang nakakatanda ng huli
nating napag-aralan?

Sige Student A Ito po ay tungkol po sa pagkunsumo, pag


aanunsiyo at epekto nito sa mga konsyumer.

Maraming Salamat Student A. Bigyan siya ng (Palakpak 1,2,3,4,5)


limang bagsak.

Ano nga ang pagkunsumo at maaaring epekto Ang pagkunsumo ay ang proseso ng pagbili,
nito? paggamit, at pangangalakal at sebisyo. Ito ay
nakakaapekto sa ating ekonomiya, kalikasan
, insutralisasyon at iba pa.

Magaling , bigyan si Student B ng Very Good (Palakpak 1,2,3 Padyak 1,2,3 Very Good
Clap. Student B)
PAGGANYAK
Bago tayo magsimula sa ating talakayan
meron akong inihandang aktibidad upang
bigyan kayo ng ideya sa ating aralin ngayong
araw.
Opo Ma'am
Handa na ba kayo mga bata?

Sa aktibidad na ito kailangang mahulaan niyo ang


larawan na aking ibabahagi sa pamamagitan ng
pag aayos niyo sa mga gulo-gulong titik sa ilalim
nito. Ang aktibidad na ito ay tatawagin nating:
“Gulo Ko, Ayos Mo!”
Panuto: Batay sa larawan na nasa chart, ayusin
ang mga jumbled letters upang makuha ang
tamang kasagutan.

DUKPONSROY
Sige Student C. Produksyon po Ma’am.
Tama, bigyan ng tatlong bagsak si Student C. (Palakpak 1,2,3)

ALUP
Sige Student D. Lupa po.
Tumpak,bigyan ng tatlong bagsak si Student D. (Palakpak 1,2,3)

SKAAL-PAGGAWA

Sige Student E.
Tama, bigyan ng tatlong bagsak. Lakas-Paggawa po yan Ma’am.
( Palakpak 1,2,3)

TIAPKLA
Sige Student F. Kapital po.
Tumpak, bigyan ng tatlong bagsak si Student F. (Palakpak 1,2,3)

NTESRUEEHRIPENP

Sige Student G Entrepreneurship po yan Ma’am.


Magaling, bigyan ng tatlong bagsak. (Palakpak 1,2,3)

Mahusay! Tama ang inyong mga sagot. Mukhang Opo Ma'am.


handang handa na kayo sa ating bagong
talakayan.
PAGTATALAKAY

Tayo naman ay dadako na sa ating talakayan.


Batay sa ating aktibidad kanina ,ano kaya sa
palagay niyo ang ating aralin sa araw na ito?
Base po sa ating aktibidad kanina ito pong aralin
Sige Student H.
natin ay patungkol sa mga salik ng produksyon.

Tama, ang ating aralin ay patungkol sa mga salik


ng produksyon.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay


inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salik


ng produksyon.
2. Napahahalagahan ang mga salik ng
produksyon sa pang araw-araw na pamumuhay.
3. Nailalapat ang kasanayan sa pagsusuri
ng konsepto ng mga salik ng produksyon.

Ang mga Salik ng Produksyon ay ang


pinagkukunang yaman na may kapakinabangan sa
produksyon.
Ito yung mga bagay na sasagot sa kagustuhan at
pangangailngan ng tao.
May apat na antas ang Salik ng Produksyon.
Maaari mo bang basahin Student I kung ano-ano Mga Salik ng Produksyon
ang mga antas na nakapaloob dito. 1. Lupa
2. Lakas-Paggawa
3. Kapital
Maraming Salamat. 4. Entrepreneurship

Ating isa isahin ang mga salik ng produksyon.


Unahin natin ay ang lupa.

Ang lupa ay bahagi ng likas na yaman ng bansa.


Sa paggamit ng lupa, ang mga planta, pabrika, at
iba pang impraestruktura ay napapakinabangan at
naitatayo. Ang hilaw na mga materyales na
kailangan sa produksyon ay nanggagaling sa salik
na ito.

Ano sa palagay niyo yung mga pede nating


itanim sa lupa upang maging hilaw na Pwede po Ma’am yung mga mangga,
materyales para sa mga produkto? strawberry at iba pang prutas para makagawa
ng mga palaman o jam.

Ikaw Student J.

Magaling, magandang ideya ang iyong kasagutan.


