You are on page 1of 67

RBB TASK/CHALLENGE: (Week 5)

Gumawa ng isang gawain na nagpapakita ng pagmamahal


mo sa iyong bayan. Gawin ito sa loob ng isang linggo.
Kuhanan ito ng larawan at ibahagi ito sa Anselmo A.
Sandoval Memorial NHS – Retrospect Batang
Batangueño at huwag kalimutang gamitan ito ng alinman
sa mga sumusunod na hashtag.
#RBB
# RBB Challenge
# Retrospect Batang Batangueño
SINO
PANUTO: KILALANIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TAUHAN MULA
AKO?
SA IBA’T IBANG LARANGAN. PILIIN ANG IYONG SAGOT MULA SA
MGA LUPON NG MGA PANGALAN SA LOOB NG KAHON.
1. AKO SI “TANDANG SORA”.
2. AKO ANG TAO SA LIKOD NG “SPOLARIUM”.
3. AKO ANG HENERAL SA PASONG TIRAD.
4. AKO ANG BINANSAGANG “DAKILANG LUMPO”.
5. AKO ANG TINAGURIANG “UTAK NG
HIMAGSIKAN”.
6. AKO ANG TINAWAG NA “THE MAGICIAN”.
7. NAKILALA AKO SA “MISS SAIGON” AT “LES
MISERABLES”.
8. BINANSAGAN AKONG “THE PHILIPPINES’ FASTEST
WOMAN”.
9. TINAWAG AKONG “THE FLASH” SA LARANGAN NG
BOXING.
10. IPINADADAMA KO ANG AKING PAGMAMAHAL SA
BAYAN SA AKING MGA RAP.
11. KAMI ANG MAG-ASAWANG LUMABAN SA
MGA MANANAKOP.
12. AKO ANG MAHARLIKANG HINDI
NAGPASAKOP SA MGA MANLULUPIG.
13. KAMI ANG 3 PARING HINDI NATAKOT
MAMATAY PARA SA BAYAN.
14. ANG LA SOLIDARIDAD ANG AKING NAGING
SANDATA SA PAGTATANGGOL SA BANSA.
15. ANG AKING ALYAS AY “MAGDIWANG”
Panuto: Basahin ang awiting
pinasikat ni Noel Cabangon na
may pamagat na “Ako’y Isang
Mabuting Pilipino”. Sagutin ang
mga tanong sa ibaba.
Ano ba ang pagmamahal sa bayan?

Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala


sa papel na dapat gampanan ng bawat
mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din
itong patriyotismo, mula sa salitang pater na
ang ibig sabihin ay ama na karaniwang
iniuugnay sa salitang pinagmulan o
pinanggalingan.
Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa
bayang sinilangan (native land).

Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng marubdob


na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong
pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang panlahat,
pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi
moral (Institute for Development Education Center for
Research and Communication).
Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang
pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao
at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at
mga kaugalian o tradisyon.

Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalang-alang nito


ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang
pagkakaiba sa wika, kultura, at relihiyon na kung
saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang
kabutihang panlahat.
PANGKATANG GAWAIN
PANUTO: BUMUO NG APAT NA PANGKAT AT TALAKAYIN
ANG MGA NAKATALAGANG PAKSA SA INYONG PANGKAT.
PANGKAT I- ANG KAHALAGAHAN NG PAGMAMAHAL SA
BAYAN. (PP.195-197)
PANGKAT II- MGA PAGPAPAHALAGA NA INDIKASYON NG
PAGMAMAHAL SA BAYAN. (PP.198-201)
PANGKAT III- MGA ANGKOP NA KILOS NA
NAGPAPAHALAGA NG PAGMAMAHAL SA BAYAN (PP. 201-
203)
PANGKAT IV- MGA PAGLABAG SA PAGSASABUHAY NG
PAGMAMAHAL SA BAYAN (PP. 203-204)
RBB TASK/CHALLENGE: (Week 6)
Magbigay ng isang kaganapan na kung saan ipinagmalaki
mo ang iyong pagiging isang Pilipino at ang bansa at
ibahagi ito sa Anselmo A. Sandoval Memorial NHS –
Retrospect Batang Batangueño at huwag kalimutang
gamitan ito ng alinman sa mga sumusunod na hashtag.
#RBB
# RBB Challenge
# Retrospect Batang Batangueño
WARM UP ACTIVITY
PANUTO; Buuin ang jumbled
letters upang muli nating mabalikan
ang ilan sa mahahalagang salita na
natalakay tungkol sa pagmamahal
sa bayan
1: Pagmamahal sa bayang sinilangan (native land).

