You are on page 1of 18

Inihanda nina:

Gng. Teresita T. Saldivar SST-I Danao NHS

Gng. Araceli N. Peligro SST-I Guinsularan HS


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-1
Uri ng Gawain :Pagsasanay
Pamagat ng Gawain :Pagtukoy sa Mahalagang Kaisipan
Kompetensi- Nahuhulaan ang mga mahahalagang kaisipan at sagot sa
mga karunungang- bayang napakinggan (F8PN-Ia-c-20)
Layunin-Natutukoy ang mahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang –bayang
napakinggan
Pamagat ng akda-Karunungang-Bayan/Tula
Sanggunian-Panitikang Pilipino 8,Filipino 8
Konsepto:
Salawikain- isang maikli ngunit makabuluhang pahayag, na karaniwang may
matulaing katangian. Naglalaman ito ng mga aral, karunungan o katotohanan.
Hal. Kung tubig ay magalaw
Ang ilog ay mababaw
Bugtong- uri ng palaisipan na nasa anyong patula.
Hal. Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
Sagot: sili

Gawain A.
Panuto : Pakinggan ang tulang ‘’Mga Ginto sa Putikan” na bibigkasin ng guro.
Mayroon pang taong
Sobrang palapuna at palapintasin,
Sa mukha ng kapwa’y
Nakikita agad ang dumi o dusing;
Munting kapintasan
Ng kapwa niya taong laging pinapansin
Ang kamalian niya’t
Mga kasamaan ay ayaw aminin.
Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna
Bago ka mamintas ng mukha ng iba.

Tanong: Tukuyin ang kaisipang ginamit sa tula at ibigay ang kahulugan nito.
__________________________________________________

Gawain B.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na bugtong.
Bugtong Sagot
1.Kay lapit na sa mata, di mo pa rin makita tainga
2.Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi basket/bayong
3.Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa kandila
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-2

Uri ng Gawain: Pagsasanay


Pamagat ng Gawain: Pag- ugnay ng Kaisipan sa Karanasan sa kasalukuyan
Kompetensi /Layunin: Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang- bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)
Pamagat ng Akda:Karunungang-Bayan/Tula
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.

Konsepto
Kaisipan –mga ideya na nagpapalinaw sa tema.

Gawain
Panuto: Basahing muli ang tula.Tukuyin ang mahalagang kaisipang nakapaloob dito at
iugnay sa kasalukuyang pangyayari.
Halaw sa tulang Mga Ginto sa Putikan
ni Gregorio G. Cruz

Mayroon pang taong


Sobrang palapuna at palapintasin,
Sa mukha ng kapwa’y
Nakikita agad ang dumi o dusing;
Munting kapintasan
Ng kapwa niya taong laging pinapansin
Ang kamalian niya’t
Mga kasamaan ay ayaw aminin.
Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna
Bago ka mamintas ng mukha ng iba.

Mga Kaisipan Pangyayari sa Kasalukuyan


1.

2.

3.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-3
Uri ng Gawain –Pagsasanay
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay kahulugan sa mga Matalinghagang Pahayag
Kompetensi/Layunin: Nabibigyang- kahulugan ang mga talinghagang ginamit
(F8 PT-Ia-c-19)
Pamagat ng akda-Karunungang-Bayan/Tula
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.
Konsepto:
Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit minsan
naghahatid ito ng hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na
nakasasakit ng damdamin. Sa iyong palagay, nakatutulong ang sawikain upang maiwasan
ang ganitong sitwasyon?

Gawain
Panuto: Bigyang pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan. At bigyang kahulugan.

Lef: Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon. Halos di kita makilala para kang
hinipang lubo.
Joan: Mabuti naman. Naku, Oo nga eh napabayaan na kasi ako sa kusina. Aba!
Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka ipinanganak na may
gintong kutsara sa bibig. Ang lakas ng dating mo.
Lef: Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo? Ipinagpatuloy mo ba ang
kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High School tayo di ba?
Malamang kayang-kaya mo ang kursong pinapangarap mo.
Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong
noon pa’y hinahangad ko na.
Lef: Masaya akong malaman yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang
iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok
na iyong mararanasan.
Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.

Mga Salawikaing ginamit Kahulugan


Hal.Matamis ang bunga masarap

1.

2.

3.

4.

5.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-4
Uri ng Gawain - Pagsasanay
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay ng Sariling Kuro-kuro/Opinyon
Kompetensi/Layunin: Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at
kaisipang nakapaloob sa akda batay sa: pagiging totoo o hindi totoo,
may batayan o kathang isip lamang F8 PS-Ia-c-20 )
Pamagat ng Akda: Karunungang-bayan/Tula
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 4-5
Konsepto:

Ang kwentong bayan ay may mga salaysay hinggil sa mga likhang isip na mga tauhan
na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. Katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang mga alamat at mito.

