You are on page 1of 7

FILIPINO

1. Ang lumalakad ng mabilis, kung matinik ay malalim. Ano ang ibig sabihin ang paalalang ito?

A. Mag-isip na mabuti sa paglalakad.

B. Mag-isip ng malalim kapag maglalakad.

C. Ang nagmamadali ay madalas magkamali

D. Ang naglalakad ng mabilis ay hindi makapag-iisip.

2. Alin ang naganap na pagbabagong morpoponemiko sa salitang Tagalog?

A. Metatesis B. Asimilasyon C. Pag-aangkop D. Pagpapalit

3. Ano ang salitang-ugat ng kanluran?

A. kalan B. kanlong C. lunan D. lunod

4. Kung sa pakikinig , ang layuning malibang ay nauuri bilang apresyatib, mauuri naman sa
pagbasa bilang.

A. ekstensibo B. intensibo C. mapanuri D. makahulugan

5. Kung ang encoder ay para sa decoder, ang manunulat ay sa_____.

A. Tagahatid B. Mambabasa C. Papel D. Panulat

6. Alin ang may wastong baybay?

A. Ibat-iba B. Paru-paro C. Gamugamo D. Kurukuro

7. Ano ang ibig sabihin ng "isang kahig, isang tukha?"

A. Matinding Pagdarahop C. Lubhang karukhaan

B. Mariwasang pamumuhay D. Pamumuhay tulad ng mga manok

8. _______ ko lang sa kanya nang siya’y dumating.

A. Kakatawag B. Kakatawagg-tawag C. Katatawag D. Katawag-tawag

9. Siya ay may kutsarang pilak nang ipinanganak. KUTSARANG PILAK ay?

A. tahimik B. masalita C. mayaman D. mahirap


10. Mahusay "maglubid ng buhangin" ang taong gipit. Ano ang ibig sabihin?

A. Magyabang B. Magsinungaling C. Magpaikot-ikot D. Magtali

11. Isang tradisyonal na awit ng pag-ibig ng mga Filipino na umunlad noong 1800. Karaniwang
nagpapahayag ito ng tapat na pag-ibig ng isang lalaki sa kanyang minamahal at mga
pagpapakasakit na handa niyang gawin para sa iniibig.

A. harana B. kumintang C. hayahay D. kundiman

12. Ang gulay ay dinadala ng magsasaka papuntang bayan sa pamamagitan ng kalabaw at


______.

A. Tren B. Kangga C. Kareta D. Jeep

13. Kung ikaw ay papasok sa isang negosyong may kinalaman sa paglalathala ng mga babasahin,
kailingang mahaba ang iyong pisi.

A. mahaba ang pasensya C. maraming kagamitan

B. maraming puhunan D. malakas ang resistensya

14. Ang kanyang ginintuang tinig ang naging puhunan niya upang makilala ng buong mundo.

A. malakas na boses C. mataas na boses

B. matatas magsalita D. magandang boses

15. Ang Cebuano, Ilokano, at Hiligaynon ay halimbawa ng anong barayti ng wika?

A. sosyolek B. dyolek C. dayalekto D. jargon

16. “Natutulog ba ang Diyos?” Ang pahayag na ito ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?

A. Pagdaramdam C. Pagtanggi

B. Tanong Retorikal D. Pagsalungat

17. Ito ay uri ng Panitikang Pilipino na mula sa impluwensya ng mga Kastila. Binibigkas ito sa
pamamagitan ng pakatang pagpapahayag ng mga tula.

A. Oda B. Epiko C. Korido D. Soneto

18. Ito ay naging isang napakabisang paraan ng pagpapahayag ng Filipino nationalism noong
panahon ng Kastila sa Pilipinas. Isang halimbawa ay ang Walang Sugat ni Severino Reyes.

A. Nobela B. zarzuela C. bodabil D. balagtasan


19. Ang ___________ ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang tao,
hayop, bagay o lunan ng mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.

A. himala B. parabula C. pabula D. alamat

20. Sino sa mga sumusunod na pari ang hindi kabilang sa mga tauhan ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo?

A. Padre Burgos C. Padre Damaso

B. Padre Salvi D. Padre Sibyla

21. Ang pagtama sa lotto ay parang isang " suntok sa buwan". Ano ang kahulugan into?

A. Maari C. Impossible

B. Pangarap D. Maabot

22. ____________ niya ng alkohol ang kanyang kamay.

a. Pinahid b. Pinahiran c. Pinahidan d. Papahidan

23. Ang tinaguriang ama ng nobelang Tagalog ay si ___.

A. Deogracias Rosario C. Severino Reyes

B. Lope K. Santos D. Valeriano H. Peña

24. Ito ang rutang dinaraanan ng mensahe ng tagapagsalita.

A. participant B. tsanel C. konteksto D. pidbak

25. . Alin sa sumusunod ay isang pangngalang palansak?

A. Tropa B. Maria C. Pag-ibig D. Bahay-kubo

26. Ang “karangalan” ay isang pangngalang ____.

A. Tahas B. Palansak C. Basal D. Pantangi

27. Hangarin nitong makapagbigay nang wasto at epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang mga
sagisag pangwika?

