You are on page 1of 3

Iskor:

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10 50


Pangalan: __________________________________________ Petsa: __________
Grado at Seksyon: ___________________________
Panuto: Tukuyin ang kayarian ng mga salitang naitiman sa bawat pangungusap.
Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (25 puntos)
1. Ang Kuba ng Notre Dame ay tinanghal bilang________.
A. Hari ng Roma C. Papa ng Notre Dame
B. Hari ng Notre Dame D. Papa ng Kahangalan
2. “Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya”. Sinong
tauhan ang tinutukoy ng panghalip na siya?
A. Esmeralda C. Gringoire
B. Frollo D. Quasimodo
3. Isinisigaw ni La Esmeralda ang pangalan ni Phoebus nang makita niya ito nang araw na bibitayin siya
subalit tinalikuran ito ng binata at nagtungo sa pakakasalang babae. Anong damdamin ang
naramdaman ni La Esmeralda sa pangyayaring ito?
A. pag-aalala C. pagkainggit
B. pagkalito D. pagkadismaya
4. “Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tore at doon
hinanap ang dalaga. “ Anong damdamin ang nanaig kay Quasimaodo sa pahayag?
A. kagalakan C. pag-aalala
B. katusuhan D. pag-iisip
5. Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa pag-ibig ayon sa Nobelang “Ang Kuba ng Notre
Dame”?
A. Ang pag-ibig ay wagas C. Ang pag-ibig ay pagpapakasakit
B. Ang pag-ibig ay pagsasakripisyo D. Ang pag-ibig ay hahamakin ang lahat
6. Ito ang tawag sa isang uri ng Maikling kwento na ang higit na binibigyang-halaga o diin ay ang
kilos o galaw, pananalita at pangungusap at kaisipan ng isang tauhan.
A. Kwento ng katutubong kulay C. Kwento ng tauhan
B. Kwentong bayan D. Kwento ng sikolohikal
7. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga
pangyayari.
A. mito C. alamat
B. epiko D. mitolohiya
8. Ito ay akdang pampanitikang nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang
batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.
A. nobela C. dagli
B. pabula D. parabula
9. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan.
A. Ibalon C. Gilgamesh
B. Iliad and Odyssey D. Beowulf
10. Siya ang hari ng mga diyos, diyos ng kalangitan, kulog at kidlat. Siya ang asawa ni Juno.
A. Hera C. Poseidon
B. Zeus D. Apollo
11. Ito ay kayarian ng salita na binubuo ng salitang ugat lamang.
A. inuulit C. payak
B. tambalan D. maylapi
12. Tumutukoy ito sa mga salitang nagpapakita ng paglalarawan.
A. pang-uri C. pangngalan
B. pandiwa D. pang-abay
13. Ito ay mga kataga o salitang nag-uugnay sa pangalan o panghalip sa iba pang salita sa
pangungusap.
A. pang-angkop C. pangatnig
B. pang-ukol D. pandiwa
14. Ang _____ ay elemento ng Sanaysay na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
A. himig C. kaisipan
B. Wikat at estilo D. damdamin
15. Galing sa salitang Greek na _____ ang epiko na nangangahulugang salawikain o awit.
A. Epis C. Epix
B. Episo D. Epos
16. Nagsimula kay ____ ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BCE.
A. Dante C. Per Abbat
B. Homer D. Virgil
17. _____ ang tawag sa akdang pampanitikang pang-aklat ang haba, binubuo ng mga kabanata at
ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo.
A. Nobela C. Pabula
B. Maikling kwento D. Sanaysay
18. “Si Mathilde ay nagtagumpay sa gabing iyon. Siya ay nagningning sa piging”. Anong kohesiyong
gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
A. Anapora C. Panghalip
B. Katapora D. Pangngalan
19. Ito ay reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa ng teksto o
pangungusap.
A. Anapora C. Katapora
B. Anapora at Katapora D. Kohesyon
20. Ang sanaysay na Alegorya ng Yungib ay ukol sa dalawang taong nag-uusap. Ang marunong na
si_____ at si _____.
A. Socrates at Plato C. Socrates at Glaucon
B. Plato at Glaucon D. Glaucon at Plato
21. Ang nagsulat ng nobelang “Ang kuba ng Notre Dame”.
A. Picasso C. Guy de Maupassant
B. Victor Hugo D. Plato
22. Ang _____ ay yaong kahulugan na matatagpuan sa diksyunaryo.
A. Konotatibo C. Pang-uri
B. Pandiwa D. Denotatibo
23. Bakit ayaw lamunin ng mga hayop si Bugan? Ano ang nakita nilang katangian dito?
A. Dahil siya ay tao C. Dahil siya ay maganda
B. Dahil siya ay matapang D. Dahil siya ay madasalin
24. Siya ang matalik na kaibigan ni Mathilde at pinahiram sa kanya ang kuwintas.
A. G. Loisel C. George Ramponneau
B. Forestier D. wala sa nabanggit
25. Siya ang kapitan na tagapagtanggol ng kaharian.
A. Quasimodo C. Claude Frollo
B. Phoebus D. Pierre Gringoire

II. PAGLINANG NG TALASALITAAN


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na salita o parirala. Piliin sa kahon ang mga salitang
tumutugma sa kahulugan nito at isulat sa patlang ang tamang sagot. (10 puntos)

_____________________26. Masidhi, maalab, masikhay na pagnanasa.


_____________________27. Nagalit, naiinis
_____________________28. Patalim
_____________________29. Pagkain ng mga diyos- diyosa
_____________________30. Hindi pagsunod sa utos
_____________________31. Akmang sasaksakin
_____________________32. Lakad na ang mg daliri ng paa lamang ang sumasayad
_____________________33. Nahimok, nahikayat
_____________________34. Walang kamatayan, walang katapusan
_____________________35. Tumupad sa tungkulin, sumunod sa utos

Marubdob Tumalima Imortal Pagsuway Ambrosia Itatarak

Nasuklam Patiyad Nabuyo Punyal

III. PAG-UUGNAY: MGA AKDA SA MEDITERRANEAN


Panuto: Pag-ugnayin ang ideya sa bawat bilang sa pamamagitan ng pagguhit ng linya. (10
puntos)

HANAY A HANAY B

36. Ang Kuba ng Notre Dame Guy de Maupassant


37. Cupid at Psyche Tinapay na mahaba
38. Alegorya ng Yungib Mitolohiya na mula sa Roma
39. Ang Tusong Katiwala Epikong mula sa Mesopotamia
40. Crusty baguettes Pagkakapantay-pantay
41. Epiko ni Gilgamesh Dante
42. Bidasari Plato
43. Egalite Parabula
44. Ang Kwintas Nobela
45. The Divine Comedy Epiko ng Kamindanaoan

IV. WIKA AT GRAMATIKA (5 putos)


A. Panuto: Sipiin ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang kung ang pandiwang may
salungguhit ay ginamit bilang
A. Aksiyon
B. Karanasan
C. Pangyayari
________46. Nalungkot ang mga tao nang mabalitaan ang masamang nangyari.
________47. Nalunod ang mga alagang hayop ni John dahil sa matinding baha.
________48. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
________49. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
________50. Tumalima si Psyche sa lahat ng utos ni Venus.

Panuto: Tukuyin ang kayarian ng mga salitang naitiman sa bawat pangungusap.


Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
Pape\

You might also like