You are on page 1of 71

MGA YUGTO NG

MAKATAONG KILOS
PAMILYAR BA SA IYO ANG
MGA KATAGA NA ITO?
BAHALA SIGE NA
NA NGA NGA!

PWEDE
NA YAN
BALIK-
ARAL
ANO NGA BA ANG KILOS NA DAPAT
PANAGUTAN?

MAKATAONG
KILOS
ANO NGA BA ANG KILOS NA DAPAT
PANAGUTAN?

KAALAMAN KALAYAAN KUSA

MAKATAONG
KILOS
P
A
G
KUNG KUNG ANO
ANG P
A
ANO
KALALABASAN
NG ATING P
GINAWANG
TAYO KILOS
A
S
Y
A
AYON SA MORAL NA
PAGPAPASYA AT
PAGIGING
MAPANAGUTAN
Mapapansin mo na sa
bawat oras at araw,
ikaw ay nagsasagawa
ng pagpapasiya
magsisimba maglalaro
mag-aaral tatambay
Gawaing
bahay matutulog
Naging madali
ba ito sa iyo?
Napansin mo ba ang
naging epekto nito sa
iyo at sa iyong
kapuwa
MABUTI
MASAMA
Sometimes
It’s the SMALLEST
DECISIONS that
can CHANGE your
LIFE FOREVER

-Keri Russell
MABUTING KILOS
Itinuturing na mabuti ang isang
makataong kilos kung ginamit ang
ISIP upang makabuo ng mabuting
layunin at ang KILOS-LOOB upang
isagawa ito sa mabuting
pamamaraan.
MABUTING MABUTING
LAYUNIN PAMAMARAAN

MABUTING
KILOS
MABUTING MASAMANG
LAYUNIN PAMAMARAAN

MASAMANG
KILOS
MASAMANG MABUTING
LAYUNIN PAMAMARAAN

MASAMANG
KILOS
MASAMANG MASAMANG
LAYUNIN PAMAMARAAN

MASAMANG
KILOS
“MAS MABUTI KUNG
ANG BAWAT PASIYA
AY NAKABATAY SA
MABUTING
PAGKILOS.”
ALAM NIYO BA KUNG ANO ITO?
IKAW ANG MAY HAWAK NG
MANIBELA NG BUHAY MO.

SAAN DIREKSIYON NG
BUHAY ANG NAIS MONG
PATUNGUHAN
DESTINATION

DESTRUCTION
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino,
ang makataong kilos ay may
labing dalawa (12) yugto.
Nahahati ito sa dalawang
kategorya: ang isip at kilos-
loob.
Ang yugto ay pagkakasunod-
sunod(sequence) ang
pagsasagawa ng makataong
kilos.
ISIP KILOS-LOOB
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin
3. Paghuhusga sa nais
makamtan 4. Intensyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng
paraan
6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga
sa pinili 8. Pagpili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng
layunin 12. Bunga
Sitwasyon: Nakakita si Alvin ng isang
bagong modelo ng
cellphone sa isang mall kung saan
siya napadaan at namili ng groceries.
Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay
mayroon na nito.
ISIP KILOS-LOOB
Pagkaunawa sa layunin Nais ng layunin
1. PAGKAUNAWA SA LAYUNIN
(simple apprehension of the good)
- ang pagkaunawa ng tao sa isang bagay na
gusto o kaniyang ninanais, masama man ito o
mabuti
Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na
bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.
ISIP KILOS-LOOB
Pagkaunawa sa layunin Nais ng layunin
2. NAIS NG LAYUNIN
(simple volition to acquire it)
- pagsang-ayon ng kilos-loob kung ang nais ng isang
tao ay mabuti. Nag-iisip dapat ang tao kung ang
ninanais ba ay naaakma o may posibilidad.
Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang
pagkakaroon ng pagnanasa rito. Nag-iisip na siya
kung saan kukuha ng pera para mabili ito.
ISIP KILOS-LOOB
Paghuhusga sa nais makamtan Intensyon ng layunin