A. Linggwistika B. Talastasan C. Talasanggunian D. Bokabularyo


28. Nasa anong antas ng wika kabilang ang mga salitang tulad ng EWAN at LIKA?

A. Pabalbal B. Kolokyal C. Panretorika D. Pampanitikan

29. Anong antas ng wikka ang salitang GURANG?

A. Jargon B. Pidgin C. Kolokyal D. Balbal

30. Ang salitang “balay” ay halimbawa ng anong antas ng wika?

A. Sosyolek B. Pabalbal C. Lalawigan D. Idyolek

31. Anong uri ng pangungusap ang “Magandang umaga po”?

A. Pamanahon B. Sambitla C. Temporal D. Pormulasyong Panlipunan

32. Ito ay ang maagham na pag-aaral ng wika?

A. Linggwistika B. Sintaksis C. Panolohiya D. Morpolohiya

33. Ano ang tawag sa taong marunong magsalita ng higit sa dalawang wika at nauunawaan ang
agham ng wika na iyon?

A. Monolinggwal B. Multilinggwal C. Bilinggwal D. Polyglot

34. Malalim ang bulsa," ng kanyang Nanay. Ang ibig sabihin nito ay___________________

A. walang pera B. mapera C. mapagbigay D. kuripot

35. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may
pambihirang katangian.

A. Dalit B. Pabula C. Epiko D. Parabula

36. Isang tulang maromansa na kung saann nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga
tauhan at hango sa tunay na buhay..

A. Moro-moro B. Korido C. Epiko D. Awit

37. Ang metolohiya sa ng Bansang Roma ay hinalaw mula sa anong bansa?

A. Pilipinas B. Espanya C. Greece D. Italya

38. Ano ang kadalasang tema ng isang mito?

A. Pag-ibig B. Bayani C. Kultura D. Elemento


39. Sino ang kinikilalang hari ng mga Diyos?

A. Zeus B. Poseidon C. Hades D. Apollo

40. Sino ang itinuturing na diyosa ng kagandahan?

A. Hera B. Venus C. Hestia D. Athena

41. Ano ang pangalan ng anak ni Venus?

A. Hercules B. Cupid C. Hermes D. Ares

42. Sinong dalaga ang iniibig ni Cupid?

A. Psyche B. Athena C. Hera D. Minerva

43. Ito ay gamit ng pandiwa na kapag may aktor o tagapaganap ng aksyon /kilos?

A. Aksyon B. Karanasan C. Pangyayari D. Wala sa mga nabanggit

44. Isa ito sa mga elemento ng parabula na ang mga mahahalagang matutunan pagkatapos
mabasa ang kuwento?

A. Aral B. Banghay C. Tagpuan D. Tauhan

45. Pagsulat na pormal at tiyak ang wikang gagamitin?

A. Journalestik B. Teknikal C. Akademik D. Wala sa nabanggit

46. Ito ay uri ng panunulat na ekspositori o nagpapaliwanag?

A. Journalestic B. Teknikal C. Akademik D. Wala sa nabanggit

47. Ito ang komunikasyong hindi gumagamit ng wika?

A. Sign Language B. Tunog C. Di-verbal D. Verbal

48. Ang _________ ay mga kuwentong tungkol sa mga diyos at diyosa ng makalumang
panitikan na kapupulutan ng kahalagahan.

a. Mitolohiya b. Tula c. Dula d. Bugtong

49. Saan matatagpuan ang: Tuloy ang may baon Ang wala’y sa silong.

A. alamat B. duplo C. mitolohiya D. karagatan


50. Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas ay ang ___.

A. Doctrina Cristiana C. Barlaan at Josaphat

B. Urbana at Feliza D. Nuestra Señora del Rosario

51. Sa taas ng mga bilihin ngayon kahit “kahig ka ng kahig ay wala pa ring maipon. Ano ang
ibig sabihin nito?

A. hanap ng hanap C. bawasan ang bili

B. gastos ng gastos D. walang mabili

52. Anong uri ng kagamitan ang chalkboard, whiteboard, still picture at bulletin board?

A. namamasid B. naririnig C. namamasid at naririnig D. limbag

53.Alin dito ang isa sa dalawang uri ng pagsusulit na ginagawa ng guro sa silid-aralan?

A. tukuyan B. tama-mali C. pagkilala D. cloze test

54. Aling aklat ang ginagamit ng guro na may teksto at mga gawaing pagsasanay ng mag-aaral
kaugnay sa aralin na tinatalakay mula sa teksbuk?

A. batayang aklat B. teksbuk C. workbuk D. karagdagan aklat

55. Ang mga kagamitan sa pagtuturo katulad ng cut-aways at mock-ups ay nakauri dito na
kadalasan ay reprodaksyon ng tunay na bagay. Alin dito?

A. tsart B. larawan C. flash card D. model

56. Siya ay may kutsarang pilak nang ipinanganak. KUTSARANG PILAK ay?

a. tahimik b. masalita c. mayaman d. mahirap

57. Ano ang pahayagang itinatag ni Marcelo H. del Pilar upang ilathala ang pagbatikos sa maling
pamamahala ng mga Kastila?

A. El Resumen C. El Porvenir

B. La Solidaridad D. Diaryong Tagalog

58. Isang epiko na galing sa Mesopotamia?

A. Alim C. Epiko ni Gilgamesh

B. Hidhuh D. Epiko ni Indarapatra


59. Isa ito sa mga elemento ng parabula na ang anumang tao o karakter na gumaganap sa istorya
o kuwento.

a. Aral b. banghay c. tagpuan d. tauhan

60. Ano ang kadalasang tema ng isang mito?

a. Pag-ibig b. bayani c. kultura d. elemento

You might also like