You are on page 1of 4

LAGUMANG PAGSUSULIT 1

Pangalan: Iskor:
Oras ng Klase: Silid-aralan:

Piliin at isulat sa patlang ang pinakaangkop na letra ng iyong sagot. Gamitin ang
malaking letra at bawal ang anomang pagbubura.
1. Isa sa mga tulang pasalaysay na naglalarawan ng katapangan, kabayanihan
at pakikipagsapalaran ng mga tao.
A. soneto C. epiko
B. balad D. elehiya
2. Ito ay isa sa mga akdang tuluyan na tumatalakay sa pinagmulan ng isang
bagay, lugar o pangyayari
A. talambuhay C. anekdota
B. parabula D. alamat
3. Ito ay isa sa mga paraan ng pagpapahayag ng naglalayong humikayat sa
mga mambabasa o tagapakinig na pumanig sa opinyon ng manunulat o
tagapagsalita na malinaw na nailatag ang mga katuwiran
A. pagsasalaysay C. paglalahad
B. pangangatwiran D. paglalarwan
4. Isa sa mga unang anyo ng tula na ginagamit sa panggagamot o pangkukulam.
A. salawikain C. sawikain
B. bulong D. bugtong
5. Ito ang kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Nasasalamin dito ang mga
layunin, damdamin, at pag-asa ng isang lahi.
A. kultura C. relihiyon
B. panitikan D. bugtong
6. Tulang liriko na may isang saknong at may 14 na taludtod na ang kabuuan ay
hinggil sa damdamin ng kaisipan.
A. elehiya C. oda
B. balad D. soneto
7. Napag-alaman nina Julah at Jikeh sa pamamagitan ng pagbabasa na may
langit, purgatory, at impiyerno, subalit nakalimutan nila kung alin sa mga
akdang pampanitikan ito maaaring basahin.
A. Aklat ng mga Araw C. Divina Comedia
B. Iliad at Homer D. Book of the Dead
8. Isa sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng alamat at mitolohiya ng
ehipto
A. Divina Comedia C. Book of the Dead
B. Uncle Tom’s Cabin D. Aklat ng mga Araw

11
9. Isa sa mga akdang tuluyan na binibigkas sa harap ng madla at may layuning
hikayatin ang mga tagapakinig.
A. soneto C. balita
B. nobela D. talumpati
10. Nakagawian na nina Samantha at Jemimah na bumili ng pahayagan tuwing
umaga upang hindi mahuli sa nangyayari sa kanilang paligid, anong anyo ng
panitikan ang kanilang tinatangkilik?
A. sanaysay C. balita
B. nobela D. pabula
11. Sa anong uri ng tulang pasalaysay nabibilang ang Florante at Laura?
A. balad C. epiko
B. awit at korido D. soneto
12. Isa sa mga akdang tuluyan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa mambabasa.
A. sanaysay C. talumpati
B. maikling kuwento D. nobela
13. Isa sa mga paraan ng pagpapahayag na ang layunin ay magbigay ng kahulugan.
A. paglalarawan C. pangangatwiran
B. pagsasalaysay D. paglalahad
14. Isa sa mga akdang maimpluwensiya na tumatalakay sa Gintong Panahon ng
Kristiyanismo sa France.
A. El Cid Campeador C. Songs of Roland
B. Aklat ng mga Araw D. Canterbury Tales
15. Isa sa mga anyo ng panitikan na binubuo ng pangungusap na tuloy-tuloy.
A. sanaysay C. patula
B. prosa D. liriko
16. Ang Mabuting Samaritano: ; : pabula
A. Parabula ::: Alamat ng Duryan
B. Maikling kuwento ::: Ang Matsing at ang Unggoy
C. Anekdota ::: Ang Langgam at ang Tipaklong
D. Parabula :::: Ang Matsing at ang Tipaklong
17. Isa sa maimpluwensiyang akda na naglalarawan ng katangiang panlahi ng
mga Arabo.
A. Aklat ng mga Araw C. Iliad at Odyssey
B. Isang Libo’t Isang Gabi D. Uncle Tom’s Cabin
18. Nais malaman ni Simonne kung aling akda ang naging batayan ng
ideolohiyang demokrasya, aling aklat ang dapat niyang basahin?
A. One Thousand One Night C. Canterbury Tales
B. Divina Comedia D. Uncle Tom’s Cabin
19. Ito ang natatanging epiko ng mga Tagalog
A. diona C. haraya
B. tulalang D. kumintang
12
20. Ang mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay nabibilang sa anong
anyo ng panitikan?
A. tuluyan C. liriko
B. patula D. korido
21. Si Bb. Jilliene ay nagnanais na mapaniwala at maakit ang kanyang
mambabasa sa kanyang ginagawang obra. Ano ang paraan ng pagpapahayag
ang dapat niyang gamitin?
A. paglalahad C. pangangatwiran
B. paglalarawan D. pagsasalaysay
22. May takdang gawaing ibinigay ang guro ni Sabelle. Nais ng kanyang guro
na hingin ang kanilang pananaw hinggil sa kampanya laban sa droga ng
gobyernong Duterte. Anong akdang tuluyan ang pinagawa ng guro?
A. talambuhay C. sanaysay
B. maikling salaysay D. anekdota
23. Alim: pinakamatandang epiko sa Pilipinas; : pinakamahabang epiko
sa daigdig
A. Hudhud C. Bidasari
B. Mahabharata D. Don Juan Teñoso
24. Isa sa mga akdang maimpluwensiya na naging batayan ng pananampalataya
ng mga Tsino.
A. Aklat ng mga Patay C. Aklat ni Confucius
B. Aklat ng mga Araw D. Aklat ng mga Buwan
25. Isa sa mga akdang patula na kinabibilangan ng Romeo at Juliet.
A. soneto C. trahedya
B. oda D. melodrama
26. Isa sa mga tulang pandulaan na ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos
sa pagkakasundo ng mga tauhan na siya namang nakapagpapasaya sa mga
manonood.
A. parsa C. melodrama
B. saynete D. komedya
27. Isa sa mga tulang patnigan na ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa
salawikain, at mga kasabihan upang aliwin ang namatayan.
A. karagatan C. duplo
B. balagtasan D. debate
28. Isa sa mga tulang pasalaysay na ang paksa ay tungkol sa pagkamaginoo ng
mga tauhan.
A. epiko C. balad
B. awit at korido D. melodrama

13
29. Nais ni Sienna na magsulat tungkol sa pag-uugali ng mga Kidapaweño.
Anong uri ng tulang pandulaan ang kanyang isusulat?
A. saynete C. duplo
B. parsa D. pastoral
30. Isa sa mga tulang liriko na nagpapahayag ng papuri o panaghoy o iba pang
masiglang damdaminat walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod.
A. oda C. dalit
B. soneto D. pastoral

14

You might also like