You are on page 1of 10

ESP PORTFOLIO

Ipinasa ni Aamirah Pagtalunan


Ipinasa kay Ms. Feliciano

MODYUL 1
Pamilya ang likas na institusyon ng lipunan. Ngunit bakit nga ba?
Ang pamilyay binuo ng pagmamahalan ng lalakit babaeng nagpasiyang magpakasal. Ito
ang magiging simula ng pag-buo nila ng sarili nilang pamilya. Isa pa, kung walang ang
dalawang itoy wala ring pamilyat lipunan. Ika nga nila, sadyang importante ang pamilya sa
lipunan. Dahil sa mga pamilyang ito ay may nabubuong ugnayan sa bawat isa, na siyang
dahilan sa pagusbong ng lipunan.
Maihahantulad ko ang pamilya ko sa
isang laruang Puzzle. Isipin mo na lang
na bawat piraso ay ang tao. Malayo ito
sa isat isa, walang ugnayan at palitan
ng kibo. Pero kung ipagdidikit ang
dalawang puzzle piece, otomatikong
makakabuo ng samahan ang dalawang
iyon. Hanggang sa lumawak at dumami
ang mga puzzle pieces na magkakadikit.
Hindi bat magandang tignan? May
nabu-buo kang litrato sa puzzle na iyon,
at iyong rin ang naging dahilan mo para makumpleto ang puzzle.
Nais ng taong makitang maayos ang lipunan, kapaligiran at kapwa; ngunit nagsisimula ito
sa pamilya. Ngayon naman ay maaari nating isipin na ang bawat piraso ay isang pamilya.
May naturang hugis ang bawat pirasong ito, at kung mailalapat mo ito sa tamang kapares,
ay maganda ang kahihinatnan. Pero meron ring hindi sumasakto sa kakulangan ng
kapares. Ang hugis na ito ang nagiging kaayusan ng pamilya, kung hindi maayos ang
pamilya sa sarili, dapat lang ay ito muna ang pagtuunan ng pansin, sa halip nang
pakikipagkapwa. Kung sakaling naayos na, dun mo mapapansin na unti-unting
magkakaugnay ang mga hugis ng puzzle piece na iyon.

UNANG TULA
Nagkakatuwaan, tila walang duda
yan ang pamilyang ramdam ang labis na saya
Nabubuhay sa mundong kinagisnan
Ano nga ba ang pwesto ko sa lipunan?
Galing sa isang pamilyang minsay magulo
Ngunit naayos rin nang dumating sa dulo
Naging dahilan ng pagkakakilanlan
Ng kasiyahan ng tao sa kalooban
yan ang pamilya, pagkakaisa ng lahat
Upang pagkataoy karapat-dapat na mahanap
Ito ang pundasyon sa progreso ng tao
Kung kayat bukas palad ang lahat sa kapwa Pilipino
Pamilya ko sayo, ano nga bat binatbat?
Huwang nang magkumpara, di ito ang dapat
Sa halip, ipagkaisa ang bawat pagpatay na ako
Nang kabutihan ay ikataba ng puso

MODYUL 2
Sa ikalawang modyul, tinalakay doon ang tungkol sa mga misyon ng magulang sa kanilang
pamilya, lalo na sa mga anak nila. Ang mga misyon na ito ay ang pagbigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasiya, at ang pananampalataya.
Ang simbolo ko para rito ay isang ruler. Pansin nating lahat na ang ruler ay may mga bilang
ng cm at inches. Masasabi kong ang bilang na ito sa ruler na ito ang siyang edukasyong
nabibigay ng magulang sa kanyang pamilya. Hindi maaaraming mawala ang mga
numerong ito, dahil importante ito sa ruler. Ang mga bilang na ito ang nagpapakita kung ano
na ang alam natin sa isang bagay. Ikalawa naman ay ang paggabay sa pagpapasiya na
makikita mo rin sa isang ruler, ito ang istraktura nito. Diretso ito hindi ba? Parang buhay
lamang nating mga tao. Maaari tayong tumahak ng ibang daan maliban sa diretso, pero
maspinipili natin ang mapalapit. Ang ikatlo naman ay ang haba ng mismong ruler, at ang
katatagan nito. Tayoy namay namamampalataya, at tulad ng isang ruler, matatag ito para
sa MayKapal.

IKALAWANG TULA
Ang pagsilang ng isang bata dito sa mundo
Ay dapat may pananagutan, di bibigay sa ibang tao
Marahil sa tatlong misyon na iyon ay nakikilala ko ang sarili
Kung saan ako lang dapat ang humalili
Bilang magulang, dapat ay pag-aralin ang anak
Turuan ito ng mga bagay-bagay nang may galak
Ang ukol sa paggalang at tunay na kabutihan
Na sa nanay panggagalingan
Isa pang misyon ang paggabay sa pasya
Gisingin sa kanyang pantasya
Bigyan ng kalayaan at tiwala
Sa gagawing pasya hanggang pagtanda
Ang huling at pinakamahalagang misyon
Ay manampalataya sa Diyos naroon
Magpasalamat, isagawa nang may kagalakan
Sapagkat ikaw rin ay bunga ng pagmamahalan

MODYUL 3

Komunikasyon. Araw-araw akong nakikipagtalastasan sa kapwa ko rin. Pero sa


komunikasyon ngayon ay mahirap na sapagkat may halo na rin ang mga salitang
binibitawan ng ating mga bibig.
Maihahantulad ko sa isang wifi connnection ang komunikasyon. Paminsan-minsan ay
mahina, pero lumalakas rin naman kadalasan. Parang sa bahay namin, gano kalakas ang
wifi, ganun rin ang sigawan naming sa isat isa. Bakit? Dahil lumalayo ang loob naming sa
isat isa.

