You are on page 1of 9

9

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Quarter 3 – MELC 10.2 – Week 3b

Kagalingan sa Paggawa

1
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet

Manunulat: Aiza R. Loranas


Editor: Alma C. Sinining
Tagasuri: Jona S.Demaraye, Claudia Villaran
Tagaguhit: Eldiardo E. de la Peña
Tagalapat: Antonio O Rebutada
Management Team:
Ramir B. Uytico Clarissa G. Zamora
Pedro T. Escobarte Fevi S. Fanco
Elena P. Gonzaga Ivy Joy A. Torres
Donald T. Genine Alma C. Sinining
Miriam T. Lima Jason R. Alpay

2
MABUHAY!

Ang Edukasyon SA Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo


sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod ng
Escalante sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang
ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Learning Facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang
matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

3
Quarter 3, Week 3b

Learning Activity Sheets


Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

KAGALINGAN SA PAGGAWA

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa


ng isang gawain o produkto. EsP9KP-lllg-10.2

PANIMULA

Ang mga sumusunod na kakayahan ay makatutulong din upang magkaroon


ng matalinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa
paggawa (“How to Think like Leonardo da Vinci” ni Michael J. Gelb):

1. Mausisa (Curiosita). Ang taong mausisa ay maraming tanong na hinahanapan


niya ng kasagutan. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan
na kanyang narinig o nabasa. Dahil sa kanyang masidhing pagkahilig sa pagbabasa,
pag-aaral at pag-eeksperimento, nakadidiskubre siya ng bagong kaalaman o
produkto na magiging isang malaking konstribusyon sa kaalaman o
nakapagpapaunlad ng kalidad ng buhay.

Halimbawa: Sa pamamasyal ni Johnlu Koa sa ibang bansa, napansin niya na


kakaiba ang mga tinapay na ibinebenta sa restaurant na pinuntahan nila.
Nagtanong-tanong si G. Koa sa kung paano ito ginagawa, ano-ano ang sangkap
nito, paano ang paraan ng pagluluto nito at marami pang iba. Ang ideyang ito ang
nagbigay daan sa kanya upang buoin sa isip niya na dadalhin niya ito sa bansang
kanyang kinagisnan at dito na nga nagsimula ang pagkakatatag ng Frenchbaker.
Taong 1989 ng unang buksan ni G. Koa ang kauna-unahang sangay ng French
Baker at ito ay sa SM North Edsa na kung saan iba’t ibang klase ng tinapay ang
kanilang ibinebenta sa presyong kaya ng lahat. Ng sumunod na taon pinalawak niya
ang French Baker bilang isang uri ng “restaurant”, kasama sa mga inihahanda ang
mga produkto at tinapay na sadyang si G. Koa ang gumawa, umisip ng sangkap,
mga imported na kape, tsaa at iba pa. Sa kalidad at serbisyung ibinibigay ng French
Baker sa mga tagatangkilik nito at sa bansa nakuha nito ang Agora Award for
Company of the Year na iginawad ng Philippine Marketing Association ng taong
4
2004 at napili bilang isa sa may natatanging produkto ng “Superbrands Philippines
para sa taong 2003 hanggang 2004, Patunay ito na ang layo na nang narating
French Baker na itinatag ni G. Johnlu Koa.

2. Demonstrasyon (Dimostrazione). Ito ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga di


malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at maiwasang maulit
ang anomang pagkakamali. Sa karanasang ito natututo ang isang tao na tumayo at
muling harapin ang hamon na gumawa muli.

Halimbawa: Pinangarap ni Sandy Javier na magtayo ng tindahan ng litson ng


manok. Inumpisahan niya ito sa pamamagitan ng ilang piraso ng manok na inutang
niya sa kaibigan ng kanyang nanay. Sa unang subok ni Sandy iilan lamang ang
nabenta sa mga manok na kanyang inihanda. Pinag-aralan niya ito nang Mabuti
hindi sumuko kundi nagsilbi pa itong hamon upang pag-aralan ang negosyo na
kanyang inumpisahan taong 1985 ng gantimpalahan ang pagod at sakripisyo ni G.
Javier nang mag-umpisang dumugin ang kanyang tindahan ng mga tao dahil sa
tinda nitong litson manok at liempo. At mula noon nakilala na ito at nagsimula na ito
lumaki ng lumaki at buksan ito “for franchise”. Sa kasalukuyan may mahigit sa 300 at
patuloy na dumaraming sangay ito.

