You are on page 1of 12

Student-Teacher: Charisse Baguilat

SUBJECT: ESP 10
SCHEDULE: TUESDAY
 03:10-04:10- ESP 10 MATTHEW

ACTIVITY:
Discuss the 3rd Topic of ESP 10 regarding MAKABAYAN na mayroong kinalaman sa pagmamahal sa
bayan, patriyotismo, kahalagahan sa pagmamahal sa bayan, at kung papaano ito maipapakita.

Suggested 1st Part: GUESS WHO?


Panuto: Huhulaan ng kahit na sino ang kilalang taong/Pilipino nasa larawan pero naka-zoom in ang
mukha. Kung i-zozoom-out ito ay pabawas nang pabawas ang puntos na makukuha (Sample Scoring: 10-
5-2-0). Puwede kang magpaprize pero kung walang pangprize ay puwede namang additional points.
2nd Part: Lecture
3rd Part: Assessment: Q and A (1 buong papel)- by 4
Formative Assessment 3 : Sagutin ang mga tanong sa isang buong papel.
1. Ano ang inyong pagkaunawa sa konsepto ng patriyotismo?
2. Bakit mahirap para sa ibang tao na maipakita ang pagmamahal sa bayan?
3.Isang kaibigan mo ang nagsabi na ayaw niyang maging Pilipino dahil walang maipagmamalaki ang ating bansa at ang mga
Pilipino. Itinanong nya kung magkatulad kayo ng paniniwala. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
4. Maraming mga Pilipino ang nanalo sa pandaigdigang kompetisyon. Ano ang iyong naiisip at nararadaman tuwing nababalitaan o
nalalaman mo ito?
5. Magbigay ng 5 paraan ng pagpapakita ng patriyotismo
6. Magbigay ng 3 kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.

Kopya ng paksa:
III. BAYAN KO, MAHAL KO
A. Ang Pagmamahal sa Bayan
Sa aklat na "Filipino Pride" (2009), binanggit ng may-akda ang kanyang karanasan ukol sa mga Pilipino na
kanyang nakakasalamuha na itinatanggi na sila ay Pilipino. Ang tanong na, "Ipinagmamalaki mo ba ang iyong pagka-Pilipino?" ang
siyang nagtulak sa kanya upang buuin ang aklat. Ang karanasang ito ay masasabing hindi nalalayo sa nakikita at naririnig natin sa
ating paligid. Maaaring tayo man ay nakagagawa ng mga bagay na magkukuwestiyon sa ating pagmamahal sa bayan. Hindi man
natin itinatanggi o ikinakahiya ang ating pagka-Piipino, (ito na marahil ang pinakamalalang paglabag sa pagmamahal sa bayan na
maaring magawa ng 1iang Pilipino), subalit maaaring may mga kilos at salita tayo na hindi makabayan gaya ng pagtanggi sa
pagtupad ng ating mga tungkulin bilang mamamayan ng bansa, paglabag sa mga batas na ipinaiiral dito, tahasang paninira sa
bansa at sa mga Pilipino, o hindi pagkilala sa mga kalakasan, kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga na nagbubuklod sa ating
lahi. Kung isa sa mga ito ay ginagawa natin, tulad ng mga Pilipino na ikinahihilya ang kanilang pinagmulan, tayo man ay hindi
maituturing na makabayan.
Ang kawalan ng pagmamahal sa bayan o ng patriyotismo ay isa sa mga problemang kinakaharap natin sa napakatagal
nang panahon. Sa maraming pagkakataon, ito ay tinutukoy bilang kahinaan natin, isang kakulangan na kailangang ayusin. Ano
nga ba ang pagmamahal sa bayan o patriyotismo?

B. Patriyotismo, isang pagpapakahulugan


Kung ang mga diksiyonaryong pagbabatayan, ang patryotismo ay nangangahulugan ng "pagmamahal sa
bayan." Ang kahulugan na ito ay mahirap maunawaan. Sa mga literatura, inilalarawan ang isang taong may pagmamahal sa
malasakit sa kapakanan nito. Upang maunawaan ang kahulugan ng patriyotismo, mahalagang bahagi ng paglalarawan ng isang
tao na nagtataglay ng katangiang ito. Kung ang patriyotismo ay pag-uugnay ng sarili sa bayan, dalawang bagay ang mahihinuha
mula rito. Una, ang taong may pagmamahal sa bayan ay kilala ang bayan na pinag-uugnayan niya ng kanyang sarili. Mahalagang
malaman ng isang taong may pagmamahal sa bayan ang nakaraan at kasalukuyan, ang mga pagpapahalaga, kalinangan, mithiin,
at kalakasan ng kanyang bansa gayundin ang mga bagay na nagdala sa bansa sa kasalukuyan niyang kalagayan upang
maunawaan niya kung bakit bahagi siya ng kanyang bansa. Pangalawa, ang patriyotismo ay nangangailangan ng pagmamalaki sa
bansa. Mahirap ugnay ang sarli sa isang bagay na ikinahihiya. Hindi sapat na kilala ng isang tao ang kanyang bansa. Ang
Sinuman na may pagmamahal sa bansa ay kailangang nalalaman din kung ano ang tungkol sa bansa ay kanyang
maipagmamalaki. Mahalagang kaya niyang tukuyin kung ano ang mga kalakasan at tagumpay ng bansa at kaya niyang ipagsabi
at ariin ito na tila sarili niyang kalakasan at tagumpay.
Ang ikalawang bahagi ng depinisyon ng isang taong may pagmamahal sa bayan ay bumabanggit ukol sa pagkakaroon ng
malasakit para sa kapakanan ng bayan. Ang taong nagmamahal sa bayan ay kumikilala na bagaman at kailangan nilang
makibahagi sa pandaigdig na gawain gaya ng pagsasalita ng Ingles o paghahanapbuhay sa ibang bansa, sila ay mamamayan pa
rin at bahagi ng sarili nilang bansa. Dahil dito, tinatanggap nila na mayroon silang moral na tungkulin na makibahagi sa paglago at
pagbabago nito. Ang pagmamalasakit na ito sa bansa ay hindi dapat ipagkamali sa bulag na pagmamahal dito. Ang layunin ng
pagmamalasakit sa bansa ay para sa kapakanan at ikabubuti nito. Ibig sabihin, hindi dapat maging bulag o itanggi ang mga
kahinaan at pagkakamali nito. Sa halip, kung tunay ang pagmamahal sa bayan, kailangang mulat sa mga kahinaan at
pagkakamaling ito, handang sabihin at ituwid ito kung kinakailangan. Sa pamamagitan nito, mapapalitan ng kalakasan ang
anumang kahinaan mayroon ang bansa at mababago ang mga mali nito. Mangyayari lamang ito kung ang mga mamamayan na
nagsasabing mahal nila ang bansa ay mapagbantay at matapang na ipahahayag ang kanilang pagmamalasakit.

C. Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan


Ang bansa na ating kinabibilangan ang nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan bilang isang pangkat ng
mamamayan. Bago tayo naging mamamayan ng mundo, una tayong naging mamamayan at bahagi ng ating sariling bansa. Ang
kinamulatan nating kalinangan at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob sa ating kultura na bahagi ng pang-araw-araw na
pamumuhay ay ipinagkaloob sa atin ng bansang ito. Ang ating bansa ang humubog sa ating pagKatao at nagbigay ng depinisyon
kung sino tayo. Ito ang kaisipan na nakapaloob sa "Panatang Makabayan." Ang Pilipinas ang tahanan ng ating lahi, ng ating
pinagmulan. Ang nakaraan nito ay ating kasaysayan at ang hinaharap ay ating pananagutan. Itanggi o itago man natin ito ang
katotohanan ay nakasulat sa ating dugo at sa kasaysayan ng ating mga ninuno. Anuman tayo ngayon bilang isang indibidwal,
malaking bahagi nito ay bunga ng pagkupkop sa atin ng ating bayan. Ito ang dahilan kung bakit may tungkulin tayong mahalin ang
ating bayan bagaman at hindi natin dapat tingnan ito na isang tungkulin lamang sa halip ay dapat na gawin atin to nang kusang-
loob. Mahalaga na maipakita ang ating pagmamanal sa bayan sapagkat ito ay nindi lamang para sa bayan kundi maging para sa
atin din bilang mamamayan. Ang pagmamahal sa bayan ay daan sa pagpapabuti nito. Ang isang tao na nagmamahal Sa bayan ay
nagnanais na makita ito na maging mas mabuti kaysa sa Kasalukuyan niyang kalagayan. Iniisip niya at ginagawa ang mga bagay
na makatutulong sa interes ng bansa. Sa halip na isipin na ang bansa ay nakahihigit kaysa sa ibang bansa, ang isang taong
nagmamahal sa bayan ay obhektibong tumitingin sa kalakasan at kahinaan nito at ginagawa ang kanyang kontribusyon upang
magbago at umunlad ito. Sa halip na tumahimik at maging pasibo sa gitna ng kawalan ng katarungan, kaguluhan, o paghiwalay ng
bansa sa ideyal na pinanghahawakan nito, ipinahahayag niya ang kanyang pagtutol at posisyon upang itama ang mali. Sa
madaling salita, dahil may pakialam siya sa nangyayari at sa kahihinatnan ng bayan, nakilalahok siya sa pagpapaunlad nito sa
anumang paraang kaya niya. Ang pagmamahal sa bayan ay nagbubuklod sa mga mamamayan. Ang pakiramdam ng isang taong
may pagmamahal sa bayan na kaugnay siya ng kanyang bansa ay nadarama rin niya sa mga taong kasama nya sa bansa
sapagkat iisa ang kanilang kultura, wika, kasaysayan, inahahalagahan, at higit sa lahat, isa ang kanilang bayan. Ang nadarámang
koneksiyon o ugnayan na ito ay higit na tumitindi sa panahon na sila ay nasa ibang bansa, sa panahon ng krisis kagaya ng lindol o
pagbaha, at pagkakataon na inaakala nilang may banta sa kalayaan ng kanilang bansa o pag-atake sa isang kababayan. Ang
pagkilala na iisa tayo ang siyang dahilan kung bakit nagbubunyi tayo sa tagumpay sa anumang larangan ng kapuwa Pilipino sa
ibang bansa at nanlulumo tayo sa kanilang pagkabigo. Ang tagumpay ng isang Pilipino ay tagumpay ng lahat at ang kabiguan
niya ay kabiguan ng bawat Pilipino.

Sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan, naipagpapatuloy ang mga ipinaglaban at ipinamana ng ating mga ninuno.
Ang lahat ng tinatamasa natin ngayon kalayaan, mga pinahahalagahan, karapatan, at ang ating pambansang kalinangan-ay bunga
ng pagbubuwis ng buhay ng mga taong tumiyak na ang lahat ng mga ito ay mapapasaatin. Ang sinumang nagmamahal sa
kanyang bayan ay titiyakin din na hindi masasayang ang lahat ng ipinaglaban ng mga taong ito para sa bayan. Ipinakita nila sa atin
na kasinghalaga ng kanilang buhay ang ating bansa at dapat itong ipaglaban kung kinakailangan.

