You are on page 1of 4

District V

Unified Examination
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Filipino - 10

Pangalan:____________________ Baitang/ Seksyon: _______________ Iskor: ________________

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

A. Ayon sa sa pagkakagamit ng salitang nakasulat ng madiin sa pangungusap, tukuyin ang


pinakaangkop na kahulugan.

1. Tinawag na ahas sa gobyerno ang mga kumakalaban sa pamamalakad ng pangulo. Ano ang kahulugan ng
ahas ayon sa pagkagamit nito sa pangungusap?
a. masama b. makamandag na hayop c. kakampi d. sinungaling
2. Bulag ang puso ni Ryan sa mga kabutihang ginagawa ni Alma araw-araw. Ano ang kahulugan ng puso ayon
sa pagkagamit nito sa pangungusap?
a. tumutibok b. laman loob c. pag-ibig d. gripo
3. Labis na napinsala ng bagyo ang mga pananim na palay ng mga magsasaka. Ano ang kahulugan ng bagyo
ayon sa pagkagamit nito sa pangungusap?
a. problema b. masamang panahon c. lugar d. kaguluhan
4. Si Dante ay namangha sa nakitang ganda ng tanawin. Ano ang kahulugan ng namangha ayon sa pagkagamit
nito sa pangungusap?
a. napangiti b. napa-iyak c. nagulat d. nagalit

B. Mga uri ng teksto

5. Maitim ang kalangitan at animo’y nagbabadya ang malakas na ulan. Maya-maya pa’y umihip na ang hangin.
Anong uri ng diskurso ang ginamit sa teksto?
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. paglalarawan d. pangangatwiran
6. Ibinubulsa daw ng mga lider ng bayan ang perang nalilikom mula sa buwis ng taong-bayan. Maaring ito ay
totoo dahil wala namang nagagawang proyekto ang mga nanunungkulan at mabagal ang pag-unlad ng bayan.
Anong uri ng diskurso ang ginamit sa teksto?
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. paglalarawan d. pangangatwiran
7. Sa Bayan ng Paniqui nakatira ang mag-anak ni Mang Delfin. Siya ay nakapangasawa ng isang guro at
ngayo’y may tatlo na silang anak. Masipag si Mang Delfin kaya sagana sa ani ang kanyang bukid. Anong uri ng
diskurso ang ginamit sa teksto?
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. paglalarawan d. pangangatwiran

C. Basahing mabuti ang sipi ng tula halaw sa ibang aklat at sagutin ng tama ang mga sumusunod na
tanong.

“Tinig ng Darating”
ni Teo S. Baylen
(Excerpt)

Ito ba ang mundong hinila kung saan


ng Gulong ng iyong hidwang kanluran?
Ito ba ang bunga ng Sining mo’t Agham?
Ito ba ang manang ating kailangan?

Iyan ba ang at iyon ang bundok


na aking naratnag uling na at tuod?
Ito ba ang wakas ng layon ng Diyos
…nang ang unang tao’y abutan ng dulos?

Oh Sangkatauhan ng Dantaong ito!


…na dapat sisihin ng mga inapo;
Ano sa darating ang isasagot mo …
Sa sumbat ng lahing susunod sa iyo?
Mga Tanong:

8. Ano ang paksa ng tula?


a. labanan ng mga bansa b. alitan ng pamilya c. gutom ng bansa d. kalagayan ng paligid
9. Sino ang nagsasalita o persona ng tula?
a. kapaligiran b. susunod na henerasyon c. kasalukyang tao d. mga kabatan
10. Bakit nagtatanong ang persona sa tula?
a. Dahil masaga ang nilikha ng Diyos. c. Dahil maunlad ang Sining at Agham.
b. Dahil sira na ang mga bahay. d. Dahil wala ang ganda ng nilikha ng Diyos.
11. Paano inilarawan ang darating na panahon?
a. maunlad ang kapaligiran c. magulo ang mga tao
b. maayos ang bawat pamilya d. nasalanta ang dating paraiso
12. Bakit nanunumbat ang persona sa huling saknong ng tula?
a. nagtataka bakit nasira ang paraiso c. nagugulat sa mga bagong teknolohiya
b. masaya sapagkat maayos ang daratnan d. nagagalit dahil walang nakuhang sagot
13. Ano ang paksa sa unang saknong ng tula?
a. ang mundong mamanahin c. ang hidwaan ng mga bansa
b. ang Sining at Agham d. ang galit ng susunod na henerasyon
14. Paano inilarawan ang bundok sa ikalawang saknong?
a. malago ang mga halaman c. maulad ang mga siyudad
b. sagana ang bukirin d. kalbo ang kabundukan
15. Kung ikaw ay isa sa mga sinusumbatan ng persona, paano mo sasagutin ang kanyang mga tanong?
a. Sasabihin kung hindi ako ang may kagagwan. c. Aawayin ko din siya.
b. Ipapaliwanag ko ang ginagawa ng aking kapit-bahay. d. Hihingi ako ng tawad.