Ang Pilandok ay isa sa pinakamaliit na “hoofed animal.” Wala pang isang piye ang
sukat nito kapag nakatayo ito. Bagamat may pagkahawig sa usa, ang Pilandok ay mas may
relasyon sa baboy at kamel, sa baboy dahil sa hitsura ng paa nito at sa kamel naman dahil
sa istraktura ng bungo at ngipin nito.

Gawain
Panuto: Basahin ang kwentong bayan na pinamagatang “Naging Sultan si Pilandok.”

Pagsasanay
1. Sipiin ang mga pahayag na nagpapahiwatig ng pagiging totoo o hindi totoo.
Patunayan
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-5
Uri ng Gawain- Pagsusulat
Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Sariling Karunungang-Bayan
Kompetensi /Layunin: Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain o kasabihan na angkop
sa kasalukuyang kalagayan (F8PU-Ia-c-20 )
Pamagat ng Akda:Karunungang-Bayan/Tula
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.
Konsepto:
Halimbawa
Bugtong

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay


Sagot: Kandila

Halimbawa
Salawikain /Kasabihan
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita

Gawain
Panuto: Bumuo ng sariling Karunungang- bayan.
A.Bugtong

B.Salawikain/ Kasabihan


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-6
Uri ng Gawain-Pagsasanay
Pamagat ng Gawain: Paghahambing ng Tula sa Karunungang- Bayan
Inaasahang Bunga: Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa
bugtong,salawikain,sawikain o kasabihan( Eupemistikong Pahayag)
(F8WG-Ia-c-17)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.
Konsepto:
Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ito ng mga saknong at taludtod.
Mga Karunungang-Bayan:
a.Salawikain – Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda,
nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa
batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga.
b.Bugtong- Inilarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng
mabisang pag-iisip.
c.Palaisipan- ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng
bugtong, ito ay nangangailangan ng talas ng isip.
d.Kasabihan o kawikaan- ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing
pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating
pangaraw-araw na pamumuhay.

Gawain
Panuto: Paghambingin ang Tula at Karunungang- Bayan batay sa mga katangiang taglay ng
mga ito bilang akdang pampanitikan.

TULA KARUNUNGANG-
BAYAN

PAGKAKATULAD

KATANGIAN KATANGIAN
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-7
Uri ng Gawain-Pagsasanay
Pamagat ng Gawain: Paglalahad ng Sariling Pananaw sa Pagiging Makatotohanan/di-
makatotohanan ng mga Pahayag
Kompetensi/Layunin: Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging
makatotohanan/di-makatotohanan ng mga puntong binibigyang diin sa
alamat (F8 PN-Id-f-21)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 2- 4
Konsepto:
Alamat- mga kuwentong-bayan na maaring kathang-isip lamang o hango sa isang
tunay na pangyayari. Ito’y tungkol sa mga pinagmulan. Maaaring pinagmulan ng isang pook,
isang halaman o punong kahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay. Maaari ring
tungkol sa mga pangyayaring di kapani-paniwala, kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan
ng lugar, bagay at iba pa.

Gawain
Panuto: Basahin ang Alamat na pinamagatang “Mina ng Ginto.”
(Ibibigay ng guro ang kopya ng alamat)

Pagsasanay
Panuto: Ilahad ang inyong sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di-
makatotohanang punto o pahayag sa alamat. Punan ang nasa talahanayan.

Bahagi Makatotohanan Di-makatotohanan


Simula

Gitna

Wakas
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-8

Uri ng Gawain -Pagsasanay


Pamagat ng Gawain: Pagsusuri ng mga bahagi ng Alamat
Kompetensi: Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga
elemento nito. (F8PB-Id-f-23 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 2- 4
Konsepto:

Mga bahagi ng Alamat:

Simula- kabilang sa simula ang mga tauhan na siyang gumaganap sa kwento,


tagpuan, ito ang pook na pinangyarihan ng kilos at suliranin, ang problema kinakaharap ng
tauhan
Gitna- binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, ito ang kapana-panabik ng
bahagi ng kwento, tunggalian, ang labanan ng bida at kontrabida at kasukdulan, ang
pinakamataas na uri ng kapanabikan.
Wakas- binubuo ang wakas ng kakalasan, na siyang kinalalabasan o epekto ng kilos
at katapusan.