D. Paano Maipakikita ang Patriyotismo o Pagmamahal sa Bayan?


Sa maraming pagkakataon, naririnig natin ang mga hinaing ng bawat isa ukol sa kasalukuyang kalagayan ng
bansa sa mga kaya at hindi nito kayang gawin o kung ano ang mayroon o wala ito. Marami ang nagbubunton ng sisi sa mga
pinuno ng bayan at sa mga politiko na pinakamadaling pagtuunan ng sisi dahil sa kanilang posisyon. Maaaring marami sa
nangyayari Sa ating bansa ay maisisisi nga sa mga taong hindi ginagamit nang wasto ang kanilang awtoridad at posisyon. Subalit
hindi natin dapat kalimutan na mayroon din tayong bahagi sa kinahinatnan ng ating bansa. Kagaya ng sabi ng ilan, Kung hindi tayo
bahagi ng solusyon, samakatwid ay bahagi tayo ng suliranin. Ang isang bansa ay umuunlad at lumalago sa pamamagitan ng
kanyang mamamayan. Ang kinahihinatnan niya ay nakasalalay sa uri ng mga taong kanyang kinukupkop. Isa sa magagawa natin
upang matulungan ang ating bansa ay ipakita ang ating pagmamahal dito. Kung ating babalikan ang "Panatang Makabayan'" na
madalas nating bigkasin sa loob ng paaralan, isinasaad dito na tayo ay kinupkop, tinutulungan at binibigyan ng tahanan, at
pagkakakilanlan ng ating bayan. Subalit hindi natatapos sa mga ito ang "Panatang Makabayan." Sinasabi rin sa panata na "dahil
mahal ko ang Pilipinas," mayroong mga dapat gawin ang isang taong makabayan.
 Gawin ang tungkulin bilang isang mabuting mamamayan. Ang mga bagay na itinuro sa atin mula pagkabata gaya ng
paggalang sa magulang at sa mga taong may awtoridad; pagsunod sa batas at alituntunin na ipinatutupad sa tahanan,
paaralan, at pamayanan, pangangalaga sa kalikasan at paggalang sa mga simbolo ng ating bansa ay kailangan nating
isagawa. Kasama rito ang pagpapabuti ng ating sarili sa pamamagitan ng pag- aaral at pag-abot sa ating mga pangarap.
Ang anumang magandang kahahantungan natin bilang isang indibidwal ay nagiging kontribusyon natin sa pagsasaayos
ng ating bansa at ng lipunang ating kinabibilangan.

 Kilalanin ang bansa at ang mga mamamayan nito. Ang pag-unawa kung sino tayo bilang isang lahi at kung ano mayroon
ang ating bansa ay magpapalalim sa ating ugnayan sa ating bansa, sa kanyang kasaysayan at mamamayan. Mapatitibay
nito ang ating pagmamalaki sa ating pagkakakilanlan at sa ating bayan. Ayon kay Dale Dennis David, ang bumuo ng aklat
na "Filipino Pride, " itinatanggi lamang ng isang tao ang isang bagay kapag ikinahihiya niya ito at wala siyang
maipagmalaki rito. Ayon pa sa kanya, maraming bagay tayong maaaring ipagmalaki bilang Pilipino, ang problema,
lamang ay hindi natin alam kung ano-ano ito. Magandang simula sa pagkilala sa ating bayan ang seryosong pag-aaral sa
mga asignaturang may kinalaman sa ating pagka-Pilipino gaya ng Kasaysayan, Heyograpiya, at Edukasyon sa
Pagpapakatao. Maliban sa natututuhan sa mga ito, makatutulong din ang pagbabasa ng mga literatura at pagtatanong
ukol sa ating pinagmulan.

 Ariin ang tagumpay at kabiguan, kalakasan at kahinaan ng bayan bilang sariling tagumpay, kabiguan, kalakasan, at
kahinaan. Ang tanging paraan upang maiugnay ang sarili sa bansa ay 1sipin na ito ay kadugtong ng sarili gaya ng turing
natin sa ating sariling pamilya. Kapag nakibahagi tayo sa tagumpay ng ating bansa, nakakaramdam tayo ng kasiyahan
gaya ng kasiyahang nararamdaman natin sa pagtatagumpay ng isang kapamilya. Gayundin naman, kung nakikibahagi
tayo sa kapintasan ng ating bansa gaya ng sa pamilya, hindi tayo natatahimik hanggang hindi tayo nakagagawa ng
hakbang upang maisaayos ito.

 Maging aktibo sa lipunan. Ang bawat mamamayan ay hindi lamang dapat naghihintay ng ipagawa at sasabihin ng nasa
awtoridad. Hindi magagawa ng mga pinuno ang lahat ng bagay para sa buong bansa. Mas mainam na humanap ng
paraan kung paano sila matutulungan upang maging madali para sa kanila ang pagsasaayos ng bansa. Halimbawa, sa
pamayanan, maaaring maglinis ng kalsada o tumulong sa pag-aayos ng lugar sa halip na maghintay ng proyekto o
ordinansa ukol dito. Sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagı, nagiging maayos hindi lamang ang pamamalakad ng
awtoridad kundi maging ang ugnayan sa kanila.

 Ipanalangin ang mga namumuno. Malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng mga taong nangunguna sa
bayan. Dahil sa malawak na kapangyarihan at sensitibong posisyon na kanilang hinahawakan, malapit sila sa tukso na
abusuhin ang kanilang awtoridad o kaya ay unahin ang sariling interes kaysa sa bayan. Isa sa pinakaepektibong paraan
upang matulungan ang mga nasa awtoridad ay ipanalangin sila sa kanilang mga gawain at pasiya. Ito ang paksa ng 1
Timoteo 2:1-2: Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at
magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang
tayo’y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kaayusan. Bagaman at lahat ng tao ay dapat
ipanalangin, mahalagang ipanalangin ang mga nasa awtoridad sapagkat nakasalalay ang maraming buhay sa kanilang
karakter at plano.
Ang Panatang Makabayan ay hindi na dapat binibigkas lamang. Isabuhay ang panata! Ang Pilipinas ay bayan natin.
Maaaring hindi natin nakukuha ang mga pangunahing serbisyo mula sa mga namamahala rito. Maaaring hindi natin nagugustuhan
ang klimang politikal o pang- ekonomiya sa bansang ito. Maaari ding naisin nating iwan ito. Subalit isang bagay ang hindi natin
maitatanggi o maitatago, ang Pilipinas ang unang bansa na kumupkop sa atin, ang unang nagbigay sa atin ng pagkakakilanlan at
kalayaan na taglay natin.Dahil dito, mayroon tayong moral na pananagutan na kalingain at mahalin ito.
Kailangan ng bansa ang bawat isa sa milyon milyong Pilipino na gawin ang kanilang tungkulin sa bayan. Kailangan nating
pagtulong-tulungan na maging isa sa pinakamaayos at maunlad na bansa ang Pilipinas sa ating rehiyon. Hindi ito kayang gawin ng
iilang namumuno o ng ilang pangkat lamang. Mas magiging madali kung ang bawat isa ay gagawin ang kanyang malit na
magagawa para sa bayan. Gaano man kasimple o kaliit ang ating ginagawa para sa bayan, kung ito ay para naman sa ikabubuti
nito, magiging mahalagang kontribusyon ito sa kanyang pag-unlad at pagsulong hindi na dapat binibigkas lamang ang Panatang
Makabayan. Panahon na upang isagawa ang panata na madalas nating bigkasin.