3. Pandama (Sansazione). Ito ang tamang paggamit ng mga pandama, sa


pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao. Ang kakulangan ng bahagi nang katawan
ay hindi hadlang upang isakatuparan ang tunguhin.

Halimbawa: Ang pagiging bulag ni Maria Gennett Roselle Rodriguez


Ambubuyog ay hindi naging hadlang upang maisakatuparan niya ang kanyang
pangarap sa buhay. Ang pagpapamalas niya ng kagalingan ay di matatawaran
bilang patunay nang kanyang kagalingan iba’t-ibang parangal ang kanyang nakuha
bukod sa lagi siyang kinukuha bilang tagapagsalita sa mga iba’t ibang pagtitipon. Sa
kasalukuyan si Bb. Ambubuyog ay Product & Support Manager ng Code Factory,
S.L. sa Barcelona, Spain, na nangungunang tagapagtustos ng screen-reading,
magnification at Braille access solutions para sa mga bulag at bahagyang nakakikita
gamit ang mobile devices tulad ng cell phones at personal digital assistants (PDAs.)

4. Misteryo (Sfumato). Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng


isang bagay, kabaligtaran ng inaasahang pangyayari. May mga pagkakataon sa
buhay nang tao na nangyayari ang hindi inasahan at ang hindi inaasahan na ito ay
ang siyang magbibigay nang pagbabago sa buhay niya bilang tao.

Halimbawa: Ang tagumpay na tinatamasa nang pamilya ni Ryzza Mae Dizon


ay hindi kailanman nila ito inaasahan. Sumasali sya sa mga kiddy pageant noon
pero hindi sya pinalad na manalo. Ngunit hindi naging balakid ito sa pag abot ng
kanyang mga pangarap hanggang makasali siya sa Little Ms. Philippines. Di pinalad
pero nabigyan ulit ng pagkakataon para sa patimpalak na ito at dito na nga

5
nagsimula ang lahat. Sa kasalukuyan si Ryzza ay kinagigiliwan bilang host,
commercial model at artista.

5. Sining at Agham (Arte/Scienza). Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng


agham, sining katuwiran at imahinasyon. Binibigyang diin nito ang kaalamang
magpapatibay upang lalo pang maging malikhain ang pag-iisip.

Halimbawa: Ang ginagawang pagsasaliksik ng mga kilalang indibidwal upang


makalikha nang isang proyekto na makatutulong sa tao. Ginagawa nila ang
pagsisiyasat bilang isang paraan ng sining upang makabuo at makagawa ng
produkto o gawaing kapaki-pakinabang gaya nang gawa ni Dr. Rafael D. Guerrero
na unang nagpasimula ng Vermicomposting Science and Technology sa bansa at
maging sa Timog Silangang Asya. Inilahad niya ang
unang pananaliksik na ginawa niya sa Charles Darwin Centenary Symposium on
Earthworm Ecology sa Inglatera noong 1981, bilang isa sa 150 na mananaliksik sa
buong mundo. Kilala rin siya bilang may natatanging kaalaman sa vermineal
production sa buong mundo. Bukod sa mga nabanggit, marami pa siyang ginawang
pananaliksik na naging daan upang maging tanyag siya sa kanyang larangang pinili.
Ang pinakahuli sa kanyang trabaho ay malaking tulong sa mga magsasaka upang
magamit pang muli ang mga “farm wastes” na lubos na nakatutulong sa tinatawag
na “curbing pollution, emission of carbon dioxide,” at iba pang “greenhouse gases”
na nagpalalala sa “global warming”.

6. Ang kalusugan ng pisikal na pangangatwan (Corporalita). Ito ang tamang


pangangalaga ng pisikal na pangangatawan ng tao upang maging malusog upang
maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa
anomang bisyo na pwedeng makasama sa katawan.

Halimbawa: Iniiwasan ni Bernard ang matataba, maalat na pagkain,


magpuyat, uminom ng alak at iba pang bisyo sa kagustuhang maging malusog at
hindi magkasakit. Marami pang pangarap ang gusto niyang isakatuparan para sa
kanyang pamilya kaya pinapanatili niyang malusog ang kanyang pangangatawan.

7. Ang pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione). Ito ang pagkilala


at pagbibigay pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay may
kaugnayan sa isa’t-isa. Ayon sa Law of Ecology: “Everything is connected to
everything else.” Ang mga halaman ang nagbibigay ng Oxygen sa lahat ng uri ng
mga hayop, ang mga hayop naman ay naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin
ulit ng mga halaman sa paggawa ng pagkain.

