You are on page 1of 3

CASA MARIE LEARNING INSTITUTE, INC.

Pancil Obogon, Tanjay City

LEARNING MODULE
FILIPINO G8 I Week 1 Quarter 1
UNANG MARKAHAN
Modyul 1:

KARUNUNGANG-BAYAN

 KOMPETENSI:
Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan.

 BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD:

 Pagtanaw sa pahina 3-7
 Lambat-panitik sa pahina 11-12
 Lambat-wika sa pahina 13-14
 Baybay-kultura sa pahina 18-19

 BASAHIN

 Salawikain:

Ang salawikain ay matalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon upang
magbigay ng payo, mangaral, at ituwid ang mga kabataan tungo sa tamang landas at kabutihang asal. Ito ay
karaniwang may sukat at tugma.

Mga Halimbawa:

"Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. "

"Daig ng maagap ang masipag."
“Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.”
"Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga."
"Madali ang maging tao, mahirap magpakatao."

 Sawikain:
Ang sawikain ay mga matatalinghagang salita na karaniwang ginagamit sa pang araw araw na buhay. Ito ay
karaniwan ding tinatawag na idyoma.

Mga Halimbawa:

di - makabasag pinggan
halik ni Hudas
ibinilanggo sa mga bisig
luha ng buwaya
karayom sa talahiban

 Kasabihan:

Ang kasabihan ay pahayag na naglalayong mag iwan ng paalala o magbigay ng aral sa pang araw araw na
buhay. Ang mga Pilipino ay kilala sa paggamit at paniniwala sa mga kasabihan kaya noon pa man ay mayroon
ng mayamang koleksyon ng kasabihan at salawikain ang bansang Pilipinas.

Mga Halimbawa:

"Kung ano ang puno, siya rin ang bunga."

"Kung hindi ukol, hindi bubukol."
"May tenga ang lupa, may pakpak ang balita."
"Walang lihim na hindi nabubunyag."
"Habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot."

CASA MARIE LEARNING INSTITUTE, INC.

Pancil Obogon, Tanjay City

LEARNING MODULE
FILIPINO G8 I Week 1 Quarter 1
UNANG MARKAHAN
Modyul 1:
KARUNUNGANG-BAYAN

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS) IN FILIPINO

Name of Learner: ___________________________________

Grade Level: Grade 8
Date: AUGUST 23-27, 2021

Bilang isa kabataan sa makabagong henerasyon, sumulat ng sariling salawikain o kasabihang naaangkop sa
kasalukuyang kalagayan ng sarili sa tahanan, ng sarili sa lipunan, at ng sarili sa daigdig.

GAWAIN: Pumili ng isang paksa batay sa iyong interes. Maaaring ito ay salawikain o kasabihan.

1. Sarili sa Tahanan:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Sarili sa Lipunan:

3. Sarili sa Daigdig

You might also like