You are on page 1of 8

9

Learning Activity Sheet


sa Filipino 9
KUWARTER 3 – MELC 1
Pagpapatunay ng mga Pangyayari sa Parabula
na Maaaring Maganap sa Tunay na Buhay
sa Kasalukuyan.

REGION VI-KANLURANG VISAYAS


Filipino 9
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 1
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 9

Manunulat: MARYJEAN B. VALLENTE


Tagaguhit : Jerome Jordan Z. Ponsica
Tagalapat : Eldiardo G. de la Peña

Division Quality Assurance Team


Diana P. Agupasa Perly M. Mapa
Cynthia C. Caspe Angela Mae D. Lim
Rosie Cabus Marie Antoniette M. Villar
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora., CESO VI
Ermi V. Miranda, PhD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alicia M. Geroso
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico, EdD, CESO IV
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga, PhD
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

i
MABUHAY!

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Dibisyun ng Escalante at
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-
ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-
aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga


panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan


ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

ii
Kuwarter 3, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

Pangalan: _________________________________ Grado at Seksiyon: _________

Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

Pagpapatunay ng mga Pangyayari sa Parabula na Maaaring


Maganap sa Tunay na Buhay sa Kasalukuyan.

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap


sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (F9PB – IIIa – 50)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Sa bahaging ito ng aralin ay makikilala mong ganap ang mga akdang


pampanitikang lumalaganap sa Kanlurang Asya partikular na ang parabula.
Nasasalamin ang kultura gayundin ang mithiin, paniniwala, at pananampalataya sa
mga pasulat at pasalitang panitikan ng isang bansa. Sa pamamagitan ng mga
gawaing inihanda para sa iyo, alam kong masasagot mo kung paano naiiba ang
parabula sa akdang panitikan. Basahin at unawaing mabuti ang parabula upang higit
mo pang malaman kung paano naiiba ang parabula sa iba pang uri ng panitikan.

Alam mo ba na….

Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng


dalawang bagay na maaaring tao,hayop, lugar o pangyayari para paghambingin. Ito
ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa
nakasaaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing
patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mensahe ng parabula ay
isinulat sa patalinghaga. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na
dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral na pagkatao.

Halimbawa ng Parabula:
“Alibughang Anak” kung saan kahit gaano kalaki ang kasalanan ng anak ay
tinanggap pa rin siya ng kaniyang ama. Katulad ng ating ama na nasa langit na
handang magpatawad kahit ilang beses tayong nagkasala basta’t tayo’y hihingi ng
tawad sa kanya.

III. Mga Sanggunian

Most Essential Learning Competencies (MELCs) 1


Panitikang Asyano (Modyul ng Mag – aaral sa Filipino 9) pahina191 - 196
Peralta, Romulo N. Lajarca, Donabel C.Cariño, Eric O. Lugtu, Ma. Aurora C.
Tabora, Marygrace A.Trinidad, Jocelyn C. Molina, Sheila C.Carpio, Lucelma O.
Rivera, Julieta U. , Ambat C. Vilma

1
IV. Mga Gawain

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang parabula.

“Ang Talinghaga tungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan”


Mateo 20:1-16
20 “Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-
maaga upang kumuha ng manggagawa para sa kanyang ubasan. 2 Nang
magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak [a] sa maghapon, ang mga
manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan. 3 Lumabas siyang muli nang
mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa
palengke. 4 Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan,
at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ 5 At pumunta nga sila. Lumabas na naman
siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng hapon, at ganoon
din ang ginawa niya. 6 Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y lumabas muli at
nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit tatayu-
tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ 7 ‘Wala po kasing magbigay sa amin ng
trabaho,’ sagot nila. Kaya't sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta rin kayo sa aking
ubasan.’8 “Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala,
‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli
hanggang sa unang nagtrabaho.’ 9 Ang mga nagsimula nang mag-aalas singko ng
hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. 10 Nang lumapit ang mga nauna,
inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa'y binayaran din
ng tig-iisang salaping pilak. 11 Nang magkagayo'y nagreklamo sila sa may-ari ng
ubasan. 12 Sinabi nila, ‘Isang oras lamang nagtrabaho ang mga ito na huling
dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong
init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?’ 13 Sumagot ang
may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't
pumayag ka sa isang salaping pilak? 14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na.
Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa
iyo? 15 Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo
ba'y naiinggit dahil ako'y nagmagandang-loob sa iba?’”

16 At sinabi ni Jesus, “Ang nahúhulí ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

Gawain 1:
Binanggit sa parabula ang ubasan, manggagawa, upang salaping pilak, oras
(ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo, ikalima) upang maipahayag ang paghahambing.
Sa iyong palagay, saan nais ihambing ni Hesus ang bawat isa? Bakit?

Binanggit sa Parabula Nais Paghambingan at Patungkulan

Ubasan

Manggagawa

Upang salaping pilak

Oras (ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo,


ikalima)

2
Gawain 2:
Panuto: Iugnay sa tunay na buhay ang mga salitang binigyang diin.

1. Ano ang ibig sabihing ni Hesus na “ ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay
nahuhuli”. Paano mo ito maiuugnay sa tunay na buhay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________

2. Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang –


maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Paano mo
maiuugnay ang “maagang – maaga” sa tunay na buhay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________

Gawain 3:

Pagkuwento:
May kilala ka bang tao na katulad ng may – ari ng ubasan? Sa anong mga bagay
o gawi sila magkakatulad?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

5 4 3 2 1

1. Lawak at lalim ng pagtatalakay

2. Wastong gamit ng wika

3. Pagsunod sa panutong ibinigay ng guro kaugnay ng gawain

4. Katangi - tanging estilo ng pagsulat

Kabuoan

5 - pinakamahusay 4 - mahusay 3 - katanggap – tanggap


2 – mapaghuhusay 1 - kailangan pa ng mga pantulong na pansanay

3
Tandaan:

Ang parabula ay isang maikling kuwento na may aral na hango sa bibliya.


Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao. Ang mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghaga.
Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin
kundi binubuo rin nito ang ating moral na pagkatao.

V. Repleksiyon

Matapos kong mabasa ang “ Ang Talinghaga tungkol sa May – ari ng Ubasan”
nalaman ko at natimo
na_________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Nararamdaman ko rin at nanahan sa aking puso


ang________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula
ngayon_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

4
5
Gawain 3: Gawain 2:
Maaaring iba’t – ibang sagot ng mga mag Maaaring iba’t – ibang sagot ng mga mag
- aaral - aaral
Gawain 1
Binanggit sa Parabula Nais Paghambingan at Patungkulan
Simbolikong kahulugan Ispirituwal na
kahulugan
Ubasan kalangitan Simbahan/Kaharian ng
Diyos
.
Manggagawa pagtitiyaga Disipulo ng Diyos
Salaping Pilak pawis Biyaya galing sa Diyos
Oras Oras ng paggawa Panahong inilaan sa
Panginoon
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like