3. PAGHUHUSGA SA NAIS MAKAMTAN


(a judgement that the good is possible)
- sa yugto na ito ay hinuhusgahan ng isip ang
posibilidad na maaaring makuha o makamit ang
ninanais.
Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang magkaroon
ng bagong modelo ng cellphone.
ISIP KILOS-LOOB
Paghuhusga sa nais makamtan Intensyon ng layunin
4. INTENSYON NG LAYUNIN
(an intention to achieve the object)
- ang pagsang-ayon ng kilos-loob ay magiging isang
intensiyon kaya ang tao ay may intensiyon na makuha
ang bagay na kanyang ninanais at kung paano ito
makamit
Nag-isip pa siya ng ibang alternatibo tulad ng paghiram
ng pera sa barkada, ang moral na kilos ay nagpapatuloy
ISIP KILOS-LOOB
Paghuhusga sa nais makamtan Intensyon ng layunin
Kailangan niyang pumili, bilhin niya ang bagong modelo ng
cellphone o hayaang maubos ang pera para sa kaniyang pag-
aaral sa kolehiyo. Kung itinigil na niya ang ideya na bilhin ang
cellphone, natatapos na rito ang moral na kilos.
Ngunit, kung nag-isip pa siya ng ibang alternatibo tulad ng
panghihiram ng pera sa mga kaibigan o barkada, ang moral na
kilos ay nagpapatuloy
Pinag-iisipan na niya ngayon ang ibat ibang paraan upang mabili
ang bagay na iyon. Bibilhin ba niya ito ng cash o installment? O
nanakawain ba niya ito?
ISIP KILOS-LOOB
Masusing pagsusuri ng paraan Paghuhusga sa paraan

5. MASUSING PAGSUSURI NG PARAAN


(an examination of these means)
- pinag-iisipan at sinusuri ng tao ang mga
paraan upang makamit ang kanyang layunin.
Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang gagawin ay
nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga nasabing
pagpipilian.
ISIP KILOS-LOOB
Masusing pagsusuri ng paraan Paghuhusga sa paraan
6. PAGHUHUSGA SA PARAAN
(consent of the will to these means)
- ang pagsang-ayon ng kilos-loob sa mga posibleng
paraan upang makamit ang layunin.
Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang
pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga,
pagbabayad paunti-unti, o pagnanakaw; pagkatapos ay
huhusgahan niya ang pinakamabuti sa lahat.
ISIP KILOS-LOOB
Praktikal na paghuhusga sa pinili Pagpili

7. PRAKTIKAL NA PAGHUHUSGA SA PINILI


(deliberation of the fittest means)
- sa yugto na ito ay tinitimbang ng isip ang
pinaka-angkop at pinakamabuting paraan.
Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng
pinakamabuting paraan.
ISIP KILOS-LOOB
Praktikal na paghuhusga sa pinili Pagpili

8. PAGPILI (a choice of these means)


-ang pagpili ng kilos-loob sa pamamaraan
upang makamit ang layunin.
Dito ay pumapasok na ang malayang
pagpapasiya na kung saan ang kaniyang isip ay
nag-uutos na bilhin ang nasabing cellphone.
ISIP KILOS-LOOB
Utos Paggamit

9. UTOS
(command: the ordering of the act)
- ang pagbibigay ng utos mula sa isip na
isagawa kung ano man ang intensiyon.
Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito
agad.
ISIP KILOS-LOOB
Utos Paggamit

10. PAGGAMIT
(active execution or performance)
- dito ginagamit na ng kilos-loob ang kanyang
kapangyarihan sa katawan at sa mga pakultad na
taglay ng tao upang isagawa ang kilos
Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba
ang kaniyang isinagawang kilos.
ISIP KILOS-LOOB
Pangkaisipang kakayahan ng layunin Bunga
11. PANGKAISIPANG KAKAYAHAN NG LAYUNIN
(the exercise of these faculties or power)
- pagsasagawa sa utos ng kilos-loob gamit ang
kakayahan ng pisikal na katawan at pakultad na
kakanyahan ng tao.
Ngayon ay ikatutuwa niya ang pagtatamo niya
ng cellphone.
ISIP KILOS-LOOB
Pangkaisipang kakayahan ng layunin Bunga
12. BUNGA
(delectation of the will; satisfaction with achieving the end)

-kaluguran ng kilos-loob sa
pagtatapos ng kilos.
Ito ang resulta ng ginawang
pagpapasiya.
Sa katunayan, ang moral na
kilos ay nagtatapos na sa
ikawalong yugto – ang pagpili.
Kung kaya’t kailangan ng
masusing pagninilay bago
isagawa ang pagpili.
Moral na pagpapasiya
Ito ay isang proseso kung saan
malinaw na nakikilala o nakikita ng isang
tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-
bagay.
Ito ay mahalaga sapagkat dito
nakasalalay dito nakasalalay ang ating
pagpili.
Simula nang magkaroon ng isip ang tao
hanggang sa kaniyang kamatayan,
nagsasagawa siya araw-araw ng pagpapasiya.
Ang malaking tanong ayon kay Fr. Neil Sevilla;
NAAAYON BA ANG PAGPAPASIYANG ITO
SA KALOOBAN NG DIYOS? Naisasama ba ng
tao ang DIYOS sa bawat pagpapasiya na
kaniyang ginagawa?
GAWAIN
Panuto: Hanapin sa Hanay B kung anong
yugto ng makataong kilos ang tinutukoy sa
Hanay A. Isulat ang sagot sa patlang.
Sitwasyon: Nakita ni Rowena ang facebook
post ng kaniyang kaibigan na nasa galaan
kahit ang lungsod ay nakapailalim pa sa
General Community Quarantine.
J