AOSPIRTTYMOI
PATRIYOTISMO
2.Ito ay ang damdaming puno ng matinding
pagmamalasakit, pag-aalala at paggiliw.

ALMMAAGHAP

PAGMAMAHAL
3.Kilala rin bilang pagkakaisa at pagsasama-sama.

UDBBGUAPKLO-DKBLUO
PAGBUBUKLOD - BUKLOD
4. Isang hanay ng mga katangian ng isang tao o isang pangkat
na itinuturing na basehan sa pagkakakilala sa kanila.

ANANLLANGPKAIK
PAGKAKAKILANLAN
5.Ito ay nakikita bilang isang moral na kapangyarihan
na taglay ng isang tao sa buong buhay niya

AKRTAPNAA
KARAPATAN
KAHALAGAHAN
NG
PAGMAMAHAL
SA BAYAN
PAGMAMAHAL SA
BAYAN
Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang
sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng
responsibilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral na
nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay
nangangahulugan na tayo bilang tao ay umiiral sa
mundo kasama ang ating kapuwa.
PARA MAUNAWAAN NATIN
KUNG GAANO KAHALAGA
ANG PAGMAMAHAL:
UNA PANGALAWA

ano ang mangyayari sa isang pamilya ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro
kung hindi kinakikitaan ng pagmamahal kung hindi nila ipinamalas ang pagmamahal
ang bawat miyembro nito? Maaaring ang sa kapuwa manlalaro nila sa kanilang
mag-asawa ay magkahiwalay, ang mga koponan? Maipapanalo ba nila ang grupo? Di
ba lagi mong naririnig ang salitang puso sa
anak magkaniya-kaniya at sa pagtanda ng
tuwing kinakapanayam ang manlalaro na
mga magulang, walang kakalinga sa
nagbigay nang malaking puntos upang
kanila. Magulo at nakalulungkot, di ba?
“ANG PAGMAMAHAL
SA BAYAN AY
NAGIGING DAAN
UPANG MAKAMIT
ANG LAYUNIN”
Kung magbabalik-aral ka at itatanong sa iyo
ng iyong guro kung saan unang naituro ang
pagmamahal, marahil maaalala mo ang iyong
pagkatututo sa modyul na tungkol sa pamilya.
Dito mo natutuhan na ang pamilya ang unang
paaralan ng pagmamahal; pinapalawak ito sa
paaralan at pinauunlad ng pakikisalamuha sa
kapuwa sa lipunang kinagagalawan.
Kung ang pagmamahal ay nadarama sa
bawat miyembro ng pamilya, walang
pamilyang magkakawatak-watak.
Magiging masaya at makakaya nila ang
bawat hamon ng buhay.
Para sa isang koponan na nagpamalas ng
pagmamahal sa grupo at miyembro nito, hindi
lang pagkapanalo sa mga laro kundi
magkakaroon ng sense of pride at mataas na
tingin sa sarili. Ang pagmamahal na ito ang
siyang magiging daan upang makamit ang mga
layunin na gustong maisakatuparan.
“PINAGBUBUKLOD
NG
PAGMAMAHAL
SA BAYAN
ANG MGA TAO SA
LIPUNAN”
Ang mga socio-economic problem na ito
ay maiiwasan kung hindi man mapigilan
kung may pagmamahal sa bayan. Ang
pagmamahal na ito ang magbubuklod sa
mga tao sa lipunan.
Paano ka magiging
kabahagi sa paglutas sa
mga prolemang ito?
“NAIINGATAN AT
NAPAHAHALAGAHAN NG
PAGMAMAHAL SA
BAYAN ANG KARAPATAN
AT DIGNIDAD NG TAO”
“NAPAHAHALAGAHAN
NG PAGMAMAHAL SA
BAYAN ANG KULTURA,
PANINIWALA AT
PAGKAKAKILANLAN”
DITO LANG BA
MAGTATAPOS ANG
LAHAT? SABI NGA,
KAPAG MAHAL MO ANG
ISANG TAO, ALAM MO
KUNG ANO ANG
MAGPAPASAYA AT ANG
MAHALAGA SA KANIYA.
ANONG KILOS ANG
IYONG GAGAWIN UPANG
ITO AY MATIGIL AT
MAPRESERBA ANG
KULTURANG TANDA NG
IYONG PAGKA-PILIPINO?
Mga pagpapahalaga na
indikasyon ng
pagmamahal sa bayan

“Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa


kaniyang karapatan na magiging bahagi sa aktibong
pakikilahok sa lipunan upang makapag ambag sa
kabutihang panlahat.”

