You are on page 1of 2

DI PORMAL NA SANAYSAY IKAW?

SAAN KA PATUNGO
“Ikaw? Saan ka Patungo?” Ang buhay natin ay parang hagdan na dalawa lamang ang patutunguhan una paitaas
at pangalawa pababa. Sa taas kung saan makikita natin ang liwanag na ating gustong abutin kung saan naroroon ang
kasayahan at kaginhawaan at sa baba naman kung saan naroroon ang kadiliman na sigurado akong lahat ng tao ay ayaw
maranasanang kahirapan at kalungkutan. Sa buhay ng tao ay walang sinuman na nakaranas ng puro kaginhawaan at
kasayahan. Bago mo ito makamit ay kailangan mo muna dumaan sa kahirapan bago mo maabot ang iyong gusto. Ikaw?
Subukan mo kaya umakyat sa hagdan na ito, di ba nakakapagod? Pero pagdating mo naman sa itaas ay mapupuntahan
mo na ang gustong mong puntahan. Subukan mo rin humakbang pababa di ba madali lang? Minsan nga ay
nagrereklamo pa na sana ang hagdan ay laging pababa para hindi ka mapapagod kung ito’y paakyat. Iyon din ba ang
gusto mong mangyari sa buhay mo? ‘Yung palagi ka nalang bababa? Paano uunlad at giginhawa ang buhay mo kung
kapaguran at katamaran ang lagi mong iniisip? Sa tingin mo maaabot mo ang iyong gusto kung hindi mo ito
paghihirapan? Lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi mo basta-basta nakukuha kailangan mo mag-aral, magtrabaho,
magtiis sa iyong boss para ika’y bigyan ng sahod at mabibili mo na ang iyong gusto. Ganyan ang buhay ng tao,
mahirap man sa una pero masasanay ka rin. Kung habang estudyante ka pa eh tinatamad ka na, eh aba! Hindi naman sa
lahat ng panahon ay kasama mo ang iyong mga magulang. Matuto kang magsumikap at pilitin mong ‘wag umasa sa
iyong mga magulang. Baka mapariwara pa ang buhay mo kapag sila’y biglang nawala sa iyong tabi. Kung gusto mo rin
naman sirain ang iyong buhay at sa tingin mong wala na itong silbi kaya’t ikaw ay pababa nang pababa ang iyong
hakbang. Iniisip mo ba kung anong buhay ang naghihintay sa iyo sa ibaba? Kung saan naroon ang kadiliman at pighati?
Hindi mo ba naisip na hindi pinahiram ng Diyos sa iyo ang iyong buhay para lamang sirain mo ito? Kung nanalig ka
lang sa kanya at pinagkatiwalaan mo siya ay hindi ka magkakaganyan. Hindi naman masyadong mahirap ang
humakbang paitaas kailangan mo lang ng konting pasensya at labanan ang mga nakakapagpahina ng loob mo, dahil
kapag nakamit mo na ang gusto mo ay wala ka nang mahihiling pa at tiyak na walang tigil ang pasasalamat mo sa
Panginoon na hindi ka niya pinabayaan habang tinatahak mo ang iyong landas pataas. Kung ako ang tatanungin,
syempre gusto ko pataas ang aking patutunguhan dahil gusto kong makamit ang aking ambisyon at gusto sa buhay.
Hindi na bale kung mahirapan man ako basta’t ikakasaya ko at ng pamilya ko. Ikaw? Saan ka patungo?
https://brainly.ph/question/188479

PORMAL NA SANAYSAY
Sanaysay Tungkol sa Wika
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao
sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa
ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong
ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na
katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng
tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang
sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala,
pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng
siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa
pamamagitan ng wika.
Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng
katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intensiyon, ang kaibuturan ng pasasalamat
at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at
komunikasyon.

You might also like