I
F

D
K

L
MGA
HAKBANG SA
MORAL NA
PAGPAPASIYA
MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA
Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon,
napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago ka
magsagawa ng pagpapasya. Makatutulong sa iyo ang
Proseso ng Pakikinig (LISTEN PROCESS).
Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang
tamang konsiyensiya. Ito rin ang magsisilbing gabay
sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at
mula rito ay matututuhan mo na ang moral na
pagpapasya ay isang kakayahan na may malaking
kontribusyon sa anomang moral dilemma.
MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA
L- Mangalap ng patunay (Look for the facts).
Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang
ay tanungin mo na agad ang iyong sarili.
I- Isaisip ang mga posibilidad (Imagine
possibilities).
Mahalaga na tingnang mabuti ang mga
posibilidad na mga pagpipiliang magagawa
para sa sitwasyon. Dito ay kailangang makita
kung ano ang mabuti at masamang
kalalabasan nito. Ano ang maaaring maging
epekto nito hindi lamang sa sarili kundi para sa
ibang tao.
Halimbawa:
May nakita kang wallet sa lamesa na
may lamang isang libo
Maaring
makulong ako Kawawa
kung nalaman naman siya
nila na kinuha baka kailangan
ko ang perang niya ang pera.
ito.
S- Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight
beyond your own).
Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon
ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo
pa ring maghanap ng mga
magagandang kaalaman na maaaring
makapagbigay sa iyo ng inspirasyong
makagawa ng tamang pagpapasiya.
Halimbawa:
Maaari mong
tanungin ang
iyong sarili. Ito ba
ang nais ng Diyos
na gawin ko? Ito
ba ay naaayon sa
kaniyang
kautusan?
T- Tingnan ang kalooban (Turn inward).
Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban
tungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng
iyong konsensiya? Ano ang personal mong
nararamdaman ukol sa sitwasyon? Ang
lahat ng katanungan ay kailangan mong
sagutin sapagkat sa anumang pasiya na
iyong gagawin, kailangan na ikaw ay
magiging masaya.
E- Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
(Expect and trust in God’s help).
Tanging ang Diyos
lamang ang nakaaalam
ng pinakamabuti para sa
atin, kaya’t
napakahalaga na
tumawag sa Kaniya sa
pamamagitan ng
panalangin. DEVELOP PRAYER AS YOUR HABIT
DEVELOP PRAYER AS YOUR HABIT
EXPECT
AND
TRUST IN
GOD’S
HELP
N- Magsagawa ng pasiya (Name your decision).
Dito ay magsasagawa ka na ng
pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong
sarili kung bakit mo ito pinili. Ano ang iyong
mga plano sa iyong ginawang pagpili? Ikaw ba
ay masaya rito? Ito ba ay batay sa moral na
pamantayan? Makatutulong ang mga tanong
na ito upang kung mayroon ka pang agam-
agam o pagkalito sa iyong pipiliin, ay
mapagnilayan mo itong mabuti.
TANDAAN
Tao lamang ang binigyan ng ISIP AT
KILOS-LOOB. Ito ay para gamitin sa
pagsasagawa ng mabuting pasiya at
kilos na nagpapakita ng pagmamahal
hindi lamang sa kapwa kundi lalo’t higit
sa DIYOS.
Bawat kilos at pasiya na gagawin
mo ay may epekto sa iyong sarili at
kapwa kung kaya’t kailangan na ito
ay isagawa nang maingat gamit ang
talino na ibinigay ng Diyos.
GAWAIN
Panuto: Gumuhit ng isang editorial
cartoon na nagpapakita ng makataong
kilos sa panahon ng pandemya.
Pagkatapos, sumulat ng isang maikling
paliwanag tungkol dito. Gawin ito sa isang
malinis na bond paper.
RETROSPECT BATANG BATANGUEÑO CHALLENGE/TASK:
(Ikalima at Ikaanim na Linggo)
Isipin ang mga maling pasya na naisagawa sa sumusunod:
pamilya, kaibigan, pag-aaral, baranggay, at simbahan. At isulat
kung paano mo ito iwawasto.
Ibahagi ito sa Anselmo A. Sandoval Memorial NHS –
Retrospect Batang Batangueño. Lagyan ito ng maikling
paliwanag at ng alinman sa mga sumusunod na hashtag.
#RBB
# RBB Challenge
# Retrospect Batang Batangueño
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like