16. May pag-asa pa bang mabago ang damdamin ng persona. Ano ang gagawin mo ngayon?
a. Ipagpapatuloy ang kampanya laban sa pang-aabuso sa kapaligiran.
b. Gagawa pa ng mas mainam na komersyal para sa pangangalaga ng kalikasan.
c. Patuloy na iwasan ang gawaing nakakasira sa kalikasan.
d. Lahat ng kaisipang nabanggit.

D. Panuto: Tukuyin ang nais ipabatid ng mga sitwasyon.

17. Binabasa ni Linda ang isang papel na naglalaman ng kanyang mga linya sa gagawing pelikula. Ano ang
tawag sa binabasa nito?
a. liham b. dyaryo c. iskrip d. linya
18. Isinasalaysay ng direktor ang dapat maging kilos ng mga tauhan o artista. Saan nakasulat ang kanyang
ginagawa?
a. liham b. dyaryo c. iskrip d. linya
19. Ipinapatingin sa iyo kung maayos na ang souneffects, anggulo ng kamera, disenyo ng lugar, at mga tauhan.
Anong elementoang tinutukoyng pahayag?
a. Elementong teknikal b. Elementong sosyal c. iskrip d. detalye ng pelikula
20. Pinapapalitan ng direktor ang kulay ng ilaw sa loob ng kwarto at anggulo ng kamera. Anong elemento ang
tinutukoy ng director?
a. Sound Effects b. Disenyong Pamproduksyon c. Sinematograpiya d. Iskrip
21. Paulit-ulit ang Eksena upang makuha ang tamang kilos at pagsasalita. Anong element ang may mali?
a. pag-arte b. Sound effects c. pagdederihe d. disenyo
22. Iniisip mo ang kakalabasan ng pelikula. Saan ka kabilang na element ng pelikula?
a. nagdederihe b. nag-iinarte c. ekstra d. artista
23. kasama ka sa may mga linyang sasabihin sa pelikula. Anong grupo ang kinabibilangan mo?
a. nagdederihe b. nag-iinarte c. ekstra d. artista
24. Parang totoong gubat ang tagpuan ng pelikula. Anong elemento ang nasasakop nito?
a. Sound Effects b. Disenyong Pamproduksyon c. Sinematograpiya d. Iskrip
25. Halos mabingi ang lahat sa lakas ng tinig ng mga artista. Anong element ang nasasakop nito?
a. pag-arte b. Sound effects c. pagdederihe d. disenyo
26. Pinapakinggan ninyo sa kantang kakamitin sa pelikula upang magbigay buhay at diin sa eksena. Anong
elemento ang nasasakop nito?
a. Sound Effects b. Disenyong Pamproduksyon c. Sinematograpiya d. Iskrip

E. Pagtukoy sa detalye
27. Saan nag-ugat ang mga maikling kwento?
a. Gresya b. Mitolohiya c. Asia d. Teolohiya
28. Alin sa mga sumusunod ang halos katumbas ng mitolohiya?
a. Dula b. Maikling Kwento c. Alamat d. Pelikula
29. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mitolohiya?
a. tagpuan b. banghay c. matematika d. kasaysayan
30. Ano ang karaniwang ipinapaliwanag ng mitolohiya?
a. pagsilang ng sanggol b. pagsilang ng kalikasan
b. pagsilang ng sandaigdigan d. pagsilang ng kwento
31. Ano ang kadalasang tauhan ng mitolohiya?
a. artista b. persona c. hayop d. diyos at diyosa
32. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa mitolohiya?
a. kasaysayan b. diyos at diyosa c. kapaligiran d. kahirapan

33. Ano ang unang mitolohiyang Greek?


a. Iliad at Odyssey b. Florante at Laura c. Hansel at Gretel d. Hulyo at Hulya
34. Ano ang tumutukoy sa mga tauhan, lugar, at panahon kung kailang at saan naganap?
a. tagpuan b. pavgtukoy sa detalye c. kasukdulan d. pag-iimbistiga
35. Ano elemento ang tumutukoy sa mabuting-aral ng pelikula na nais ipabatid sa mga manonood o
mambabasa?
a. kaisipan b. kagalingan c. anggulo d. tagpuan
36. Ito ay kuwento tungkol sa Diyos at Diyosa .
a. dagli b. epiko c. alamat d. mitolohiya