San juan pablo XXIII


Ang lipunan ay binubuo ng mga indibidwal na may
iisang tunguhin o mithiin. Ito ay mapabuti ang lahat
ng kabahagi ng lipunan, ang kabutihang panlahat. Ito
ay posible kung ang mga elementong bumubuo rito
ay naisasakatuparan
Mayroong pitong dimensiyon ang tao:

*Ispiritwal *Pampolitikal
*Panlipunan *Pang ekonomiya
*Pangkaisipan *Pangkatawan
*Moral
Ang Pilipinas bilang lipunan ay naghihikayat sa mga mamamayan na
isabuhay ang mga birtud na makakatulong upang gumawa ng makataong
pagpapasya at kilos, sa makabuluhan at mabuting pakikipag ugnayan sa
Diyos, kapwa, at sa kapaligiran

Santo Tomas de Aquino


Ang mga sumusunod ay ang mga pagpapahalagang dapat
linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay ang
pagmamahal sa bayan.Nakapaloob ang mga ito sa panimula
(Preamble) ng 1987 konstitusyon ng pilipinas

1.Pagpapahalaga sa Buhay. Ang paggalang sa buhay


ay isang moral na obligasyon sa Diyos ng bawat isa dahil
ang buhay ay mula sa kaniya kaya’t walang sinuman ang
maaaring bumawi o kumuha nito kundi siya.

2, Katotohanan. Hindi kailanman matatawaran ang integridad at


hindi mapagkunwari, tumatanggi sa anumang bagay na di ayon
sa katotohanan, kasama rito ang walang kapaguran at
matiyagang paghahanap ng lahat ng uri ng kaalaman.

3.Pagmamahal at Pagmamalasakit sa Kapuwa. Ang


pagpapakita ng malasakit sa kapuwa ay sa pamamagitan ng
pagtulong na walang hinihintay na kapalit.
4. Pananampalataya. Ang pagtitiwala at pagmamahal sa
Diyos, na ang lahat ay makakaya at posible.

5. Paggalang. Ang paggalang bilang elemento na bumubuo


sa kabutihang panlahat.
6.Katarungan. Sinisigurado na ang paggalang sa karapatan
ng bawat isa ay naisasabuhay, naibibigay sa isang tao kung
ano ang para sa kaniya at para sa iba, hindi nagmamalabis
o nandaraya sa kapwa.
7. Kapayapaan. Ang resulta ng pagkakaroon ng
katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.

8.Kaayusan.Ang pagiging organisado ng ideya, salita, kilos


na may layuning mapabuti ang ugnayan sa kapwa.
9. Pagkalinga sa pamilya at salinahi. Ang pangingibabaw ng
papel ng pamilya bilang pangunahing institusyon ng lipunan na
siyang tutugon sa pag unlad na inaasam sa ikakabuti ng lahat.
10. Kasipagan. Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang
uri n gawain ng buong husay at may pagmamahal. Ginagamit ang
talento at kahusayan sa pamamaraang nakakatulong sa kapwa ng
buong kagalakan.
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang
pagsasabuhay ng responsibilidad bilang tagapangalaga ng
kalikasan at mga bagay na nilikha ng Diyos laban sa anumang uri
ng pang aabuso o pagkawasak
12. Pagkakaisa. Ang pagtutulungan ng bawat indibidwal na
mapagisa ang naisin at saloobin para sa iisang layunin.
13. Kabayanihan. Sinasagot nito ang tanong na; Ano ang
magagawa ko para sa bayan at sa kapuwa ko?
14. Kalayaan. Ang pagiging malaya na gumawa ng mabuti, mga
katanggap tanggap na kilos na ayon sa batas na ipinatutupad bilang
pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may dignidad

15.Pagsunod sa batas. Ang pagkilala, paghihikayat, at


pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinatang batas na
mangangalaga sa karapatan ng bawat mamamayan.

