You are on page 1of 3

ST. MICHAEL ACADEMY OF PONTEVEDRA, INC.

Cortez St. Pontevedra, Negros Occidental 6105


Tel. No. (034) 377-7404

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod at isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

I. Panuto: Suriin ang bawat salitang may salungguhit at isulat kung anong uri ng pang-ugnay ang
ginamit. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
A. Pang-angkop B. Pang-ukol C. Pangatnig
1. Ang kapatid kong si Sevilla ay mapagmahal na tao. A
2. Si Jensen ay mahilig manood ng mga bagong palabas sa sinehan. Kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip
at sumama na kina Rolin at Lawrence, na kanyang mga kaibigan, ng siya ay niyaya. B
3. Kahit ang tingin ng mga tao sa kanya ay masama, naniniwala pa rin si Robin na siya ay isang mabuting
nilalang. A
4. Maraming kamag-anak ang naghihintay sa kanyang pagdating at lahat ay naghahangad na may pasalubong
silang matatanggap. C
5. Alinsunod sa batas na pinatupad ni Mayor Ed Ramel, lahat na mga kabataan ay dapat umuwi ng kani-
kanilang mga tahanan na hindi lumalampas sa alas diyes ng gabi. B
6. Laban kay Congressman Adzel ang kasong hinain ni Patric. B
7. Hindi si Bladymer marunong gumawa ng mga gawaing bahay at ayaw niya ring kumilos kapag siya ay
inuotusan ng kanyang amang si Basilio, sa madaling salita siya ay tamad at hindi masunurin sa mga magulang.
C
8. Ang programa ng pamahalaan para sa pamilya ay maganda, ang sabi ng isa sa mga kilalang manunulat na si
Francis. B
9. Kapag may nakitang basura sina Xander at Mario sa daan ito ay kanilang pinupulot at itinatapon sa
basurahan, tunay lamang na sila ay isang huwarang mamamayan. A
10. Si Gian at Sajade ay palaging binibigyan ng parangal sa eskwelahan, palibhasa palaging nag-aaral at gusto
niyang suklian ang hirap na ginagawa ng kanyang mga magulang. C

II. Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod.


