You are on page 1of 4

NAT REVIEWER

1. Ito ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga


diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.

A. Mitolohiya B. Epiko C. Maikling Kuwento D. Dula

2. Ito ang tawag kapag ang isang salita ay nadagdagan o sinasamahan pa ng isang
salita ay makabubuo ng ibang kahulugan

A. Kabilaan B. Isahan C. Kolokasyon D. Tambalan

3. Ito ay elemento ng mitolohiya na naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari,


pakikipagsapalaran ng isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa.

A. Banghay B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema

4. Sila ang tauhan sa mitolohiya na naglakbay sa lupain ng mga higante.

A. Thjalfi at Rovska B. Vili at Ve C. Utgaro at Skrymir D. Thor at Loki

5. Ayon kay Aristotle, ito ay sining ng panggagaya at pag-iimita sa kalikasan ng


buhay.

A. Dula B. Epiko C. Maikling Kuwento D. Sanaysay

6. Ito ay isang uri ng dulang pantanghalan na magaan ang paksa o tema at ang mga
tauhan ay nagtatagumpay sa wakas.

A. Melodrama B. Komedya C. Parsa D. Trahedya

7. Ito ay magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may tauhang katawa-
tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, ngunit sa huli’y nagiging
malungkot dahil sa kasawian o kabiguan.

A. Parodya B. Saynete C. Tragikomedya D. Trahedya


8. Ito ay anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos,
pagsasalita, at pag-uugali ng tao.

A. Komedya B. Parodya C. Melodrama D.Saynete

9. Ito ay itinuturing na isa sa dulang panlibangan ng mga huling taon ng pananakop


ng mga Espanyol sa Pilipinas.

A. Melodrama B. Parodya C. Parse D. Saynete

10. Ito ay dulang puro tawanan at walang saysay ang kwento.

A. Parse B. Komedya C. Saynete D. Tragikomedya

11. Ito ay sadyang namimiga ng luha sa mga manonood na para bang wala nang
masayang bahagi ng buhay kundi pawang problema na lamang.

A. Komedya B. Melodrama C. Saynete D.Tragikomedya

12. Ito ang sangkap ng dula kung saan ipinakikila ang mga tauhan at ang papel na
gagampanan ng mga ito.

A. Gitna B. Tunggalian C. Simula D. Wakas

13. Ito ang makikita sa wakas ng dula.


A. Kakalasan B. Kasukdulan C. Tagpuan D. Tauhan

14. Ito ay katumbas ng kabanata sa nobela.

A. Eksena B. Tanghalan C. Tagpo D. Yugto

15. Ito ay pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung papaano nag-iba ang
kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.

A. Kolokasyon B. Ponolohiya C. Etimolohiya D.Morpolohiya

16. Siya ang tanyag na manunulat na sumulat ng Romeo at Juliet.

A. Aesop B. Elizabeth Barrett Browning

C. Snorri Sturluson D. William Shakespeare


17. Ito ay may tiyak na sukat at tugma at binubuo ng labing-apat na taludtod at
sampung pantig sa bawat taludtod.

A. Soneto B. Tanaga C. Tula D. Haiku

18. Ito ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

A. Talinghaga B. Tugma C. Simbolismo D. Sukat

19. Ito ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin
sa malayang pagsusulat.

A. Haiku B. Soneto C. Tanaga D.Tula

20. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari


na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.

A. Maikling Kuwento B. Nobela C. Dula D.Sanaysay

21. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o
paksa ng pangungusap.

A. Layon B.Pandiwa C. Pokus D. Tagaganap

22. Ito ay mga salitang banyaga o galing sa ibang kultura at ibang wika ngunit,
inaangkop ang salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng pananalita.

A. Hiram na salita B. Pagsasama ng mga salita

C. Morpolohikal na pinagmulan D. Salitang banyaga

23. Ito ang tawag sa pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa


bawat saknong.

A.Tono B. Tugma C. Sukat D. Talinghag

24. Ito ang tawag sa matatayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.

A. Tugma B. Simbolismo C. Tono D. Talinghaga


25. Ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto.

A. Humanismo B. Moralismo C. Suring Basa D. Teoryang Pampanitikan

26. Ito ay tumutukoy kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng
mambabasa.

A. Bisa sa damdamin B. Bisa sa isip C. Buod


D. Paksa

27. Ito ay maaaring isulat sa lima hangang anim na mahahalagang pangungusap.

A. Bisa sa damdamin B. Bisa sa isip C. Buod D.Paksa

28. Ito ay isa sa mga teoryang pampanitikan kung saan ang katotohana ang
binibigyang diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay.

A. Imahismo B. Realismo C. Marxismo D.Romantisismo

29. Ito ay nagbibigay ng mabisang kahulugan sa tula upang ito’y maging maganda,
makulay at kaakit-akit.

A. Sukat B. Tagpuan C. Tayutay D. Tugma

30. Ito ay uri ng tayutay na gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang,
kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.

A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao

You might also like