You are on page 1of 1

Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral

Noong bata ka pa, naniwala ka ba na ang konsensiya ay isang anghel na bumubulong sa ating
tainga kapag tayo ay gumagawa ng hindi mabuti? O itinuturing mo ito bilang “tinig ng Diyos” na
kumakausap sa atin sa tuwing magpapasiya tayo? Anuman ang iyong paniniwala, hindi natin
makalilimutan ang payo ng mga nakatatanda na sundin ang ating konsensiya. Pero paano natin
masisigurado na tama ang sinasabi ng ating konsensiya?
Naunawaan mo sa Baitang 7 na ang konsensiya ang isa sa mga kilos ng isip na nag-
uutos o naghuhusga sa mabuting dapat gawin o sa masamang dapat iwasan. Malaki ang
bahaging ginagampanan nito sa pagsisikap ng tao na makapagpasiya at makakilos nang
naaayon sa kabutihan. Ngunit paano ba nalalaman ng konsensiya ang mabuti at masama, ang
tama at mali? Paano natin huhubugin ito upang kumiling o tumungo ang ating mga pasiya at
kilos sa kabutihan?
Sa ating buhay, humaharap tayo sa maraming katanungan gaya ng “ano,” “alin,”
“paano,” at “bakit.” Kailangang gumawa tayo ng mga pasiya mula sa ating pagkagising sa
umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ang ilan sa mga pasiyang ginagawa natin ay maituturing
na pangkaraniwan lamang, samantalang ang iba ay may kabigatan dahil nakasalalay sa mga ito
ang pagbuo ng ating pagkatao at ang kapakanan ng kapuwa. Sa mga sitwasyong nabanggit,
ginagamit natin ang ating konsensiya. Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng
moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa kabutihan. Marahil ang pinakatumpak
at pinakasimpleng paliwanag sa konsensiya ay ang praktikal na paghuhusga ng isipan na
magpapasiya na gawin ang mabuti at iwasan ang masama (Lipio, 2004, ph. 2).
Sa puntong ito, susubukan nating palalimin at palinawin ang galaw ng konsyensiya ng
isang tao. Sa pag-unawa nito, makapagbibigay tayo ng paliwanag kung paano nagiging gabay
ang konsensiya sa tamang pagpapasiya at pagkilos.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any
form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without
written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. DEPED COPY 50
Pag-isipan:
1. Paano nalalaman ng konsensiya ang tama at mali?
2. Paano mahuhubog ang konsensiya upang piliin ang mabuti?

You might also like