37. Katutubong panitikan sa Pilipinas sa nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.


a. mito b. epiko c. alamat d. mitolohiya

38. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.


a. pastoral b. elehiya c. soneto d. dalit

39. Mga kuwentong madalas na hango sa bibliya ay umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
a. dagli b. nobela c. pabula d. parabola

40. Alin sa akdang pampanitikan ang naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
a. dula b. tula c. sanaysay d. maikling kuwento

41. Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang halaga o diin ay kilos o galaw, ang pagsasalita
at pangungusap ng isang tauhan.
a. kuwentong makabanghay c. kuwento ng tauhan
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng kababalaghan

42. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang


nakakahigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos-diyosa.
a. mitolohiya b. epiko c. alamat d. korido

43. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
a. Ibalon b. Iliad at Odyssey c. Gilgamesh d. Beowulf

44. Hayun dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng
relasyong___________________.
a. layunin at resulta b. paraan at layunin c. paraan at resulta d. sanhi at bunga.

45. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. ___________ karapat-dapat lamang siya
na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo
ang pangungusap?
a. tiyak b. tuloy c. dahil sa d. kung gayon
46. Tumutukoy sa mga salitang nagpapakita ng paglalarawan.
A. pangngalan B. pandiwa C. pang-uri D. pang-abay

47. Ang sumusunod ay element0 ng maikling kuwent0 maliban sa isa.Alin hindi kabilang sa hanay ?
A. Tauhan B. Banghay C. pagsasalaysay D. Tagpuan

48. Elemento ng maikling kuwento na kinapapalooban ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


A. salaysay B. balangkas C. banghay D. eskeleton

49. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook o pangyayari
ay tinatawag na tulang __________.
A. Mapang-aliw B. Mapangganyak C. Mapanglarawan D. Mapanglahad

50. Ito ay isang kathang naglalahad ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda hinggil sa isang paksa sa maayos at
epektibong pamamaraan.
A. Tula B. Maikling kuwento C. Sanaysay D. Dula

51. Ginagamit ito sa pag-uugnay ng dalawang salita, parirala at sugnay sa loob ng pangungusap.
A. Pang-abay B. Pang-uri C. Pangatnig D. Pang-ukol

52. Ayon kay Aristotle, ito ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay.
A. Dula C. Sanaysay
B. Tula D. Maikling kuwento

53. Alin sa sumusunod ang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan na
maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.
A. Dula C. Alamat
B. Tula D. Maikling kuwento

54. Ang _____ ay bungang-isip na isinatitik. Ito ay buhay, buhay-buhay, pamumuhay at pakikipamuhay ng mga
tao.
A. Tula B. Dula C. Panitikan D. Sanaysay

55. Anong mahalagangkaisipan ang nais iparating ng dulang Romeo at Juliet ?.


A. Ang pag – ibig na tapat ay walang kamatayan
B.Hahamakin ang lahat masunod lamang ang pag – ibig
C.Kapag mahal mo ang isang tao , ipaglaman mo
D.Lahat ay pantay – pantay sa ngalan ng pag - ibig

56. Ang lihim npagpapakita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng ___________ .


A. marubdob na pag – ibig para sa isat – isa B. pagsuway sa utos ng kanilang angkan
C. pagtataksil ni Juliet kay Paris D. lahat ng nabanggit
57. Nagsasaad ito kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang pangyayari o kilos. Maaaring may pananda
o wala at nagsasaad ng dalas.

A. Pandiwang Panaganong Paturol C. Pang-abay na Pamanahon


B. Pangatnig at Transitional Devices D. Salitang Naglalarawan

58. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita na ang kilos ng pandiwa ay tapos na..
A. Manonood tayo ng sine bukas. C. Naglilinis ako ng bahay at bakuran.
B. Naligo kami sa dagat kasama ang mga pinsan. D.Maglalaro kami ng basketbol mamaya.

59. Anong bahagi ng panalita ang nagsasaad ng kilos o gawa?


A. Pandiwa B. Pangngalan C. Pang-uri D. Pang-abay
60. Ano ang akdang pampanitikan na may sukat, tugma at aliw-iw?
A. Dula B. Tula C. Sanaysay D. Salaysay

Inihanda ni:

Gng. TERESITA A. BALENDRES

You might also like