Bigyan si Student J ng Very Good Clap. (Palakpak 1,2,3 Padyak 1,2,3 Very Good
Student J)

Sunod na salik ay ang lakas-paggawa .


Ang lakas paggawa ay tumutukoy sa kakayahan
ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
Ang paggawa ang paggamit sa lakas ng tao
upang hinangin ang mga likas na yaman sa
paglikha ng mga produkto. Ang kapakinabangan
ng hilaw na materyales sa paglikha ng mga
produkto ay nakasalalay sa salik na ito. Kaya
mahalaga maging produktibo ang bawat
miyembro ng lakas-paggawa upang makalikha
ng maraming produkto.

Saan kayo madalas nakakakita ng mga indibidwal


na nagpapakita ng kanilang lakas sa paggawa ng
mga produkto.

Sige Student K.
Tama,bigyan ng limang bagsak Kadalasan po ay sa mga company po.
Ang lakas-paggawa ay may dalawang uri. (Palakpak 1,2,3,4,5)
Unang uri nito ay ang White Collar Job kung saan
ginagamit dito ang isip kaysa lakas ng katawan.
Hal. Doctor,abogado at inhinyero
Sunod na uri naman ay ang Blue Collar Job na
kung saan ginagamit ang lakas ng katawan kaysa
sa isipan.
Hal. Karpintero,drayber,at magsasaka

Kumbaga magkabaligtaran lamang ang dalwang


uri nito.
Ikatlong antas ay ang kapital tumutukoy sa
kalakal at mga makinarya na nakalilikha ng iba
pang produkto.
May dalawa ring uri ang kapital ayon sa
pagpapalit anyo nito. Ito ang mga materyal na
bagay na ginagawa ng mga tao upang magamit sa
produksyon tulad ng mga makinarya, kagamitan,
planta, at pabrika. Ang salapi na ginagamit sa
pagbili ng mga makinarya ay tinatawag na
“financial capital”

Ang circulating capital na tumutukoy sa mabilis


na pagpapalit anyo at yung mga mabilis maubos
na materyales, tulad ng langis at asukal. Isa pang
uri ay ang fixed capital na kabaligtaran rin ng
circulating capital, ito naman ay ang hindi mabilis
na pagpapalit anyo at yung matatagal magamit
tulad ng gusali, makinarya at sasakyan.

Ano nga po ulit ang dalawang uri ng capital?


Sige nak. Circulating Capital po at Fixed Capital.
Tama!
Nauunawan ba ang pinagkaiba nila mga bata?
Opo Ma’am.
At para naman sa kahuling antas ito ay
patungkol sa entrepreneurship na tumutukoy sa
kakayahan at kagustuhan ng isang tao na
magsimula ng isang negosyo. Kadalasan may
tagapag-ugnay ng mga salik ng produksyon
upang makabuo ng produkto at serbisyo at yun ay
yung mga entreprenyur. Ang entrprenyur ay
tinatawag na "Kapitan ng Produksyon” sapagkat
siya ang lumilinang ng ibang salik ng
produksyon, siya rin ang pinakaulo ng negosyo,
sapagkat sa desisyon ukol sa negosyo ay
kaniyang ginagawa, Handa rin siya
makipagsapalaran sa Negosyo.
Kung ikaw ay isang entrepreneur o negosyante,
bakit mahalaga na matukoy niyo ang angkop na
mga negosyong maaaring pagkakitaan sa tahanan
at pamayanan?

Sige Student L anong ideya mo? Maaari mo bang


ibahagi. Para sa akin mas mainam na ang ating
negosyong itatayo ay na aangkop sa ating
lugar, at napapanahon. Dapat nating alalahanin
na hindi lahat ng negosyo ay pumapatok sa
lahat ng lugar, kaya mainam na iangkol mo ito
sa kung ano ang nakababatay sa interes ng
pamayanan.
Maraming Salamat sa pagbabahagi ng iyong
ideya. Bigyan si Student M ng limang bagsak.
(Palakpak 1,2,3,4,5)

Mahalaga na alam natin ang mga salik ng


produksyon sapagkat ang mga ito ang
magpapagana ng ating ekonomiya, kung walang
produksyon ay wala ring mga produkto na
mabibili sa palengke at wala ring pinagkakakitaan
ang mga mamamayan. Ang mga salik na lupa,
paggawa, kapital, at entrepreneurship ay may
malaking bahaging ginagampanan sa prosesong
ito.