11. Ipinapakita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad.
A. Telebisyon B. Dula C. Radyo D. Tanghalan
12. Ayon sa kanya ang dula ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.
A. Aristotle B. Matsuo Basho C. Princess Nukata D. Empress Iwa no Hime
13. Siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa kanya umiikot ang kuwento, mula sa simula hanggang sa
wakas.
A. Lapad o flat character B. Pangunahing tauhan C. Bilog o round character D. Bida
14. Ito ay ang tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang sa katapusan ng akda.
A. Pangunahing tauhan B. Pangalawang tauhan C. Lapad o flat character D. Bilog o round character
15. Siya ay ang tinaguriang master ng haiku.
A. Prince Nukata B. Hime C. Aristotle D. Matsuo Basho
16. Ito ay isang mabisang paraan ng pagpapakita ng pangkalahatang pananaw, opinyon, prinsipyo,
paninindigan, kalagayan, saksi, lawak, o kalagayan ng partikular na bagay o kaisipan.
A. Sarbey B. Dula C. Maikling kuwento D. Mito
17. Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan.
A. Dulang Pantanghalan B. Tulang dula C. Dulang Panlansangan D. Epiko
18. Binubuo ito ng tatlong taludtod at may sukat na 5-7-5. Kadalasan ang tema nito ay tungkol sa kalikasan.
A. Tanka B. Haiku C. Dula D. Tula
19. Ang pangunahing tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang loob o sumusuporta sa tauhan.
A. Pantulong na tauhan B. Pangunahing tauhan C. Awtor D. Round character
20. Ito ay maikling tulang binubuo lamang ng 31 pantig, nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-
7-7.
A. Haiku B. Tanka C. Mito D. Tula
21. Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang sinusulat ng mga makata sa buong daigdig.
A. Balagtasan B. Dula C. Tulang liriko o pandamdamin D. Pasalaysay
22. Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula.
A. Dulang Pantanghalan B. Tulang patnigan C. Dulang Panlansangan D. Tula
23. Ang uri ng tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod.
A. Tulang pasalaysay B. Tulang liriko C. Tulang dula D. Tulang patnigan
24. Nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuoan ng akda. Maaaring magsimula siyang mabait, masipag, at
masunurin subalit dahil sa ilang mga pangyayari ay nagbago ang kanyang katauhan.
A. Bida B. Bilog o round character C. Pangunahing tauhan D. Kontrabida
25. Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel na kanyang ginagampanan
sapagkat sa mga tunggaliang ito nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.
A. Katunggaliang tauhan B. Lapad o flat character C. Tunggalian D. Kasukdulan
26. Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag.
A. Hinto o antala B. Diin C. Tono D. Intonasyon
27. Ito ay ang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad ng maikling kuwento, pabula, parabula, at
alamat.
A. Tunggalian B. Panitikan C. Tauhan D. Tono
28. Tumutukoy ito sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala, o pangungusap
upang higit na maging malinaw ang pagsasalita at nang magkaunawaan ang nag-uusap.
A. Diin B. Tono o intonasyon C. Antala D. Hinto
29. Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang
mga ito man ay magkapareho ng baybay.
A. Magkasingkahulugan B. Magkasalungat C. Intonasyon D. Diin
30. Siya ang gumamit ng mga hayop na nagsasalitang parang mga tao bilang mga pangunahing tauhan sa
Pabula.
A. Aristotle B. Princess Nukata C. Matsuo Basho D. Aesop
31. Siya ang sumulat ng, “Sa Murasaki
Ang bukid ng palasyo
Pag pumunta ka
Wag ka sanang makita
Na kumakaway sa ‘kin”
A. Hime B. Princess Nukata C. Aristotle D. Aesop
32. Isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at
mga bagay-bagay na kinapupulutan ng aral.
A. Sanaysay B. Pasalaysay C. Tula D. Mito
33. Siya ang sumulat ng, “Mundong ‘sang kulay
Nag-iisa sa lamig
Hun ng hangin”
A. Princess Nukata B. Sophocles C. Matsuo Basho D. Hime
34. Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon.
A. Mga Pangungusap na Padamdam B. Balagtasan C. Debate D. Dula
35. Ito ay mga salitang may iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahalaga ng matinding damdamin.
A. Padamdam B. Maikling sambitla C. Emosyon D. Balagtasan
36. Ang mga galaw ng pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga pangyayaring alanganin, at may
himig na nakatatawa ang akda.
A. Kuwentong himig B. Kuwentong katatawanan C. Katatakutan D. Kababalaghan
37. Ito ay dapat maikli, hindi katawatawa, at lumilikha ng pananabik.
A. Mabuting pamagat B. Panimula C. Wakas D. Pasukdol
38. Ito ay dulang pantanghalan na nagmula sa Kyogen.
A. Ako si Jia Li, Isang ABC C. Ang Tagahuli ng Ibon sa Impyerno
B. Ang Puting Tigre D. Tibag
39. Magpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema.
A. Kasukdulan B. Tunggalian C. Wakas D. Saglit na kasiglahan
40. Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na tauhan.
A. Kuwento ng katutubong kulay B. Kuwento ng pag-ibig C. Katatawanan D. Kababalaghan
41. Siya ang sumulat ng, “Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayong taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na”
A. Aristotle B. Princess Nukata C. Empress Iwa no Hime D. Matsuo Basho
42. Ang layunin nito ay ikuwento ang mga kawil na pangyayari na maaaring pasalita o pasulat.
A. Pagsasalaysay B. Sanaysay C. Tula D. Dula
43. Ito ay mga kuwentong mahirap paniwalaan sapagkat salungat ito sa komiks ukol sa mga nuno sa punso,
multo, at aswang.
A. Katatawanan B. Kababalaghan C. Bulong D. Kuwentong-bayan
44. Ang naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayari ay gumagamit ng panghalip panaong ako.
A. Mala-Diyos na pananaw C. Unang panauhang pananaw
B. Ikatlong panauhang pananaw D. Pagsasalaysay
45. Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng kalikasan,
paniniwala, at pag-uugali.
A. Kuwento ng katutubong kulay C. Paglalarawan
B. Maikling kuwento D. Panghihikayat
46. Dito unti-unting bababa ang takbo ng istorya.
A. Wakas B. Kakalasan C. Kabanata D. Nobela
47. Maaari itong magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari.
A. Eksena B. Tagpo C. Yugto D. Kabanata
48. Ang _______ ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa eksena.
A. Aksyon B. Kabanata C. Tagpo D. Yugto
49. Pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o
tagumpay.
A. Wakas B. Kakalasan C. Kabanata D. Kasukdulan
50. Ito ay nagkikintal ng isang impresyon sa isip ng babasa upang magkaroon ito ng bisa.
A. Tagpuan B. Yugto C. Wakas D. Paniwala

You might also like