You are on page 1of 3

MODYUL 10- KAGALINGAN SA PAGGAWA

Laborem Exercens
- ang paggawa ay mabuti sa tao dahil naisasakatuparan niya ang tungkulin sa sarili,
kapuwa at sa Diyos.
- sa kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak upang magkaroon ng
Kagalingan sa Paggawa.

Mga Katangian na taglay upang maisabuhay ang Kagalingan sa Paggawa


1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
- ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay upang gumawa ng kakaibang
produkto o serbisyo na may kalidad.
a. Kasipagan
- ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang Gawain nang buong puso
at may malinaw na layunin sa paggawa.
b. Tiyaga
- ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
c. Masigasig
- ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto, at siglang nararamdaman sa
paggawa ng Gawain o produkto.
d. Malikhain
- ang paggawa ng produkto o Gawain na bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng
panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba.
e. Disiplina sa Sarili
- ang pag-alam na may hangganan ang kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa
ibang tao
2. Pagtataglay ng positibong kakayahan/ Nagtataglay ng mga kakailanganing
kasanayan
- pagkakaroon ng basic literacy (pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig, pagsasalita)
- kasanayan sa pagkatuto

3 yugto ng sa kasanayan sa pagkatuto


a. Pagkatuto bago ang paggawa
- tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o
produkto. Binubuo ito ng mga kasanayan sa:
 Pagbuo ng layunin
 Paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang kalalabasan
 Pagbuo ng mga angkop na konsepto na magpapaliwanag sa Gawain
 Pagtukoy ng paraan o istratehiya sa paggawa batay sa konseptong binuo
 Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin
 Pagtukoy sa mga tutulong sa pagsasagawa ng Gawain
 Pagtatakda ng kakailanganing panahon upang isagawa ang gawain
b. Pagkatuto habang ginagawa
- ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t-ibang istratehiyang maaaring gamitin upang
mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin.
c. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang Gawain
- ito ang yugto ng pagtataya sa naging resulta o kinalabasan ng Gawain.
- malalaman ang mga kilos at pasiya na dapat panatilihin at baguhin
Kagalingan sa Paggawa- nasusukat ayon sa maayos na pagsasakatuparan ng mga hakbang
na dapat isaalang-alang sa paggawa.
Mga katangian na makatutulong upang magkaroon ng matalinong pag-ssip upang
maisabuhay ang kagalingan sa paggawa.
1. Pagiging palatanong (Curiosita)
- ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa
kaniyang paligid.
- maraming tanong, hindi kuntento sa simpleng sagot
- may hilig sa pagbabasa, pag-aaral at pag-eeksperimento

Halimbawa:
Johnlu Koa
- sa pamamasyal sa ibang bansa, nakakalap ng impormasyon sa paggawa ng tinapay
- nagtayo ng “French Baker” noong 1989 sa SM North Edsa
- nagsimula rin na magtinda ng kape, tsaa at iba pa.
-French Baker- napili bilang isa sa may natatanging produkto ng Superbrands
Philippines sa taong 2003-2004.
- 2004- Agora Award for Company of the Year ng Philippine Marketing Association

2. Pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan, pagpupunyagi (Persistence) at ang


pagiging bukas ng matuto sa mga pagkakamali (Dimostrazione)
- ito ay nag pagkatuto mula sa hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anumang pagkakamali.

Halimbawa:
Sandy Javier
- pinangarap na magtinda ng litsong manok at sinimulan ito mula sa inutang na pera
mula sa kaibigan ng kaniyang ina
- naging pagsubok ang iilan na benta kaya pinag-aralan niya ito ng mabuti
- 1985- nagsimulang tangkilikin ang produkto
- nagbukas ng mahigit 300 na sangay

3. Patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama bilang paraan upang


mabigyang-buhay ang karanasan (Sansazione)
- tamang paggamit ng mga pandama sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao

Halimbawa:
Maria Gennette Roselle Rodriguez Ambubuyog
- isang bulag
- nakakuha ng iba’t-ibang parangal, madalas imbitahan bilang tagapagsalita
- nagsisilbing Product and Support Manager ng Code Factory S.L. sa Barcelona Spain
- tagapagtustos sa screen reading, magnification at Braille access solutions para sa
bulag at bahagyang nakakikita gamit ng mobile devices (cell phones at personal digital
assistants)

4. Pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan (Sfumato)


- pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na
hindi pamilyar, mahirap alamin o ipaliwanag o may higit sa isang interpretasyon o
kahulugan.
Halimbawa:
Mga katutubong tagahabi ng T’nalak (hibla ng abaca)
- ang mga disenyo ng kanilang mga produktong bag, damit, wallet at wall hanging ay
mula sa kanilang panaginip
- Lang Dulay- Master Weaver ng dream weaver
- nagkamit ng Parangal na GAMABA (Gawad Manlilikha ng Bayan)
5. Paglalapat ng balanse sa sining, siyensya, lohika at imaginasyon (Arte/Scienza)
- pagbibigay-halaga nang may balanse paghahanap sa kagandahan at katotohanan
gamit ang sining at siyensya.

Halimbawa:
Dr. Rafael D. Guerrero- nagpasimula ng “Vermicomposting Science and Technology”
sa bansa sa Timog-Silangang Asya.
- kilala sa kaalaman sa vermineal production
- inilahad nag unang pananaliksik sa Charles Darwin Centenary Symposium on
Earthworm Ecology noong 1981

6. Ang pananatili ng kalusugan at paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)


- tamang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang
pagkakaroon ng karamdaman.

7. Ang pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione)


- pagkilala at pagbibigay-halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga pangyayari
sa isa’t-isa.
- Law of Ecology- “Everything is connected to everything else”

Halimbawa:
Kailangan ng tao ang pagkain na nagmumula sa mga hayop, puno at halaman. Bilang
kapalit at dahil bahagi ito ng kaniyang kapaligiran, pinangangalagaan ng tao ang mga
hayop, puno at halaman.

3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos


- naayon sa kalooban ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng pagpupuri at pasasalamat sa
Kaniya.
- ang paggawa ng mabuti at may kahusayan ay may balik na pagpapala mula sa Diyos.

Ang paggawa ay may kagalingan kung naisa-alang-alang at nasasagot ang mga tanong na:
1. Ito ba ay pinag-isipang mabuti?
2. Nasunod baa ng mga hakbang na dapat gawin?
3. Bunga ba ito ng malalim na pag-iisip?
4. Nagagamit baa ng mag talent at kasanayang ipinagkaloob ng Diyos?
5. Nagamit baa ng aral ng buhay na natutuhan mula sa karanasan?

You might also like