Student-Teacher: Kendall Guay


SUBJECT: FILIPINO 9
SCHEDULE: TUESDAY
 07:30-08:30- FILIPINO 9 EZEKIEL
 01:10-02:10- FILIPINO 9 ISAIAH
ACTIVITY:
Pagbabantay sa mga mag-aaral ng kanilang ikatlong Summative Assessment: Paggawa ng Komik Strip na
Alamat:
SA 3: Paggawa ng Maikling Komik Strip na Alamat
PAGGAWA: Tatluhan (By 3s) Ang Paggawa Ng Konsepto Pero Individual Ang Paggawa Ng Komiks
PAKSA: Pagsulat ng sariling komik strip na alamat tungkol mga sumusunod na paksa:
 Mga katutubong kaugalian, kagamitan, at kultura ng Cordillera
 Mga kilalang pagkain noon hanggang sa kasalukuyan
 Mga hayop, prutas, gulay, at iba pang bagay na matatagpuan sa Pilipinas
 Mga kasalukuyang suliraning panlipunan
PANUTO: Pangkatin muna ang klase sa tig-tatatlong miyembro bawat grupo. Bubuo ang bawat grupo ng kanilang konsepto nila sa
gagawing alamat batay sa mga maaaring paksa gamit ang simpleng storyboard.
Sa kanilang paggawa ng storyboard, kailangang gumamit sila ng kahit 5 hanggang 10 pang-abay na mailalagay sa
maaaring pag-uusap o pagsasalaysay sa kanilang komiks. Bawat miyembro ng grupo ay gagawa sa sarili nilang komik strip batay
sa napag-usapang storyboard. GAGAMIT LAMANG ANG BAWAT MAG-AARAL NG ISANG SHORT COUPON BOND SA KOMIK
STRIP.

SCHEDULE: WEDNESDAY
 01:10-02:10- FILIPINO 9 EZEKIEL
 02:10-03:10- FILIPINO 9 ISAIAH
ACTIVITY: Pagtalakay sa paksang ito:
MASINING NA PAGKUKUWENTO/PAGSASALAYSAY
Ang Masining na Pagkukuwento/Pagsasalaysay ay isang paraan ng pagkukuwento ng pangyayari o
kawil ng mga magkakaugnay na pangyayaring maaaring totoo o di kaya’y mga pangyayaring bunga ng
imahinasyon o guniguni. Tungkulin nito ang magbigay aliw o kasiyahan sa mga tagapakinig.
Layunin ng Pagkukuwento
1. Naipahayag o naikuwento ang mga pangyayari.
2. Nahahasa sa pagsasalita sa harap ng ibang tao

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagkukuwento


1. Hangga’t maaari, piliin ang paksang napapanahon dahil magiging kawili-wili ito sa mga tagapakinig
lalo na kung bago ang paksa, lalo pa’t ito’y naiuugnay sa kasalukuyang pangyayari.
2. Gumamit ng mga salitang nauunawaan ng mga tagapakinig. Iwasang gumamit ng mga malalalim
na salitang hindi kayang abutin ng komprehensyon ng mga tagapakinig.
3. Iangkop ang paksa sa kinagigiliwan ng mga tagapakinig.
4. Gawing malinaw at tiyak ang aral nan ais iparating ng kuwento sa mga tagapakinig.
5. Bigyang buhay ang kilos, gawi at pananalita ng mga tauhang inilahad sa pagkukuwento. Ang
paggamit ng iba’t ibang istilo sa pagsasalaysay ay nakapagdaragdag ng lalong pagkalugod ng mga
tagapakinig.
Katangian ng Tagapagkuwento
1. Tiyaking alam na alam ang kuwentong isasalaysay.
2. Balangkasin sa isip ang kuwento bago isalaysay.
3. Iwasang banggitin ang mga hindi mahahalagang bagay.
4. Gumamit ng mga angkop na salita sa pagkukuwento.
5. Isalaysay ang kuwento na parang nakikipag-usap.
6. Magkaroon ng tiwala sa sarili.
7. Sikaping maging masigla sa pagkukuwento.
8. Bigkasing malinaw ang mga salita.
9. Huwag magmadali sa pagsasalaysay.
10. Gawing katamtaman ang lakas ng boses.
11. Tumindig nang matuwid.
12. Tumingin sa mga nakikinig.
13. Iwasan ang paggamit ng mga pangatnig na: at, saka, tapos, noon, kuwan.
Student-Teacher: Joshua Mark Pakid
SUBJECT: WORK IMMERSION
SCHEDULE: WEDNESDAY
 07:30-08:30- WORK IMMERSION 12 STEM A
 10:00-11:00- WORK IMMERSION 12 STEM B
ACTIVITY:
1ST TASK: Discuss the topic:

