You are on page 1of 4

Schools Division of Cauayan City

VILLA CONCEPCION NATIONAL HIGH SCHOOL


Villa Concepcion, Cauayan City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Quarter 3, Week 4 (February 28- March 4, 2022)

Name: _______________________________________________Grade/Section: ___________________

MELCs: EsP9KP-IIIb-11.3 Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod


na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng
bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong kanyang kaloob.

EsP9KP-IIIb-11.4 Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o


kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras.

I. PANGUNAHING KONSEPTO
Panimula
1. Palaging Palatanong o Mausisa (Curiosita) – Ang taong mausisa ay may likas na
inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. Marami siyang tanong na
hinahanapan ng sagot. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan na
kaniyang narinig o nabasa. Dahil sa kaniyang masidhing pagkahilig sa pagbabasa, pag-aaral at
pageeksperimento, natutuhan niya ang mga bagong kaalaman o produkto na magiging isang
malaking kontribusyon sa kaalaman o makapagpapaunlad ng kalidad ng buhay. Ang
pagtatanong at pagbubuo ng problema (questioning and posing problems) ay isa sa labing –
anim na Gawi ng Isip (Habits of Mind) na mahalagang linangin sa mga kabataan (Costa and
Kallick, 2000).
Halimbawa: Sa pamamasyal ni Johnlu Koa sa ibang bansa , napansin niya na kakaiba ang mga
tinapay sa isang restaurant na pinuntahan nila . Nagtanong-tanong siya kung paano ginagawa,
ano-ano ang mga sangkap, ang paraan ng pagluluto at marami pang iba. Ang mga nakalap na
impormasyon ang nagbigay-daan sa kaniya upang dalhin ito sa ating bansa. Ito ang simula ng
pagtatayo ng “French Baker”, at noong 1989, binuksan ni G. Koa ang kauna-unahang sangay ng
French Baker sa SM North Edsa. Nang sumunod na taon pinalawak niya ang French Baker bilang
isang restaurant at bukod sa iba’t ibang uri ng tinapay na sadyang siya ang gumagawa,
nagsimula rin siyang magtinda ng mga imported na kape, tsaa at iba pa. Dahil sa mataas na
kalidad at serbisyong ibinigay ng French Baker sa mga tumangkilik sa kanila, napili ito bilang isa
sa mga natatanging produkto ng Superbrands Philippines para sa taong 2003-2004. Noong 2004,
ginawaran din sila ng Philippine Marketing Association ng Agora Award for Company of the Year.

2. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at ang


Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali – Demostrasyon ( Dimostrazione) – Ito ang
pagkatuto mula sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anumang pagkakamali. Dahil sa mga karanasang ito,
natututo ang isang tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.
Halimbawa: Pinangarap ni Sandy Javier na magtayo ng tindahan ng litsong manok. Sinimulan
niya ito sa pagtitinda ng ilang pirasong manok na inutang pa niya sa kaibigan ng kaniyang ina.
Sa unang subok ni Sandy, iilan lamang ang nabenta mula sa kaniyang inihanda. Nagsilbing
hamon ito sa kaniya kaya’t pinag-aralan niya itong mabuti at hindi sumuko. Noong 1985,
nagbunga ang pagod at sakripisyo ni G. Javier dahil nagsimula ng tangkilikin ang tindahan ng
kaniyang litsong manok at liempo. Mula noon, nakilala na ito at nagsimulang buksan para sa
franchising at sa kasalukuyan may mahigit 300 na itong sangay at patuloy pang dumarami.

3. Patuloy na pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang


Mabigyang-Buhay ang Karanasan – Pandama (Sansazione) – Tumutukoy ito sa tamang
paggamit ng mga pandama sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao. Halimbawa, hindi
hadlang ang kakulangan ng bahagi ng katawan upang isakatuparan ang tunguhin.
Halimbawa: Hindi naging hadlang kay Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog upang
maisakatuparan ang kaniyang pangarap sa buhay Bilang patunay, iba’t ibang parangal ang
kaniyang natanggap at madalas din siyang imbitahin bilang tagapagsalita sa iba’t ibang
pagtitipon. Sa kasalukuyan, nagsisilbi si Bb. Ambubuyog bilang Product & Support Manager ng
Code Factory, S.L. sa Barcelona Spain, na nangungunang tagapagtustos ng screen reading,
magnification at Braille access solutions para sa mga bulag at bahagyang nakakikita gamit ang
mobile devices tulad
ng cellphones at personal digital assistants (PDAs.)

4. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan - Misteryo (Sfumato) – Ito ang


pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na hindi
pamilyar, mahirap alamin o ipaliwanag, o may higit sa interpretasyon o kahulugan. Ang pagiging
bukas ng isip sa mga sitwasyong walang katiyakan ay mahalaga sa pagpapalabas ng
pagkamalikhain ng isang tao.
Halimbawa: Isang katutubong tagahabi ng T’nalak (hibla ng abaca) mula sa Lake Sebu, Cotabato.
Ang mga disenyo ng kanilang mga produktong bag, damit, wallet, at wall hanging ay mula sa
kanilang panaginip. Itinuturing ng mga manghahabi na isang espiritwal na gawain ito kaya
mahalaga ang kanilang mga sakripisyo (tulad ng pag-aayuno) habang binubuo nila ang disenyo
sa mga hibla ng T’nalak. Si Lang Dulay, itinuring na Master Weaver ng mga dream weaver na ito,
ay nagkamit ng Parangal ng GAMABA( Gawad Manlilikha ng Bayan) dahil sa mga pagsasanay
na pinamunuan niya para sa mga dream weaver na ginagawa sa itinayo niyang paaralan,
Manlilikha ng Bayan Center.

5. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensiya, Lohika at Imaginasyon – Sining at


Agham (Arte/Scienza) – Ito ang pagbibigay-halaga nang may balance sa paghahanap sa
kagadahan ( beauty) at katotohanan ( truth) gamit ang sining (art) at siyensiya (science).
Mahalaga ang paggamit ng imahinasyon sa mga gawaing ginagamitan ng mapanuring pag-iisip.
Halimbawa: Ang pagsasaliksik ng mga kilalang indibidwal ay isang paraan sa agham at sining
upang makabuo o makalikha ng produkto o alinmang proyekto na makatutulong at magiging
kapaki-pakinabang sa tao. Si Dr. Rafael D. Guerrero ang nagpasimula ng “Vermicomposting
Science and Technology” sa bansa Timog Silangang Asya. Inilahad niya ang unang pananaliksik
na ginawa niya sa Charles Darwin Centenary Symposium on Earthworm Ecology sa Inglatera
noong 1981, bilang isa sa mga 150 na mananaliksik sa buong mundo. Kilala rin siya bilang may
natatanging kaalaman sa vermineal production sa buong mundo. Bukod sa mga nabanggit,
marami pa siyang ginawang pananaliksik na naging daan upang maging tanyag siya sa
larangang pinili. Ang pinakahuli sa kaniyang mga nagawa ay malaking tulong sa mga
magsasaka upang magamit muli ang mga farm waste. Lubos itong nakatutulong sa pagpili ng
curbing pollution, emission of carbon dioxide, at iba pang greenhouse gases na nagpalala sa
global warming.

6. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita) – Ito ang


tamang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon
ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na nakasasama sa katawan.

7. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay(Connessione) – Ito ang


pagkilala at pagbibigay-halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga pangyayari sa isa’t isa.
Ayon sa Law of Ecology, “Everything is connected to everything else”. Ang mga halaman ang
nagbibigay ng oxygen sa lahat ng uri ng mga hayop kasama ang mga tao. Sa kabilang banda,
tao at hayop naman ang naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin ng mga halaman sa
paggawa ng pagkain.
Halimbawa: Kailangan ng tao ang pagkain na nagmumula sa mga hayop, puno, at halaman.
Bilang kapalit at dahil bahagi din ang mga ito sa kaniyang kapaligiran, pinangangalagaan ng tao
ang mga hayop, puno at halaman. Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapaphalaga upang
masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay naayon sa
kalooban ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa Kaniya. Ang paggawa
ng mabuti at may kahusayan at may balik na pagpapala mula sa Diyos. Ganito ang kuwento ng
buhay nina Vic at Avelyn Garcia. Ayon sa kanila, wala nang hihigit pa sa hatid na kaligayahan
kapag ang isang gawain ay inialay sa Kaniya. Hindi Kailanman nararamdaman ang pagod, at
unti-unting masusumpungan mo ang daamdaming para kang nasa langit, lalo na kung bahagi ng
iyong kinikita ay ibinabahagi mo sa mga nangangailangan. Minsan nang naibahagi sa 700 Club
ang susi ng tagumpay kung saan sila ay nagsilbing Career Coach at Motivational Speake.

II. MGA GAWAIN


**Gumamit ng malinis na papel para sa iyong mga sagot.

Gawain 1: Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang kasabihang “Hard Work is the Key to Success”.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Pamprosesong Tanong


Sagutin ng buong husay ang mga tanong.

1. Bakit mahalagang isaaalang-alang ang mga katangian at kasanayang nabanggit sa


babasahin? Pangatwiran?
2. May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kasanayang nabanggit sa
babasahin? Pangatwiran gamit ang patunay sa bawat isa?
3. Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
Patunayan gamit ang mga halimbawa?

Gawain 3: Malikhaing Paggawa


Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip at paggawa, mag-isip ng isang gagawing proyekto na gawa
sa recycled materials kung saan maipapamalas mo ang iyong kagalingan sa paggawa.

KRAYTERYA SA PAGGAWA
Paggamit ng recycled material ------------ 30
Orihinalidad ---------------------------------- 20
Pagkamalikhain ------------------------------ 30
Kabuuang Impact ----------------------------------- 20
KABUUAN -------------------------------------- 100%

III. FEEDBACK O KOMENTO


_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Prepared by: Checked by: Noted:

HERMINIA C. PARALLAG GLORIA A. PEPAÑO MAYLA G. CARDENAS


Subject Teacher Subject Coordinator Principal II
Prepared by: Checked by:

HERMINIA C. PARALLAG GLORIA A. PEPAÑO


Subject Teacher Teacher III/Subject Coordinator

Recommending Approval: Verified by:

FLORENTINO R. RUGNAO MAYLA G. CARDENAS


Head Teacher III School Head

You might also like