Bigyang ng sampung bagsak ang mga mga sarili


sapagkat nagkaroon na naman tayo ng (Ang mga mag-aaral ay papalakpak ng sabay-
makabagong kaalaman na maaari nating ilapat sa sabay)
ating pang araw-araw na pamumuhay.

Wala na ba kayong katanungan mga anak?


Wala na po Ma’am.
Kung gayon hanggang sa muli.
Paalam mga bata at maraming salamat sa inyong
pakikinig. Paalam Ma'am at maraming salamat po.
PAGLALAPAT
PANGKATANG GAWAIN

Sa gawaing ito, hahatiin ang buong klase sa


dalawang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng
papel at panulat na paglalagyan ng kani-kanilang
sagot. Sisigaw ng “DARNA” ang grupo na
magtataas ng sagot. Ang unang grupo na
makapagtataas ng sagot ang siyang
makakapuntos. Ito ay gagawin lamang sa loob ng
tatlong minuto.

“SAGOT MO,ITAAS MO”

Panuto: Sagutin ang mga katanungan patungkol


sa mga salik ng produksyon.

TANONG 1:
Ito ay salik na nangangailangan ng kakayahan LAKAS-PAGGAWA
at kaisipan ng bawat manggagawa.

TANONG 2:
Tinatawag na Kapitan ng Negosyo o tagapag- ENTREPRENEUR
ugnay ng mga salik ng produksyon.

TANONG 3: KAPITAL
Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba
pang produkto o tinatawag na interes.

TANONG 4: LUPA
Ito ay isang uri ng likas na yaman na kabilang
sa salik ng produksyon.

TANONG 5:
Tumutukoy sa kakayahan ng isang taao na ENTREPRENEURSHIP
magsimula ng isang negosyo.
PAGPAPAHALAGA
Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga para
sayo ang Salik ng Produksyon sa ekonomiya ng
bansa.?

Sinong maaring magbahagi ng kanyang


naunawaan sa ating aralin ngayong araw.

Sige Strudent J, ano ang iyong naunawaa? Bilang isang mag-aaral mahalaga ang mga
salik ng produksyon sa ekonomiya ng ating
bansa upang patuloy na magkaroon ng supply
ng mga produkto.
Makakatulong rin ito sa pagkakaroon ng mga
mamamayan na walang trabaho. Mahalaga rin
ito sapagkat tayong mga consumer ay ditto
umaasa upang matugunan ang ating
pangangailangan. Para naman sa perspektibo
para sa ating ekonomiya, ito ang nagsisilbing

batayan n gating pag-unlad. Sa pamamagitan


nito ay nakakamit natin ang mga inaasam natin
para sa pangkabuuang aspeto at kaunlaran ng
lahat.
PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.
Makikita ang pagpipilian sa loob ng kahon.
1. Ito ay ang proseso ng
pagsasama-sama ng mga salik o hilaw
na materyales upang makabuo ng
produkto.
2.Salik na maaaring maging
susi upang magkaroon tayo ng mga
hilaw na materyales para sa isang
produkto
3. Isang proseso ng
pagnenegosyo na kung saan nakalilikha at
nakatutuklas ng bagong paraan,ideya o
produkto.
4.Ito ay nanggagaling sa kakayahan at
kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.
5.Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng
bagong produkto.

ENTREPRENEUR PRODUKSYON
KAPITAL LUPA ENTERPRENEURSHIP
LAKAS- PAGGAWA
SALIK NG PRODUKSYON
TAKDANG ARALIN
Panuto: Sagutan ang katanungan patungkol sa
mga salik ng produksyon. Ipaliwanag ito sa tatlo
hanggang limang pangungusap.
1. . Paano naiiba ang salik ng produksyon sa iba
pang mga salik?
2. Paano nakakatulong ang mga sumusunod na
salik sa pang araw-araw na pamumuhay?
3. Paano ginagampanan ng bawat salik ang
kanilang mga parte?
Maraming maraming salamat mga bata, nawa’y
may natutunan kayo at nakuhang aral sa ating
ginawang pagtatalakay ngayong araw.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

______________________ ___________________________
Sheena Marie M. Pilapil Mark Joseph M. Villalobos, LPT
BSED SSTU 2102 Course Instructor

You might also like