Halimbawa: Kailangan nang tao ang makakain, ang pagkain niya ay


nagmumula sa hayop, puno at mga halaman. Ang halaman, puno at hayop ay
bahagi ng kapaligiran, ito ang pangunahing dahilan kung bakit iniingatan nang tao

6
ang kanyang kapaligiran kasama na ang pag-aalaga sa mga hayop, puno at
halaman na nakapaligid dito.

Sa pamamagitan ng mga kaalamang ito masasabi na ang isang paggawa ay


may kagalingan kung naisa-sa-alang-alang at nasasagot ang mga tanong na: ito ba
ay pinag-isipan, nasunod ba ang mga hakabang na dapat gawin upang ito ay
isakatuparan, ito ba ay bunga nang maurirat na kaisipan, nagagamit ba ang
kakayahang ipinagkaloob ng Diyos, naging masining ba ang pagkakagawa ng
produkto o gawain, nagamit ba ang karanasang natutunan mula sa aral nang
buhay? Ang mga katanungan ito ay kraytiryang maituturing upang masabi na ang
paggawa ay may kagalingan o kalidad.

Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos. Ang pinakamahalaga sa lahat


upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan kung ito ay
ayon sa kalooban ng Diyos. Kung ang paggawa o produkto ay ginawa bilang paraan
ng pagpuri at pasasalamat sa Kanya.Kapag ganito ang natatak sa iyong isipan,
pagbubutihan at paghuhusayan mo ang lahat ng iyong gawain at ang balik nito ay
pagpapala mula sa Diyos. Ganito ang nangyari sa buhay nina Vic at Avelyn Garcia.
Ayon sa kanila, wala nang hihigit pa sa kaligayang mararamdaman kapag ang iyong
gawain ay isinabuhay bilang paraan ng pagpuri at pagbibigay pasasalamat sa Diyos.
Hindi mo kailanman mararamdaman ang pagod at unti- unting masusumpungan mo
ang damdaming para kang nasa langit, lalo na kung bahagi ng iyong kinikita ay
ibinabahagi mo sa mga nangangailangan. Ang susi sa tagumpay ng mag- asawa
bilang matagumpay na “Career Coach at Motivational Speaker” na kanilang minsan
nang naibahagi sa 700 Club.

SANGGUNIAN

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 147-160

MGA GAWAIN

GAWAIN I

Kopyahin ang tsart at punan ng kaukulang sagot. Isulat sa isang sagutang papel.

Mga Nagawang Proyekto Mga Salik na Ginagamit Mga Naging Bunga sa


na Nagpapakita ng Sarili at sa Iba
Kagalingan sa Paggawa
1.
2.
3.

7
4.
5.

GAWAIN II
Panuto:
Umisip ng kakaibang proyekto na orihinal na maaari mong ibenta o pagkakitaan.
Ang proyekto ay kailangang di magastos, kung maaari ang gamit ay mula sa mga
gamit na itatapon na o pwedeng i-recycle. O maaaring kakaibang gawain o serbisyo
na tutugon sa pangangailangan ng iyong komunidad. Ipaliwanag sa isang sagutang
papel ang awtput na nagawa.

REPLEKSIYON

Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang


panlahat?
-
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
SUSI SA PAGWAWASTO

Iba-iba ang sagot ng mag-aaral. Iba-iba ang sagot ng mag-aaral.


GAWAIN I: GAWAIN II:

RUBRIK sa Gawain II
Kraytirya Di – Kahanga – hanga Katanggap – Pagtatangka
Pangkaraniwan 3 tanggap 1
4 2
1. Pagkamalikhain Gumagamit ng Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit ng
maraming recycle recycle na bagay kunting recycle na recylcle na bagay
na bagay at iilang bagay
at kagamitan. kagamitan.
2. Takdang Oras Nakapagsumite Nakapagsumite Nakapagsumite Higit sa isang
sa mas sa tamang oras ngunit huli sa lingo ang
mahabang oras itinakdang oras kahulihan
3. Kalidad ng Makapukaw Makatawag Pansinin ngunit Di - pansinin, di-
ginawa interes at pansin di makapukaw makapukaw ng
tumitimo sa isipan interes at isipan
isipan
4. Kalinisan Maganda , malinis Malinis Ginawa ng napura ang
at kahanga – apurahan ngunit paggawa at
hanga ang di - marumi marumi
pagkagawa

You might also like