16. Pagsulong ng kabutihang panlahat. Ang sama samang


pagkilos upang mahikayat ang lahat na lumahok sa mga
pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti hindi lamang
ng sarili, pamilya kundi ng lahat
Narito ang talahanayan ng mga pagpapahalagang ito batay sa
pitong dimensiyon ng tao na nakalahad sa Batayang
Konseptuwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao
Panimula
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang mga
problemang kinakaharap ng ating bansa.Bukod sa mga tungkulin na dapat
isabuhay bilang isang Pilipino, at mamamayan ng ating bansa na nakasaad sa
Konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaaring isabuhay upang
makatulong sa bansa ayon kay Alex Lacson.

Ngunit, anu-ano nga ba ang magagawa mo upang


makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa?
Magaral ng mabuti.

Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga.

MGA Pumila ng maayos.


SIM PLENG Awitin ang Pambansang awit ng may paggalang
BAGAY at dignidad.

n a p w e d e Maging totoo at tapat. Huwag mangopya at magpakopya.


mo n g
gawin: Magtipid ng tubig,magtanim ng puno at huwag magtapon ng basura
kahit saan.

Iwasan ang anumang gawain na hindi nakakatulong.

Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled.

Kung pwede ng bumoto, isagawa ito ng tama.

Alagaan at igalang ang nakatatanda.

Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan.


#1 MAGARAL NG MABUTI
Ang taong may pinagaralan ay hindi kailanman gagawa ng
anumang paglabag sa anumang batas na ipinatutupad ng bansa.

Siya ay tutulong pa upang makahanap ng solusyon sa mga


problemang kinakaharap at kakaharapin pa ng bansa.
Tutulong sila sa mga nangangailangan at makikiisa sa
pagpapaunlad ng bansa gamit ang kanyang napagaralan.

Tayo ay magaral ng mabuti upang buhay natin at ng taong


nakapaligid sa atin, ay bumuti.

BUMALIK
#2 HUWAG MAGPAHULI,
ANG ORAS AY
FilipinoMAHALAGA.
time - Ito ay ang pagiging huli o "late" sa
mga pagtitipon o programa.
Huwag natin itong ugaliin sapagkat ito ay hindi
nakakatulong sa ikauunlad ng anumang grupo o
organisasyon maging ng mga sarili natin.
RA 10535 or Philippine Standard Time - batas para
magkaroon ang bawat Pilipino ng oras na susundan
Ngunit, may batas man o wala, isulong natin ang
kultura ng pagging maagap o "Culture of Punctuality.
Mapapakita din natin ito sa simpleng pagpasok ng
BUMALIK
maaga sa ating paaralan.
#3 PUMILA NG MAAYOS.
DISIPLINA LANG PAKIUSAP

Kung may disiplina ang bawat isa, may maguunahan ba sa


pila? May gitgitan bang magaganap sa kalsada? Wala.

Minsan ang simpleng alitan at away ay mula lang sa


singitan pilahan.

Bilang estudyante, mapapakita natin ang pagiging


disiplinado sa maayos na pagpila sa Kantina, hindi
siksikan at walang tulakan.
BUMALIK
#4 AWITIN ANG PAMBANSANG AWIT NG MAY
PAGGALANG AT DIGNIDAD
Simpleng bagay na maaari nating gawin at ang
paggalang sa ating pagkakakilanlan, ang
pagawit ng Pambansang Awit ng buong puso
at may paggalang.

BUMALIK
#5 MAGING TOTOO AT TAPAT.
HUWAG MANGOPYA AT
MAGPAKOPYA.
HONESTY IS THE BEST POLICY.
Isa sa ugat ng problema at kahirapan ng bansa natin ay ang kawalan
ng katapatan ng mga nasa pamahalaan.
a
Sa bahay unang natututunan ang katapatan, nahahasa ito sa paaralan.
Bilang estudyante, mapapakita natin ang pagiging matapat kung
tayo ay hindi nangongopya at nagpapakopya.

Hindi ba at mas maganda at magaan sa pakiramdam kung ang


BUMALIK
mataas na marka ay mula sa iyong pinagharapang pagaaral?
#6 MAGTIPID NG TUBIG,MAGTANIM NG PUNO AT
HUWAG MAGTAPON NG BASURA KAHIT SAAN.

Ang solusyon sa lumalalang problema sa kapaligaran ay nasa kamay ng


mamamayan. Ang pagiging responsableng mamamayan ang susi sa
pagkakaroon ng masaganang likas na yaman.
Magtipid tayo sa tubig at kuryente, magtatanim ng puno, magsegregate ng
basura, magrecycle at wag magtapon ng basura kung saan saan lamang.