Gawain
Panuto: Basahing muli ang alamat na “Mina ng Ginto.” Suriin ang alamat batay sa mga
bahagi nito. Isulat ang sagot sa loob ng talahanayan

Simula Gitna Wakas


Tauhan Saglit na kasiglahan Kakalasan

Tagpuan Tunggalian

Suliranin Kasukdulan Wakas


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-9

Uri ng Gawain –Pagsasanay


Pamagat ng Gawain: Pagbibigay Kahulugan sa Matalinghagang Pahayag
Kompetensi/Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa Alamat
( F8PT-Id-f-20 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 2- 4
Konsepto:
Ang mga matalinghagang salita ay may kahulugang hindi tahasan. Nakatago ang
kahulugan. Minsan ito'y tinatawag na tayutay.

Halimbawa:
Tupang itim - masamang anak
Ginintuang puso - mabuti/matulungin
Sigaw ng puso - iniibig, napupusuan.
Bagong umaga - bagong buhay
Matamis na halik ng hangin - simoy ng hanging nararamdaman

Gawain
Panuto:Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag.
Matalinghagang Pahayag Kahulugan
1.Matatandang Pantas

2.Sugo ng ating Bathala

3.Ang mukha ay kulay- lupa sa katandaan

4.Ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng


tingin ng mga tao
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-10
Uri ng Gawain-Pagsusulat
Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Sariling Alamat
Kompetensi/Layunin: Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na
maaaring ihambing sa sarili (F8PU-Id-f-21 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.

Gawain
Panuto: Sumulat ng alamat tungkol sa pinagmulan ng inyong pangalan.

Narito ang mga pamantayan sa pagmamarka:

Angkop sa paksa _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 25%


Taglay ang mga katangian ng Alamat_ _ _ _ 50%
Malinaw ang mensahe _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 25%
Kabuuan _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 100%

___________________________
Pamagat

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-11

Uri ng Gawain-Pagsusulat
Pamagat ng Gawain: Paggamit ng Pang-abay sa Pagsusulat ng Alamat
Kompetensi/Layunin: Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan
sa pagsulat ng sariling alamat ( F8WG-Id-f-21 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.
Konsepto:

Pang-abay- ay bahagi ng pananalitang nagbibigay turing sa pandiwa,


pang-uri, o kapwa pang-abay.
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa at hanggang
bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon.
Halimbawa:
Tuwing pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.

May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon,
mamaya, bukas, sandali at iba pa.
Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.

Gawain
Panuto: Sumulat ng sariling alamat gamit ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan.
Sundin ang sumusunod na pamantayan:
a. Pumili ng paksa/pamagat na naibigan na nakapokus sa mga prutas.
b. Binubuo ng 3 talata
c. Salungguhitan ang mga pang-abay na ginamit.
d. Sikaping malinaw at kawili-wili.

__________________________
Pamagat
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-12
Uri ng Gawain-Pagsasanay
Pamagat ng Gawain: Pagpaliwanag sa Kaugnayan ng mga Pangyayari
Kompetensi/Layunin: Naipaliwanag ang pagkakaugnay- ugnay ng mga
pangyayari. ( F8PN-Ig-h-22)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.
Konsepto:
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan
dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng
kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng
mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Hinilawod ang epiko ng Panay. Ito ang pinakamatanda at pinakamahabang epiko sa


Pilipinas. Mayroon itong walong parte ngunit nahahati sa tatlong arko. Una ang istorya nila
Alunsina at Paubari, pangalawa pakikipagsapalaran ng kanilang anak na si Labaw Donggon
at pangatlo ang pakikipagsapalaran ng dalaw niyang kapatid na sina Humadapnon at
Dumalapdap.
Binubuo ito ng 8340 na taludtod na may apat na episodyo: (1) pangayaw o
paglalakbay (2) tarangban o yungib (3) bihag (4) pagbawi o muling pagkabuhay
Ang seksing karakter na “Darna” na nilikha ng sikat na nobelistang si Mars Ravelo
ay unang lumipad sa pelikula sa direksyon ni Poe Sr. ama ni Fernando Poe Jr., na
tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.
Si Chiquito o Augusto Pangan ang unang lalaki na lumunok ng “mahiwagang bato”
upang maging “Darna”
Sa pelikulang “Terebol Dobol.” Kasunod nito ang hari ng komedya na si Dolphy sa
pelikulang “Darna Kuno.”

