You are on page 1of 22

Patrionismo

Edukaston sa Pagpapakatao 10
Week 5
Ako’y Isang Mabuting Pilipino
- Noel Cabangon
Ako’y Isang Mabuting Pilipino
- Noel Cabangon

MGA TANONG:
1. Anu-ano ang mensaheng nais ipaabot ng
awitin?
2. Anu-ano ang mga paglabag sa pagmamahal
sa bayan na natukoy sa awitin?
3. Mahalaga ba na maipakita ang pagmamahal
sa bayan? Ipaliwanag.
Ako’y Isang Mabuting Pilipino
- Noel Cabangon

Sa tulong ng naunang gawain ay nakita


ninyo ang ilang mga pamamaraan ng
pagpapahalaga sa pagmamahal sa bayan;
gayundin naman ang mga kilos na nagagawa
ng tao sa paglabag dito. Upang mas lalo pang
maunawaan ang aralin sa pagmamahal sa
bayan ay naririto ang bahagi ng pagpapalim.
Pagmamahal sa Bayan
• Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat
gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong
patriyotismo, mula sa salitang pater na ang ibig sabihin ay ama na
karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.
• Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan
(native land). Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng marubdob
na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong pakikilahok sa
interes ng mayorya o kabutihang panlahat, pagsawata sa mga kilos na
di makatarungan at hindi moral (Institute for Development Education
Center for Research and Communication).
Pagmamahal sa Bayan:
NASYONALISMO vs PATRIYONISMO
• Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang
pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao
at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at
mga kaugalian o tradisyon.
• Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalang-alang nito
ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba sa
wika, kultura, at relihiyon na kung saan tuwiran nitong
binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
Ang Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Bayan
• Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga.
Walang sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay
ng responsibilidad na ito, dahil ang tao ay
umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-
diwa. Ito ay nangangahulugan na tayo bilang
tao ay umiiral sa mundo kasama ang ating
kapuwa.
Ang Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Bayan
• TANONG:
• Ano ang mangyayari sa isang
pamilya kung hindi
kinakikitaan ng pagmamahal
ang bawat miyembro nito?
Ang Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Bayan
• TANONG:
• Ano ang mangyayari sa grupo ng
manlalaro kung hindi nila ipinamalas
ang pagmamahal sa kapuwa manlalaro
nila sa kanilang koponan?
Maipapanalo ba nila ang grupo?
Ang Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Bayan
1. Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang
makamit ang layunin.
2. Pinagbubuklod ng ppagmamahal sa bayan ang mga tao
sa lipunan.
3. Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa
bayan ang Karapatan at dignidad ng tao.
4. Napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang kultura,
paniniwala at pagkakakilanlan
Ang Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Bayan
• TANONG:
• Napansin mo ba sa kasalukuyan kung paano
dayuhin ng mga turista ang mga lugar na
mayaman sa kulturang Pilipino? Ikaw,
napuntahan mo na ba ang mga ito? O, mas pinipili
mo ang pagiging banyaga sa sariling bayan dahil
mas gusto mong pasyalan ang mga lugar na nasa
ibang bansa kaysa sa kung ano mayroon tayo?
Ang Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Bayan
• TANONG:
• Interesado ka ba kung ang Lakbay-
Aral ng paaralan ay sa mga museo o
mas gusto mo ang pagpunta sa mga
sikat na mall at mga amusement
park?
Ang Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Bayan
• TANONG:
• Kapag ba inaawit ang
pambansang awit, ginagawa mo ba
ito ng buong puso?
Mga Paglabag sa
Pagsasabuhay ng
Pagmamahal sa Bayan
1 2 3 4
5 6
Mga Paglabag sa
Pagsasabuhay ng
Pagmamahal sa Bayan
1 1. Kung ang mahalaga lang sa iyo ay
ang iyong pamilya at hindi ang iyong
kapuwa: Masaya ka ba? Matututo
ka ba? Uunlad ka ba? Magiging
ganap ka ba? Kaya mo ba, kung
ikaw o kayo lang?
Mga Paglabag sa
Pagsasabuhay ng
Pagmamahal sa Bayan
2
2. Nag-aral ka ba nang mabuti? Naisagawa
mo ba ang trabahong nakaatang sa iyo? Kung
ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang
naisagawa mo na upang masabing
ipinagmamalaki kang mamamayan ng bansa?
Ilang beses mo na bang ipinahiya ang bansa sa
iyong mga makasariling mithiin? Ilang beses
mo na bang ikinahiya o itinagong ikaw ay
Mga Paglabag sa
Pagsasabuhay ng
Pagmamahal sa Bayan
3 3. Bakit ayaw mong tumulong sa
iba? Bakit ayaw mong sumunod sa
kanila bilang iyong pinuno? Bakit
ayaw mong makilahok at makialam
sa mga pagkakataong kailangan ka?
Bakit nagkikibit-balikat ka lang?
Mga Paglabag sa
Pagsasabuhay ng
Pagmamahal sa Bayan
4 4. May nakita kang nangyaring
krimen, sasabihin mo ba ang
nakita mo kahit na may banta sa
iyong buhay?
Mga Paglabag sa
Pagsasabuhay ng
Pagmamahal sa Bayan
5
5. Ano na ang nagawa mo para sa bansa? Ilang pirasong
pinagbalatan na ng candy ang iyong pasimpleng itinapon
sa kung saan-saan? Ilang pampublikong pag-aari na ba
ang iyong sinulatan na kahit walang pahintulot
(Vandalism)? Kailan ka pa naging miyembro ng
demolition team ng inyong munisipalidad upang sirain at
wasakin ang mga ari-ariang mula sa buwis ng taong
bayan? May pagkakataon na ba, na naging inspirasyon
ka sa iba upang gumawa ng tama at mabuti?
Mga Paglabag sa
Pagsasabuhay ng
Pagmamahal sa Bayan
6 6. Kailan ka huling nagdasal? Ipinagdasal
mo ba ang buong miyembro ng pamilya?
Ang iyong kapitbahay? Ang iyong kaibigan?
Ang iyong kaaway? At higit sa lahat, ang
iyong bayan? Naisasabuhay mo ba nang
tama ang iyong pagganap bilang
mananampalataya?
TANDAAN
• Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya,
hindi ito aksidente, nakaplano ito ayon sa
kagustuhan ng Diyos bilang isang
indibidiwal na sumasakatawang diwa.
Maisasakatuparan ito at magiging bahagi
ng kasaysayan kung magkakaisa tayo bilang
mamamayang may pagmamahal sa bayan.
TAKDANG ARALIN
• Gawain 1: Mga Tanong
(pagkatapos nung kanta kanina)
• Gawain 2: Concept Map
• Gawain 3: Brochure

You might also like