You are on page 1of 4

DIAGNOSTIC TEST

FILIPINO 7
S.Y. 2022-2023
Pangalan:                                                                                                     Marka: __________________
Baitang at Seksyon:                                                           Petsa:                                         

I. Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik na katumbas ng iyong wastong sagot at isulat sa
mga nakalaang patlang bago ang mga numero. (50 puntos)

                         1.) "Ang Lobo at ang Uwak” ang isa sa mga pinaka-kinagigiliwan ng sinaunang pabula.
Sino ang manunulat at tinaguriang ama ng sinaunang pabula ang sumulat nito?
A. Marie de France B. Jean La Fontaine C. Socrates D. Aesop
                         2.) Ang mga tauhan ay mauuri sa kanilang katangian at kalikasan. Anong uri ng tauhan  na
hindi nababago ng katangian hanggang sa kahulihulihang bahagi ng kwento?
A. Bilog B. Lapad C. Kontra-bida D. Bida
                         3.) Ito ang uri ng tauhan na nagbabago ng karakter at nagkakaroon ng pagkatuto sa kanyang
hinaharap na tunggalian o suliranin.
A. Bilog B. Lapad C.  Kontra-bida D. Bida
                         4.) Tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan o pakikipagsapalaran ng mga taong may
mahiwagang kapangyarihan.      
A. Pabula B. Alamat C. epiko D. Awit
                         5.) Anyo ng pang-uri kapag ito ay salitang-ugat lamang, likas, walang lapi o banal.
A. Payak B. Maylapi C. Inuulit D. Tambalan
                         6.) Ito ang anyo ng panitikan na naglalayong mabigyang-kasagutan ang pinagmulang ng mg
bagay, pangala, pook, pangyayari, o katawaganna bagamat mahiwaga at hindi lkapani
paniwala ang nilalaman ay kasasalaminan  ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito?
A. Epiko B. Pabula C. Alamat D. Salawikain
                         7.) Isang uri ng panitikan na ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop na mula sa
imahinasyon ng manunulat na siyang kinagigiliwan at kinapupulutan ng aral ng
mga kabataan.
A. parabula           B. pabula                      C. alamat               D. kathang-isip
                         8.) Alin sa tatlo ang salitang pangkanto?
A. Katulong B. Tsimay C. Kasama D. Ina
                         9.) Dito inilalahad ang kinahihinatnan ng nmga tauhan at mga pangyayari sa akda.
A. Wakas B. Panimulang pangyayari C. Pababang aksyon D. Kasukdulan
                         10.) Sapagkat ang pabula ay tumatalakay sa mga mabubuting aral tulad ng tama, patas,
makatarungan at, makataong pakikisama sa kapwa kung kaya’t ito ay                           .
A. Inalis sa panitikang Pilipino
B. Walang rehiyunal na bersyon
C. Mabilis na lumaganap sa iba’t iabang bahagi ng bansa
D. Di-tinanggap na mga hayop ang ginamit na mga tauhan sa kwento
                         11.) Masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod na may sukat at
tugma o malayang taludturan.
A. Tula B. . Maikling Kuwento C. Sanaysay D. Dula
                         12.) Sa bansang ito nanggaling ang tulang romansa.
A. Europa B. Inglatera C. Gresya D. Alemanya
                         13.) Ilan ang pantig sa bawat taludtod ng Korido?
A. 8 B. 9 C. 11 D. 12
                         14.) Isalin sa Filipino ang hiram o banyagang salitang “seven”.
A. pito B. malala C. madali D. mahirap
                         15.) Ilan ang pantig sa bawat taludtod ng Awit?
A. 8 B. 9 C. 11 D. 12
                         16.) Ang buhay ng batang iyan ay magiging buhay alamang, ano ang ibig sabihin ng “buhay
alamang”?
A. Walang katiyakan B. Masaya C. Marangya D. Kahirapan
                         17.) Ito ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang
ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
A. tulang Romansa B. tulang Korido C. tulang Awit D. tulang Liriko
                         18.) Ang Ibong Adarna ay isang uri ng                  .
A. awit B. korido C. epiko D. liriko
                         19.) Isa ito sa elemento ng banghay. Sa bahaging ito nagsisimula sa unang kalgayan na
dapat makapukaw sa interes ng mga mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa ng akda.
A. Pataas na aksyon B. Panimulang pngyayari C. Kasukdulan D. Wakas o katapusan
                         20.) Siya ay tinaguriang, “Sumikat na isang araw”.
A. Don Fernando B. Don Diego C. Don Pedro D. Don Juan
                         21.) Ang Mindanao ay binansagang                                   .                         
A. Lupang Pangako C. Killing Fields
B. Lupang Maunlad D. D. Lupang Pinag-aagawan
                         22.) Pangalan ng puno na pinamumugaran ng Ibong Adarna?
A. Piedras Platas B. Aleman C. Tabuk D. Tabor
                         23.) Nakakalusaw ang mga tingin ng lalaking iyan. Anong uri ng tayutay ang ginamit?
A. Personipikasyon B. Pagmamalabis C. Pagtawag D. Pagtutulad
                         24.) Lumuha ang Langit sa kanyang labis na pighati. Anong uri ng tayutay ang ginamit?
A. Personipikasyon B. Pagmamalabis C. Pagtawag D. Pagtutulad
                         25.) O Diyos ko! Tulungan mo ako.
A. Personipikasyon B. Pagmamalabis C. Pagtawag D. Pagtutulad
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling kinagat ito. Kinagat niya ang buto upang iuwi
sa kanilang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, nakakita siya ng ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo’y nakita ang sariling
anino. Sa pag-aakalang may iba pang aso na may hawak ring buto, tinahulan niya iyon nang tinahulan.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong kagat-kagat at ito ay nahulog. Hindi na muling nakuha ng
sakim na aso ang buto.