Gawain
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.Ibigay ang iyong opinyon.
1.Ano ang iyong pagkakakilala sa kanila bilang mga tauhan? Maituturing mo ba silang mga
bayani? Bakit?
2.Ano ang mga katangian nila na di makikita sa karaniwang tao?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-13

Uri ng Gawain-Pagsasanay
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay Kahulugan sa mga Piling Salita
Kompetensi/Layunin: Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita/ pariralang ginamit sa
akdang epiko (F8PT-Ig-h-24 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 34-36

Gawain:Basahin ang akdang ‘’Tuwaang at ang dalaga sa buhong na Langit’’


Panuto: Bigyan ng kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda upang higit na maunawaan
ang nilalaman nito.

Patung ______________

____________ Sinaunang gong


__________
Gintong salumpuwit
____________
Nganga

Gintong bansi

______________________
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7,Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-14

Uri ng Gawain -Pagsasanay


Pamagat ng Gawain: Pagpaunlad sa Pag-unawa
Kompetensi/Layunin: Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng
paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
(F8PB-Ig-h-24)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 34-36
Konsepto:
Ang Tuwaang ay isang epiko ng mga Bagobo na ginagawa aring libangan tuwing may
libing, kasal, ritwal ng pagpapasalamat para sa saganang ani o isang matagumpay na
pangangaso.
Ang bawat awit ng epiko ng Tuwaang ay ipinakikilala ng mga mang-aawit gamit ang
isang tula na tinatawag na mga Bagobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi: ang
tabbayanon na nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap
ng mang-aawit; at ang bantangon, na nagpapabatid ng simula ng pag-awit. Mayroong higit
50 na mga kanta ng Tuwaang, ngunit hanggang ngayon, dalawang kanta pa lamang ang
nailalathala.

Gawain: Basahin ang epikong “Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit”
Pagsasanay
1. Batay sa binasang akda’’Tuwaang’’ ibigay ang mga kababalaghang pangyayari.

TUWAANG

Mga Kababalaghan

2.Sa iyong palagay, paano nakatulong ang nasabing kababalaghan upang makilala ang mga tauhan?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-15

Uri ng Gawain- Pagsasanay


Pamagat ng Gawain: Paghahambing ng Dalawang Epiko
Kompetens/Layunini: Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng
paksa gaya ng paghahambing (F8 PS-Ig-h-22)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 26-27
Konsepto

Paghahambing na magkatulad-ang ginagamit ito kung ang dalawang


pinaghahambing ay may patas na katangian.Ginagamitan ito ng mga panlaping
ka-,magka-,ga, sing-,kasing-,magsing-,magkasing-,at mga salitang
pares,wangis/kawangis,gaya,tulad,hawig/kahawig,mistula,at mukha/kamukha.
Paghahambing na di Magkatulad-nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,pagtanggi,o
pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.
Dalawang uri ang hambingang di-magkatulad
1.hambingang pasahol-may mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na
inihahambing.ginagamit ang sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing.
Ginagamit ang salitang lalo,di-gaano,di-gasino,di-totoo.
2.hambingang pasahol-may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan.Ginagamit ang mga salitang lalo,labis,di-hamak,

Gawain
Panuto: Basahin ang Epiko na pinamagatang “ Ang Hudhud ni Aliguyon”

Pagsasanay
Panuto: Ihambing ang katangian ng pangunahing tauhan sa epikong Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na
Langit sa epikong Ang Hudhud ni Aliguyon gamit ang dalawang uri ng paghahambing Gamitin ang venn
diagram sa ibaba.

PAGKAKAIBA
PAGKAKAIBA

PAGKAKATULAD
PAGKAKATULAD
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 7, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 8
Gawain Bilang 1-16

Uri ng Gawain-Pagsusulat
Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Talata Gamit ang Sanhi at Bunga
Kompetensi/Layunin: Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
(dahil sa,sapagkat,kaya,bunga nito,iba pa.)
(F8WG-Ig-h-22)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.

Konsepto
Ang sanhi ay ang dahilan o pinag-ugatan ng isang bagay o pangyayari bago
nagkaroon ng resulta.

Halimbawa: Si Juan ay namatay dahil uminom ng lason. Ngayon ang sanhi kung bakit
namatay si Juan ay dahil sa uminom siya ng lason.

Ang ibig sabihin ng bunga ay ang resulta ng mga pangyayari. 


Halimbawa: Nakakuha siya ng trabaho dahil nakatapos siya ng pag-aaral.

Gawain
Panuto: Sumulat ng tatlong talata na may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa
Kabayanihan na dapat ipakita ng isang Pilipino sa kasalukuyang panahon.Salungguhitan ang
mga salitang naghuhudyat ng sanhi at bunga.

_____________________________
Pamagat

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______

You might also like