Other Documents Needed in Job hunting


a. Barangay clearance is an important document one must have so they can process their business and other personal
transactions and even when applying for a job in the Philippines. It’s some kind of identification documents to certify that
you are really living in that particular barangay and it is issued by the barangay hall. You will need to obtain a barangay
clearance if you’re applying for a job, if you want to open a bank account, if you open a business, and a lot more.
(https://www.clearanceph.com/how-to-get-and-apply-for-barangay-clearance/)
b. Police Clearance serves as a solid proof that you have no previous criminal records. Once you get this, you will have
more opportunities to grab jobs and other necessary documents. (https://www.clearanceph.com/how-to-get-and-apply-for-
police-clearance/)
c. The Office of the Mayor issues Mayor’s clearance to individuals residing in the municipality for local employment, firearms
licensing and PNP/AFP requirements. (https://angono.gov.ph/?p=1113)
d. A medical certificate is a document completed by a medical professional attesting to the findings of a medical
examination. It may be required by employers who need evidence of an employee’s fitness for duty.
(www.wisegeek.com/what-is-a-medical-certificate.com)
B. Job Interview
What should I do before and during the job interview?
Before
 Know the company. Find time to research about the company, the industry and the position being applied for.
 Groom to impress the interviewer/s. Dress professionally and conservatively. Wear clean and neatly pressed clothes.
 Sport a well-groomed hairstyle. Have clean and trimmed fingernails.
 Wear clean and polished shoes.
During
 Be punctual. Come at least 15 minutes before the interview.
 Be polite. Smile and politely greet all company personnel.
 Carry extra copies of your resume.
 Answer competently and professionally. Reply to questions should be KISS (Keep It Short and Simple). Avoid telling
jokes, using street language, and deviating from the topic of conversation. It is all right to ask and clarify if you did not
understand the question.
 Avoid eating, chewing a gum and using cellular phones.
 Prepare for salary negotiation, if given the option. If the salary is negotiable and you are asked for a desired salary or
benefits, you may give your preference which may be based on your research.
 Say “Thank You” after the interview.
Common Teen Interview Questions (https://learnykids.com/worksheets/job-interview-for-teens)
1. Why are you looking for a job?
2. Why are you interested in working for our company?
3. How has school prepared you for working at our company?
4. Why should we hire you?
5. What do you think it takes to be successful in this position?
6. How would you describe your ability to work as a team member?
7. What has been your most rewarding accomplishment?
8. What are your salary expectations?
9. Tell me about a major problem you recently handled.

Most Common Reasons Why People Are Not Hired


(https://www.thebalancecareers.com/teen-job-interview-questions-and-best-answers-2063882)

Bad personal appearance


Too aggressive
Unable to express self clearly
Poor interest and enthusiasm
No career planning, no goals
Overly nervous, under confident
Too much emphasis on money
Not willing to start at the bottom
Discourteous
Immature
Speaks ill of former employers
Cannot make eye contact with interviewer
Messy application form
Late arrival for interview
Did not show appreciation for interviewer’s time
Asked no questions about the company
Could not give direct answers when questioned

2nd TASK: Assignment:


Submit the activity (Self-Report Medication). Use the format and submit through Google Classroom.
(Deadline will be February 18.)
Student-Teacher: Charisse Baguilat
SUBJECT: WORK IMMERSION
SCHEDULE: WEDNESDAY
 08:30-09:30- WORK IMMERSION 12 HUMSS

ACTIVITY:
1ST TASK: Discuss the topic:

Other Documents Needed in Job hunting


e. Barangay clearance is an important document one must have so they can process their business and other personal
transactions and even when applying for a job in the Philippines. It’s some kind of identification documents to certify that
you are really living in that particular barangay and it is issued by the barangay hall. You will need to obtain a barangay
clearance if you’re applying for a job, if you want to open a bank account, if you open a business, and a lot more.
(https://www.clearanceph.com/how-to-get-and-apply-for-barangay-clearance/)
f. Police Clearance serves as a solid proof that you have no previous criminal records. Once you get this, you will have
more opportunities to grab jobs and other necessary documents. (https://www.clearanceph.com/how-to-get-and-apply-for-
police-clearance/)
g. The Office of the Mayor issues Mayor’s clearance to individuals residing in the municipality for local employment, firearms
licensing and PNP/AFP requirements. (https://angono.gov.ph/?p=1113)
h. A medical certificate is a document completed by a medical professional attesting to the findings of a medical
examination. It may be required by employers who need evidence of an employee’s fitness for duty.
(www.wisegeek.com/what-is-a-medical-certificate.com)
B. Job Interview
What should I do before and during the job interview?
Before
 Know the company. Find time to research about the company, the industry and the position being applied for.
 Groom to impress the interviewer/s. Dress professionally and conservatively. Wear clean and neatly pressed clothes.
 Sport a well-groomed hairstyle. Have clean and trimmed fingernails.
 Wear clean and polished shoes.
During
 Be punctual. Come at least 15 minutes before the interview.
 Be polite. Smile and politely greet all company personnel.
 Carry extra copies of your resume.
 Answer competently and professionally. Reply to questions should be KISS (Keep It Short and Simple). Avoid telling
jokes, using street language, and deviating from the topic of conversation. It is all right to ask and clarify if you did not
understand the question.
 Avoid eating, chewing a gum and using cellular phones.
 Prepare for salary negotiation, if given the option. If the salary is negotiable and you are asked for a desired salary or
benefits, you may give your preference which may be based on your research.
 Say “Thank You” after the interview.
Common Teen Interview Questions (https://learnykids.com/worksheets/job-interview-for-teens)
1. Why are you looking for a job?
2. Why are you interested in working for our company?
3. How has school prepared you for working at our company?
4. Why should we hire you?
5. What do you think it takes to be successful in this position?
6. How would you describe your ability to work as a team member?
7. What has been your most rewarding accomplishment?
8. What are your salary expectations?
9. Tell me about a major problem you recently handled.

Most Common Reasons Why People Are Not Hired


(https://www.thebalancecareers.com/teen-job-interview-questions-and-best-answers-2063882)

Bad personal appearance


Too aggressive
Unable to express self clearly
Poor interest and enthusiasm
No career planning, no goals
Overly nervous, under confident
Too much emphasis on money
Not willing to start at the bottom
Discourteous
Immature
Speaks ill of former employers
Cannot make eye contact with interviewer
Messy application form
Late arrival for interview
Did not show appreciation for interviewer’s time
Asked no questions about the company
Could not give direct answers when questioned

2nd TASK: Assignment:


Submit the activity (Self-Report Medication). Use the format and submit through Google Classroom.
(Deadline will be February 18.)
Student-Teacher: Kathrine Gail Bulho
SUBJECT: ESP 10
SCHEDULE: TUESDAY
 11:00-12:00- ESP 10 MARK

ACTIVITY:
Discuss the 3rd Topic of ESP 10 regarding MAKABAYAN na mayroong kinalaman sa pagmamahal sa
bayan, patriyotismo, kahalagahan sa pagmamahal sa bayan, at kung papaano ito maipapakita.