IKATATLONG TULA

Komunikasyon, oh ano nga ba talaga?


Akoy gulong gulo kagabi pa
Ang pagsasalitat pagwika?
Ang pagsenyas sayo nang Mauna ka na
Diyalogo, monologo, may klase pa pala ito
At ano naman ang I it at I thou?
Bastat komunikasyon ang damdamin
Na ninais mong ipahayag samin,
Sa bahay naming, magulo, maingay
Walang disiplina ang tao,uwalang saysay
Ngunit dumating siyang Komunikasyon
At nagkaroon na kami ng pananalitang pasyon.

MODYUL 4
Ang modyul na ito ay naka-pokus sa mga kabutihang katangian ng mga Pilipino tulad ng
bayanihan at mainit na pagtaggap sa mga Bisita na nasa loob ng kanilang tahanan. Isa pa

ang pakikipagtulungan nating mga Pilipino sa mga nangangailangan nito. Kung kayat
nahati ito sa dalawa. Ang papel na panlipunan at papel na pampolitikal. Ang papel na
panlipunan ang siyang sumasaklaw sa mga aksyong ginagawa natin para sa mga
nangangailangan. Tulad na lang ng pagpapatira sa mga nasunugan ng bahay.
Ang papel na pampolitikal naman ang siyang sumasaklaw sa kung anumang konektado sa
pampolitikong mga gawain. Isang halimbawa nito ang pagsusumbong sa Mayor ukol sa
nangyayaring holdapan sa ngayon.
Ang aking simbolo sa modyul na ito ay isang lubid. Bakit? Para sa akin, ang tali ang
nagpapakita ng lubos na pagtulong sa kapwa dahil pinapakita nito na hindi mo bibitawan
ang tali hanggang sa siyay nakalaylay parin sa dulo nito.

IKA-APAT NA TULA

Tulong, tulong! Tulungan niyo ako!


Nakakatuwa na may matulungin pa sa Pilipino
Na may nagpapakita pa ng tunay na katangian ng tao
Na may bumubugsong damdaming makabayan sa puso nila
Na may makakasagip pa sa nanghihingi ng tulong nila
Ang tao, natural na mabait at mabuti iyan
Karamihan ay nakatago lamang sa looban
Pero pagnakatikim ng nasyonalismo,
Hayaan mong maramdaman ang kabig nito sayo
Kung sariliy matagpuan sa di magandang sitwasyon
Tulungan rin ang sarili upang makabangon
Sa gayon, ikaw rin ay mabibigyang pansin
Ng mga taong binigyang tulong mo na rin

MODYUL 1-4
Sa totoo lang, wala akong ideya sa kung ano ang isusulat ko dito. Ang mga natutunan ko?
Marami akong natutunan, ngunit sa tingin ko ay mauulit lang rin naman ang ginawa ko sa
mga pahina bago ito. Pero kung iintindihin mo ang mga inilagay ko doon, iyon ang
natutunan ko sa libro. Hindi ko naman sinasabi na kinopya ko lang yung nasa libro; binasa

koi yon at ang nakalagay na rito ang natutunan ko mula sa pagkabasa ko. Pero hindi bat
iba parin ang mga natutunan ko sa life experiences? Yung tipong natutunan ko mula kay
Bb. Rubi mismo. Ang mga salitang nanggagaling sa puso niya at hindi sa libro. Sa tingin ko,
yun ang dapat na ilagay ko dito sa pahinang ito.
Isa na rito ang sinasabi ni Ms. tungkol sa pagpapahalaga at pagmamahal. Madalas niya
kaming sinesermunan dahil sa mga gawa naming, kesyo walang pagmamahal at
pagpapahalaga. Kumontra man ako, alam kong tama parin si miss. Ang pagmamahal ay
pinapakita sa mga ginagawa mo, ganun rin sa pagpapahalaga. Ngunit, pareho ay dapat
walang inaasahang kapalit. Katulad naming mga estudyante, ginagandahan naming ang
mga gawa naming para makakuha ng mataas na grado; yun ang madalas na kamalian
namin. Kung gusto mo ang isang bagay, gagawin mo ito nang walang hinahangad na iba
pa. Kung isa kang gurong may malasakit sa mga estudyante niya kahit siyay minamaltrato,
iyon ang pagmamahal at pagpapahalaga.
Ang isa pa ay tungkol sa pagkakaroon ng konsensya. Sabihin na natin na ang konsensya
ay yung nararamdaman mo sa tuwing may mali kang nagawa. Madalas rin sa amin sinasabi
yan. Di ko masyado itong maintindihan pero ito ang nasa isip ko: sa tuwing nagawa kami ng
kasalanan, kami yung tipong hindi agad gagawa ng paraan para maayos iyon. Kami yung
tipong magaantayan pa. Kami yung tipong naguguluhan pa. Pero hindi ibig-sabihin nun ay
hindi kami nagsisisi. Siguro nga matagal na panahon na iyon, pero nais ko parin humingi ng
paumanhin sa pamamagitan ng pagsulat dito. Di ko po masasabing mag forgive and
forget kayo, pero kahit yung pagpapatawad lang ng husto, okay na po ako doon. Yun
lamang ang aking naging repleksyon, paalam!

You might also like