You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao IX

Modyul 10: Kagalingan sa Paggawa

Paggawa
- mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapwa at
sa Diyos
(Pope John Paul II, Laborem Exercens)

Kagalingan sa Paggawa
- ibinubunsod ng kagustuhan ng tao na maisakatuparan ang kanyang responsibilidad

KATANGIAN NA KAILANGAN SA PAGGAWA


I. Nagsasabuhay ng Pagpapahalaga
o mga pagpapahalagang humuhubog sa tao upang harapin ang mga pagsubok sa pagkamit
ng mithiin
o ito ay gumagabay upang makagawa ang tao ng produkto at serbisyong may kalidad

Mga Pagpapahalagang Dapat Linangin:


a. Kasipagan
 pagpapahalagang nagtutulak sa tao na gawin o tapusin ang gawain nang buong
pagpapaubaya at walang pagmamadali
b. Tiyaga
 ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang
 isinasantabi ang:
 pagrereklamo
 pagkukumpara ng gawain
 pag – iisip ng kadahilanan upang hindi isagawa ang gawain
c. Masigasig
 pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa
 nakapagtatapos ng gawain nang hindi nakararamdam ng pagod o pagkabagot
d. Malikhain
 kakayahang makagawa ng orihinal at bagong produkto
 maaring maipakita sa pamamagitan ng pagiging una
 pagiging bago ng produkto sa tao na magtatakda ng kalidad kapag ito ay ginaya o kinopya
e. Disiplina sa Sarili
 kakayahang malaman ang hanggan ng ginagawa at paggalang sa ibang tao
 ang paggawa ay para sa ikabubuti ng lahat

II. Nagtataglay ng Kakailanganing Kakayahan


o tumutukoy sa paglinang sa mga kakayahan at katangiang kinakailangan upang
magtapumpay sa anumang larangan

Mga Pagpapahalagang Dapat Linangin:


a. Pagkatuto Bago ang Paggawa
 tumutukoy sa mga kakayahang gumawa ng plano, mga hakbang sa paghahanda at pag –
oorganisa ng gawain/proyekto
Mga Yugto sa Paggawa ng Plano:
i. Paglalarawan ng mga katangian ng tunguhin
ii. Pagbubuo ng kosepto
iii. Pagtataya ng istratehiyang gagamitin ayon sa nabuong konsepto
iv. Pagtukoy sa mga hakbang na gagawin
v. Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin
vi. Pagkilala sa mga tutulong sa pagsasagawa ng kilos
vii. Pagtatakda ng panahon ng pagkilos
b. Pagkatuto Habang Ginagawa
 mga pagkatuto ng
iba’t ibang istratehiyang gagamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng tungkulin
c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang Gawain
 yugto ng pagtataya ng resulta o kinalabasan ng
gawain
 pagkakaroon ng ebalwasyon sa ginawa
 sa yugtong ito mamalaman ang:
i. posibleng kilos
ii. pagpapasyang dapat baguhin
iii. pagpapasyang dapat panatilihin

MGA KAKAYAHANG KAILANGAN SA PAGSASABUHAY NG KAGALINGAN SA PAGGAWA


1. Mausisa (Curiosity)
o Kakayahang mag – usisa upang hanapan ng kasagutan ang mga katanungan
o Pagiging hindi kuntento sa simple o mababaw na sagot na narinig o nabasa
o Maaring makadiskubre at makapag – ambag ng kontribusyon ng kaalaman upang mapa –
unlad ang kalidad ng buhay

Halimbawa:
Johnlu Koa
 nagtatag ng French Baker
 natatangin produkto ng Superbrands Philippines noong 2003
 nakakuha ng Agora Award for Company noong 2004
2. Demonstrasyon (Demonstration)
o Pagkatuto sa di malilimutang karanasan upang maging matagumpay at maiwasang maulit
ang pagkakamali

Halimbawa:
Sandy Javier
 Nagtatag ng Andok’s Litson Manok
3. Pandama (Sensation)
o Paggamit ng pandama sa paraang kapaki – pakinabang sa tao

Halimbawa:
Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog
 Product and Support Manager ng Code Factory sa Barcelona Spain
4. Misteryo (Pagkamangha)
o Kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay o ng inaasahang pangyayari
Halimbawa:
Ryzza Mae Dizon
 Kinagigiliwang host, commercial model, artista

5. Sining at Agham
o Pantay na pananaw sa pagitan ng agham at sining, katwiran at imahinasyon
o Binibigyang diin ang pagpapatibay ng pagiging malikhain ng pag – iisip
Halimbawa:
Dr. Rafael D. Guerrero
 Nagpasimula ng Vermicomposting Science and Technology
 Kilala bilang may natatanging kaalaman sa vermimeal production
6. Kalusugan ng pisikal na pangangatawan
o Pangangalaga sa pisikal na pangangatawan at pag iwas sa bisyo upang maiwasan ang
karamdaman
7. Pagkaka-ugnay ugnay ng lahat ng bagay
o Pagkilala at pagbibigay halaga sa lahat ng bagay at pangyayari na may kaugnayan sa isa’t
isa

III. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos


- pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan kung ito ay
ayon sa kalooban ng Diyos

You might also like