Suggested 1st Part: GUESS WHO?


Panuto: Huhulaan ng kahit na sino ang kilalang taong/Pilipino nasa larawan pero naka-zoom in ang
mukha. Kung i-zozoom-out ito ay pabawas nang pabawas ang puntos na makukuha (Sample Scoring: 10-
5-2-0). Puwede kang magpaprize pero kung walang pangprize ay puwede namang additional points.
2nd Part: Lecture
3rd Part: Assessment: Q and A (1 buong papel)- by 4
Formative Assessment 3 : Sagutin ang mga tanong sa isang buong papel.
1. Ano ang inyong pagkaunawa sa konsepto ng patriyotismo?
2. Bakit mahirap para sa ibang tao na maipakita ang pagmamahal sa bayan?
3.Isang kaibigan mo ang nagsabi na ayaw niyang maging Pilipino dahil walang maipagmamalaki ang ating bansa at ang mga
Pilipino. Itinanong nya kung magkatulad kayo ng paniniwala. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
4. Maraming mga Pilipino ang nanalo sa pandaigdigang kompetisyon. Ano ang iyong naiisip at nararadaman tuwing nababalitaan o
nalalaman mo ito?
5. Magbigay ng 5 paraan ng pagpapakita ng patriyotismo
6. Magbigay ng 3 kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.

Kopya ng paksa:
III. BAYAN KO, MAHAL KO
A. Ang Pagmamahal sa Bayan
Sa aklat na "Filipino Pride" (2009), binanggit ng may-akda ang kanyang karanasan ukol sa mga Pilipino na
kanyang nakakasalamuha na itinatanggi na sila ay Pilipino. Ang tanong na, "Ipinagmamalaki mo ba ang iyong pagka-Pilipino?" ang
siyang nagtulak sa kanya upang buuin ang aklat. Ang karanasang ito ay masasabing hindi nalalayo sa nakikita at naririnig natin sa
ating paligid. Maaaring tayo man ay nakagagawa ng mga bagay na magkukuwestiyon sa ating pagmamahal sa bayan. Hindi man
natin itinatanggi o ikinakahiya ang ating pagka-Piipino, (ito na marahil ang pinakamalalang paglabag sa pagmamahal sa bayan na
maaring magawa ng 1iang Pilipino), subalit maaaring may mga kilos at salita tayo na hindi makabayan gaya ng pagtanggi sa
pagtupad ng ating mga tungkulin bilang mamamayan ng bansa, paglabag sa mga batas na ipinaiiral dito, tahasang paninira sa
bansa at sa mga Pilipino, o hindi pagkilala sa mga kalakasan, kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga na nagbubuklod sa ating
lahi. Kung isa sa mga ito ay ginagawa natin, tulad ng mga Pilipino na ikinahihilya ang kanilang pinagmulan, tayo man ay hindi
maituturing na makabayan.
Ang kawalan ng pagmamahal sa bayan o ng patriyotismo ay isa sa mga problemang kinakaharap natin sa napakatagal
nang panahon. Sa maraming pagkakataon, ito ay tinutukoy bilang kahinaan natin, isang kakulangan na kailangang ayusin. Ano
nga ba ang pagmamahal sa bayan o patriyotismo?

B. Patriyotismo, isang pagpapakahulugan


Kung ang mga diksiyonaryong pagbabatayan, ang patryotismo ay nangangahulugan ng "pagmamahal sa
bayan." Ang kahulugan na ito ay mahirap maunawaan. Sa mga literatura, inilalarawan ang isang taong may pagmamahal sa
malasakit sa kapakanan nito. Upang maunawaan ang kahulugan ng patriyotismo, mahalagang bahagi ng paglalarawan ng isang
tao na nagtataglay ng katangiang ito. Kung ang patriyotismo ay pag-uugnay ng sarili sa bayan, dalawang bagay ang mahihinuha
mula rito. Una, ang taong may pagmamahal sa bayan ay kilala ang bayan na pinag-uugnayan niya ng kanyang sarili. Mahalagang
malaman ng isang taong may pagmamahal sa bayan ang nakaraan at kasalukuyan, ang mga pagpapahalaga, kalinangan, mithiin,
at kalakasan ng kanyang bansa gayundin ang mga bagay na nagdala sa bansa sa kasalukuyan niyang kalagayan upang
maunawaan niya kung bakit bahagi siya ng kanyang bansa. Pangalawa, ang patriyotismo ay nangangailangan ng pagmamalaki sa
bansa. Mahirap ugnay ang sarli sa isang bagay na ikinahihiya. Hindi sapat na kilala ng isang tao ang kanyang bansa. Ang
Sinuman na may pagmamahal sa bansa ay kailangang nalalaman din kung ano ang tungkol sa bansa ay kanyang
maipagmamalaki. Mahalagang kaya niyang tukuyin kung ano ang mga kalakasan at tagumpay ng bansa at kaya niyang ipagsabi
at ariin ito na tila sarili niyang kalakasan at tagumpay.
Ang ikalawang bahagi ng depinisyon ng isang taong may pagmamahal sa bayan ay bumabanggit ukol sa pagkakaroon ng
malasakit para sa kapakanan ng bayan. Ang taong nagmamahal sa bayan ay kumikilala na bagaman at kailangan nilang
makibahagi sa pandaigdig na gawain gaya ng pagsasalita ng Ingles o paghahanapbuhay sa ibang bansa, sila ay mamamayan pa
rin at bahagi ng sarili nilang bansa. Dahil dito, tinatanggap nila na mayroon silang moral na tungkulin na makibahagi sa paglago at
pagbabago nito. Ang pagmamalasakit na ito sa bansa ay hindi dapat ipagkamali sa bulag na pagmamahal dito. Ang layunin ng
pagmamalasakit sa bansa ay para sa kapakanan at ikabubuti nito. Ibig sabihin, hindi dapat maging bulag o itanggi ang mga
kahinaan at pagkakamali nito. Sa halip, kung tunay ang pagmamahal sa bayan, kailangang mulat sa mga kahinaan at
pagkakamaling ito, handang sabihin at ituwid ito kung kinakailangan. Sa pamamagitan nito, mapapalitan ng kalakasan ang
anumang kahinaan mayroon ang bansa at mababago ang mga mali nito. Mangyayari lamang ito kung ang mga mamamayan na
nagsasabing mahal nila ang bansa ay mapagbantay at matapang na ipahahayag ang kanilang pagmamalasakit.

C. Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan


Ang bansa na ating kinabibilangan ang nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan bilang isang pangkat ng
mamamayan. Bago tayo naging mamamayan ng mundo, una tayong naging mamamayan at bahagi ng ating sariling bansa. Ang
kinamulatan nating kalinangan at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob sa ating kultura na bahagi ng pang-araw-araw na
pamumuhay ay ipinagkaloob sa atin ng bansang ito. Ang ating bansa ang humubog sa ating pagKatao at nagbigay ng depinisyon
kung sino tayo. Ito ang kaisipan na nakapaloob sa "Panatang Makabayan." Ang Pilipinas ang tahanan ng ating lahi, ng ating
pinagmulan. Ang nakaraan nito ay ating kasaysayan at ang hinaharap ay ating pananagutan. Itanggi o itago man natin ito ang
katotohanan ay nakasulat sa ating dugo at sa kasaysayan ng ating mga ninuno. Anuman tayo ngayon bilang isang indibidwal,
malaking bahagi nito ay bunga ng pagkupkop sa atin ng ating bayan. Ito ang dahilan kung bakit may tungkulin tayong mahalin ang
ating bayan bagaman at hindi natin dapat tingnan ito na isang tungkulin lamang sa halip ay dapat na gawin atin to nang kusang-
loob. Mahalaga na maipakita ang ating pagmamanal sa bayan sapagkat ito ay nindi lamang para sa bayan kundi maging para sa
atin din bilang mamamayan. Ang pagmamahal sa bayan ay daan sa pagpapabuti nito. Ang isang tao na nagmamahal Sa bayan ay
nagnanais na makita ito na maging mas mabuti kaysa sa Kasalukuyan niyang kalagayan. Iniisip niya at ginagawa ang mga bagay
na makatutulong sa interes ng bansa. Sa halip na isipin na ang bansa ay nakahihigit kaysa sa ibang bansa, ang isang taong
nagmamahal sa bayan ay obhektibong tumitingin sa kalakasan at kahinaan nito at ginagawa ang kanyang kontribusyon upang
magbago at umunlad ito. Sa halip na tumahimik at maging pasibo sa gitna ng kawalan ng katarungan, kaguluhan, o paghiwalay ng
bansa sa ideyal na pinanghahawakan nito, ipinahahayag niya ang kanyang pagtutol at posisyon upang itama ang mali. Sa
madaling salita, dahil may pakialam siya sa nangyayari at sa kahihinatnan ng bayan, nakilalahok siya sa pagpapaunlad nito sa
anumang paraang kaya niya. Ang pagmamahal sa bayan ay nagbubuklod sa mga mamamayan. Ang pakiramdam ng isang taong
may pagmamahal sa bayan na kaugnay siya ng kanyang bansa ay nadarama rin niya sa mga taong kasama nya sa bansa
sapagkat iisa ang kanilang kultura, wika, kasaysayan, inahahalagahan, at higit sa lahat, isa ang kanilang bayan. Ang nadarámang
koneksiyon o ugnayan na ito ay higit na tumitindi sa panahon na sila ay nasa ibang bansa, sa panahon ng krisis kagaya ng lindol o
pagbaha, at pagkakataon na inaakala nilang may banta sa kalayaan ng kanilang bansa o pag-atake sa isang kababayan. Ang
pagkilala na iisa tayo ang siyang dahilan kung bakit nagbubunyi tayo sa tagumpay sa anumang larangan ng kapuwa Pilipino sa
ibang bansa at nanlulumo tayo sa kanilang pagkabigo. Ang tagumpay ng isang Pilipino ay tagumpay ng lahat at ang kabiguan
niya ay kabiguan ng bawat Pilipino.

Sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan, naipagpapatuloy ang mga ipinaglaban at ipinamana ng ating mga ninuno.
Ang lahat ng tinatamasa natin ngayon kalayaan, mga pinahahalagahan, karapatan, at ang ating pambansang kalinangan-ay bunga
ng pagbubuwis ng buhay ng mga taong tumiyak na ang lahat ng mga ito ay mapapasaatin. Ang sinumang nagmamahal sa
kanyang bayan ay titiyakin din na hindi masasayang ang lahat ng ipinaglaban ng mga taong ito para sa bayan. Ipinakita nila sa atin
na kasinghalaga ng kanilang buhay ang ating bansa at dapat itong ipaglaban kung kinakailangan.

D. Paano Maipakikita ang Patriyotismo o Pagmamahal sa Bayan?


Sa maraming pagkakataon, naririnig natin ang mga hinaing ng bawat isa ukol sa kasalukuyang kalagayan ng
bansa sa mga kaya at hindi nito kayang gawin o kung ano ang mayroon o wala ito. Marami ang nagbubunton ng sisi sa mga
pinuno ng bayan at sa mga politiko na pinakamadaling pagtuunan ng sisi dahil sa kanilang posisyon. Maaaring marami sa
nangyayari Sa ating bansa ay maisisisi nga sa mga taong hindi ginagamit nang wasto ang kanilang awtoridad at posisyon. Subalit
hindi natin dapat kalimutan na mayroon din tayong bahagi sa kinahinatnan ng ating bansa. Kagaya ng sabi ng ilan, Kung hindi tayo
bahagi ng solusyon, samakatwid ay bahagi tayo ng suliranin. Ang isang bansa ay umuunlad at lumalago sa pamamagitan ng
kanyang mamamayan. Ang kinahihinatnan niya ay nakasalalay sa uri ng mga taong kanyang kinukupkop. Isa sa magagawa natin
upang matulungan ang ating bansa ay ipakita ang ating pagmamahal dito. Kung ating babalikan ang "Panatang Makabayan'" na
madalas nating bigkasin sa loob ng paaralan, isinasaad dito na tayo ay kinupkop, tinutulungan at binibigyan ng tahanan, at
pagkakakilanlan ng ating bayan. Subalit hindi natatapos sa mga ito ang "Panatang Makabayan." Sinasabi rin sa panata na "dahil
mahal ko ang Pilipinas," mayroong mga dapat gawin ang isang taong makabayan.
 Gawin ang tungkulin bilang isang mabuting mamamayan. Ang mga bagay na itinuro sa atin mula pagkabata gaya ng
paggalang sa magulang at sa mga taong may awtoridad; pagsunod sa batas at alituntunin na ipinatutupad sa tahanan,
paaralan, at pamayanan, pangangalaga sa kalikasan at paggalang sa mga simbolo ng ating bansa ay kailangan nating
isagawa. Kasama rito ang pagpapabuti ng ating sarili sa pamamagitan ng pag- aaral at pag-abot sa ating mga pangarap.
Ang anumang magandang kahahantungan natin bilang isang indibidwal ay nagiging kontribusyon natin sa pagsasaayos
ng ating bansa at ng lipunang ating kinabibilangan.