BUMALIK
#7 IWASAN ANG MGA
GAWAING HINDI
NAKATUTULONG.

Ang kalusugan ng tao ay kayaman ng bansa. Ang pagiinom, paninigarilyo,


pagsusugal at labis na pagkokompyuter ay nakakasira ng sarili at hindi
nakakatulong sa pagunlad ng bansa.
Kumain ng masusustansyang pagkain, matulog sa tamang oras at
magehersisyo ang ilang sa dapat natinig gawin upang mapaunlad natin ang
ating sarili.

BUMALIK
#8 BUMILI NG PRODUKTONG SARILING
ATIN, HUWAG PEKE O SMUGGLED.
COLONIAL MENTALITY
Ito ay ang pagtangkilik natin sa produkto ng ibang bansa o
pagkahilig sa Imported Goods.
Tangkilikin natin ang sariling atin sapagkat ito ang susi
upang mapaunlad natin ang ekonomiya ng bansa. Ang
produkto natin ay tunay na matibay, maganda at maayos ang
pagkakagawa kaysa sa ibang bansa.

Kaya sa halip na Snickers at M&M ang tangkilikin natin,


ay Cloud 9 at Nips na sadyang atin.

BUMALIK
#9 KUNG PWEDE NG
BUMOTO, ISAGAWA ITO NG
TAMA.
Sino sa inyo ang BBM? Sino naman ang KakamPink?

Ang edad ng pagboto sa Pilipinas ay 15 taong gulang


hanggang 30 taong gulang para sa Sangguniang
Kabataan at 18 taong gulang para sa Nasyonal na
Halalan.
Ang boto natin ay sagrado, huwag ibenta at ipagpalit sa
kung anong materyal na bagay. Pumili tayo ng tamang
kandidato. Suriin ng mabuti kung sino ang totoong may
malasakit sa kapwa at sa bansa.
BUMALIK
#10 ALAGAAN AT IGALANG
ANG NAKATATANDA.
Palaging mag po at opo sa nakakatanda sa iyo. Ang
pangangalaga sa matatanda ay isang pananagutan. Ito
ay masasabuhay sa pagbibigay ng galang sa
nakakatanda.

Magbigay ng gawaing ginagawa mo sa iyong Lolo at


Lola.
BUMALIK
#11 ISAMA SA PANALANGIN ANG
BANSA AT ANG KAPUWA
MAMAMAYAN.
PRAYER IS THE MOST POWERFUL
WEAPON
Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi matatawaran
kailanman. Ang pagtawag sa Kaniya sa lahat ng oras at
paghingi ng patnubay ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng
mithiin.

Ito ang maglalayo sa atin sa kapahamakan sa araw araw at


sa banta ng terorismo sa ating bansa.
Ang mga nabanggit ay ilan
gawaing pwede mong
maipamalas ang pagmamahal
kapwa at sa bansa.

Malaking tulong din ang


tamang paguugali at kritika
Makakatulong ito sa pag
alin ang tama at higit na na
iyong sarili, sa iyong kapw
Ikaw, alin at ilan sa mga nabanggit ang taglay mo?

Ano pa ang mga gawaing naiisip mo ang maaari


mong gawin upang maipamalas ang pagmamahal
sa bansa, sa kapwa at sa iyong sarili?
•Hindi pagtawid sa tamang tawiran
• Kung hindi mo pinapahalagahan ang ating kultura at mga tradisyon.

• Kung hindi mo tinatangkilik ang ating mga sariling produkto.

• Kung ikaw ay nagkakalat ng basura.

• Kung isa ka sa pumuputol ng mga puno sa kabundukan.

• Kung isa ka sa humuhuli at pumapatay ng mga hayop na


ipinagbabawal hulihin.

• Kung isa ka sa lumalabag sa mga batas na ipinapatupad ng bansa.


• Pagbabandalismo lalong higit sa mga pambublikong gusali.

• Pagiging makasarili.

• Pagpapa-iral ng mga negatibong kaugaliang pilipino tulad ng crab mentality.

• Hindi pagsunod sa batas na ipinapatupad.

• Pagtatakwil ng pagkamamamayan.

• Paggawa ng krimen.

• Pang-aabuso sa karapatan ng bawat tao.

• Pangmamaliit sa mga produktong gawa ng kapwa pilipino.


Panuto: Mula sa iyong natutunan tungkol sa aralin, ipaliwanag ang
kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at isulat ang mga ito sa
kahon. Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng buong pangungusap.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

You might also like