You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao,Iloilo

Unang Pagtataya sa Filipino 10

NAME:_________________________________GRADE & SECTION:_________________SCORE:______

I. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

____1. Mga kwentong madalas na hango sa Banal na Kasulatan at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
a. Nobela b. Pabula c. Parabula d. Dagli
____2. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.
a. mito b. alamat c. epiko d. nobela
____3. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
a. dula b. sanaysay c. parabula d. mitolohiya
Para sa bilang 4-5
Suriin ang gamit ng pandiwa sa sumusunod na pangungusap.
____4. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni
Psyche.
a. aksiyon b. pangyayari c. karanasan d. proseso
____5. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang Ambrosia kay Psyche.
a. aksiyon b. pangyayari c. karanasan d. proseso
____6. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche at Cupid?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang mga pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaligtas sa halimaw na asawa.
____7. Anong uri ng teksto ang Mito ni Cupid at Psyche?
a. nagsasalaysay b. naglalarawan c. sanaysay d. nagpapahiwatig
____8. Sino ang nagsalin sa Filipino ng mito ni Bugan at Wigan?
a. Vilma C. Ambat b. Edith Hamilton c. Leonardo da Vinci d. Maria Luisa B. Aguilar – Cariño
____9. Ito’y uri ng akda na nasa anyong tuluyan.
a. mito b. retorika c. sanaysay d. mitolohiya
____10. Isang bahagi o balangkas na madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may – akda.
a. wakas b. gitna c. panimula d. tema
____11. Inialalhad sa bahaging ito ang iba pagn karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tianlakay na paksa upang
patunayan o suportahan ang inialalahad ng pangunahing kaisipan.
a. wakas b. element c. gitna o katawan d. panimula
____12. Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay,ang pangkalahatang palagay o paksa batay sa mga
katibayan at katuwirang inisa- isa sa katawan ng akda.
a. wakas b. panimula c. gitna o katawan d. tema
____13. Nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog- tulugan. Alin ang tamang isulat na eksprisyon na
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag – iiba ng paksa?
a. Sa kabilang dako b. Sa ganang akin c. Sa aking palagay d. Sa paniniwala
____14. Saang lugar nagmula ang mito na CUPID at PSYCHE?
a. Rome / Italy b. Europa c. France d. Greece
____15. Anong uri ng teksto ang Cupid at Psyche?
a. naglalarawan b. naglalahad c. nagsasalaysay d. pasalaysay
____16. Tawag sa tauhan sa mitolohiya na may taglay na kakaibang kapangyarihan.
a. hayop b. tao c. diyos at diyosa d. hari at reyna
____17. Ito ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakasintunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod.
a. talinghaga b. tugma c. sukat d. tono
____18. Ano ang tawag sa elemento ng tula na tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang salita?
a. kariktan b. simbolismo c. imahe d. tayutay
____19. Ako’y hawak ng iyong pag-ibig hindi ako makaalpas. Anong element ng tula ang ginagamit sa taludtod?
a. sukat b. tugma c. Talinghaga d. Kariktan
____20. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
a. panlapi b. gramatika c. pagpapakahulugan d. pagsasaling-wika
____21.Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.
a. Tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan
____22. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
a. Ibalon b. Illiad at Odyssey c. Gilgamesh d. Beowulf
____23. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
a.Pastoral b. Elehiya c. Soneto d. Dalit
____24. Ito ay bungang-isip o katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang-aklat ang haba na ang banghay ay
inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo.
a. Mitolohiya b. Alamat c. Nobela d. Epiko
____25. Sino ang sumulat ng nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame?”
a. Vilma Ambat b. Willita Enrijo c. Victor Hugo d. Cristina Chioco
____26. Mababasa sa kasaysayan na ang ______ epikong naisulat ay ang epiko ni Gilgamesh. Anong pananda ang
angkop sa patlang?
a. unang b. at saka c. pagkatapos d. bilang karagdagan

____27. Tulang may labing -apat na taludtod.


a. Pastoral b. Elehiya c. Soneto d. Oda
____28. Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod.
a. Tugma b. Sukat c. Kariktan d. Talinghaga
b. Sino ang Diyosa ng pag-ibig at digmaan sa Epiko ng Gilgamesh?
a. Ninurta b. Ea c. Shamash d. Ishtar
____29. Tula na nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy at walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng
taludtod sa isang saknong.
a. Dalit b. Elehiya c. Soneto d. Oda
____30. Isang matapang na tao na nilikha mula sa luwad at kaibigan ni Gilgamesh. Sino siya?
a. Enkido b. Enlil c. Ea d. Anu
____31. Ito ay ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod.
a. Tugma b. Sukat c. Kariktan d. Talinghaga

____32. Ito ay isang awitin tungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya.


a. Dalit b. Elehiya c. Soneto d. Oda
____33. Masyadong dinamdam ni Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa niya itong itakwil.
Apalibhasa ay ama,__________ napatawad niya rin ito. Anong panandang pandiskurso ang angkop sa patlang?
a. sa wakas b. pagkaraa’y c. Sa dakong huli ay d. Pagdating ng panaho’y
____34. Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan at iba pa.
a. Dalit b. Elehiya c. Soneto d. Oda
____35. Sino ang nagsaling-buod sa Filipino ng Epiko ni Gilgamesh?
b. Vilma Ambat b. Willita Enrijo c. Victor Hugo d. Cristina Chioco

II. Basahin sa Kolum B ang pahayag na naglalarawan ng katangian ng mga diyos na nakatala sa Kolum A. Isulat ang
letra ng angkop na sagot sa sagutang papel.

A B
____1. Athena A. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag niya.
____2. Hera B. Diyos ng propesiya, araw at musika.
____3. Hephaestus C. panginoon ng impyerno
____4. Pluto D. Hari ng mga diyos, kalawakan at panahon
____5. Jupiter E. diyosa ng karunungan, digmaan at katusuhan
____6. Neptune F. Diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at ng buwan
____7. Apollo G. Hari ng karagatan at lindol
____8. Diana H. reyna ng mga diyos
____9. Venus I. diyos ng digmaan
____10. Mars J. diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

Inihanda ni:

RHEALYN JOY N. AMABLE


Guro sa Filipino

You might also like