 Kilalanin ang bansa at ang mga mamamayan nito. Ang pag-unawa kung sino tayo bilang isang lahi at kung ano mayroon
ang ating bansa ay magpapalalim sa ating ugnayan sa ating bansa, sa kanyang kasaysayan at mamamayan. Mapatitibay
nito ang ating pagmamalaki sa ating pagkakakilanlan at sa ating bayan. Ayon kay Dale Dennis David, ang bumuo ng aklat
na "Filipino Pride, " itinatanggi lamang ng isang tao ang isang bagay kapag ikinahihiya niya ito at wala siyang
maipagmalaki rito. Ayon pa sa kanya, maraming bagay tayong maaaring ipagmalaki bilang Pilipino, ang problema,
lamang ay hindi natin alam kung ano-ano ito. Magandang simula sa pagkilala sa ating bayan ang seryosong pag-aaral sa
mga asignaturang may kinalaman sa ating pagka-Pilipino gaya ng Kasaysayan, Heyograpiya, at Edukasyon sa
Pagpapakatao. Maliban sa natututuhan sa mga ito, makatutulong din ang pagbabasa ng mga literatura at pagtatanong
ukol sa ating pinagmulan.

 Ariin ang tagumpay at kabiguan, kalakasan at kahinaan ng bayan bilang sariling tagumpay, kabiguan, kalakasan, at
kahinaan. Ang tanging paraan upang maiugnay ang sarili sa bansa ay 1sipin na ito ay kadugtong ng sarili gaya ng turing
natin sa ating sariling pamilya. Kapag nakibahagi tayo sa tagumpay ng ating bansa, nakakaramdam tayo ng kasiyahan
gaya ng kasiyahang nararamdaman natin sa pagtatagumpay ng isang kapamilya. Gayundin naman, kung nakikibahagi
tayo sa kapintasan ng ating bansa gaya ng sa pamilya, hindi tayo natatahimik hanggang hindi tayo nakagagawa ng
hakbang upang maisaayos ito.

 Maging aktibo sa lipunan. Ang bawat mamamayan ay hindi lamang dapat naghihintay ng ipagawa at sasabihin ng nasa
awtoridad. Hindi magagawa ng mga pinuno ang lahat ng bagay para sa buong bansa. Mas mainam na humanap ng
paraan kung paano sila matutulungan upang maging madali para sa kanila ang pagsasaayos ng bansa. Halimbawa, sa
pamayanan, maaaring maglinis ng kalsada o tumulong sa pag-aayos ng lugar sa halip na maghintay ng proyekto o
ordinansa ukol dito. Sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagı, nagiging maayos hindi lamang ang pamamalakad ng
awtoridad kundi maging ang ugnayan sa kanila.

 Ipanalangin ang mga namumuno. Malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng mga taong nangunguna sa
bayan. Dahil sa malawak na kapangyarihan at sensitibong posisyon na kanilang hinahawakan, malapit sila sa tukso na
abusuhin ang kanilang awtoridad o kaya ay unahin ang sariling interes kaysa sa bayan. Isa sa pinakaepektibong paraan
upang matulungan ang mga nasa awtoridad ay ipanalangin sila sa kanilang mga gawain at pasiya. Ito ang paksa ng 1
Timoteo 2:1-2: Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at
magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang
tayo’y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kaayusan. Bagaman at lahat ng tao ay dapat
ipanalangin, mahalagang ipanalangin ang mga nasa awtoridad sapagkat nakasalalay ang maraming buhay sa kanilang
karakter at plano.
Ang Panatang Makabayan ay hindi na dapat binibigkas lamang. Isabuhay ang panata! Ang Pilipinas ay bayan natin.
Maaaring hindi natin nakukuha ang mga pangunahing serbisyo mula sa mga namamahala rito. Maaaring hindi natin nagugustuhan
ang klimang politikal o pang- ekonomiya sa bansang ito. Maaari ding naisin nating iwan ito. Subalit isang bagay ang hindi natin
maitatanggi o maitatago, ang Pilipinas ang unang bansa na kumupkop sa atin, ang unang nagbigay sa atin ng pagkakakilanlan at
kalayaan na taglay natin.Dahil dito, mayroon tayong moral na pananagutan na kalingain at mahalin ito.
Kailangan ng bansa ang bawat isa sa milyon milyong Pilipino na gawin ang kanilang tungkulin sa bayan. Kailangan nating
pagtulong-tulungan na maging isa sa pinakamaayos at maunlad na bansa ang Pilipinas sa ating rehiyon. Hindi ito kayang gawin ng
iilang namumuno o ng ilang pangkat lamang. Mas magiging madali kung ang bawat isa ay gagawin ang kanyang malit na
magagawa para sa bayan. Gaano man kasimple o kaliit ang ating ginagawa para sa bayan, kung ito ay para naman sa ikabubuti
nito, magiging mahalagang kontribusyon ito sa kanyang pag-unlad at pagsulong hindi na dapat binibigkas lamang ang Panatang
Makabayan. Panahon na upang isagawa ang panata na madalas nating bigkasin.

You might also like