                         26.) Ang binasang akda ay isang                            .


A. Pabula B. Kuwentong Bayan C. Bugtong D. Epiko
                         27.) Ano ang nakita ng aso habang papauwi sa kanilang tirahan?
A. Buto B. Ilog C. Tao D. Pusa
                         28.) Ano ang katangian ng aso?
A. Mapagmahal B. Sakim C. Mapagbigay D. Matatakutin
                         29.) Bakit tumahol ang aso?
A. Dahil may nakitang tao C. Dahil sa buto
B. Dahil sa nakitang sariling anino D. Dahil sa kasamang pusa
                         30.) Ano ang aral ng akdang binasa?
A. Maging mapagbigay C. Huwag maging mayabang
B. Matutong makuntento d. Huwag tumingin sa ilog
                         31.) Ito ay tekstong naglalarawan sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at tao.
A. naglalarawan B. naglalahad C. nagsasalaysay D. nanghihikayat
                         32.) Ano ang salitang ugat ng kabayanihan?
A. kaba B. Bayan C. bayani D. ani
                         33.) Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng patunay?
A. ba B. nga C. tunay D. sapagkat
                         34.) Ito ay panitikan na ang mga tauhan ay hayop.
A. alamat B. Pabula C. parabola D. tula
                         35.) Ito ay tekstong may layuning makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal tulad ng sanhi
at Bunga.
A. naglalahad B. naglalarawan C. nangangatuwiran D. nagsasalaysay
                         36.) Ito’y binubuo ng isa o dalawang maikling taludtod na may sukat, tugma at may apat
hanggang labindalawang pantig.
A. Alamat B. Bugtong C. Palaisipan D. tula
                         37.) Isang uri ng karunungang bayang may kayariang patula na may layuning mambuska o
karaniwang ginagamit sa panunukso sa mga bata.
A. Alamat B. Maikling Kuwento C. Tula Panudyo D. Tula
                         38.) Isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng
may-akda at nagbibigay impormasyon sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang
karaniwan at pang-araw-araw.
A. Dula B. Maikling Kuwento C. Palaisipan D. Sanaysay
                         39.) Isang uri ng panitikang nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo at karaniwang
itinatanghal sa entablado.
A. Nobela B. Mailing Kuwento C. Dula D. Tula
                         40.) Ito’y napakahalagang gamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa
kapwa, at sa pagpapahayag ng ating mga nararamdaman at naiisip.
A. kultura B. paniniwala C. relihiyon D. wika
                         41.) Gabing ubod ng panglaw. Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
A. lungkot B. pangungulila C. dilim D. sakit
                         42.) Tukuyin ang bunga sa pahayag:
Namatay ang mga tao sa gutom dahil sa pagkasira ng kanilang pananim at pagkamatay ng
kanilang alagang hayop.
A. pagkasira ng kanilang pananim C. pagkamatay ng alagang hayop
B. namatay ang mga tao sa gutom D. wala sa nabanggit
                         43.) Tukuyin ang sanhi sa pahayag:
Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan kaya’t humanap siya ng lugar
kung saan makakapamuhay silang panatag at payapa.
A. humanap siya ng lugar kung saan makakapamuhay silang panatag atpayapa.
B. nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan
C. kaawa-awang kalagayan
D. wala sa nabanggit
                         44.) Bahagi ng panitikan na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga tao.
A. Maikling Kuwento B. Kuwentong Bayan C. Sanaysay D. Pabula
                         45.) Kalipunan ng mga magkakaugnay na pangungusap na may kaugnayan sa isang paksa.
A. Sanhi B. Bunga C. Talata D. Pahayag

                         46.) Naging resulta o kalabasan ng mga pangyayari.


A. Sanhi B. Bunga C. Talata D. Pahayag
                         47.) Binubuo ng salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.
A. Pahayag B. Talata C. Tayutay D. Pangungusap
                         48.) Pagpapahayag na hindi literal, masining na pahayag at ginagamitan ng di-karaniwang
salita.
A. Pahayag B. Idyoma C. Tayutay D. Talata
                         49.) Isang uri ng akdang pampanitikan na puwedeng basahin sa isang upuan lamang.
A. Maikling Kuwento B. Kuwentong Bayan C. Sanaysay D. Pabula
                         50.) Tumutukoy sa katangian, hugis, anyo o lawak.
A. Pangngalan B. Pandiwa C. Pang-uri D. Pang-abay

You might also like