You are on page 1of 2

IKALAWANG KABANATANG PASULIT

(FILIPINO 9)

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _________________________

Seksyon: ______________ Admission #:_______ Iskor:______

I. PAGPIPILI: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang pinakatamang sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang
titik
ng iyong napiling sagot sa tabi ng bilang. (10 puntos)
1. Ito’y isang bahagi ng pananalita na gaya ng kaniyang pangalan na nag-uugnay sa mga salita, sugnay, parirala o
pangungusap.
a. Pang-ugnay b. Panlahat c. Pang-angkop d. Lahat ng nabanggit
2. Ito ay isang tula na alay sa mga namayapa na.
a. Diona b. Elehiya c. Awit d. Orasyon
3. Akdang panitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda.
a. Maikling-kuwento b. Dula c. Tula d. Awit
4. Alin sa sumusunod ang dalawa sa pinakabanal na lugar ng mga Islam?
a. Mecca at Medina b. Hajj at Medina c. Moske at Hajj d. Mecca at Hajj
5. Alin sa sumusunod ang nagsasaad kung kailan naipatayo ang pamanang tulad ng Great Wall of China sa kabihasnang
Tsino?
a. Dinastiyang Zhou (1045-255 BC) c. 300 BC
b. Tang (700 AD) d. Panahon ni Emperador Qin noong 210 BC
6. Ang tula na kadalasang tungkol sa pag-ibig.
a. Elehiya b. Awit c. Malayang taludturan d. Korido
7. Siya ay lumikha ng mga pabula upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.
a. Aesop b. Muhammad c. Ban Zhao d. Bai Juyi
8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
a. Ch’in b. Dinastiyang Shang c. Zhou d. Dinastiyang Ming
9. Lugar na matatagpuan sa silangang bahagi ng Asya at nasa kanluran ng Dagat Pasipiko.
a. Vietnam b. Indonesia c. Thailand d. China
10. Ito ay isa sa naging sikat na sulatin sa sedang damit sa tsina.
a. Wuhan b. Zhou c. I Ching d. Abacus

II. PAGKILALA: Basahing mabuti ang bawat tanong at ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. (2 puntos bawat bilang)
________ 1. Isang anyo ng komunikasyon na may layunin na maipahayag ang iyong damdamin at nararamdaman at
upang
makipagtalastasan sa pamamagitan ng mga panulat at papel.
________ 2. Isang uri ng panitikan na nahahati ng ilang yugto na may maraming tagpo.
________ 3. Sa panahong ito lumitaw ang iba’t ibang pilosopiya at relihiyon sa Tsina.
________ 4. Itinuturing na pinakamatandang teksto sa Tsina na isinulat noong 800 BC.
________ 5. Siya ay unang lumaki na isang alipin subalit sa kanyang ipinakitang sipag, katapatan, at talino ay
pinagkalooban siya ng kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilos
pambayan.

III. PAGTATAPAT: Basahing mabuti ang bawat tanong at ibigay ang katumbas nitong sagot mula sa HANAY B sa
pamamagitan ng pagpili ng letra lamang.. (10 puntos)
HANAY A HANAY B
_____ 1. Isang banal na paglalakbay na bahagi ng tungkulin ng mga Muslim.
_____ 2. Tulang romantiko A. Pat V. Villafuerte
_____ 3. May mga temang paggunita, parangal, pagkadakila, at pakikiramay B. Hajj
C. Propeta Muhammad
_____ 4. Ang Mapagmataas na Manok
D. Elizabeth Morales-Nuncio
_____ 5. Banal na aklat na naglalaman ng mga aral ni Muhammad. E. Awit
_____ 6.Sugo at propeta ni Allah. F. Hari ng mga Manok
_____ 7. Pinakamalaking manok G. Makabagong Islam
H. Mga Kalipa
_____ 8. Humalili kay Propetang Muhammad nang mamatay ito.
I. Abacus
_____ 9. Elehiya sa Kamatayan ni Kuya J. Elehiya
_____ 10. Sa huling yugtong ito sumikat ang Arabian Nights. K. Koran
L. Hong-Mo
IV. TAMA O MALI: Basahing mabuti ang bawat tanong at sagutan. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay
tama at MALI naman kung ang pahayag ay mali. (15 puntos)
________________ 1. Kilala ang Tsina sa mga imbensiyong nagmula rito tulad ng papel, magnetic compass, pag-
iimprenta,
porselana, seda, at pulbura.
________________ 2. Sa panahon ng dinastiyang Zhou (1045-255 BC) lumitaw ang iba’t ibang pilosopiya at relihiyon sa
Tsina tulad ng Taoismo at Confucianismo.
________________ 3. Naimbento ang papel noong panahon ng dinastiyang Han.
________________ 4. Ang pabula ay isang anyo ng panitikan na mula sa mga berso ng bibliya.
________________ 5. Si Hong-Mo ang sumisimbolo ng isang mapagmataas at walang awa sa mga nakapaligid sa kanya.
________________ 6. Ang Mecca ay ang lugar kung saan ipinanganak si Propeta Muhammad.
________________ 7. Ang unang naisulat ng sinaunang naninirahan sa Tsina ay makikita sa mga buto ng hayop noong
1500 BC.
________________ 8. Sa pag-unawa ng isang awit, mahalagang tukuyin kung sino ang pinag-aalalayan ng pag-ibig at
kung
sino ang nag-aalay nito.
________________ 9. Ang pabula ay karaniwang nagwawakas sa isang mabuting aral o salawikain.
________________ 10. Ang kalihim ng hari ay sumama sa pag-alis sa kabilang bahagi ng bundok.
________________ 11. Nang makita ng kalihim ang isang salagubang ay tangka niya itong kainin ngunit nagalit ang Hari
sapagkat ang salagubang daw ay para sa kaniya lamang.
________________ 12. Ang dahilan kung bakit ayaw sumunod ng mga manok sa kanilang hari dahil sa sobrang
mapagmataas nito.
________________ 13. Gaano man kataas ang posisyon sa buhay hindi ito nagbibigay ng karapatan na mapagmataas at
palaaway.
________________ 14. Nahahati sa tatlong yugto ang panitikang Arabe ayon sa antolohiya ni Muhammad.
________________ 15.Kapag nagbabasa ng isang elehiya, mahalagang isaisip ang karaniwang tema nito na
pagdadalamhati, pagluluksa, o pag-alala sa mga buhay sa ibang planeta.

"Huwag kang tumigil kapag pagod ka, huminto ka lang kapag tapos ka na"
- Sir Jhay r

You might also like