You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

UNANG MARKAHAN

MODYUL 4: PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS


MORAL

♥SAPULIN
Ang konsensiya ay ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali. Ngunit
naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano nga ba nalalaman ng konsensiya kung tama o
mabuti ang isang kilos samantalang mali o masama ang iba? Saklaw ng paghubog ng ating
konsensiya ang mga angkop na kilos na dapat na ipakita kapag tayo ay nakagagawa ng pasiya.
May pagkakataon tayong itama ito upang sa ganoon ay magampanan ng konsensiya ang tunay
nitong papel sa ating pagkatao.

Pagkatapos mong isagawa ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas


mo ang mga sumusunod:

2.3 Napatutunayan na ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay


nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos (EsP10MP-Ic-2.3)
2.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasiyang ginawa
(EsP10MP-Ic-2.4)

ARALIN 1: ANG PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS


MORAL

♥LAKBAYIN

Ano ang konsensiya?


Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos
sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang konkretong
sitwasyon.

Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral?


➢ Sinusuri ng konsensiya ang kilos kung ito ay tama o mali.
➢ Sa pamamagitan ng konsensiya, nakagagawa ang tao ng pagpapasiya at nasusunod ag Batas
– Moral sa kaniyang buhay.
➢ Ang konsensiya ang pamnatayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa
ayon sa Likas na Batas Moral na siya naming batayan upang malaman ang mabuti at
masama sa natatanging sitwasyon.
➢ Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad

Mga Antas ng Paghubog ng Konsensiya


1. Ang antas ng likas na pakiramdam at reaksyon. Nagsisimula ito sa pagkabata. Dahil
hindi pa alam ng bata kung ano ang tama at mali, umaasa lamang siya sa mga
paalala, paggabay at pagbabawal ng kaniyang mga magulang o ng mga mas
nakatatanda
2. Ang antas ng superego. Habang lumalaki ang isang bata malaki ang bahaging
ginagampanan ng isang taong may awtoridad sa kaniyang mga pasya at kilos.
Itinuturo sa bata kung ano ang ipinagbabawal sa lipunan at nagiging bahagi na ito ng
kanyang buhay hanggang sa kamatayan

Ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004), mahuhubog ang konsensiya ng tao upang kumiling ito
sa mabuti kung susundin ang mga sumusunod na hakbang:
1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan.
Maipapakita ang pananagutan sa kilos ng tao kung gagawin niya ang mga susmusunod:
a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sagkot sa isang
kilos
b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos sa mabuting layunin
at hindi mula sa makasariling interes
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon sa buhay
d. Alamin at unawain ang mga talakayn tungkolsa mga napapanahong isyung moral at
mga implikasyong panlipunan ng mga ito

2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin.

ARALIN 2: MALING PASYA, AKING ITATAMA!

♥LAKBAYIN

Ang pagpapasya
Ang pagpapasya ay ang pagpipili ng aksyon, kilos na gfagawin o tugon ayon sa
kinakaharap na sitwasyon. Maaring tama o mali ang pasya ng isang tao.

Ayon sa Wikipedia, ang mga pagpapasya o pagpili na isinasagawa sa mental na paraan ay


nagbubunga ng isang galaw o aksiyon o kaya sa napiling opinyon. Karaniwang hinahangad ng
bawat nilalang ang tamang pasya. Kaya’t ang pagpapasya ay ginagamitan ng malalim at
malawak nap ag – iisio pang makabuo ng angkop na at tamang pasya ang isang tao. Kung
nahihirapan pa rin siyang magpasya, makakatulong ang pagsangguni sa mga mas
nakatatatanda upang mabigyan linaw ang pasyang dapat na isagawa.

Araw-araw tayong bumubuo at gumagawa ng pasya. Mula sa mga karaniwan hanggang


sa masalimuot na pagpapasya. Ang pagbuo ng pasya ay maaring tama o kaya naman ay
nagangailangan ng pagtatama. Gamit ang ating konsensiya, malaya nating itama ang mga
maling pasiya na ating ginawa. Gamitin nating mga gabay ang mga pagpapahahaga,
panuntunan o mga patakaran na siyang makatutulong sa ating pagpapasya.

MGA SALIK SA PAGPAPASYA

1. Impormasyon at Sitwasyon – mga bagay na maingat na sinusuri bago magpasya.


2. Gabay / Payo – salik ng pagpapasya na nagbibigay pangaral mula sa magulang o mga
nakattanda
3. Pagkakataon – nailaan na panahon para isagawa ang pasya

You might also like