You are on page 1of 2

Ikatlong Markahan Pagsususlit Filipino Baitang 7

Pangalan: ___________________ Baitang & Seksyon:__________________ Petsa:____________


Iskor:__________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang uri ng tula, may sukat at tugma at kadalasan ang paksa ay panunukso o pagpuna sa gawi o kilos ng
tao?
A. Panudyo B. korido C. piko D. bugtong
2. Akala mo ay tanong ng kalokohan ngunit kung susuriin ay nagpapatalas ng isip sa gustong sumagot.
A. Lohikal B. palaisipan C. Batutian D. panudyo
3. Tugmang naghahamon sa tao na mag-isip at sagutin ayon sa inilalarawan ng mga salita.
A. Duplo B. balagtasan C. Bugtong D. palaisipan
4. Maaaring nasa anyong salawikain o kasabihang nagsisilbing paalala sa mga pasahero.
A. tugmang tradisyunal C. tugmang de gulong
B. tugmang malaya D. tugmang kulong
5. Isang awit na nagsasaad ng iba't-ibang damdamin at kadalasan ay namumuna sa kilos ng tao na
nakaaaliw.
A. awitng makabago C. awiting-bayan
B. awiting kundiman D. Awiting kalsada
6. Ginagamitan ito ng simbolong dalawang magkahiwalay na bar o tuldok upang matukoy ang pantig ng
isang salita na may diin.
A. Tono B. diin C. antala D. ingay
7. Paraan ng pagbigkas na maaaring malambing, pagalit, marahan o kaya y waring aburido kundi man
nasasabik.
B. Tono B. diin C. antala D. ingay
8. Nangangahulugang pagtigil o paghinto ng pagsasalita na maaaring panandalian o pangmatagalan.
C. Tono B. diin C. antala D. ingay
9. Alin ang may tamang notasyong ponemik na tumutukoy sa wastong bigkas mg salita?
A. Pi|li|pino C. Pi|lipi|no
B. Pilipi|no D. P|ilipi|no
10. Alin ang may wastong notasyong ponemik na tumutukoy sa wastong pagbigkas ng pahayag?
A. tawa,ng tawa ibig mag-asawa
B. tawa ng tawa, ibig mag-asawa
C. tawa ng tawa ibig ng, mag-asawa
D. tawa ng, tawa ibig mag-asawa
11. Kumpletuhin ang pahayag na, Banal na aso___________ kabayo, natatawa ako_____________
A. santong, hihihi C. malaking, hohoho
B. pulang, hahaha D. putting, hahaha
12. Alin ang salaysay ng mga tao sa iaang pook na inililipat sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng bibig?
A. maikling kuwento B. pabula C. kuwentong-bayan D. tula
13. Salaysay ng di pangkaraniwang pangyayari tulad ng kamangha-manghang pinagmulan ng isang bagay o
pangalan?
A. Alamat B. pabula C. mito D. maikling kuwento
14. Salaysay tungkol sa mga diyos at diyosa na naganap sa di totoong lugar at panahon.
A. Pabula B. alamat C. Mito D. Maikling kwento
15. Alin ang salita o mga salitang karaniwang makikita sa simula ng isamg tradisyunal na kuwento?
A. mula noon C. noong sumunod na araw
B. noong unang panahon D. hanggang saan
16. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na nagpapahayag ng____________.
A. mga pangyayari sa buhay ng may akda
B. impormasyon tungkol sa bansa
C. para sa kanyang minamahal
D. mga kuro-kuro ng may akda
17. Alin ang katangian ng isang pormal na sanaysay?
A. magaan at nakaaaliw
B. maanyo at pinag-uukulan ng matinding pananaliksik
C. mabigat sa dibdib
D. nasa unang persona
18. Ano ang pangunahing katangian ng isang impormal na sanaysay?
A. maanyo at pinag-aaralang mabuti
B. tumatalakay sa pang-araw-araw na isyu at karanasan
C. obhetibo ang pananaw
D. nakakatuwa
19. Alin ang hindi paraan ng pagsulat ng simula ng sanaysay?
A. Pakronolohikal C. pasaklaw
B. Kasabihan D. pabuod
20. Sa gitna ng sanaysay karaniwang inilalagay ang_________________.
A. konklusyon ng may akda C. Pamamaalam ng akda
B. ang tema ng akda D. ang mga kaisipan at detalye kaugnay sa paksa
21. Ang _____________ ay isang salaysay tungkol sa isang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan na may iisang kakintalan lamang.
A. maikling kuwento B. Mito C. tula D. alamat
22. Ang kakintalan ay tumutukoy sa __________________ na makukuha sa isang kuwento.
A. Kahulugan C.pangyayari
B. Mensahe D. katapusan
23. Bahagi ng banghay na tumutukoy sa kapanapanabik na pangyayari na bahagi ng kuwento.
A. papataas na aksiyon C. kasukdulan
B. Simula D. wakas
24. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
A. Banghay C. simula
B. Kasukdulan D. wakas
25. Karakter na magsisilbing daan upang magkaroon ng buhay ang isang kuwento.
A. Tagpuan C. tauhan
B. Banghay D. petsa
26. Uri ng tauhan na walang pagbabago sa pangyayari sa kuwento.
A. Protagonista C. tauhang bilog
B. tauhang lapad D. tauhan taba
27. Uri ng tauhan na may pagbabago sa mga pangyayari sa kuwento.
A. tauhang lapad C. Antagonista
B. tauhang bilog D. Tauhang taba
28. Elemento ng maikling kuwento na pinangyarihan o lugar sa loob ng kuwento.
A. Simula B. tauhan C. tagpuan D. wakas
29. Uri ng tunggalian na katunggali ng pangunahing tauhan ang kanyang konsenya.
A. tao laban sa Sarili C. tao laban sa lipunan
B. tao laban sa tao D. Tao laban sa kaaway
30. Bahagi ng banghay na kakikitaan na ng maaaring maging suliranin o problema ng pangunahing tauhan.
A. Simula C. papataas na aksiyon
B. pababang aksiyon D. Paakyat na aksyon

You might also like